Na mula sa Batibot ang sentro ng Turismo, Kung ‘di ang Disneyland kung nasaan Sina Mickey Mouse at Donald Duck. Ano bang tatak ng pantalon mo? Lee, Bench, Guess, Diesel o Girbaud? Wala d’yan! Levi’s pa rin ang namamayagpag sa mundo. Madalas dinidikta ng mga patalastas Sa telebisyon, sa radio, Nailalathala sa dyaryo, O maging higanteng billboard Kung ano ang dapat mong isipin Kung ano ang dapat mong gawin Kung ano ang dapat mong kainin At syempre kung ano ang dapat mong tangkilikin. Talaga? Oo. kaya di na ako nagugulat, Kung bakit ang natural na kulot ay pilit nagpapaunat, Kung bakit ang maitim ay pilit nagpapaputi At kung bakit ang matataba ay pilit na nagpapapayat. Nagbago na kasi ang batayan ng kung ano ang maganda At dapat. Kung dati Salamat sa Diyos Ngayon Salamat sa Doctor ko. Mahirap mabuhay ngayon, lalo pa’t ang tagumpay Ay sinusukat hindi sa kung ano ang nagawa mo, Kung’di magkano ang kinikita mo, At kung anong material na bagay na nasa iyo. Tama! Pera na ang nagpapaikot ng mundo Sobrang talino na rin ng mga ng mga tao. Lahat gustong maimbento, Kahit nakakaperwisyo. Kung dati baril at bala ang labanan, Ngayon armas nukleyar. Hindi naman nagbago ang mundo, tao lang ang hindi makuntento.