You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao I

Ikatlong Markahan

I. Layunin (2 araw)
 Natutukoy ang mga paraan ng pagtitipid at matalinong paggamit ng tubig
II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Wastong Paraan ng Pagtitipid ng Tubig
B. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao I (Manual ng Guro pp. 127-128)
C. Mga Kagamitan: Mga Larawan, cuts-out ng bulaklak at dahon, Masaya at
malungkot na
mukha tsart ng rubrics.
D. Pagpapahalaga: Pagiging Matipid
E. Tema: Pagkalinga sa Kapaligiran
III. Mga Gawain
A. Panimulang Gawain
1. Checking of Attendance
2. Pagpansin sa Kalinisan
 Papansinin ang bahagi ng katawan na napili ng magkaparehang mag-
aaral tulad ng kuko
 Itataas ang cuts-out na bulaklak kung malinis ang kuko ng kapareha
at dahon kung hindi
 Pagbibigay ng mga hakbang upang manatili ang pagiging malinis nito
3. Pansaloobing Pagsasanay
Tumayo kung mabuti ang Gawain at manatiling nakaupo kung hindi
mabuti ang
Gawain
a. Sinasabi ang tunay na halaga ng binili
b. Sinasauli ang hiniram na gamit
c. Nagpapasalamat sa may ari ng hinram na bagay.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Anu-ano ang gamit ng tubig?
Ipakita ang mga larawan ng mga sumusunod:
Naglalaba, Naguhugas ng pinggan, Nagsisipilyo Naliligo
2. Paglalahad
Pagbasa sa isang kwento: Si Sendong Aksaya

Si Sendong Aksaya

Si Sendong ay tagahugas ng pinggan sa kanilang tahanan.


Pagkatapos kumain isa-isa niyang hinugasan ang mga kasangkapang
ginamit. Mayroon siyang isang palangganang sahuran ng tubig. Pero kahit
puno na ang tubig ng Palanggana hindi parin niya sinasara ang gripo kung
kaya naaksaya ang tubig. Tapon ng Tapon ng tubig mula sa umaapaw na
palanggana.
3. Talakayan
a. Anong pag-uugali ang ipinakita ni Sendong?
b. Mabuti ba ang ginagawa niya?
c. Ano ang dapat gawin ni Sendong upang hindi maaksaya ang tubig
d. Mahalaga ba ang tubig? Bakit?
e. Pagpapahalaga: Bakit kailangang gumamit tayo ng palanggana o timba
kung tayo
ay maglalaba o kaya ay sa paliligo?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Ang bawat pangkat ay magpapakita ng isang dayalogo kung
paano makatitipid sa
tubig. Ang pangkat na maraming maipapakitang paraan kung
paano magtipid ng
tubig ay siyang bibigyan ng tig-iisang cuts out ng bituin.
2. Paglalahat
Pagbibigay ng Pangako
Simula ngayon magtitipid na ako sa paggamit ng tubig. Isasara
ko ang gripo kung puno na ng tubig ang aking lalagyan. At
isasara ko ng mahigpit ang gripo pa walang tubig na maaaksaya.

IV. Rubrics
Pangkat I Pangkat II Pangkat III Pangkat IV
1. Naipakita ba
ng bawat pangkat
ang tamang
pagtitipid ng tubig

2. Lahat ba ng
kasap ng bawat
pangkat ay may
partisipasyon.

- Magaling na Magaling
- Magaling

V.Takdang Aralin
Gumupit ng mga larawan kung paano ang pagiging matipid sa paggamit ng
tubig.

You might also like