You are on page 1of 2

“Isang Bote”

Niyari sa pinakapinong materyal


Hinubog sa isang babasaging lalagyan
Sisidlan ng likidong bumubuhay
Sa uhaw at nanunuyong malay

Isa kang matigas na hulmahan


Sisidlan ng malaki’t maliit na karunungan
Ika’y mababasag kapag ‘di iniingatan
Tulad ng ating buhay, mahalin at
pahalagahan
Naisip baka ako’y masaktan
Dala ng bubog na kinahantungan
Ngunit mayroon ding panghihinayang
Pagkakaibigang wagas tuluyang nawasak
Boteng walang laman
Huwag panghinayangan
Puwedeng lagyan ng laman
Upang lahat makinabang
Nagsimula sa hamak
Muling binigyang-buhay
Heto ka na ngayon
Pakinabang habambuhay

You might also like