You are on page 1of 6

Mga pangunahing tauhan :

Florante
Makisig na binatang anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ang pangunahing tauhan ng awit.
Halal na Heneral ng hukbo ng Albanya. Magiting na bayani, mandirigma at heneral ng hukbong
magtatanggol sa pagsalakay ng mga Persiyano at Turko.

LAURA
Anak ni Haring Linceo at ang natatanging pag-ibig ni Florante. Tapat ang puso sa pag-ibig ngunit aagawin
ng buhong na si Adolfo.

Adolfo
Anak ng magiting na si Konde Sileno ng Albanya. Kabaligtaran ng kanyang ama, si Adolfo ay isang taksil
at lihim na may inggit kay Florante mula nang magkasama sila sa Atenas. Siya ang mahigpit na karibal ni
Florante sa pag-aaral at popularidad sa Atenas. Ang malaking balakid sa pag-iibigan nina Florante at
Laura, at aagaw sa trono ni Haring Linceo ng Albanya.

Aladin
Isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya. Anak ni Sultan Ali-adab. Mahigpit na kaaway ng bayan at
relihiyon ni Florante, ngunit magiging tagapagligtas ni Florante.

Flerida
isang matapang na babaeng Moro na tatakas sa Persiya para hanapin sa kagubatan ang kasintahang si
Aladin. Siya ay magiging tagapagligtas ni Laura mula kay Adolfo.

Menandro
Ang matapat na kaibigan ni Florante. Mabait at laging kasa-kasama ni Florante sa digmaan.

Duke Briseo
ang mabait na ama ni Florante. Taga-payo ni Haring Linceo ng Albanya.

Prinsesa Floresca
Ang mahal na ina ni Florante.

Haring Linceo
hari ng Albanya at ama ni Prinsesa Laura.

Antenor
ang mabait na guro sa Atenas. Guro nina Florante, Menandro at Adolfo. Amain ni Menandro.
Konde Sileno
Ang ama ni Adolfo na taga-Albanya

Heneral Miramolin
Heneral ng mga Turko na lumusob sa Albanya.

Heneral Osmalik
Ang heneral ng Persya na lumusob sa Krotona. Siya ay napatay ni Florante.

Sultan Ali-abab
Ang ama ni Aladin na umagaw sa kanyang magandang kasintahang si Flerida.

Menalipo
Ang pinsan ni Florante. Siya ang pumana sa buwitre na sana'y daragit sa sanggol na si Florante.

Hari ng Krotona
Ama ni Prinsesa Floresca at lolo ni Florante.
Buod ng Florante at Laura

Sa umpisa ng Florante at Laura, matatagpuan natin si Florante (anak nina Duke Briseo at ni Prinsesa
Floresca) na nakagapos sa puno ng higuera (Fig Tree) sa kagubatan sa labas ng Albanya. Napapaligiran
siya ng dalawang leon, na handa nang dambahan si Florante.
Sa kabutihang palad, naglalakad din sa kagubatan si Aladin, isang Morong taga-Persya. Anak siya ni
Sultan Ali-Adab. Nilisan niya ang kanyang sariling bayan, sapagkat inagaw sa kanya ng sariling ama si
Flerida, ang kasintahan ni Aladin.
Narinig ni Aladin sa mga sigaw ni Florante ang mga kuwento ng mga kasamaang ginawa sa Albanya,
ang pagpatay sa hari at ng mga ka-alyado nito, at ang di umano’y pagtataksil ni Laura (kasintahan ni
Florante). Natagpuan ni Aladin si Florante, at pinatay niya ang mga leon bago pa nila nasaktan si
Florante.
Tinulungan niya si Florante sa pagkagapos nito, ang magdamag niyang binantayan.
Ikinuwento ni Florante na pinadala siya sa Atenas nuong siya’y 11 taong gulang upang mag-aral. Duon
niya nakilala ang kanyang kababayang si Adolfo, na siyang anak ni Conde Sileno. Si Adolfo ay
hinahangaan ng kanyang mga guro, pati na rin ng sampu niyang kamag-aral, sapagkat si Adolfo ay
mabait at napakatalino.
Subalit pagkaraan ng anim na taon, nahigitan ni Florante si Adolfo at duon lumabas ang tunay na kulay
nito. Sa isang dula-dulaan, tinangka ni Adolfo na totohanang tagain si Florante. Mabuti na lang at niligtas
si Florante ni Menandro, ang pamangkin ng gurong si Antenor. Kinabukasan, pinauwi si Adolfo sa
Albanya.
Nanatili si Florante sa Atenas ng isa pang taon, nang makatanggap siya ng sulat mula sa kanyang ama.
Ang balita ay pumanaw na raw ang ina ni Florante. Pagkaraan ng dalawa pang buwan, nakatanggap muli
ng liham si Florante — pinapauwi na siya sa Albanya.
Nung pauwi na si Florante, humingi ng saklolo sa kanya ang hari ng Krotona, sapagkat ang kaharian nila
ay sinasalakay ng hukbong Persiya, sa pamumuno ni Heneral Osmalik. Ipinakilala ni Duke Briseo si
Florante kay Haring Linceo, at si Florante ay ginawang kumander ng hukbong Krotona.
Sa palasyo, nakilala ni Florante si Laura, ang napakagandang anak ni Haring Linceo. Bago siya sumali
sa digmaan, ipinahayag ni Florante kay Laura ang kanyang saloobin.
Nagapi ni Florante si Heneral Osmalik sa loob ng limang oras. Nanatili naman si Florante sa Krotona ng
limang buwan pa.
Dahil sa nais na niyang makapiling si Laura muli, bumalik si Florante sa Albanya. Nagtaka siyan nang
madatnan niyang nagwawagayway ang bandilang Moro sa kanyang kaharian. Laking gulat na lang niya
nang makita niyang pupugutan na ng ulo ang isang babae.
Kinalaban ni Florante ang hukbong Persya (sa pamumuno ni Aladin), at pinalaya niya ang kanyang
bayan, pati na rin sina Haring Linceo, Duke Briseo, at Adolfo (na nakapiit nuon sa kulungan).
Sinalakay naman ni Miramolin ang Albanya, ngunit nabigo sila kay Florante. Pagkatapos ng labanan, 17
na hari ang sumuko kay Florante.
Siguro napagod si Florante, kaya nagbakasyon muna siya sa Etolia.
Isang araw, nakatanggap muli siya ng sulat mula sa hari — pinapabalik siya muli sa Albanya.
Pagbalik ni Florante sa kanyang kaharian, hinuli siya ng hukbong Albanya (30,000 ang bilang ng mga
sundalo). Malamang kinakabahan sila gawa ng military record ni Florante, kung kaya’t medyo “overkill”
ang paghuli sa kanya.
Ipiniit si Florante sa kulungan (utos ni Adolfo, na siyang pasimuno ng kudeta, at siya ring pumatay kay
Haring Linceo at Duke Briseo habang malayo si Florante).
Pagkaraan ng 18 na araw, pinagapos si Florante sa puno duon sa gubat upang kainin siya ng mga
mababangis na hayop. Masuwerte siya at kahit dalawang araw nang nakalilipas, hindi pa siya kinakain ng
mga hayop. At higit na mapalad siya nang dumating si Aladin, sapagkat nagugutom pala ang leon kapag
dalawang araw na silang hindi kumakain.
Habang nagkwekwentuhan si Florante at Aladin, nakarinig sila ng dalawang babaeng nag-uusap.
Unang Babae: “Nung narinig ko na pupugutan ang aking kasintahan, pumayag ako na magpakasal sa
Sultan basta’t hindi na matutuloy ang parusang kamatayan. Buti na lang ang pinalaya ang mahal ko.
Nung gabing iyon, nagsuot sundalo ako at tumakas ako. Ilang taon na rin akong pagala-gala bago kita
natagpuan dito sa gubat.”
Ikinuwento naman ni Laura ang mga nangyari sa Albanya habang wala si Florante: Inagaw ni Adolfo ang
trono, pinugutan ng ulo ang hari at ang mga ka-alyado nito. Sinabi rin ni Laura na sinubukan niyang
padalhan ng liham si Florante para malaman niya ang mga kaganapan sa Albanya.
Sinabi rin niya na naghayag ng pag-ibig si Adolfo, at humingi si Laura ng 5 buwan upang pag-isipan ito.
Dahil sa hindi makuha ni Adolfo ang puso ni Laura, pinagtangkaan na lang niyang gahasain ito… sa
gubat. Makalipas ang dalawang araw lamang mula nung ipinagapos si Florante sa puno. Mga 20 araw
lamang matapos na mahuli si Florante.
Hindi niya binigyan si Laura ng 5 buwan. Ni panugit na isang buwan.
Mabuti na lang at naglakad si Flerida sa gubat. Nakita niya si Adolfo, at dahil batid niya ang mga hangarin
nito, ay pinana niya si Adolfo, at dahil batid niya ang mga hangarin nito, ay pinana niya si Adolfo haggang
ito’y namatay.
Nagkita-kita ang apat na magkasintahan.
Natagpuan silang apat ni Menandro at ng hukbong naghahanap kay Adolfo. Laking tuwa na lamang nina
Menandro nang matagpuan nilang buhay pa sina Florante at Laura.
Hindi nagtagal, nagpakasal si Florante at Laura, at sila’y naging hari at reyna ng Albanya. Nagpabinyag
naman sina Aladin at Flerida, nagpakasal din, at bumalik sa Persya upang mamuno sa kanilang kaharian.
Cecilia Munoz-Palma
Si Cecilia Muñoz-Palma (Nobyembre 22, 1913 — Enero 2, 2006) ay ang kauna-unahang babaeng
naitalaga sa Kataastaasang Hukuman ng Pilipinas. Itinalaga siya sa Kataastaasang Hukuman ng
Pilipinas ni Pangulong Ferdinand Marcos noong 29 Oktubre 1973, at naglingkod hanggang sa abutin niya
ang nakatakdang edad ng pagreretiro, ang gulang na 65. Si Munoz-Palma ang nagsilbi ding pangulo
ng Komisyong Konstitusyonal ng 1986 na nagbalangkas ng Konstitusyon ng Pilipinas.

Siya rin ang kauna-unahang babaeng nanguna sa pagsusulit ng pagkamanananggol noong 1935, na
may puntos 92.6 bahagdan. Bukod sa pagiging isang hukom ng Korte Suprema, siya man ang naging
unang babaeng Pilipinong prosekutor noong 1947, ang unang hukom sa Korte ng Unang Pagkakataon
(Cour of First Instance) noong mga 1950, at unang babaeng pangulo ng isang komisyong konstitusyonal
noong 1986.
Cecelia Ahern
Bago embarking sa kanyang karera sa pamamagitan ng pagsulat, Cecelia Ahern
makumpleto ang isang degree sa journalism at Media Communications. Sa dalawampu't-isa na taong
gulang, siya ay nagsulat ng kanyang unang nobelang, PS, Mahal kita na agad naging isang pang-
internasyonal na bestseller at iniangkop sa isang pangunahing larawan paggalaw starring Hilary
rangya. Ang kanyang mga kasunod na nobelang, Saan Rainbows End , Kung Puwede mo Tingnan Me
Ngayon , Lugar na Ang Tinatawag Narito , Salamat para sa mga ang memory , Ang
Regalong at Ang Book ng Bukas ay din mga bestsellers kasama sa kanyang koleksyon ng mga
maikling kuwento, babae sa mirror .
Cecelia kapwa-nilikha ang ABC Emmy Award nananalo TV komedya Samantha Sino? , sagisag
ng Tatlong Wise Women, at inangkop ang kanyang sariling novella, Mrs mahagupit , para sa
entablado. Ang ang Cecelia ng mga libro ay nai-publish sa 46 bansa at ibinebenta sama-sama higit sa 13
milyong mga kopya.Siya nakatira sa Dublin sa kanyang pamilya.

You might also like