You are on page 1of 64

PAMAMAYAGPAG SA TAGUMPAY: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL SA

PAGHAHANDA SA BOARD EXAM NG MGA TOPNOTCHER

Isang Pananaliksik na Iniharap sa Tesis

Komiti ng Kagawaran ng Edukasyon

UM Tagum College, Tagum City

Bilang Parsyal na Pagtupad sa mga Pangangailangan

para sa Digring Batsilyer ng Sekondarya

Medyor sa Filipino

MARY GRACE S. CABAHUG

RHOJEAN MAE B. LUMANTAS

EMMIE S. SEDULLO

Oktubre 2016
DAHON NG PAGTANGGAP AT PAGPAPATIBAY

Itong tesis na pinamagatang “PAMAMAYAGPAG SA TAGUMPAY: ISANG


KWALITATIBONG PAG-AARAL SA PAGHAHANDA SA BOARD EXAM NG MGA
TOPNOTCHER” ay inihanda at iniharap nina MARY GRACE S. CABAHUG, RHOJEAN
MAE B. LUMANTAS at EMMIE S. SEDULLO bilang bahagi ng pagtupad sa mga
pangangailangan sa digring Batsilyer ng Sekundarya ay sinuri at pinagtibay.

MONALISA O. CHAGAS, Ed.D

Tagapayo

___________________________________________________________

LUPON NG TAGASURI

Inaprubahan ng tesis komite sa pasalitang pagsusulit na may markang _______.

SUSAN B. DIPOLOG, MAED

Tagapangulo

JOSE ELMER S. OFICIAR, Ph.D MARILYN C. ARBES, Ph.D

Kasapi Kasapi
______________________________________________________________________

Tinanggap at Inaprubahan bilang bahagi ng pagtupad sa mga pangangailangan para sa


pagtamo ng digring Batsilyer sa Sining ng Edukasyon sa Pagtuturo ng Filipino.

PAMELA O. BATIAO, Ph.D GUADALUPE M. DE LEON, Ed.D

Tagapangasiwa ng Programa ng Punong Tagapangasiwa ng

Edukasyon sa Sekundarya Programa ng Edukasyon


GINA FE G. ISRAEL, Ed.D

Dekana ng UM Tagum College

Tagum City

Abstrak

Ang layunin ng penomenolohikal na pag-aaral na ito ay upang malaman ang iba’t ibang
mga paghahandang ginawa ng mga topnotchers bago ang pagkuha ng
panlisensyadong pagsusulit, mga estratehiyang kanilang ginamit sa pagsagot at ang
iba’t ibang naramdaman nila bago, sa panahon, at pagkatapos ng eksam. Ang aming
impormante at partisipante ay ang mga nagsipagtapos sa UM Tagum College na nag-
top sa kanilang iba’t ibang kurso. Sa pag-aaral na ito, kaming mga mananaliksik ay
gumamit ng deskriptib na datos (descriptive data) upang ang aming pag-aaral ay
makakuha ng tiyak na detalye at iba’t ibang kaalaman mula sa mga topnotchers. Ito ay
binubuo lamang ng labing-apat (14) na kalahok. Ang pitong (7) kalahok ay siyang
magiging impormante namin para sa “in-depth interview” at pito (7) naman para maging
partisipante sa “focus-group discussion”. Lumabas sa pag-aaral na ito na kung sapat
ang paghahandang ginawa ng isang indibidwal ay malaki ang posibilidad na maipasa o
makamit niya ang tagumpay sa board eksam lalo na kung may iba’t ibang estratehiya
silang ginamit sa pagsagot.

Mga Susing Salita: Filipino Medyor, Pamamayagpag sa Tagumpay, Topnotcher,


Pilipinas
PAGKILALA

Taos-pusong pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat ang ipinahahayag ng mga


mananaliksik sa lahat ng mga taong hindi nanghinayang na nag-abot ng tulong at
suporta sa kanila sa panahong kanilang ginagawa ang pananaliksik na ito.

Sa kanilang tagapayo, Dr. Mona Lisa O. Chagas at gramaryan na si G. Jimmy S.


Nicolas, sa kanilang lubusang paggabay, walang sawang pagbabahagi ng kaalaman,
suporta at paalala na nakatulong nang malaki sa ikatatagumpay ng pag-aaral na ito.

Sa kasapi ng Lupon ng Tagasuri na sina Prof. Susan B. Dipolog at Dr. Jose Elmer S.
Oficiar at Dr. Marilyn C. Arbes na sumuri at nagbigay ng mga puna at gabay na
nakaambag para sa ikabubuti at ikagaganda ng pananaliksik.

Sa kanilang subject teacher na si Dr. Marilyn C. Arbes, sa kanyang ibinigay na mga


kaalaman at inialay na malaking suporta.

Sa kanilang mga impormante at partisipante na nagbigay ng kanilang oras at walang


pag-aalinlangang nagbahagi ng impormasyon na higit na nakatulong upang
maisakatuparan ang pag-aaral na ito.

Sa kanilang mga magulang, para sa kanilang pinansyal at moral na suporta na


nagpatatag sa kanilang kalooban sa mga panahong hinaharap nila ang mga pagsubok
sa paggawa ng pananaliksik na ito.

At higit sa lahat sa Poong Maykapal, para sa Kanyang biyayang dunong, maayos na


pangangatawan at lakas ng loob na siyang dahilan upang mapagtagumpayan nila ang
gawaing ito.

Maraming salamat sa inyong lahat!

ANG MGA MANANALIKSIK


DEDIKASYON

Taos-puso naming inihahandog ang obrang ito sa Poong Maykapal

na Siyang naging sandigan at pinagkukunan ng lakas

ng loob para patuloy na harapin ang

mga pagsubok sa buhay.

Sa aming MGA MAGULANG

G. at Gng. Socrates S. Cabahug

G. at Gng. Rotchkey L. Lumantas

G. at Gng. Reynaldo C. Sedullo

na tagaagap at inspirasyon namin,

sa MGA GURO

na puspusang gumabay at tumulong.

at sa MGA TAONG

pinaghuhugutan namin ng lakas at inspirasyon.

Ang Tesis na ito’y

iniaalay namin

sa inyo!

Grace

Rhojean

Emmie
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

PAMAGAT i

PAHINA NG PAGTANGGAP AT PAGPAPATIBAY ii

TESIS ABSTRAK iii

PAGKILALA iv

DEDIKASYON vi

TALAAN NG MGA NILALAMAN vii

TALAAN NG MGA TALAHANAYAN x

Kabanata

1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN

Sanligan ng Pag-aaral 1

Layunin ng Pag-aaral 3

Katanungan sa Pananaliksik 3 Pokus na Teoritikal 4

Kahalagahan ng Pag-aaral 6

Kahulugan ng mga Katawagan 6

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 7

Organisasyon ng Pag-aaral 8

2 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA 10


3 METODOLOHIYA

Disenyo ng Pag-aaral 27

Impormante ng Pag-aaral 28

Tungkulin ng mga Mananaliksik 30

Pamamaraan sa Pangangalap 30

ng mga Datos

Pag-analisa ng mga Datos 32

Kridibilidad at Mapagkakatiwalaan 32

ng Pag-aaral

Etikal na Pagsasaalang-alang 34

ng Pag-aaral

4 MGA RESULTA

Pagkategorya ng mga Datos 38

Pagkakilanlan ng mga Impormante 40

at Partisipante

Tema at Buod ng mga Ideya sa mga 47

paghahanda o preparasyon na ginawa ng

mga topotcher upang makamit ang tagumpay

sa panlisensyadong pagsusulit

Tema at Buod ng mga Ideya sa mga 53

estratehiyang ginamit ng mga topnotcher

sa pagsagot sa kanilang eksam

Tema at Buod ng mga Ideya sa mga 58


naramdaman ng mga topnotcher bago,

sa panahon, at pagkataposng eksam

5 DISKUSYON AT KONKLUSYON

Diskusyon 61

Implikasyon sa Pagsasanay 66

Implikasyon sa Susunod na Pananaliksik 68

Konklusyon 69

SANGGUNIAN 71

APENDIKS

Apendiks A. Lliham ng Kahilingan 79

Apendiks B Liham Pahintulot para 80

sa Pananaliksik

Apendiks C Liham para sa mga Partisipante 81

ng Pag-aaral

Apendiks D Focus Group/Inidividual 82

Interview Guide

Apendiks E-I. Pagkakaayos ngTagpuan 84

In-depth Interview

Apendiks E-II. Pagkakaayos ng tagpuan 85

Focus Group Discussion


Apendiks F Audit trail 86

Apendiks G Archival Information Sheet 99

PERSONAL NA DATOS 107


Kabanata 1

SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Rasyonale

Ang tagumpay ay mithiin at pangarap ng nakararami. Inaasam-asam ng bawat


isa na magtagumpay sa buhay lalong-lalo na sa larangang tinatahak. Ang pagtungtong
sa tugatog ng tagumpay ay hindi napakadaling makamtan, marami tayong mga
pagsubok na susuungin at kakaharapin, ngunit ito ang magbibigay lakas ng loob upang
maipagpatuloy natin ang ating nasimulan. Edukasyon ang isa sa mga susi upang
mabuksan natin ang pinto ng tagumpay, nag-aaral tayo hindi lamang para mapunan
ang ating pahat na isipan kundi para mabuo at mahulma ang ating kabuuang pagkatao.

Isinaad sa aklat na Four Essential Principles for Education Success ang mga
alituntunin upang makamit ng isang indibidwal ang pang-edukasyong tagumpay. Una,
kailangan nating magkaroon ng tiyak na layunin sa ating pag-aaral upang makamit natin
ang tagumpay. Pangalawa, kailangan nating baguhin ang ating perspektibo o pananaw
sa pang-edukasyong konteksto. Pangatlo, kailangang mahubog ang ating mabubuting
kaugalian, gaya ng pagiging responsable, matapat, may paggalang sa awtoridad at
pagkakawanggawa. Panghuli, kailangan nating malaman kung ano ang dahilan at para
kanino tayo nag-aaral (Hinton, 2003).

Sa India, partikular na sa pampubilkong paaralan ng Delhi, Vasant Kunj, isa sa


kanilang mag-aaral ang namayagpag sa tagumpay at nagtop sa Board Examination ng
CBSE Class XII noong 2014. Kinilala ang pumaimbabaw na mag-aaral na si Sarthak
Aggawal na may nakuhang marka na 99.6% sa nasabing eksaminasyon. Ayon sa
kanya, maigi ang kanyang ginawang paghahanda para sa pagkuha ng naturang eksam.
Naglalaan siya ng sampu hanggang labinlimang oras bawat araw sa pag-aaral. At
nakamit niya ang rurok ng tagumpay dahil na rin sa tamang paggabay, paalala at payo
ng kanyang mga guro at magulang. Nagbigay din siya ng gabay para sa kukuha ng
board eksam at ayon sa kanya, malaki ang naitutulong ng teknolohiya sa pag-aaral, ito
ang nagbibigay ng walang hanggang pagkakataon upang madagdagan pa ang kanilang
kaalaman maliban pa sa mga aklat na kanilang ginagamit at binabasa (Tabola, 2014).
Sa Pilipinas, partikular na sa Unibersidad ng Cebu ay namayagpag din ang mag-
aaral na si Marina Luchavez sa Mechanical Engineering Licensure Examination (MELE)
bilang top 1 na nakakuha ng markang 91.6%. Ang kanyang inspirasyon sa natamong
tagumpay ay ang kanyang pamilya at ang kapatid niyang lalaki na naka-top 6 din sa
parehong kurso at ang kanyang kasintahan na naka-top 1 din sa nasabing eksam.
Isinaad niya na hindi niya lang gustong makapasa kundi layunin din niyang maging isa
sa mga topnotchers. Idinagdag pa niya na isa sa mga nagpapalakas ng kanyang loob
ay ang salita ng Diyos- Filipos 4:13 “Ang lahat ng ito’y aking magagawa dahil sa lakas
na kaloob sa akin ng Diyos.” (Cabautan, 2016).

Sa Lungsod ng Tagum, partikular na sa UM Tagum College, marami na ring mag-aaral


ang namayagpag sa iba’t ibang larangan kabilang na dito ang Departamento ng
Edukasyon, Kriminilohiya at Inhinyero, kaya pinagtuunan namin ng pag-aaral ang
pagsisikap at pamamayagpag sa tagumpay ng mga topnotchers mula sa UM Tagum
College.

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng penomenolohikal na pag-aaral na ito ay upang malaman ang


iba’t ibang mga paghahanda o preparasyong ginawa ng mga topnotchers bago ang
pagkuha ng board eksam, mga estratehiyang kanilang ginamit sa pagsagot at ang
kanilang naramdaman bago, sa panahon, at pagkatapos ng eksam.

Ang aming impormante at partisipante ay nakapokus sa mga topnotchers ng UM


Tagum College na nagtop sa kanilang iba’t ibang larangan. Ang mga ito ay mga
propesyonal na indibidwal na bukal na nagbahagi ng kanilang mga karananasan. Hindi
namin pinilit ang aming mga impormante at partisipante para lamang makilahok sa
aming pananaliksik.

Sa kabuuan, layunin ng pananaliksik na ito na mahimok ang mga mag-aaral ng


Unibersidad ng Mindanao na magpursige, at mag-aral nang mabuti upang makamit din
nila ang tagumpay na natamasa ng mga naunang topnotchers.
Katanungan ng Pananaliksik

Ano-ano ang mga paghahanda o preparasyon ng mga topnotchers bago ang


panlisensyadong pagsusulit?

Ano-ano ang mga estratehiyang ginamit ng mga topnotchers sa pagsagot sa kanilang


eksam?

Ano-ano ang kanilang mga naramdaman bago, sa panahon,at pagkatapos ng eksam?

Pokus na Teoritikal

Sa teoryang The Goal Setting Theory. Binigyang-tuon dito ang kahalagahan ng


pagtatakda ng tiyak na layunin/gol na maaaring makatulong nang malaki upang
makamit ng isang inbidwal ang kanyang mithiin. Ang mga layuning mapanghamon,
tiyak at mas mahirap ay may positibong epekto sa kanilang performans at lalong
magpupunyagi ang isang mag-aaral upang maabot ang layuning ito. Ang mga
mapanghamong layunin ay kadalasang humahantong sa puspusang pagsisikap at ito
ang nag-uudyok sa mga tao na bumuo ng mga estratehiya na magbibigay-daan sa
kanila upang matamo ang kanilang nais (Locke, 2002).

Isinaad sa pananaliksik na ang tagumpay sa pag-aaral ay hindi lamang


nakadepende sa abilidad at pagsisikap ng mag-aaral kabilang na rin dito ang
epektibong pamamaraan sa pag-aaral, dahil sa pamamagitan ng mabuting gawi sa pag-
aaral ay malilinang ang kanyang kakayahan na matutunan at maunawaan ang kanilang
sariling potensyal. Ipinahiwatig dito na upang maging bihasa sa mga aralin ay
kinakailangan ng mga mag-aaral na magkaroon ng mabuting gawi sa pag-aaral.
Binanggit din na ang mabuting gawi sa pag-aaral ay nakatutulong sa kritikal na
repleksyon ng mga mag-aaral tulad ng pagpili, pagsusuri, pagkritika, pagbuo, at ito ang
magbibigay daan sa tagumpay ng mga mag-aaral sa pagkuha ng board eksam
(Dormel, 2011).

Ang mga estratehiya ay nakatutulong upang tumaas ang marka ng isang


indibidwal sa pagkuha ng eksaminasyon. Nabibilang sa mga estratehiyang ito ang
maingat na pagbabasa ng mga panuto, angkop na paglalaan ng oras sa pagsagot,
pagbinbin sa pagsagot sa mga mahihirap na tanong at paghahanap ng mga clue words
sa mga tanong. Inuri sa dalawa ang estratehiya sa pagkuha ng eksaminasyon. Una ay
ang pangkalahatang estratehiya na maaaring ilapat sa iba’t ibang uri ng pagsusulit gaya
ng maraming pagpipilian na eksam, tama o mali, punan ang patlang na pagsusulit,
sanaysay at iba pa. Nakapaloob sa estratehiyang ito ang paghahanda sa pagkuha ng
eksam, pagbabasa ng panuto, at matalinong paggamit ng oras sa pagsagot ng mga
katanungan. Ikalawa naman ay ang tiyak na estratehiya na maaaring gamitin sa
pagsagot sa mga katanungan na kasangkot sa isang tiyak na asignatura (Rezzae,
2006).

Sa pag-aaral ng Self-Regulated Theory, inilahad dito na ang pag-unawa at regulasyon


sa sarili ay nakatutulong upang makamit ang pansariling akademikong tagumpay.
Inilarawan ng SLR kung paano kinokontrol ng isang indibidwal ang kanyang sariling
saloobin, damdamin, at pagkilos upang makamit ang minimithi. Ang teoryang ito ay
naglalayong magpaliwanag kung paano mapapabuti at mapapaunlad ang performans
ng isang mag-aaral batay sa sistematiko at regular na paraan ng kanilang pag-aaral.
Ang pansariling regulasyon ang mag-uudyok sa kanila upang maging aktibo sila sa
kanilang pansariling pagkatuto at pag-unlad (Zimmerman, 2014).

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay may kahalagahan at mabuting


maidudulot sa mga sumusunod:

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga tagapangasiwa ng Unibersidad ng


Mindanao na mahimok pa silang humulma ng mga panibagong topnotchers na
maaaring magbigay ng karangalan sa nasabing institusyon. Mahalaga rin ito upang
maipabatid naman sa mga guro na nasa kanilang mga kamay ang malaking gampanin
na humubog ng mga mag-aaral na maaari ring maging topnotchers sa hinaharap.
Nakatutulong ito sa mga guro upang magabayan nila ang kanilang mag-aaral hindi lang
sa akademikong aspeto kung hindi pati na rin sa emosyonal na pag-unlad ng mga mag-
aaral.

Nakatutulong din ang pag-aaral na ito upang mabigyang halaga ng mga mag-aaral ang
kanilang pag-aaral at kung paano pa nila pauunlarin ang kanilang akademikong
perfomans, mahimok sila na malinang ang kanilang nakatagong kakayahan at malaman
nila ang iba’t ibang paraan sa paghahanda sa pagkuha ng board eksam na maaring
makatulong upang makamit nila ang tuktok ng tagumpay.

Kahulugan ng mga Katawagan

Para sa malinaw na pag-unawa sa pag-aaral na ito, ang mga katawagan ay


operasyunal na binigyang kahulugan.

Pamamayagpag sa Tagumpay. Kalagayan ng isang indibidwal na pumaimbabaw o


tumaas patungo sa rurok ng tagumpay. Ito ay ang pagkamit sa anumang hinahangad,
pagtatapos kung ano man ang binabalak na gawin at paggawa sa paraang kanais-nais.

Paghahanda sa Board Exam. Ito ang ginagawang preparasyon ng isang indibidwal


upang maipasa o mag-top sa board exam. Nangangailangan ito ng paghahanda sa
mental, pisikal, emosyonal, at ispiritwal na aspeto ng isang tao.

Topnotchers.Tumutukoy sa mga namayagpag, nanguna at nakakuha ng pinakamataas


na kalidad ng performans sa iba’t ibang larangan ng examinasyon.

Board Examination.Tumutukoy sa pampropesyunal na eksaminasyon na kinukuha ng


mga nagsipagtapos ng kursong Edukasyon, Kriminolohiya, Inhenyero, Accountant, Nars
at iba pa upang maging isang lisensyadong propesyunal.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa mga nagsipagtapos sa UM Tagum College sa


iba’t ibang departamento na namayagpag sa larangan ng panlisensyadong pagsusulit.
Ang pananaliksik na ito ay nakadisenyo upang malaman ang kanilang ginawang
paghahanda bago ang board exam, ang kanilang iba’t ibang estratehiya sa pagsagot sa
nasabing eksaminasyon, at ang kanilang naramdaman bago, sa panahon at
pagkatapos ng eksam. Binubuo ng pitong (7) impormante ang “focus-group discussion”
at pitong (7) impormante naman para sa indibidwal na “in-depth interview”.

Sinubok ng mga mananaliksik na makamit ang layunin, bagamat hindi maiiwasan na


may limitasyon ng pag-aaral na dapat isaalang-alang. Tanging piling topnotchers
lamang sa iba’t ibang departamento ng UM Tagum College ang mga kasangkot sa
pag-aaral na ito.

Ang kinalabasan ng pananaliksik na ito ay lubos na makaaapekto at makatutulong sa


UM Tagum College, mga mananaliksik, mga mag-aaral, mga guro, at maging sa iba
pang paaralan.

Organisasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakaorganisa sa mga sumusunod na kabanata:

Kabanata 1. Pagpresenta sa mga sitwasyon at patunay sa pag-aaral na kung saan ang


mananaliksik ay sumipi ng mga sitwasyon, halimbawa at rason kung bakit
kinakailangan magkaroon ng pag-aaral. Ang layunin ng pag-aaral ay sinasaklaw ng
mga hangarin. May tatlong katanungan na kinakailangan ng kasagutan sa
pamamagitan ng mga kalahok. Nakapaloob dito ang mga katuturan ng mga
katawagang ginamit, saklaw at limitasyon at organisasyon ng pag-aaral.

Kabanata 2. Binubuo ng mga ideya at iba’t ibang artikulo na kaugnay sa pag-aaral


tungkol sa pamamayagpag sa tagumpay ng mga topnotchers ng Unibersidad ng
Mindanao.

Kabanata 3. Nagtatanghal ng mga pamamaraan at disenyo ng pananaliksik na kung


saan ang mga mananaliksik ay may penomenolohikal na pag-aaral. Ang papel ng
mananaliksik ay magkaroon ng panayam sa mga piling topnotchers ng Unibersidad ng
Mindanao upang marinig at malaman ang kanilang mga karanasan sa paghahanda sa
pagkuha ng eksam, estratehiyang kanilang ginamit sa pagsagot ng mga katanungan at
ang kanilang naramdamdaman bago, sa panahon, at pagkatapos ng eksaminasyon.

Kabanata 4. Ipinakita ang resulta kabilang ang mga kalahok at mga katanungang
ginawa. Sa kabanatang ito ay tinalakay ang iba’t ibang tema mula sa iba’t ibang sagot
na ibinahagi ng mga impormante. Ipinakita rito ang mga talaan ng mga detalyeng
salamin sa pangkahalatang sagot ng mga kalahok. Bukod dito, ito rin ay buod ng mga
sagot sa “in-depth interview” at “focused-group discussion”.

Kabanata 5. Ipinakita ang talakayan at konklusyong nagpapaliwanag ng mga sagot ng


kalahok. Ito ay ang pagbubuod ng mga nabuong resulta mula sa “in-depth interview” at
“focused-group discussion” sa tulong ng iba’t ibang awtoridad ng pag-aaral. Bukod dito,
ipinakita rin ang mga diskusyon ng mga mananaliksik. Magkakaroon ng isang apendiks
kasama ng mga kopya ng pakikipanayam at porma para sa pahintulot at iba pang mga
impormasyon.
Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa kabanatang ito, isinasaalang-alang ng mga mananaliksik ang mga kaugnay na


literatura at pag-aaral upang mabigyang-ideya at gabay sa ikauunlad ng isinagawang
pag-aaral. Ang mga sumusunod ay iba pang pag-aaral na makatutulong sa pag-unawa
tungkol sa pananaliksik ng pamamayagpag at tagumpay ng mga topnotchers ng
Unibersidad ng Mindanao sa isinagawang panlisensyadong pagsusulit.

Ang pagsusulit ay isa sa pinakatampok na pang-edukasyong instrumento na ginagamit


ng paaralan sa buong panig ng mundo, hindi maipagkakaila na napakahalaga nito sa
paghubog ng pagkatutong intelektwal ng ating mga mag-aaral. Ang mga estratehiya sa
pagkuha ng pagsusulit ay maituturing na isang kognitibong abilidad ng isang indibidwal
sa pagsagot ng kanyang eksaminasyon at ang kanyang malawak na kaalaman sa pag-
analisa ng mga katanungan sa panahon ng eksam. Halimbawa ng mga paraang ito ay
ang mabuti at mabisang paggamit ng oras sa pagsasagot, pagsiyasat at pag-analisa ng
mga katanungan, at paghawi ng mga maling opsyon sa mga tanong na ibinigay.
Makatutulong ang mga estratehiyang ito sa pagpapalawig ng kaalaman ng indibidwal
tungkol sa kanyang kukuhaning pagsusulit at ito ang magiging dahilan upang tumaas
ang kanyang marka sa nasabing eksam. Sa katunayan, isa sa pinakamahalagang
estratehiya sa pagkuha ng eksaminasyon ay ang maagang pag-aaral ng mga aralin at
ang maiging paghahanda bago ang pagkuha ng pagsusulit. (Dooden, 2015)

Binanggit ni Mahmood sa pag-aaral ni Sweetman (2005) na mababa ang performans o


pagganap ng mga mag-aaral dahil sa kanilang kakulangan sa paghahanda at paggamit
ng mga estratehiya sa pagsagot dito. Ipinahiwatig na ang mga estratehiya sa pagkuha
ng pagsusulit ay may direkta at di-direktang epekto sa performans ng mga mag-aaral.
Direktang nakatutulong ito sa mga mag-aaral upang tumaas ang kanilang marka at ang
kanilang indibidwal na pagganap sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng kanilang
oras at pagsisikap sa pagsagot sa mga tanong. Di-direktang nakatutulong ito sa mga
mag-aaral dahil maaaring mabawasan ang kanilang pagkabalisa sa pagkuha ng
pagsusulit (Mahmood, 2010).

Sa isang pananaliksik, binigyan ng pagpapakahulugan ang pagkabalisa bilang isang


pisyolohikal at beheybyoral na reaksyon ng isang indibidwal na may kaugnayan sa
matinding pag-aalala, na maaring makaapekto sa performans ng isang tao. Ang
pagkabalisa sa pagkuha ng eksaminasyon ay maaring mag-ugat mula sa iba’t ibang
aspeto gaya ng kakulangan sa paghahanda o pag-aaral, pagkukumpara ng performans
sa ibang tao, presyur mula sa mga magulang at iba pa. Isinaad sa pag-aaral na ang
pagkabalisa sa pagkuha ng pagsusulit ay maaring makaabala sa paggana ng memorya
o tamang pag-iisip ng isang indibidwal. Mahalaga ang pagkakaroon ng wastong pag-
iisip upang maisagawa nang akma ang iba’t ibang kognitibong gawain gaya ng pag-
aanalisa, pangangatuwiran, at pag-unawa sa binasa (Altairi, 2014).

Isinaad sa isang pag-aaral na ang mga mag-aaral na balisa sa panahon ng pagkuha ng


pagsusulit ay nakaranas ng matinding nerbiyos, pagkabahala at pangamba na
nakaapekto nang malaki sa kanilang sariling pagganap, sa kanilang emosyonal at
beheybyoral na pag-unlad. Inilahad sa pananaliksik na nasa mahigit dalawampu’t
limang porsyento (25%) hanggang apatnapung porsyento (40%) ng mga mag-aaral ang
nakararanas ng pagkabalisa sa pagkuha ng iba’t ibang pagsusulit (Cassady, 2010).

Binanggit ni Putwein sa pananaliksik ni Hembree (2008) na isa sa mahalagang


estratehiya sa pagkuha ng pagsusulit ay ang pagtanggap sa mga mapang-abalang mga
saloobin at pagpigil sa mga negatibong pakiramdam upang magkaroon ng positibong
epekto sa pagsusulit. Ang mga pamamaraan o estratehiyang ginagamit sa pagsusulit
ay nakatutulong nang malaki sa pag-angat ng isang indibidwal. Ang isang estudyante
na may mga estratehiyang ginagamit sa pagsagot ng eksam ay maaaring gumaling pa
at mamayagpag sa kanilang akademikong performans (Putwein, 2010).

Isinaad ni Emerson sa pag-aaral ni Harris (2005) na upang mabawasan ang


pagkabalisa sa pagkuha ng pagsusulit, kinakailangan magkaroon ng isang indibidwal
ng kalmadong pagtugon. Ang pagtugon na ito ay ang mga pamamaraan na
makatutulong sa mga mag-aaral na maging mahinahon sa pagkuha ng pagsusulit. Ito
ay nahahati sa dalawang uri; ang panandalian at pangmatagalang pagtugon. Ang
panandaliang pagtugon ay tumutukoy sa ginagawa ng isang mag-aaral bago sagutin
ang kanyang pagsusulit, napabilang dito ang paghinga nang malalim at pag-upo nang
maayos. Ang pangmatagalang pagtugon naman ay tumutukoy sa ginagawa ng mag-
aaral simula hanggang matapos ang kanyang pagsusulit (Emerson, 2011).

Idinagdag din ni Fuller na bago ang eksaminasyon kinakailangan na mahikayat ng mga


mag-aaral ang kanilang sarili na magkaroon ng wastong gawi sa pagtulog, kumain nang
tama, malinang ang mabuting gawi sa pag-aaral, magkaroon ng mga estratehiya sa
pagsagot ng pagsusulit, at higit sa lahat basahing mabuti ang panuto at mga
katanungan (Fuller, 2014).

Naging tampok sa mga pananaliksik ang tungkol sa akademikong pagganap ng mga


mag-aaral sa mga nakalipas na taon. At isa sa mga tinututukan ng kanilang pag-aaral
ay tungkol sa mababang performans ng mga kumuha ng board eksam . Sa ulat ng
Philippine Regular Commission noong 2010 Licensure Board Examination, halos 70
porsyento ng mga nagsikuha ang hindi nakapasa sa nasabing eksam. Kabilang sa mga
nakakuha ng mababang marka ay ang mga guro ng elementarya na nakakuha ng
15.4%, guro ng sekundarya, 23.3%, at ang mga inhinyero partikular na sa elektronikong
gawain na nakakuha ng 31.9% lamang. Binanggit din niya sa pag-aaral ni Nuthana
(2009), na may malaking kaugnayan ang mabuting pag-uugali sa pag-aaral at ang
akademikong pag-unlad ng mga mag-aaral. Inihayag nila na ang pagbabasa, maayos
na paggamit ng oras, maiging pagtatala ng mga leksyon, malawak na konsentrasyon at
ang maagang paghahanda sa pagkuha ng eksam ay may positibong dulot sa kanilang
akademikong pagganap. Ang mabuting gawi sa pag-aaral ay laging may kaugnayan sa
kanais-nais na pag-uugali ng indibidwal. Ito ay tumutukoy sa positibong pananaw,
paniniwala at pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Isa sa pinakamahalagang aspeto
nito ay kung paano tingnan at pahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang edukasyon
sa paghubog at pag-unlad ng kanilang sariling pagganap (Mendezabal, 2013).

Ibinahagi sa isang pananaliksik na ang mga kasanayan sa pag-aaral, pag-uugali sa


pag-aaral at ang kanilang positibong beheybyor ay may malaking epekto sa pag-unlad
ng akademikong performans ng mag-aaral, lalo na sa pagkuha ng board eksam. Ang
kasanayan sa pag-aaral ay tumutukoy sa malawak na kaalaman ng isang mag-aaral sa
wastong paggamit ng mga estratehiya at metodo sa pag-aaral at ang kakayahan nilang
pamahalaan nang maayos ang kanilang oras. Ang pag-uugali sa pag-aaral naman ay
tumutukoy sa palagiang pag-aaral ng indibidwal at ang pagkakaroon ng disiplina sa
sarili. Ang positibong pag-uugali naman ay tumutukoy sa malawig na pagtanggap ng
mga mag-aaral sa mga mahihirap na layunin at ang positibong pananaw na makakamit
nila ang mga gol na ito (Fazal, 2012).

Sa pag-aaral ni Sarwar, binanggit niya na may makabuluhang kaugnayan ang ugali ng


mga mag-aaral sa kanilang akademikong pag-unlad at pagbagsak. Ang may mataas na
performans ng mga estudyante ay laging may positibong saloobin sa kanilang pag-
aaral, handang tumanggap ng mga mahihirap at mapanghamong mga gawain, at
motibado sa pag-abot ng kanilang katagumpayan. Samantala ang mga mag-aaral na
may mababang performans ay laging negatibo ang kanilang pag-iisip at palaging
humahanap ng dahilan upang hindi nila maipagpatuloy ang kanilang nasimulang
gawain (Sarwar, 2010).

Ang gawi sa pagbabasa ay isa rin sa mga mahahalagang paktor sa pag-unlad ng


indibidwal. Tumutukoy ito sa maayos na balangkas at modelo ng pag-aaral na kung
saan nakakamtan ito sa pamamagitan ng pagpupursige ng mga mag-aaral tungo sa
pag-unawa sa kanilang pang-akademikong paksa, at makatutulong ito upang maipasa
nila ang kanilang pagsusulit. Matutukoy na ang akademikong tagumpay ng isang mag-
aaral ay maibabase sa kanilang gawi sa pagbabasa. Ang kasanayan sa pagbabasa at
ang akademikong tagumpay ng mag-aaral ay magkaugnay, hindi makakamit ng mag-
aaral ang kanyang tagumpay kung wala silang kasanayan o gawi sa pagbabasa
(Bashir, 2012).

Isinaad sa pananaliksik na mahalaga ang pagbabasa at ang akademikong pag-unlad ng


indibidwal upang malaman kung sila ay likas na matalino, katamtaman, o hindi. Ang
estudyante na may mabuting gawi sa pagbabasa ay posibleng maging mahusay at
maunlad sa kanyang sariling pagganap. Ang gawi sa pagbabasa ang siyang
makatutulong upang matamo ang makabaluhan, malawak, at kanais-nais na kaalaman
sa maraming aspeto, at ito ay magiging sandata ng mga mag-aaral sa pag-unlad, hindi
lamang sa akademikong aspeto, kung hindi pati na rin sa kanilang buhay (Mattoo,
2012).

Tinalakay naman sa isang pag-aaral ang iba’t ibang uri ng gawi sa pagbabasa,
maaaring ito ay panlibang o maliming pagbabasa. Ang panlibang na pagbabasa ay
kanyang tinukoy bilang pampalipas lamang ng oras, at ang isang mambabasa na
ginagawa ang gawi ng pagbabasa na ito ay nakakaramdam ng kagalakan at kaluguran.
Makatutulong nang malaki ang uri ng pagbabasang ito upang mapalawak pa ang
kaalaman ng isang estudyante dahil hindi lang naka-ikot o nakasentro sa akademikong
babasahin ang kanilang binabasa. Isinaad ni Ogbodo na ang pinakamahalaga sa lahat
ay ang maliming pagbabasa dahil ito ay may malaking maiaambag sa pag-abot ng
minimithi ng isang indibidwal at ito ang nagsisilbing pundasyon upang makamit ng
indibidwal ang tagumpay (Ogbodo, 2010).
Isinaad ni Cambria sa pag-aaral ni Guthrie, na ang pagbasa ay isang proseso ng
pagkuha ng kahulugan sa mga nakalimbag o nakasulat na mga salita, ito ay isa sa
mga basehan sa pagkatuto at isa sa pinakamahalgang kasanayan na dapat matamo ng
isang indibidwal sa kanyang buhay. Dinagdag din niya na sa pagbabasa laging
kasangkot ang mga akademikong kagamitan, gaya ng mga aklat na nagibibigay ng
imahe sa pagkatuto at pag-unlad ng mga mag-aaral. Ibig sabihin, mahalaga ang
gampanin ng pagbasa upang malinang ang kanilang kaisipan at ang kanilang sariling
persepsyon o paniniwala tungkol sa daigdig o sa kanyang buhay, ito ang nagbibigay ng
malawig na impormasyon upang mabuksan ang pahat na isipan ng isang tao at
makatutulong ito hindi lamang sa kanilang akademikong pag-unlad, kundi pati na rin sa
pang-araw-araw na pamumuhay.Sa pagsasagawa ng pagbabasa, ang isang
dedikadong mag-aaral ay nagbibigay ng mas mataas na oras, panahon, at nagsisikap
nang mabuti upang maunawaan niya ang kanyang binabasa. Ang isang masipag na
mambabasa ay tinatapos niya ang kanyang binabasa at isinasabuhay kung ano ang
kanyang mga nauunawaan mula dito. Isiniwalat sa pag-aaral na ang mga mag-aaral na
dedikado at interesado sa pagbabasa ay may mataas na performans sa kanilang pag-
aaral at matatas sa pagbasa at pag-unawa sa kanyang binabasa kumpara sa mga mag-
aaral na hindi motibadong magbasa (Cambria, 2010).

Ang maayos na paggamit ng oras ay isang hanay ng mga prinsipyo, kasanayan, at


mga sistema na makatutulong sa mga mag-aaral na gamitin ito upang makamit ang
gusto nilang maabot. Ito ay tumutukoy sa mga pamamaraan at estratehiya na ginagamit
ng indibidwal na mapalawak at mapalawig ang kanilang ginagawa. Ang mabisang
pamamahala ng oras ay makatutulong sa pagbuo ng isang mas mahusay na
personalidad ng indibidwal (Abban, 2011).

Isinaad sa isang pag-aaral na ang maayos na pamamahala ng oras ay mahalaga upang


tumaas ang marka at mas maging produktibo pa ang isang mag-aaral sa kanyang
akademikong gawain. Bawat indibidwal ay dapat matuto kung paano gamitin nang
wasto at maayos ang kanyang oras. Idinagdag din dito ang mga pamamaraan sa
wastong paggamit ng oras. Una, kinakailangan na bigyan ng priyoridad ang mga
mahahalagang gawain. Pangalawa, kinakailangan na kumawala ang mga mag-aaral sa
kanilang mga negatibong pag-iisip, dapat magkaroon din sila ng oras na mag-aliw at
magsaya. Ayon sa pag-aaral na nakakakuha ng mataas na marka ang isang mag-aaral
kapag siya ay masaya at maaaring bumaba naman ang kanyang marka kapag siya ay
malungkutin at balisa (Elmousel, 2014).
Sa isang pananaliksik, binigyang-tuon ang kaugnayan ng tamang pamamahala ng oras
at ang akademikong performans ng mga mag-aaral. Inilahad sa pag-aaral, na upang
magamit nang maayos ng mga mag-aaral ang kanilang oras, kailangan nilang
magtakda ng tiyak at ispesipikong layunin at tukuyin nang mabuti kung ano ang
kanilang gustong maabot sa buhay. Ang pagkakaroon ng malinaw na gol ay
makatutulong upang maiwasang maabala, maantala, at mabahala ang isang mag-aaral
sa kanyang gawain. Isa sa pinakamabisang paraan para mas maging epektibo ang
pamamahala ng oras ng isang mag-aaral ay ang pagsunod sa proseso ng paggamit ng
oras. Nagsisimula ang prosesong ito mula sa pagtatakda ng gol/layunin kung paano
niya pamamahalaan ang kanyang oras. Ikalawang proseso ay nakaikot sa kung paano
binibigyang-halaga ng estudyante ang kanyang oras at sa kung saan niya ilalaan ang
mga ito. Sa Ikatlong proseso naman nakapaloob ang pagpaplano; maaaring ito ay
lingguhan, buwanan, taunan, o pang matagalang pagpaplano. Napapatungkol naman
ang ikaapat na proseso sa pagkakaroon ng regulasyon sa sarili ng mag-aaral, dito
nakapaloob kung paano dinidisiplina ng isang estudyante ang kanyang sarili upang
makamit niya ang mga layunin na kanyang itinakda at paano makatutulong ito upang
maabot niya ang kaunlaran. At ang panghuling proseso ay napapatungkol sa kung
paano isinasaaayos at binabago ng indibidwal ang kanyang pamamahala sa paggamit
ng oras. Ang lahat ng prosesong ito ay makatutulong upang magamit nang maayos ng
isang mag-aaral ang kanyang oras (Miqdadi, 2014).

Ang mga mag-aaral ay nagtatala ng mga datos upang magamit nila sa kanilang pag-
aaral. Ang pagtatala ng impormasyon ay nakatutulong upang maging handa ang
indibidwal sa pagsagot sa kanyang pagsusulit. Itinuturing ito na isang kritikal na gawain
na kung saan nalilinang ang kritikal na pag-iisip at pag-unawa ng mag-aaral, mahalaga
ito upang magunita nila ang kanilang napag-aralan at maaaring makapagbigay sila ng
mga repleksyon mula dito (Nguyen, 2010).

Binanggit ni Haghverdi sa pananaliksik ni Allen (2008)na ang pagtatala ay may


dalawang benepisyo sa mga mag-aaral. Una, ito ay nakatutulong upang mapadali ang
proseso ng pagkatuto ng estudyante, mas madali nilang matandaan at maunawaan ang
kanilang leksyon kapag sila ay may sariling tala. Pangalawa, ito ay napaka-importante
sa kanilang pagbabalik-aral, ito ay makatutulong upang lumawig pa ang kanilang
kaalaman at maaring makatulong upang tumaas ang kanilang marka sa pagkuha ng
eksaminasyon. Isinaad sa pag-aaral na isa ito sa mga mahahalagang estratehiya upang
matamo ng mag-aaral ang kanyang akademikong pag-unlad. Ang pagtatala ay isang
epektibong instrumento sa pagproseso ng impormasyon na magagamit hindi lamang sa
pang-edukasyong aspeto kung hindi pati na rin sa pang-araw-araw na gawain. Ito ay
makatutulong sa pang-araw-araw tulad ng paghahatol, paglutas ng mga isyu, at
paggawa ng mga desisyon (Haghverdi, 2010).

Ang pagbuo ng gol/layunin ay isa sa mga mabisang paraan para malinang ang
motibasyon ng mga mag-aaral. Nagbigay ng mga mungkahi si Dubrin sa mga mag-
aaral kung paano bumuo ng gol upang mamayagpag sila sa kanilang pag-aaral. Una,
kinakailangan na ang layunin ay tiyak at malinaw. Makatutulong ito sa kanila upang
masiguro kung ano talaga ang gusto nilang abutin at masukat nila ang kanilang sariling
pag-unlad. Pangalawa, kinakailangan na mapanghamon ngunit kaya nilang abutin ang
layuning ito. Ang gol na mahirap at tiyak ay nakatutulong upang tumaas ang pansariling
pagganap ng indibidwal, ngunit may limitasyon din ito, nakadepende sa kakayahan at
katalinuhan ng isang mag-aaral kung kaya niya bang magtakda ng mga mahihirap na
layunin sa kanyang pag-aaral. Pangatlo, kinakailangan na tanggap ng isang indibidwal
ang kanyang gol upang hindi siya mahirapan sa pag-abot nito, mas makabubuti kung
ang lahat ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan ay nagtatakda ng kanilang
pansariling layunin upang maging motibado sila sa pagkamit ng kanilang mithiin.
Panghuli, kinakailangan na masuri ang kanilang akademikong performans upang mas
ganado pa ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang nabuong layunin at
maaaring magtakda pa sila ng matataas na gol sa susunod nilang gawain (Dubrin,
2012).

Sa pag-aaral naman ni Pintrich sa kanyang Achievement Goal Theory, binigyan niya ng


malalim na pagpapakahulugan ang teoryang ito. Ayon sa kanya, ang pagkakaroon ng
gol na ito ay dinisenyo upang malaman kung may pagbabago ba sa akademikong pag-
uugali ng indibidwal at sa kanyang performans. Binigyang-diin niya na malaki ang
naitutulong ng nasabing layunin upang tumaas ang katamuhan ng isang mag-aaral at
madali na niyang masuri ang kanyang sariling pag-unlad. Ang teoryang ito ay
tumutukoy sa mga panukala o dahilan ng isang indibidwal na nais ipagpatuloy ang
isang gawain, ito ay kadalasang mga akademikong gawain subalit maari din itong
magamit sa ibang konteksto tulad ng pangkalakalan. Ang achievement goal ay binuo
upang ipaliwanag kung paano magiging motibado at magkaroon ng mabuting
beheybyor ang isang mag-aaral sa paggawa ng mga gawain at pagbuo ng layunin. Sa
pangkalahatang kahulugan, ang achievement goal ay nabuo upang matugunan ang
panukala o iba’t ibang dahilan ng mga mag-aaral upang ipagpatuloy ang isang gawain,
pati na rin ang pamantayan na binuo upang masuri ang kanilang kakayahan o
tagumpay sa isang gawain (Pintrich, 2010).
Binanggit ni Zimmerman sa kanyang Self-Regulated Theory, inilahad niya na ang pag-
unawa at regulasyon sa sarili ay nakatutulong upang makamit ang pansariling
akademikong tagumpay. Inilarawan ng SLR kung paano kinokontrol ng isang indibidwal
ang kanyang sariling saloobin, damdamin, at pagkilos upang makamit ang minimithi.
Ang teoryang ito ay naglalayong magpaliwanag kung paano mapapabuti at
mapapaunlad ang performans ng isang mag-aaral batay sa sistematiko at regular na
paraan ng kanilang pag-aaral. Ang pansariling regulasyon ang mag-uudyok sa kanila
upang maging aktibo sila sa kanilang pansariling pagkatuto at pag-unlad. Ang mga
mag-aaral na may regulasyon sa sarili ay kadalasang nagagawa ang kanilang mga
gawain na may pagtitiwala sa sarili, sipag, at kapamaraanan. Ang mga mag-aaral na ito
ay magkakaroon ng kamalayan kung alam o hindi nila ang isang bagay. Dahil sa mga
kapamaraanan na ginagawa ng mga mag-aaral, hindi na ito nakakapanibago na
matuklasan sa iba’t ibang pananaliksik na ang mga estudyante na ito ay mas mahusay
nang gumanap sa akademikong pagsusulit (Zimmerman, 2014).

Ang mga mag-aaral na tinuruan ng kasanayang SRL ay nagtatamo ng mas mataas na


antas ng akademikong tagumpay kumpara sa mga mag-aaral na hindi natuto ng mga
kasanayang ito. Itinuturing na sila ay masisipag, mapamaraan, may pagtitiwala sa sarili,
at motibado sa pagsasagawa ng mga akademikong gawain. Ang pagkakaroon ng
regulasyon sa sarili ay maaaring makatulong upang matukoy ng mga mag-aaral ang
pagkakaiba sa pagitan ng pang-akademikong tagumpay at kabiguan, (Labuhn, 2010).

Inilahad ni Kusurkar sa pag-aaral ni Bandalos (2005) na mahalaga ang ginagampanan


ng motibasyon sa akademikong pagganap at pag-unlad ng isang mag-aaral.
Sumasalamin ito sa kasipagan, tiyaga, dedikasyon at pagbuhos ng oras at panahon ng
mga mag-aaral upang magampanan ang kanilang mga gawain. May dalawang
klasipikasyon ng motibasyon, maaaring ito ay panloob o panlabas na motibasyon.
Maaari itong mapabilang sa intrinsik o panloob na motibasyon kung ang isang bagay o
gawain ay ginagawa ng isang indibidwal na bukal sa kanyang kalooban at walang
hinihintay na anumang kapalit, samantala ang panlabas na motibasyon ay tumutukoy
sa mga panlabas na bagay o gantimpala na maaaring mag-udyok upang maging
motibado ang isang indibidwal na gawin at tapusin ang kanyang gawain. Ang
motibadong mag-aaral ay determinado sa kanyang pag-aaral, marunong makibagay sa
ibang tao, at positibo ang pananaw (Kusurkar, 2012).

Inihayag sa isang pananaliksik na sa prosesong pagkatuto ng mga mag-aaral,


kinakailangan na masagot ang tatlong mga pangunahing katanungan upang malaman
kung motibado ba ang mga mag-aaral sa pagkamit ng kanilang akademikong pag-
unlad. Unang katanungan – “Makakaya ko ba ang gawaing ito?” dito makikita ang
pansariling katamuhan ng estudyante, ang kanyang kakayahan na ma-organisa at
mapagtagumpayan ang kanyang mga akademikong gawain. Dito masasalamin ang
pagkamatiyaga ng mag-aaral na tapusin ang kanyang gawain kahit na mayroon siyang
nararanasan na mga paghihirap at problema. Ang pagiging matiyaga ang isa sa
pinakamakapangyarihang prediktor upang makamit ang akademikong tagumpay ng
isang mag-aaral. Pangalawang katanungan – “Kailangan ko bang gawin ang mga
gawaing ito? Bakit?” ang mga motibadong mag-aaral ay lumalahok sa iba’t ibang
gawain para malinang ang kanilang sariling pagganap, sila ay mas naiingganyong
lumahok sa mga mahihirap ngunit kanai-nais na mga gawain. Pangatlong tanong- “Ano
ang kailangan kong gawin upang makamit ko ang akademikong tagumpay?” sa
katanungang ito nakapaloob ang paggamit ng kognitibo at meta-kognitibong pag-iisip
ng mga mag-aaral. Kabilang sa kognitibong pag-iisip ang pag-iinsayo, pagpapalawak at
pagsasaayos ng kanilang mga gawain at kabilang naman sa meta-kognitib na pag-iisip
ang pagpaplano, pamamahala at paghuhusga upang makamit ang akademikong
tagumpay (Wiegfield, 2011).

Sa aklat na “Achieve College Success: Learn How in 20 Hours or Less, 4th Ed.” ang
pagiging masipag ay isa sa mga importanteng pag-uugali ng isang mabisa at mabuting
mag-aaral. Ang masipag na estudyante ay maayos na pumapasok araw-araw,
dumarating sa tamang oras, nakikinig sa bawat impormasyong inilalahad ng mga guro o
propesor, nagtatala sa kwaderno at pinagtutuunan ng oras ang pag-aaral (Gerson,
2012).

Sa artikulong ‘Six of the Best: The Traits Your Child Needs to Succeed’ na isinulat ni
Wilce, isinaad niya na isa sa mga dapat ugaliin ng isang mag-aaral ay ang pagkakaroon
ng tiwala sa sarili o ang pagkakaroon ng lakas ng loob. Mahalaga ang pagkakaroon ng
katangiang ito dahil ito ang mag-uudyok upang hindi matakot ang isang mag-aaral na
mabigo, bagkus ito ang kanyang magiging motibasyon upang makamit niya ang rurok
ng tagumpay, hindi siya natatakot na ipahayag ang kanyang sarili at buo ang kanyang
loob na magagawa niya ang kanyang mga akademikong gawain (Wilce, 2013).

Sa aklat na ‘Students Success in College: Creating Conditions that Matter”, ibinahagi na


ang epektibong mag-aaral ay dapat may malawak na kamalayan sa kanilang sarili at
kayang alamin ang kanilang mga kahinaan at kalakasan. Ito ay nakatutulong upang
matuklsan ng isang estudyante ang kanyang bagong kakayahan at maaaring magamit
sa pagkamit ng kanyang akademikong pag-unlad. Ang mga mag-aaral na may
mabuting pag-unawa sa sarili, ay alam nila kung ano ang kaya nilang gawin at abutin, at
malalaman nila kung saang kategorya ang kailangan pa nilang paghusayan (Kuh,
2013).

Inilahad naman ni Gunuc sa pag-aaral ni Harper at Quaye (2009) na ang pakikilahok ng


mga mag-aaral ay isa sa mga mahahalagang aspeto upang matamo nila ang
kaunlaran. Ang pakikilahok ng mga mag-aaral bilang kalugod-lugod na pagtugon sa
proseso ng pagkatuto, ang paglalaan ng oras ng mga estudyante sa paglahok sa pang-
akademikong gawain at ang kahandaan nila na makibahagi sa mga ito. Isinaad naman
ni Krause na may malaking kaugnayan ang pakikilahok ng mga mag-aaral sa kanilang
akademikong pag-unlad, maaaring ito ay kognitib, beheybyoral o emosyonal na
pakikilahok. Kabilang sa kognitibong pakikilahok ay ang paglilikom ng mga kaalaman,
pagpapahalaga sa mga natutunan, pagtatakda ng gol/layunin, pagdidisiplina sa sarili at
ang maigi at mabuting pagpaplano ng mga mag-aaral. Ang emosyonal na pakikilahok
naman ay tumutukoy sa pakikisalamuha at pagtugon ng mga mag-aaral sa kanilang
guro, kapwa mag-aaral, at kaibigan, pakiramdam na kabilang siya sa isang institusyon o
grupo, at ang pagmamahal sa kanyang sariling unibersidad. Panghuli ay ang
beheybyoral na pakikilahok, nakapaloob dito ang partisipasyon ng mga mag-aral sa
loob ng klase, mabuting pananaw sa kanilang pag-aaaral at ang gawi nila sa pagpasok
sa paaralan. Ang pakikilahok ng mga mag-aaral ay may dalawang bahagi na may
malaking ambag sa kanilang akademikong tagumpay. Una ay ang pagsisikap at
paglalaan ng wastong oras sa kanilang pag-aaral at mga akademikong gawain.
Pangalawa ay ang mga pamamaraan na ginagawa ng institusyon o unibersidad upang
makilahok ang mga estudyante at pagbibigay ng angkop na mga kagamitan na
maaaring makatulong sa kanilang pag-aaral. Ang mga pamamaraang ito ay
makatutulong upang mas malinang ang kanilang kakayahan sa pagbabasa,
maingganyo pa silang magsulat at mag-aral, malinang ang kanilang abilidad sa
pakikisalamuha sa kanilang mga guro, kapwa mag-aaral, mahulma pa ang kanilang
kritikal na pag-iisip, at madebelop pa ang kanilang epektibong pakikipag-usap (Gunuc,
2014).

Base sa mga inilahad na iba’t ibang pag-aaral at literatura, mabubuo sa pag-aaral na ito
na mahalaga ang pagkakaroon ng paghahanda bago kumuha ng anumang klase ng
pagsusulit. Sa paghahanda kinakailangan ang determinasyon at disiplina sa sarili,
pagtatakda ng mga layunin upang makamit ng isang indibidwal ang tugatog ng
tagumpay. Kinakailangan din ng tamang pamamaraan ng paghahanda gaya ng
wastong pagtulog, tamang pagkain at wastong gawi ng pag-aaral. Mahalaga ang
pagkakaroon ng motibasyon, maaaring ito ay panloob o panlabas na motibasyon na
maaring makatulong upang pag-ibayuhin pa ng isang tao ang kanyang paghahanda
maging sa kanyang pagkuha ng eksam. Importante rin ang pagkakaroon ng mga
estratehiya upang mapadali na lamang ang pagsagot sa mga eksaminasyon,
nakatutulong ang mga ito upang mabawasan ang pagkabalisa ng isang indibidwal. Ang
pagkabalisa ay hindi maiiwasan sa bawat eksam, maaaring ito ay makaapekto nang
malaki sa performans ng isang indibidwal.
Kabanata 3

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral.


Nahahati sa iba’t ibang bahagi ang paraan ng pag-aaral na ito: ang disenyo ng pag-
aaral; mga impormante ng pag-aaral; tungkulin ng mga mananaliksik; instrumentong
ginamit sa pag-aaral; pamamaraan sa pangangalap ng datos; pag-analisa ng datos;
kribidilidad at pagkamaaasahan ng pag-aaral at tamang konsederasyon ng pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang penomenolohikal na pag-aaral na ito ay ginamitan ng kwalitatibong paraan. Bilang


mga mananaliksik, ninais namin na malaman, matuklasan at mabigyang-halaga ang
pamamayagpag sa tagumpay ng mga topnotchers ng Unibersidad ng Mindanao na
kumuha ng kani-kanilang panlisyensyadong pagsusulit. Sa pag-aaral na ito, kaming
mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptib na datos (descriptive data) upang ang
aming pag-aaral ay makakuha ng tiyak na detalye at iba’t ibang kaalaman mula sa mga
topnotchers.

Ang pagpili ng descriptive data ay napakahalagang pamamamaraan para sa pagkuha


ng kalidad na mga datos. Ang disenyong ito ang napiling gamitin para sa epektibong
pagsasagawa ng pananaliksik. Sapagkat nilayon namin na makapangalap ng mga
mahahalagang datos mula sa mga salitang binigkas ng mga impormante mula sa ‘‘in-
depth interview” maging sa “focus-group discussion”. Isinailalim namin ang mga
nakuhang impormasyon sa puspusang paglimi at paggalugad nang mabigyan ng
kaangkupang kasagutan ang mga tanong na nakapaloob sa pag-aaral na ito.

Parte rin ng aming disenyo ng pag-aaral ang paggawa ng dalawang (2) talatanungan na
naglalaman ng iba’t ibang mahahalagang tanong kaugnay sa pamamayagpag sa
tagumpay ng mga topnotchers at ang kanilang paghahandang isinagawa. Ginamit
namin ang unang talatanungan para magsilbing gabay namin sa aming pagtatanong sa
aming impormante para sa “in-depth interview” at ang pangalawang talatanungan
naman ay para sa mga partisipante ng “focus-group discussion”. Ang mga tanong na
aming inihanda ay magkapareho. Ito ay ginawa namin para malaman kung tiyak, di
nagbabago at tunay ang mga sagot ng mga impormante mula sa “in-depth interview”
hanggang sa “focus-group discussion”.

Sa pag-aaral na ito, mayroon lamang labing-apat (14) kalahok na kasali. Ang pitong (7)
kalahok ang siyang naging impormante namin para sa “in-depth interview”. Pumili rin
kami ng pito (7) para maging partisepante sa “focus-group discussion”. Limitado man
ang aming naging kalahok ngunit sapat na ito para makakuha at makabuo ng mga
impormasyong kakailanganin sa aming pag-aaral. Hindi nakadepende ang aming
pag-aaral sa dami ng kalahok kundi nakadepende sa maraming
impormasyong aming makakalap mula sa mga impormante at maging sa amin ding
mga mananaliksik.

Impormante ng Pananaliksik

Ang napili naming impormante sa pananaliksik na ito ay ang mga topnotchers ng


Unibersidad ng Mindanao na kumuha ng kani-kanilang board exam. Nahati ang aming
panayam sa dalawang bahagi: (1) Sa “in-depth interview” na may pitong (7)
impormante. (2) Sa “focus-group discussion” naman ay nagkaroon din ng pitong (7)
partsipante. Ang pitong (7) partisipante sa “focus discussion” ay hindi nagmula sa mga
impormante ng “in-depth interview”. Iminungkahi rin na ang isang penomenolohikal na
pag-aaral ay binubuo lamang ng lima (5) hanggang dalawampu’t limang (25) kalahok sa
pag-aaral (Raagas, 2010). Ang labing-apat (14) na napiling impormante ay ang iba’t
ibang indibidwal na namayagpag sa kani-kanilang larangan sa panahon ng kanilang
pagkuha ng board exam. Kabilang na dito ang Departamento ng Edukasyon,
Kriminolohiya at Inhinyero.

Ang pitong (7) napili ang aming naging impormante para sa “in-depth interview” at
dagdag na pitong (7) partisipante ang para sa “focus-group discussion”. Silang pito (7)
ay pinagsama namin para malaman ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kanilang mga
sagot. Ito ang naging batayan namin bilang mga mananaliksik para malaman ang
pagkamakatotohanan ng mga sagot ng mga impormante sa aming pag-aaral. Ang focus
group ay binubuo ng anim hanggang sampung indibidwal na kung saan nagkakaroon
ng bukas na talakayan sa pagitan ng mga impormante at mananaliksik. Dito nakatuon
ang pagkuha ng iba’t ibang opinyon at impormasyon sa mga partisipante, ito ay
isinasagawa sa mahigit apatnapu’t lima hanggang siyamnapung minuto (Eliot, 2005).
Ang mga iminungkahi ng aming mga impormante at partisipante sa pag-aaral na ito ay
naging tanggap at hindi binago, pinalitan o binawasan ng mga mananaliksik. Ang
kanilang naging sagot ay pinal at walang sinuman sa amin ang nakabago nito. Sa isa
pa ring pag-aaral, ang pagdisenyo sa focus-group ay may dalawang susi sa teknikal na
mga katanungan na kailangang pagpasyahan: (a) kung dapat lahat ay babae o lalake o
di kaya kapwa babae at lalake sa grupo; at (b) kung ilan ang mga grupo na
kinakailangan. Sa pagdidisenyo sa focus-group na pag-aaral, may dalawang batayang
katanungan para sa pagpapasya: a) kung magkakatulad o magkakaiba ang katangian
ng indibidwal sa isang grupo ; at b) kung ilang grupo ang kinakailangan (Dornyei, 2007).

Tungkulin ng mga Mananaliksik

Tungkulin ng mga mananaliksik na mangalap, magtanong, at kumuha ng mga


datos na magagamit nila sa kanilang pag-aaral. Tiniyak ng mga mananaliksik na wasto,
totoo at walang pagkiling sa pagkalap ng mga datos. Ang pagkakakilanlan ng mga
impormante at partisipante ay mananatiling pribado ayon sa kanilang napagkasunduan.

Tiniyak ng mga mananaliksik na magiging kapaki-pakinabang ang mga nalikom na


datos at impormasyon para sa mga mambabasa at iba pang mga mananaliksik. Ang
pananaliksik na ito ay nagbigay ng hamon at inspirasyon sa mga mag-aaral na kukuha
pa ng panlisensyadong pagsusulit.

Pamamaraan sa Pangangalap ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng dalawang talatanungan para sa pag-interbyu sa


mga napiling impormante. Pagkatapos na naisagawa ang mga talatanungan ay
ipinasiyasat ito para masimulan na ang pag-iinterbyu. Pangalawa, gumawa sila ng
liham na humihingi ng pahintulot na mula sa dekana ng UMTC Tagum College.

Ang susunod na hakbang ay kinilala ang mga magiging impormante sa pamamagitan


ng purposive sampling na teknik. Ito ay isang uri ng pamamaraan na kung saan hindi
na nangangailangan ng mga pinagbabatayang teorya o hanay ng mga partisipante.
Nagpapasiya lamang ang mga mananaliksik kung sino ang kanilang itinatakdang mga
partisepante upang magbigay ng kani-kanilang mga impormasyon, kaalaman at mga
karanasan na makatutulong sa kanilang isinasagawang pag-aaral (Shepard, 2006).
Bawat impormante ay kusang pinuntahan ng mga mananaliksik upang aktwal na kunan
ng mga impormasyon para sa nasabing pag-aaral.

Pangatlo, binigyan namin ng oryentasyon ang mga impormante tungkol sa gagawing


pag-aral at inanyayahan namin silang makilahok sa in-depth at focus-group na
panayam. Ang proseso ay nagsimula sa pagbungad ng pagbati sa kanila. Ipinaunawa
at ipinaliwanag sa kanila nang mabuti ang aming tungkulin bilang mananaliksik maging
ang kanilang gampanin sa pag-aaral. Gumawa ng kasunduan sa pagitan ng mga
mananaliksik at mga impormante na naaayon sa kanilang kagustuhan at patakaran sa
pagkuha ng datos. Nakapaloob sa kasunduan ang pagiging pribado ng mga katauhan
ng mga impormante na mananatili at hindi kailanman maaaring ilantad (Dornyei, 2007).
Ginamit ng mga mananaliksik ang mga talatanungan upang maging gabay sa
pakikinayam sa mga partisipante. Hinayaan nila na malayang maihayag ng mga
partisipante at impormante ang kanilang saloobin tungkol sa nasabing pananaliksik.

Pag-analisa ng mga Datos

Pagkatapos makuha ang kinakailangang datos mula sa panayam, itinala ng mga


mananaliksik ang mga nakuhang impormasyon sa organisadong paraan para malinaw
na malaman ang mga kasagutan. Ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng pag-analisa
at pag-imbestiga sa mga sagot ng mga impormante sa pamamagitan ng pagpapangkat-
pangkat ng kanilang sagot. Karagdagan,sinuri ng mga mananaliksik ang pagkakatulad
at ang pagkakaiba ng mga sagot ng mga impormante.

Panghuli, binigyan ng masusing pag-aanalisa ng mga mananaliksik ang mga


imposmasyong nakalap mula sa mga impormante. Nagbigay din ng sariling saloobin
ang mga mananaliksik sa naturang pag-aaral. Ang nagawang pag-aanalisa ay ginawan
naman ng buod, konklusyon at rekomendasyon.

Kribidilidad at Mapagkakatiwalaan na Pananaliksik


Sa kwalitatibong pananaliksik, pinapanatili ang pagiging pribado at
pagkamaaasahan ng mga resulta. Ito ay ginagamitan ng iba’t ibang estratehiya para
makamit ang ganitong uri ng pag-aaral. Ito ay nangangailangan ng atensyon;
kridibilidad, pagkamaaasahan, pagpapatunay at paglilipat. (Morrow, 2005).Kridibilidad
Isa sa mga pangunahing salik ng isang kwalitatibong pananaliksik ay ang pagiging
wasto, totoo, at kapani-paniwala. Ito ay tumutukoy sa kawastuhan ng isang pananaliksik
na kung saan sinisigurado ng mga mananaliksik ang kanilang ginagawang pag-aaral.
Ang kredibilidad ay magagawa sa pamamagitan ng matagal na pakikitungo sa mga
partisipante, matiyagang pagsusuri, pagpapatunay sa kanilang nasuring impormasyon.
(Gasson, 2004). Sinigurado ng mga mananaliksik na totoo at wasto ang mga nakalap
na impormasyon sa mga impormante at partisipante. Sinuri nang maigi at maliming
pinili ang mga impormasyong aming inilagay sa aming pananaliksik.Pagkamaaasahan
Sa pagkamaaasahan ay sinigurong ang mga napag-alaman ng mga mananaliksik ay
hindi nagbabago at hindi paulit-ulit. Ito ay sinusukat sa pamamagitan ng pamantayan
na kung saan naisasagawa, pinag-aaralan at inihaharap ang pananaliksik (Gasson,
2004). Lahat ng aming inilahad na mga impormasyon sa pag-aaral na ito ay
makatotohanan at maaasahan. Walang binago o dinagdag ang mga mananaliksik sa
kanilang nalikom na mga mahahalagang impormasyon sa kanilang mga impormante at
partisipante.Pagpapatunay Ito ay proseso para malaman kung ang mga
mananaliksik ay walang pagkiling sa panahon ng pag-aaral; angkop ito sa
pagpapalagay na ang kwalitatibong pananaliksik ay pinahihintulutan na magbigay ng
kakaibang perspektibo sa pag-aaral (Gasson, 2004). Walang pagkiling sa aming
isinagawang pag-aaral sapagkat purong mga paktwal lamang na mga impormasyon
ang aming inilagay at kinuha sa aming pananaliksik. Hindi nagbigay ng mga opinyon o
haka-haka ang mga mananaliksik sa pagkuha at paglikom ng mga impormasyon.
Paglilipat Tumutukoy ito sa lawak ng pag-aaral na kung saan ang mga
natuklasan ay maaaring mailipat sa iba pang konteksto/aspeto. Ang mga teoryang ito
ay nagagamit sa iba pang pag-aaral na may kaparehong sitwasyon, katanungan at
problema. Ang paglilipat ay magagawa kung ang mga impormante ay nagbibigay ng
sapat na impormasyon tungkol sa kanilang sarili, at maging sa kanilang karanasan
(Gasson, 2004). Gumamit ang mga mananaliksik ng tape recorder upang mailipat nang
tama at madinig ng mga mananaliksik nang angkop ang mga mahalagang sinabi ng
mga impormante at partisipante. Matapos ang panayam ay ipinakita at ipinadinig namin
sa kanila kung akma ang mga impormasyong aming inilagay sa aming pag-aaral.Etikal
na Pagsasaalang-alang ng Pananaliksik Sa panimulang punto, isinasaalang-
alang ang pag-aalalang etikal, ito ay may apat na mga prinsipyo na nakapaloob sa
pag-aaral ng Tom Beauchamp at Jim Childress(1983) : pagsasarili , paggalang sa
karapatan ng mga impormante, pangangalaga sa kapakanan ng mga impormante,
gumagawa ng mabuti, hindi gumagawa ng anumang pinsala, at makatarungan.
Sa aming pananaliksik, tiniyak namin na magiging pribado ang mga katauhan at mga
impormasyong aming nakalap mula sa mga impormante. Tanging kaming mga
mananaliksik lamang ang makakaalam sa mga impormasyong kanilang ibinahagi at ang
nakalap na mga datos ay hindi maaring isiwalat sa ibang tao. Dagdag pa rito, ang mga
mananaliksik ay sinigurong ang mga kalahok ay panatag sa kanilang pagsagot. Ang
mga impormante ay hindi pinilit sa anumang paraan para lamang ang mga
mananaliksik ay makakuha ng impormasyon sa kanila. Ginagabayan ng mga
prinsipyong ito na ang mga mananaliksik ay sinisigurong ang mga impormante ay may
kaalaman tungkol sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik. Isinasaalang-alang
din ang karapatan ng bawat kalahok upang sagutin lamang ang mga tanong na sa
palagay nila ay hindi nakapipinsala sa kanila.
Kabanata 4

MGA RESULTA

Ang layunin ng penomenolohikal na pag-aaral na ito ay isiwalat ang tungkol sa


pamamayagpag sa tagumpay ng mga topnotcher sa panahon ng kanilang pagkuha ng
panlisensyadong pagsusulit. Ang mga mag-aaral ding ito ay nag-imbestiga tungkol sa
paghahanda na ginawa ng mga topnotcher upang makamit ang tugatog ng tagumpay
sa board exam, kanilang mga estratehiyang ginamit at ang kanilang mga positibo at
negatibong naramdaman, at paano ito nakaapekto sa kanilang performans.

Ang mga sumusunod ay mga katanungan sa pananaliksik:

Ano-ano ang mga paghahanda o preparasyon na ginawa ng mga topnotcher upang


makamit ang tagumpay sa board exam?

Ano-ano ang mga estratehiyang ginamit ng mga topnotcher sa pagsagot sa kanilang


exam?

Ano-ano ang mga positibo at negatibong naramdaman ng mga topnotcher bago, sa


panahon, at pagkatapos ng eksam?

Sinagot ito ng mga impormante at partisipante sa pamamagitan ng dalawang pangkat


na mga katanungan, magkaiba ang istraktura ngunit iisang ideya ang ipanapahayag.
Nabuo namin ang grupo sa pamamagitan ng paghahanap ng impormasyon sa mga
taong nakakakilala sa kanila, humingi rin kami ng numero para magkaroon kami ng
komunikasyon sa kanila. Sila ang grupo na may kakayahang ibahagi ang kanilang
kaalaman hinggil sa paksa. Ang aming mga impormante at partisipante ay mga
topnotcher ng Unibersidad ng Mindanao na namayagpag sa panahon ng kanilang
pagkuha ng panlisensyadong pagsusulit. Isinagawa namin ang pakikinayam sa
bakanteng panahon at oras na kanilang isinaad.

Ang aming labing-apat (14) na impormante ay nahahati sa dalawang pangkat: Una, sa


“in-depth interview” na binubuo ng pitong (7) impormante na nagbahagi ng kani-
kanilang mga karanasan at kaalaman tungkol sa nasabing pag-aaral. Pangalawa, sa
“focused group discussion” na binubuo rin ng pitong (7) partisipante na nagbahagi
tungkol sa karanasan sa paghahanda, kanilang mga estratehiyang kanilang ginamit at
kanilang mga naramdaman bago, sa panahon, at pagkatapos ng eksam. Para sa
katanungan sa kwalitatibong pag-aaral, ang lahat ng mga datos ay pinag-isa sa
pamamagitan ng “in-depth interview” at “focus group discussion”. Sinundan ito ng mga
tema na nabuo mula sa nakalap na mga datos.

Isinalaysay ng aming mga impormante/partisipante ang iba’t ibang paghahanda na


kanilang ginawa, ang kanilang mga estratehiyang ginamit at ang kanilang mga
naramdaman bago, sa panahon, at pagkatapos ng exam. Hindi namin ginamit ang
kanilang mga totoong pangalan sapagkat ang pag-aaral na ito ay naglalagay ng
kompidensyaliti ngunit sila ay binigyan ng karapatan at kalayaan para magbigay ng mga
alyas na pangalan.

Isinagawa namin ang aming panayam sa komportableng lugar nang sa ganoon ay


masagutan nang maayos ang aming mga katanungang inihanda. Bago namin sinimulan
ang panayam ay nagbigay muna kami ng liham para humingi ng pahitunlot upang sila
ay aming makapanayam. Sa aktwal na panayam naman, bago nila sinagutan ang mga
katanungan ay hinayaan namin silang magtanong at unawain ang mga katanungang
itinanong namin sa kanila. Sa “in-depth interview” na bahagi nalaman ang mga
indibidwal na kasagutan ng mga impormante na nakabatay lamang sa kanilang
pansariling kaisipan. Sa “focus group discussion” na bahagi nalaman kung ang sagot
ng mga impormante mula sa “in-depth interview” ay magiging magkatulad muli sa
“focus group discussion”. Dito namin nakita kung magkatulad ba ang kani-kanilang
sagot sa dalawang bahagi ng interbyu at dito rin namin nalaman kung magkakaugnay
ba ang mga sagot ng aming mga partisipante sa bawat isa. Inilahad nila ang kanilang
mga kaalaman at karanasan sa klaro at detelyadong pagpapahayag.

Pagkategorya ng mga Datos

Pagkatapos ng in-depth interview at focused group discussion, ang sagot/datos ay


isinulat namin sa ibang papel, isinalin at inalisa. Tatlong hakbang ang aming ginawa sa
pag-aanalisa ng datos: pagbabawas ng datos, pagpapakita sa datos at konklusyon
habang ginagawa namin ang pag-aanalisa at pagbeberipika. Sa pagbabawas ng datos,
ang sagot ng mga partisipante ay isinulat sa papel, isinalin, inorgisa at pinagpangkat
upang matulungan namin ang aming data analyst. Sa pagpapakita ng datos, ang mga
resulta ay makikita sa Talahanayan 2, 3 at 4.
Upang mailunsad ang pagkamakatotohanan, sinunod namin ang mungkahi sa
pananaliksik na pinapanatili ang pagiging pagkamapagkakatiwalaan ng mga resulta sa
pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang estratehiya para makamit ang apat na
kahalagahan ng pagiging pagkamapagkakatiwalaan na nangangailangan ng atensyon;
kribidilidad, pagkamaaasahan, pagpapatunay at paglilipat. Para sa kredibiliti, inilunsad
namin ito sa pamamagitan ng pagtsek ng mga miyembro, pagpupulong at triangulation.
At para sa pagpupulong, pinag-usapan naming mga mananaliksik ang kategorisasyon
ng mga tema. Ang triangulation ay kinumpirma sa pamamagitan ng mga nakalap na
datos galing sa magkaugnay na literatura, ang mga impormante at ang mga
partisipante galing sa FGD.

Ang pagkamaaasahan ay sinisigurong ang mga napag-alaman sa pananaliksik ay hindi


nagbabago at hindi paulit-ulit. Sinigurado ng mga mananaliksik na ang mga nakalap
nilang datos ay hindi dinagdagan, hindi binawasan, walag labis at walang kulang. Lahat
ng nakalap nilang mga datos at impormasyon ay purong maaasahan at makatotohanan.

Ang pagpapatunay ay isang proseso para malaman kung ang mga mananaliksik ay
walang pagkiling sa kanilang ginawang pag-aaral. Sinigurado ng mga mananaliksik na
paktwal na mga impormasyon ang kanilang inilahad at walang bahid ng mga opinyon
ang naisama sa pag-aaral na ito.

Ang paglilipat ay tumutukoy sa lawak ng pag-aaral na kung saan ang mga natuklasan
ay maaring mailipat sa ibang konteksto o aspeto. Sinigrado ng mga mananaliksik na
ang kanilang pag-aaral ay magagamit pa sa ibang pananaliksik na may kaparehong
sitwasyon, katanungan, at problema.

Talahanayan 1
PAGKAKAKILANLAN NG MGA IMPORMANTE

Ipinapalagay na Pangalan Nakamit na Pwesto Grupo ng Pag-aaral

Anne 10 In-depth interview

Marco 4 In-depth interview

Pauline 6 In-depth interview

Neil 10 In-depth interview


Kenn 8 In-depth interview

Ayeezha 5 In-depth interview

Keziah 10 In-depth interview

PAGKAKAKILANLAN NG MGA PARTISIPANTE

Ipinapalagay na pangalan Nakamit na Pwesto Grupo ng Pag-aaral

Nathaniel
5 Focus-Group Discussion

James
3 Focus-Group Discussion

Andrew
1 Focus-Group Discussion

Edchel
4 Focus-Group Discussion

Kevin
8 Focus-Group Discussion

Roi
2 Focus-Group Discussion

Joreen
3 Focus-Group Discussion

1. Ano-ano ang mga paghahanda o preparasyon na ginawa ng mga topnotcher upang


makamit ang tagumpay sa board exam?
Ang mga sumusunod ay ang mga detalye tungkol sa paghahanda o preparasyon na
ginawa ng mga topnotcher upang makamit nila ang tagumpay sa panlisensyadong
pagsusulit. Ang kanilang mga salaysay ay isang malaking bagay sa ikauunlad ng aming
ginawang pananaliksik at makatutulong ito sa iba pang mga mag-aaral na naghahanda
pa lamang sa pagkuha ng board exam.

Pagbabasa
Isa sa pinakamalaking bahagi sa paghahanda bago ang pagkuha ng panlisensyadong
pagsusulit ay ang pagbabasa. Malaki ang maitutulong nito upang maging handa ang
isang indbidwal sa pagsagot sa panahon ng pagsusulit. Malaki ang naiaambag nito
upang lumawak pa ang kaalaman ng isang mag-aaral at madagdagan pa ang kanyang
mga dating natutunan. Kalakip sa pagbabasa ang tamang paglimi at pag-unawa sa
kanyang mga binabasa.

Nagbahagi si Pauline:

“Naglalaan ako ng oras upang magbasa at isinasapuso


ko ang aking binabasa at iniuugnay ko ito
sa aking mga karanasan.” (IDI_03)

Pahayag ni Anne:

“ Sa unang tatlong buwan ay puspusan kong pinag-aralan


at binasa ang mga nakalipas na mga aralin sa kolehiyo.” (IDI_01)

Pagdagdag ni Nathaniel:

“May tatlong bagay na dapat tandaan. Basa, kain,


at dasal. Ang pinakamalaking bahagi sa
paghahanda ay pagbabasa.”(FGD_01)

Sinabi ni James:

“Pagbabasa at pagkakaroon ng tiwala sa sarili.


Kailangan din na sanayin at hasain mo ang iyong isipan.”(FGD_02)

Paglalaan ng Angkop na Oras at Panahon


Isa sa pinakamahalagang aspeto upang makamit ng isang indibidwal ang tuktok
ng tagumpay sa pagkuha ng panlisensyadong pagsusulit ay ang paglalaan ng angkop
na oras at panahon. Mahalaga ang paglalaan ng oras sa pagbabasa, pa-aaral ng mga
dating aralin, at sa paghahanda ng iyong sarili upang maging preparado ang isang
mag-aaral sa pagkuha ng nasaabing eksaminasyon. Mahalaga ang paglalaan ng oras
at panahon upang magabayan ang isang tao sa kanyang mga gagawin at malaman at
makapagdesisyon siya kung ano ang kanyang mga dapat na unahing gawin.

Sinabi ni Neil:
“Naglalaan ako ng 12-13 na oras kada-araw sa
pag-aaral at pagbabasa ng mga aklat.” (IDI_04)

Ibinagahi ni Kenn:

“Naglalaan ako ng panahon at oras upang magbasa at tumingin


ng mga pelikula bilang pampawi ng pagod.” (IDI_5)

Pahayag ni Joreen:

“Araw-araw ay naglalaan ako ng ilang oras upang magtakda


ng mga gawain; pagbabasa ng libro, pagsagot ng mga
pagsasanay at iba pa.”(FGD_07)

Pagdagdag ni Nathaniel:

“Tamang panahon, oras, at materyales.90% dapat


ay pagbabasa at 10% na lang ang iba.” (FGD_01)

Paghahanda sa Sarili
Hindi lamang pagbabasa at paglalaan ng oras ang kailangan upang masabing
handa na ang isang indibidwal upang kumuha ng panlisensyadong pagsusulit, malaki
rin ang salik ng paghahanda sa sarili upang makamit ang katagumpayan sa naturang
eksam. Hindi lamang ang kakayahang mental ang dapat ihanda para sa pagkuha ng
ganitong pagsusulit, kinakailangan ding ihanda ang iyong pisikal, emosyonal, at
ispiritwal na aspeto.

Isinaad ni Anne:

“Isang linggo bago ang panlisensyadong pagsusulit


kinakailangan ipahinga na ang ating katawan.” (IDI_01)

Sinabi ni Marco:

“Isang linggo bago ng eksam, hinanda ko naman ang aking pisikal


na katawan at isipan para hindi ito labis na mapagod.” (IDI_2)
Pahayag ni Kenn:

“Ang pinakamahalagang bagay na dapat ihanda


ay ang inyong sarili at pera .”(IDI_05)

Pagdagdag ni James:

“Inihanda ko ang aking sarili sa pagsagot ng mga katanungan sa eksam


at higit sa lahat huwag kalimutan ang magdasal.” (FGD_02)

Hangarin sa Pagkuha ng Pagsusulit


Ang pagkakaroon ng hangarin ay isang daan upang magpursige ang isang
indibidwal na abutin ang kanyang mga mithiin sa buhay. Ito ang nag-uudyok sa isang
tao upang pagbutihan pa niya ang kanyang paghahanda sa pagkuha ng
panlisensiyadong pagsusulit. Ang pagkakaroon ng layunin sa buhay ang siyang
magbibigay linaw sa iyong mga pananaw at ito ang magtutulak sa iyo upang maging
pokus sa lahat ng iyong ginagawa.

Sinabi ni Anne:

“ Hangarin kong mag-top sa panlisensyadong pagsusulit


at mapatigil sa tarabaho ang aking ina.” (IDI_01)

Ibinahagi ni Kenn:

“Gusto kong patunayan sa aking pamilya na


may patutunguhan ang aking buhay” (IDI_05)

Dagdag ni Roi:

“Gusto kong gumaya sa aking mga mentor nanag-top


rin sa kanilang board exam at dahil na rin sa hirap ng buhay.” (FGD_06)

Pahayag ni Kevin:

Ang hangarin ko talaga kung bakit ako puyspusang naghanda ay


dahil sa mga taong aking hinahangaan na nag top din sa
kani-kanilang panlisensyadong pagsusulit.” (FGD_05)
Motibasyon sa Paghahanda para sa Pagkuha ng Pagsusulit
Mahalaga ang pagkakaroon ng motibasyon dahil ito ang magdudulot sa isang
indibidwal na matapos at matupad niya ang kanyang mga layunin o hangarin sa buhay.
Kahit na sa likod ng mga pagsubok ay makakaya ng isang tao na magampanan at
mapagpatuloy niya ang kanyang nasimulan. Nauuri sa dalawang kategorya ang
motibasyon, maaari itong panlabas (extrinsic) o panloob (intrinsic) na motibasyon.
Masasabing ito ay intrinsik na motibasyon kung ito ay ginagawa ng isang indibidwal
para sa kanyang pansariling kagustuhan at ekstrinsik naman kung ito ay kanyang
ginagawa para makakuha ng gantimpala o pabuya gaya ng mga bagay o pera.
Sinabi ni Kenn:

“Gusto kong masuklian ang lahat ng


sakripisyong ginawa ng aking ama.” (IDI_05)

Pagdagdag naman ni Ayeezha:

“Gusto kong maipagmaaki ako ng aking pamilya


at masuklian ang kanilang sakripisyo at pagsisikap
upang makatapos sa aking pag-aaral.” (IDI_06)

Idinagdag ni Keziah:

“Unang –una ay ang aking pamilya, pangalawa ay


ang mga taong nagpaaral sa akin.”(IDI_07)

Sagot naman ni Joreen:

“Gusto kong makapagtrabaho at makuha ang


monitary incentives.” (FGD_07)
Talahanayan 2
Tema at buod sa mga paghahanda o preparasyon na ginawa ng mga topnocher upang
makamit ang tagumpay sa panlisensyadong pagsusulit.

Lumitaw na Tema Tematikong Pahayag

May tatlong bagay na dapat tandaan.


BASA, KAIN, DASAL.

Pagbabasa at pagkakaroon ng tiwala sa


sarili. Kailangan din na sanayin at hasain
mo ang iyong isipan.

Sa unang tatlong buwan ay puspusan


kong pinag-aralan at binasa ang mga
nakalipas na aralin sa kolehiyo.

Inipon ko lahat ng aking mga kopya at


nanghiram ako ng mga libro upang aking
mapag-aralan.

Isinasapuso ko ang aking binabasa at


iniuugnay ko ito sa aking mga karanasan.

Basa lang ako nang basa.

Kinakailangan na sapat ang iyong mga


kagamitan upang mayroon kang mabasa
habang ikaw ay naghahanda sa
panlisensyadong pagsusulit.

Bawat librong aking nababasa ay inuulit-


Pagbabasa ulit ko itong basahin sa mahigit na 6
hangang 7 beses.

Naglalaan ako ng panahon at oras na


magbasa at tumingin ng pelikula bilang
pampawi ng pagod.

Araw-araw ay naglalaan ako ng ilang oras


upang magtakda ng mga gawain;
pagbabasa ng libro, pagsagot ng mga
pagsasanay at marami pang-iba.

Tamang panahon, oras,


Paglalaan ng angkop na oras at panahon at materyales.90% dapat ay pagbabasa
at 10% na lang ang iba.
Naglalaan ng 12-13 na oras tuwing araw
sa pag-aaral at pagbabasa ng mga aklat.

Isang linggo bago ang panlisensyadong


pagsusulit, kinakailangan ipahinga na ang
ating katawan.

Isang linggo bago ang exam hinanda ko


naman ang aking pisikal na katawan at
isipan para hindi ito labis na mapagod.

Isantabi ang iyong mga poblema.

Ang pinakamahalagang bagay na dapat


ihanda ay ang iyong sarili at pera.

Inihanda ko ang aking sarili sa pagsagot


Paghahanda ng sarili ng mga katanungan sa eksam at higit sa
lahat huwag kalimutang magdasal.

Gusto kong gumaya sa aking mga mentor


na nag-top rin sa board exam at dahil na
rin sa hirap ng buhay.

Hangarin ko ang mag-top sa


panlisensyadong pagsusulit at mapatigil
sa trabaho ang aking ina.

Hangarin kong isang beses lamang akong


kumuha ng panlisensyadong pagsusulit.

Gusto kong mag-top dahil nakasisiya na


makita ang iyong mukha sa harapan ng
paaralan.

Hinangad ko na mag-top upang


makatulong sa pamilya at mapasaya ang
mga taong naniniwala sa aking
kakayahan.

Layunin ko talagang mapabilang at mag-


top sa panlisensyadong pagsusulit.

Gusto kong patunayan sa aking pamilya


na may patutunguhan ang aking buhay.
Hangarin sa pagkuha ng pagsusulit Hangarin ko ang makuha ang isang
milyon at maging isa sa mga topnotchers.
Hangarin ko talagang hindi lang pumasa
kundi ang maging topnotcher.

Ang nagbibigay talaga ng motibasyon ay


ang pamilya ko.

Gusto kong makapagtrabaho at makuha


iyong monitary incentives.

Ang aking pamilya at maging guro sa


review center.

Ang aking pamilya dahil malaki ang


kanilang ekspektasyon at suporta sa akin.

Gusto kong maiahon ang aking pamilya


sa hirap.

Gusto kong mabigyan ng magandang


buhay ang aking sariling pamilya.

Gusto kong masuklian ang lahat ng


sakripisyong ginawa ng aking ama.

Gusto kong maipagmalaki ako ng aking


pamilya.
Motibasyon sa paghahanda para sa Ang aking pamilya at ang mga taong
pagkuha ng pagsusulit tumulong sa akin upang ako ay makapag-
aral.
2. Ano-ano ang mga estratehiyang ginamit ng mga topnotcher sa pagsagot sa kanilang
eksam?
Ang mga sumusunod ay ang mga detalye tungkol sa estratehiyang ginamit ng mga
topnotcher sa pagsagot sa palisensyadong pagsusulit. Ang kanilang mga ibinahaging
estratehiya ay makatutulong sa susunod na mga mag-aaral na kukuha pa ng
panlisensyadong pagsusulit upang magkaroon sila ng mga gabay kung paano mas
maging epektibo sa pagsagot sa nasabing eksam.

Iba’t ibang Estratehiyang Ginamit sa Pagsagot ng Panlisensyadong Pagsusulit


Ang mga estratehiya ay ang mga metodo o planong ginagamit ng isang
indibidwal upang mas maging epektibo at mapadali ang kanyang pagsagot sa naturang
eksam. Ito ay maituturing na isang kognitibong abilidad ng isang indibidwal sa kanyang
eksaminayon at ito ang magiging daan upang mapalawak ang kanyang kaalaman sa
pag-aanalisa ng mga katanungan sa panahon ng eksam.
Sinabi ni Ayeezha:

“Kung hindi mo alam ang sagot piliin mo ang letrang B o C,


pwede rin ang mga matataas na opsyon, at kung ang mga
opsyon ay pare-pareho ng kaisipan piliin mo ang naiiba
dahil posibleng iyon ang tamang sagot.” (IDI_06)

Pagbanggit ni Anne:

“Gumamit ng mga simbolismo bilang mga palatandaan


kung mahirap o hindi mo alam ang mga tanong.” (IDI_01)

Dagdag ni Edchel:

“Kailangan mong magpakumbaba kung hindi mo


talaga alam ang sagot, ipagpaliban mo muna ito
at magpatuloy ka sa mas madadaling tanong.”(FGD_04)
Sinabi naman ni James:

“Paggamit ng context clues at pag-ubos ng iyong oras


na ibinigay sa inyo.” (FGD_02)

Pagpapaliwanag ni Marco:

“Gamitin ang YOU DON’T KNOW THEORY,LONG THEORY


at FIRST-INSTINCT THEORY kung hindi
niyo talaga alam ang sagot.”(IDI_02)

Pagpapahiwatig ni Neil:

“Gamitin ang proseso ng paghawi ng mga hindi importanteng


pagpipilian sa mga tanong.” (IDI_04)

Dagdag ni Joreen:

“Kinakailangan talagang kilalanin mo muna ang iyong sarili


at tingnan mo kung ano ang kaya mong gawin.Makatutulong
rin iyong pagbabasa gamit ang labi at pagkakaroon ng
wastong paggamit ng oras” (FGD_07)

Tulong ng mga Estratehiya sa Pagsagot


Mahalaga ang naitutulong ng mga estratehiya dahil ito ang nagpapalawig sa
kaalaman ng isang indibidwal tungkol sa kanyang kukuhaning pagsusulit at ito ang
magiging dahilan upang tumaas ang kanyang marka sa panlisenyadong pgsusulit. Sa
pamamagitan ng mga estratehiyang ginamit ay mapapadali ang iyong pagsagot sa
naturang eksam, at magkakaroon ka ng tiwala sa iyong saili na mapapasa mo at
makakamit mo ang tugatog ng tagumpay sa anumang kukuhanin mong pagsusulit.
Sinabi ni Pauline:

“Mas madali kong naiintidihan ang mga tanong kasi


lahat ng mga nababasa ko ay ikinokonekta ko sa
aking sarili at dating kaalaman.” (IDI_03)

Pagbanggit ni Kenn:

“Makakatulong ito upang makontrol mo


ang iyong sarili.” (IDI_05)

Dagdag ni Ayeezha:

“Nakakatulong ang mga estratehiyang aking ginamit


upang magkaroon ako ng tiwala sa aking sarili” (IDI_06)

Sinabi naman ni James:

“Mas madali na lang ang pagsagot,matatapos


mo nang mas maaga ang eksam.” (FGD_02)
Pagpapaliwag ni Nathaniel:

“Mas mahinahon ka sa pagsagot dahil alam mo kung ano


ang mga estratehiyang iyong gagamitin. Mas naiisip namin
na parang pagsusulit na lang ang aming sinasagutan.”(FGD_01)

Talahanayan 3
Tema at buod sa mga estratehiyang ginamit ng mga topnotcher sa pagsagot sa
kanilang exam.

Lumitaw na Tema Tematikong Pahayag

Ikonekta at iugnay ang iyong mga


nabasang KEYWORDS sa tanong sa
posibleng sagot.

May tinatawag din kaming MARGIN


ERROR, PLUS 1 – MINUS 1 o iyong
tinatawag na prediksyon (PREDICTION
THEORY).

Paggamit ng “context clues” at pag-ubos


ng iyong oras na ibinigay sa inyo.

Kinakailangan talagang kilalanin mo


muna ang iyong sarili at tingnan mo kung
ano ang kaya mong gawin.

Makatutulong rin iyong pagbabasa gamit


ang iyong labi at ang pagkakaroon ng
wastong paggamit ng oras.

Kung hindi mo talaga alam ang sagot


ipagpaliban mo muna ito at magpatuloy
ka sa mga mas madadaling tanong.

Unang sagutan ang mga tanong na


madadali at maiikling katanungan.

Gumamit ng mga simbolismo kung


mahirap o hindi mo alam ang mga
tanong.

Kinakailangan ang wastong paghahati ng


oras sa pagsagot.

Ipagpaliban ang mga mahihirap na


tanong.

“You Don’t Know Theory”, “Long Theory”,


“First Instinct Theory” kung hindi niyo
Iba’t ibang estratehiyang ginamit sa talaga alam ang sagot.
pagsagot ng panlisensyadong pagsusulit
Ikonekta ang iyong dating kaalaman sa
mga nabasang tanong.

Basahin ang tanong apat hanggang


limang beses upang maunawaan ang
tanong.

Gamitin ang proseso ng paghawi ng mga


hindi importanteng pagpipilian sa mga
tanong.

Kung ang mga pagpipilian ay may


parehong kaisipan, piliin ang naiibang
ideya dahil maaring ito ang angkop na
sagot.

May tatlong epektibong pamamaraan


upang masagutan ang panlisensyadong
pagsusulit, ito ay basic, back-up at
evaluation.

Kung hindi mo alam ang ang sagot piliin


mo ang letrang B o C, pwede rin iyong
mga matataas na opsyon, at kung ang
mga opsyon ay pare-pareho ng kaisipan
piliin mo ang naiiba dahil posibleng iyon
ang tamang sagot.

Naglalagay ako ng mga simbolo sa mga


tanong na hindi ko pa nasasagutan.

Kinakaltas ang mga maling opsyon


upang madali kong makita ang tamang
sagot.

Mas madali na lang ang pagsagot. Mas


matatapos mo ang eksam ng mas
maaga.
Mas mahinahon ka sa pagsagot.

Mas nagiging epektibo ang aking


pagsagot.

Mas madali kong naiintindihan ang mga


tanong kasi lahat ng mga nababasa ko
ay ikinokonekta ko sa aking sarili at
dating kaalaman.

Makatutulong ito dahil habang


sumasagot ka ay unti-unti mong
maaalala ang mga sagot at pormula na
iyong napag-aralan.

Kung alam mo na ang iyong ginagawa,


hindi ka mawawala sa pagsagot.

Nakatutulong ito upang makontrol ang


iyong sarili.

Nakatutulong ang mga estratehiyang


aking ginamit na magkaroon ako ng
tiwala sa aking sarili.

Mas napapadali ang aking pagsagot at


hindi ako masyadong nahihirapan dahil
Tulong ng mga estratehiya sa pagsagot mayroon akong mga estratehiyang
ginamit.

3. Ano-ano ang mga naramdaman ng mga topntocher bago, sa panahon at pagkatapos ng


eksam?
Ang mga sumusunod ay mga pahayag ng mga topnotcher tungkol sa kanilang
mga positibo at negatibong naramdaman bago, sa panahon, at pagkatapos ng eksam.
Malaki ang naiambag ng kanilang mga isinaad upang matukoy kung paano nakaapekto
at nakatulong ang kanilang mga naramdaman sa kanilang performans sa pagsagot sa
naturang eksam.
Positibong Naramdaman Bago, Sa panahon, at Pagkatapos ng Panlisensyadong
Pagsusulit
Ang mga positibong naramdaman ay may malaking epekto sa pagsagot ng
isang indibidwal sa kanyang pagsusulit. Ito ang nagpapalakas ng kanilang loob upang
sagutan ang eksam. Nagsisilbi itong gasolina na siyang tumutulong upang ipagpatuloy
ang pagsagot a board eksam. Nagbibigay ito ng atraksiyon upang hatakin ang iyong
sarili na magpursige at tapusin ang eksam.
Sinabi ni Marco:
“Nakapanlulubag loob kung alam mong marami kang
nasagutan at alam mong tama ang mga ito.” (IDI_02)

Pagbanggit ni Keziah:

“Maipagmamalaki mo ang iyong sarili dahil natapos mo


ang panlisensyadong pagsusulit at masayang-
masaya ako na naging isang topnotcher.” (IDI_07)

Dagdag ni Ayeezha:

“Namagha ako dahil lahat ng aking hiniling sa


Panginoon ay kanyang ibinigay.” (IDI_06)

Sinabi naman ni Nathaniel:

“Pagkatapos ng eksam, makakaramdam ka na ng


ginhawa dahil natapos mo na ang iyong eksam.” (FGD_03)

Pagpapaliwag ni James:

“Pagkatapos ng eksam, tiwala ako sa aking sarili


na magta-top ako sa board eksam.”(FGD_02)

Negatibong Naramdaman Bago, Sa panahon, at Pagkatapos ng Panisensyadong


Pagsusulit
Kagaya ng positibong mga naramdaman ay may malaking epekto rin ang mga
negatibong naramdaman lalo na sa panahon ng pagsagot ng eksam. Halimbawa sa
mga epekto nito ay ang pagkabalisa, pangangatog ng mga tuhod at kamay, at
pamamawis ng mga kamay, matinding kaba na maaaring maging dahilan upang
bumaba ang kanilang marka sa eksam at tiwala sa sarili, pero minsan ito rin ang mag-
uudyok sa isang tao upang lalong magpursige at manigurado sa pagsagot.
Sinabi ni Anne:

“ Na-pressure dahil ang aking mga kasamahan


ay natapos na sa pagsagot sa pagsusulit.” (IDI_01)

Pagbanggit ni Pauline:
“Sa pagsagot ng eksam, hindi ko talaga maaiwasang mabalisa,
Ang mga kamay ko ay nanginginig at namamawis.” (IDI_03)

Dagdag ni Neil:

“Ang ekspektasyon ng tao, kasi isa ako sa control group


at natatakot ako na baka hindi ko iyon maabot.” (IDI_04)

Sinabi naman ni Nathaniel:

“Iyong pressure na naramdaman dahil malaki ang


ekspektasyon ng aking pamilya.” (FGD_01)
Talahanayan 4
Tema at buod sa mga nararamdaman ng mga topnotcher bago, sa panahon, at
pagkatapos ng exam.

Lumitaw na Tema Tematikong Pahayag

Malaki ang aking tiwala sa sarili kahit na


noong naghahanda pa lamang ako.

Ang nagpapalakas ng aking loob ay ang


mga katagang, kapag ang iyong hangarin
ay maging topnotcher dalawa lang talaga
ang patutunguhan mo ang maging
topnotcher o pumasa sa eksam.

Nawawala ang mga agam-agam ko dahil


sa pamilya at mga taong naniniwala sa
akin.

Iniisip ko na kung kaya ng iba ay kaya ko


ring ipasa ang board exam.

Mas naging malapit ako sa Panginoon at


alam ko na handa ako sa pagkuha ng
panlisensyadong pagsusulit.

Habang papalapit ang panlisensyadong


pagsusulit, nabawasan ang aking takot at
kaba dahil dumating na ang tamang
panahon na aking hihintay.

Positibo kasi akong tao kaya iniisip ko na


makakapasa talaga ako sa
panlisensyadong pagsusulit.

Alam ko talaga sa sarili ko na preparado


ako sa pagkuha ng eksam pakiramdam
ko din na kaya ko lang ang eksam.

Positibong naramdaman bago ang Ang ekspektasyon ng tao, kasi isa ako
panlisensyadong pagsusulit sa control group at natatakot nab aka
hindi koi yon maabot.
Masaya kasi pinayagan ako ng proctor
namin na gumamit ako ng folder.

Namangha ako dahil lahat ng aking


hiniling sa Panginoon ay kanyang
binigay.

Masaya ako kasi marami ang lumabas na


Positibong naramdaman sa panahon ng
alam ko at napag-aralan ko talaga.
panlisensyadong pagsusulit
Sigurado akong makakaya kong sagutan
ang eksam.

Positibo ako na makakapasa ako sa


board at makakakuha ng 88% pataas na
marka.

Pagkatapos ng eksam, tiwala ako sa


aking sarili na magta-top ako sa board
exam.

Pakiramdam ko talaga na malaki ang


makukuha ko at mapapasa ko ang
panlisensyadong pagsusulit.

Nakakapanlubag loob kung alam mong


marami kang nasagutan na tanong at
alam mong tama ang mga ito.

Naramdaman ko ang hustong kasiyahan


dahil alam ko sa sarili ko na makakapasa
ako sa eksam.

Maipagmamalaki mo ang iyong sarili


dahil natapos mo ang panlisensyadong
pagsusulit at siyempre masayang-
masaya ako na naging isang topnotcher.

Positibong naramdaman pagkatapos ang


panlisensyadong pagsusulit Sigurado ako na maipapasa ko ang
GenEd at major.
Na-pressure talaga ako bago ang
pagkuha ng eksam.

Natakot ako baka hindi ko maabot ang


ekspektasyon ng mga tao.

Nag-aalala dahil konti lamang ang


panahon ko sa pag-rerebyu.

Ang aking negatibong naramdaman ay


pressure mula sa aking pamilya, tensyon
at takot na baka hindi ako pumasa.

Negatibong naramdaman bago ang


panlisensyadong pagsusulit
Kinakabahan ako, lalo na kung maiisip
ko kung ano ang mga lalabas na
katanungan sa eksam.

Ang negatibong naramdaman sa


panahon ng eksam ay iyong
nangangatog ang aking kamay at tuhod.

Hindi talaga maiiwasan ang pagkabalisa


at pamamawis ng mga kamay.

Sa pagsagot ng eksam, hindi ko talaga


maiwasang mabalisa, ang mga kamay ko
ay nanginginig at namamawis.

Na- pressure ako sa aking mga


kasamahan dahil madali lang nilang
nasagutan ang mga tanong.

Makararamdam ka ng panginginig ng
iyong mga kamay at nakadadagdag din
ng pressure lalo na kapag ikaw na lang
Negatibong naramdaman sa panahon ng ang natira at naiwan sa lahat ng iyong
panlisensyadong pagsusulit mga kasamahan.

Sa pangalawang araw ng pagsusulit ay


nawalan ako ng pag-asa at lakas ng loob
na maipapasa ko ang eksam.
Na-pressure dahil ang aking mga
kasama ay natapos na, ang bilis nilang
sumagot ng eksam.

Nahirapan ako lalo na sa General


Education dahil mas madami ang Math
kaysa sa Science.

Ang negatibong aking naramdaman ay


baka bumagsak ako sa eksam.

Kinakabahan ako kasi iniisip ko kung


makakapasa ba ako o hindi sa
panlisensyadong pagsusulit.

Iniisip ko kung ano ang kahihinatnan ko


kung hindi ako makakapasa sa
panlisensyadong pagsusulit.

Iniisip ko ang kahihiyan kung saka-


sakaling hindi ako makapasa sa
panlisensyadong pagsusulit.

Kinabahan ako kasi may mga lumabas


sa eksam na hindi ko alam.

Negatibong naramdaman pagkatapos Ako’y kinabahan na baka bumagsak ako


ang panlisensyadong pagsusulit sa Professional Education.

Iyong pressure na naramdaman dahil


malaki ang ekspektasyon ng aking
pamilya.
Kabanata 5
DISKUSYON AT KONKLUSYON

Ang mga pahinang ito ay naglalaman ng mga resulta sa pag-aaral, mga konklusyon at
ang implikasyon na maaaring magamit sa panghinaharap at susunod na mga
pananaliksik. Ang tanging pokus sa pag-aaral na ito ay ang iba’t ibang paghahandang
ginawa ng mga topnotcher upang makamit ang tugatog ng tagumpay, estratehiyang
kanilang ginamit sa pagsagot sa mga katanungan, at ang kanilang mga positibo at
negatibong naramdaman bago, sa panahon, at pagkatapos ng eksam.

Ang layunin ng penomenolohikal na pag-aaral ay upang maintindihan, mauri at mai-


dokumento ang mga paghahandang ginawa ng mga topnotcher ng mga nagsitapos sa
UM Tagum College at namayagpag sa kani-kanilang board exam at upang makamtan
ang mg deskripsyon sa unang respondente na may lantay na karanasan ukol sa
nasabing pag-aaral . Nilikom ng mga mananaliksik ang mga mahahalagang
impormasyon at datos upang maging matuwid, mapagkakatiwalaan, at makatotohanan
ang pananaliksik na ito (Morris, 2004).

Bago sinimulan ng mga mananaliksik ang interbyu ay nagkaroon muna sila nang
masinsinang pag-uusap kung saan nila makikita ang kanilang mga impormante at
partisipante at paano maisasagawa nang maayos ang kanilang pag-aaral. Ang mga
impormante at partisipante ng pag-aaral na ito ay ang mga nagsitapos sa UM Tagum
College na namayagpag sa kanilang panlisensyadong pagsusulit. Ito ay binubuo ng
labing-apat (14) na mga kalahok, pito (7) mula sa in-depth interview at (7) naman sa
focus-group discussion. Sila ang mga mapagkakatiwalaang mga partisipante at
impormante na nagbigay ng kanilang mga mahahalagang karanasan ukol sa
paghahanda sa pagkuha ng board exam na maaaring makatulong nang malaki sa
susunod na mga mag-aaral na kukuha rin nito. Sa panahon ng kanilang pakikinayam,
ipinaliwanag ng mga mananaliksik na ang kanilang pagkakakilanlan ay mananatiling
pribado at isinaad sa kanila kung ano ang mga dahilan kung bakit sila ang napiling
makapanayam.
Ang labing-apat (14) na mga partisipante ay pinili nang maayos batay sa mga krayterya
upang ang mga respondente at ang iba’t ibang suliranin ay maibahagi nang maayos
bilang pinaka elemento sa pag-aaral na ito. Ang in-depth interview at focus-group
discussion ay sasabayan ng mga katanungan sa pag-aaral at interview guide
questionnaire.

Batay sa ginawang pananaliksik, ang unang temang lumabas sa unang katanungan ay


ang pagbabasa. Mahalaga ang ginagampanan ng pagbabasa sa paghasa at pag-unlad
ng indibidwal. Malaki ang naitutulong nito upang malinang ang katalinuhan at maging
matalas ang kaisipan ng isang mag-aaral, lalong- lalo sa pagsagot sa anumang
eksaminasyon. Ang pagbasa ay pangunahing kailangan sa pagtatagumpay ng mag-
aaral, sa isang propesyon o kahit sa halos lahat ng bahagi ng buhay. Bukod dito, ang
pagbabasa ay ang pundasyon ng pagtuturo para sa lahat ng pag-aaral, anuman ang
kanilang mga antas ng kakayahan. Dahil ito ang nagtatakda ng pundasyon para sa
hinaharap na pag-unlad at tagumpay sa halos lahat ng iba pang aspeto ng pamumuhay
(Scott, 2010).

Ang ikalawang tema ay paglalaan ng angkop na oras at panahon. Isa sa


pinakamahalagang salik upang makamit ng isang mag-aaral ang katagumpayan sa
panlisensyadong pagsusulit ay ang pagtatakda at paglalaan ng oras at panahon.
Angkop na oras para makapag-aral at akmang oras upang maglibang sa sarili. Ito ang
magsisilbing gabay ng isang indibidwal upang maging organisado ang lahat ng kanyang
gagawin. Inilahad sa pag-aaral na ang oras ay isa sa pinakamahalagang kayamanan ng
tao upang maisakatuparan niya ang kanyang mga hinahangad sa hinaharap. Mahalaga
ang paglalaan ng oras at panahon upang maisagawa ng indibidwal ang kanyang
tinakdang layunin sa buhay. Nakatutulong ito upang maging matagumpay at produktibo
ang isang tao sa lahat ng kanyang gagawin (Cigdem, 2010).

Ang ikatlong temang lumabas ay paghahanda ng sarili. Isa sa mahalagang salik upang
makamit ang rurok ng tagumpay sa board eksam ay ang pagkakaroon ng paghahanda
sa sarili. Hindi lang ang mental na kakayahan ng isang indibidwal ang dapat hasain,
kinakailangan ding maayos ang kondisyon ng pangangatawan. Isinaad din sa sa isang
pag-aaral na bago dumating ang eksaminasyon kinakailangan na ang isang indibdwal
ay magkaroon ng wastong gawi sa pagtulog, at pagkain nang tama at akma. Ito ay
nangunguhulugan na sa paghahanda ng iyong sarili sa board eksam kasama na dito
ang pisikal, mental, emosyonal, at ispiritwal na aspeto (Fuller, 2014).

Ang pang-apat na tema ay ang mga hangarin sa pagkuha ng pagsusulit. Mahalaga ang
pagkakaroon ng hangarin sa buhay dahil ito ang mag-uudyok sa isang indibidwal upang
abutin niya ang kanyang mga minimithi sa buhay. Ang mga hangarin ay ang
pagkakaroon ng mga layunin at ambisyon sa buhay na kinakailangan ng motibasyon
upang maabot ito. Nakadepende sa pagsisikap ng isang indibidwal kung ano sa tingin
niya ang kaya niyang maabot o hindi. Ang pagkakaroon nang mataas na hangarin ay
maaaring magdulot sa isang tao na madismaya ngunit kung hindi ka magtakda ng mga
hangarin ay magdudulot ito upang hindi mo maabot ang iyong buong potensyal bilang
isang indibidwal (Thomas, 2008).

Ang pagtatakda ng layunin at ang iyong motibasyon ay magkaugnay. Mas tumataas


ang motibasyon ng isang tao kung nagkakaroon muna siya ng mga layunin sa buhay.
Ito rin ang magiging dahilan upang matamo niya ang inaasam-asam na tagumpay
(Shore, 2010).

Panghuling tema ay motibasyon sa paghahanda para sa pagkuha ng pagsusulit. Mas


nagiging makabuluhan ang iyong mga pagsisikap at paghahanda kung nagkakaroon ka
ng motibasyon sa iyong sarili. Maaaring ang motibasyon ng isang indibidwal ay
panloob o panlabas lamang na motibasyon. Ang motibasyon ang nagbibigay kasabikan
sa isang tao na tapusin at tuparin ang kanyang mga nasimulang layunin. Ang
motibasyon ay maaaring matukoy bilang lakas na nagpapakilos sa isang tao na
magtiyaga at magsikap upang maabot ang kanyang ambisyon o hangarin sa buhay. Ito
ay nakatuon sa panloob at panlabas na salik na siyang magpapasigla sa isang
indibidwal upang makamtan niya ang personal na kasiyahan (Mangal, 2008).

Batay sa ginawang pananaliksik, ang unang temang lumabas sa ikalawang tanong ay


iba’t ibang estratehiyang ginamit sa pagsagot ng panlisensyadong pagsusulit. Ang mga
estratehiyang ginamit ay maituturing bilang isang kognitibong abilidad ng isang
indibidwal sa pagsagot sa kanyang eksaminasyon. Mahalaga ang pagkakaroon ng
isang estratehiya upang maipasa at malaki ang makuhang marka sa isang partikular na
pagsusulit. Halimbawa ng mga pamamaraang ito ay ang mabisang paggamit ng oras,
pag-aanalisa nang mabuti sa mga katanungan, paghawi sa mga maling opsyon sa mga
tanong, at pagkonekta sa mga dating kaalaman sa mga nabasang tanong (Dooden,
2015).
Ang pangalawang tema ay tulong ng mga estratehiya sa pagsagot. Ang mga
estratehiya ay may malaking tulong lalo na sa pagsagot sa isang pagsusulit. Kung ang
isang indibidwal ay may ginagamit na estratehiya ay maaaring mapadali na lamang ang
kanyang pagsagot sa mga katanungan, mapataas ang kanyang tiwala sa sarili,
magkakaroon siya ng kapanatagan ng loob, at mababawasan ang pagkakabalisa niya
habang kumukuha siya ng eksam. Sa isang pag-aaral isinaad na malaki ang naitutulong
ng mga estratehiya upang tumaas ang iyong marka at mapabuti ang iyong sarili sa
pagkuha ng iba’t ibang eksaminasyon (Mayland, 2003).

Ang unang lumitaw na tema sa pangatlong katanungan ay ang positibong naramdaman


bago, sa panahon, at pagkatapos ng panlisensyadong pagsusulit. Ang mga positibong
naramdaman ng isang indibidwal ay may malaking epekto sa performans ng isang mag-
aaral. Maaaring ito ay makatulong upang mapalakas ang kanyang loob upang
ipagpatuloy niya ang kanyang pagsagot. Ito ang nagsisilbing gasolina ng isang tao
upang maipagpatuloy niya ang kanyang nasimuang gawain.

Ang positibong tao ay may malaking tiwala sa kanilang sarili na makakaya nilang
malampasan ang isang pagsubok. Ipinahayag sa isang pag-aaral na ang taong may
positibong pag-iisip ay kadalasang nangunguna at magaling na gumanap sa
eksaminasyon (Lee, 2014).

Ang pangalawang tema ay ang negatibong naramdaman bago, sa panahon, at


pagkatapos ng panlisensyadong pagsusulit. Ang mga negatibong nararamdaman o
iniisip ng isang indibidwal ay may epekto sa kanyang kognitib, apektib, a beheybyoral
na aspeto. Sa kognitibong aspeto, maaaring ang isang indibidwal ay makararanas ng
mental block o makalimutan ang lahat ng kanyang pinag-aralan. Sa apektib naman,
maaaring makaramdam ng takot, pangamba, presyur, at kaba na baka hindi niya
maipapasa ang eksam. At ang paghuli ay ang beheybyoral na aspeto, na kung saan
ang isang mag-aaral ay makararamdam ng pamamawis at pangangatog ng tuhod at
kamay (Zeidner, 2007).

Maaaring ang mga negatibong naramdaman ay makatulong o makasama sa


performans ng isang indibidwal. Makatutulong ito sa pamamaraang maaring gamitin ito
bilang isang motibasyon upang pagbutihan pa niya ang kanyang pagsagot sa eksam.
Makasasama naman ito kung didibdibin ng isang mag-aaral ang kanyang mga di kaaya-
ayang naramdaman.

Implikasyon sa Pagsasanay
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang iba’t ibang paghahandang
ginawa ng mga topnotcher upang makamit ang tugatog ng tagumpay sa
panlisensyadong pagsusulit, ang kanilang mga estratehiyang ginamit sa pagsagot, at
ang mga positibo at negatibong naramdaman bago sa panahon, at pagkatapos ng
eksam. Samakatuwid, ang pag-aaral na ito ay isang tulay upang maipahayag nila ang
kanilang mga saloobin hinggil sa nasabing pag-aaral.

Patunay lamang ito na kapag ang isang mag-aaral ay may sapat na panahon sa
paghahanda, at may mga estratehiyang ginamit sa pagsagot sa naturang
eksaminasyon ay may malaking posibilidad na maaabot at makakamit niya ang tugatog
ng tagumpay. Malaki ang implikasyon ng pag-aaral na ito dahil ito ang magsisilbing
gabay at patunay sa susunod pang kukuha ng panlisensyadong pagsusulit na
mahalaga ang paghahanda sa iyong sarili upang maipasa mo ang board exam.

Sa mga tagapangasiwa ng UM Tagum College, malaki ang gampanin nilang humulma


pa ng mga topnotcher. Pag-ibayuhin at pagtibayin pa ang kanilang mga programa para
mas magpursige pa ang mga mag-aral na maipasa at ma-top nila ang panlisesyadong
pagsusulit.

Sa mga guro, malaki ang implikasyon ng pag-aaral na ito upang maging pursigido at
dedikado pa sila sa kanilang pagtuturo. Mabigyan nila ng malawak na kaalaman ang
mga susunod na mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng paghahanda at pagkuha ng
panlisenyadong pagsusulit. Maipabatid sa kanila na isa sila sa mga salik upang
mapagtagumpayan ng mga mag-aaral ang kanilang board eksam.

Sa mga mag-aaral, malaki ang maidudulot nito upang mas maging motibado pa sila sa
kanilang pag-aaral at mas pagsumikapan pa nila ang kanilang paghahanda sa panahon
na sila naman ang kukuha ng panlisensyadong pagsusulit.

Implikasyon sa Susunod na Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isang napakahalagang bagay sa mga mag-aaral na kukuha pa


lang ng panlisensyadong pagsusulit. Malaki ang maitutulong nito upang mabigyan ng
gabay ang mga mag-aaral kung ano ang angkop na paraan ng paghahanda bago ang
pagkuha ng board eksam, mga epektibong estratehiya na maaari nilang magamit sa
kasalukuyan. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magkaroon ng bagong datos na
maaaring magamit para sa iba pang pag-aaral.

Naniniwala ang mga mananaliksik na malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito sa


lahat ng mga mag-aaral lalo na sa mga estudyante ng UM Tagum College na inaasam-
asam din na makamit ang rurok ng katagumpayan sa pagkuha ng panlisensyadong
pagsusulit. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang maingganyo at mahikayat
pa ang iba pang mag-aaral na pagbutihan pa ang pagkuha ng board eksaminasyon, at
maaring ito ang magbigay posibilidad upang dumami at umangat pa ang porsyento ng
mga maaaring mag-top sa naturang eksam.

Mas magiging makabuluhan ang pananaliksik na ito kung ito ay patuloy pa ring
lilinangin nang sa gayon ay mas mapakinabangan at mapahalagahan pa sa susunod na
henerasyon. Mungkahi namin sa mga susunod na mga mananaliksik na maghanap pa
ng ibang mga topnotcher na nagmula sa iba’t ibang paaralan upang makatulong at
makapagbahagi rin ng kanilang mga karanasan sa paghahanda, iba’t ibang
estratehiyang kanilang ginamit at kanilang naramdaman at paano ito nakaapekto sa
kanilang performans. Maaari ring ihambing ng susunod ng mga mananaliksik ang
kanilang mga bagong nakalap na datos sa mga dating naipon at naibahaging
impormasyon upang malaman ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang pag-aaral.

Sa kabuuan, ang mga mungkahing ito ay nagpapatunay lamang sa pagkakaiba ng mga


paksa na ikokonsedera para sa pananaliksik ng mga idibidwal na may iba’t ibang mga
karanasan sa paghahanda bago ang panlisensyadong pagsusulit. Ang pananaliksik na
ito ay nagpapatunay na malaki ang maitutulong ng paghahanda bago kumuha ng board
eksam upang maipasa ito. Bawat indibidwal ay may iba’t ibang paraan ng paghahanda
upang makamit ang tagumpay sa pagsusulit, may kani-kanilang mga estratehiya upang
masagutan nang tama at mapadali ang pagsagot dito.

Konklusyon

Ang penomenolohikal na pag–aaral na ito ay sumusuri sa mga paghahanda o


preparasyong ginawa ng mga topnotcher, nakapaloob rin dito ang mga hangarin at ang
kanilang naging motibasyon sa paghahanda, estratehiyang kanilang mga ginamit at
naging tulong nito sa kanilang pagsagot at ang kanilang mga positibo at negatibong
naramdaman bago, sa panahon, at pagkatapos ng pagsusulit. Ang mga impormante at
partisipante na kasangkot sa pag-aaral na ito ay nagsipagtapos sa UM Tagum College
na walang pag-aalinlangan na nagbahagi at nagpahayag ng kani-kanilang mga
karanasan at ang mga mungkahi kung paano nila nakamtan ang tugatog ng tagumpay
sa nasabing eksaminasyon.

Lumabas sa pag-aaral na kung handa ka talaga sa iyong pagkuha ng eksaminasyon ay


may malaking posibilidad na maipapasa o di kaya’y magta-top ka sa panlisensyadong
pagsusulit. Isa sa pinakamalaking bahagi ng paghahanda ay ang pagbabasa.
Ipinahayag din na hindi lamang ang katalinuhan ang sinusukat sa board eksam kundi
nakabatay rin ito sa mga estratehiyang iyong ginamit, dahil kung may nakareserba o
nakatago kang mga estratehiya ay madali na lamang sagutan ang mga katanungan,
ngunit ipinaalala sa pananaliksik na ito na hindi sa lahat ng pagkakataon na ang mga
estratehiyang epektibo para sa iba ay akma rin sa iba pang mag-aaral, nakadepende
lamang ang mga ito sa abilidad at kakayahan ng isang tao. Kailangan na kilalanin mo
muna an iyong sarili at buong pagkatao. Isiniwalat sa pananaliksik na ito na kung
hinangad mo talagang mag-top ay kinakailangang magkaroon ka ng ispesipikong gol o
layunin dahil ito ang magbibigay ng motibasyon sa isang indibidwal upang magpursige
at magtiyaga na abutin ang kanyang mga pangarap.

Bawat mag-aaral na kukuha ng panlisensyadong pagsusulit ay hinahangad talaga na


pumasa o maging top sa kanyang larangang kinukuha. Ngunit hindi ito madaling gawin
dahil nangangailangan ito ng puspusang paghahanda. Nangangailangan ito ng pera,
sapat na oras at mahabang panahon. Bilang isang mag-aaral dapat rin nating
pahalagahan ang ating mga pinag-aralan simula pa lang noong tayo ay nasa
elemntarya hanggang matapos natin ang kolehiyo. Sa pagkuha ng panlisensyadong
pagsusulit kinakailangan nating tandaan na dapat mayroon tayong lakas ng loob,
determinasyon, tiwala sa sarili at higit sa lahat malaking pananalig sa Diyos.

SANGGUNIAN

Abban, K,. (2011). As cited by Miqdadi F., from The relationship between time
management and the academic performance of students from the Petroleum
Institute in Abu Dhabi, the UAE. Retrieved July 7, 2016 from
http://www.asee.org/documents/zones/zone1/2014/Student/PDFs/177.pdf
Altairi, M., (2014). The impact of mindfulness and test anxiety on academic
performance. Retrieved October 10, 2016 from
http://ir.library.louisville.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1083&context=hon ors

Bashir, I,. (2012). As cited by Marie Jean N. Mendezabal from study habits and
attitudes: The road to academic success. Retrieved July 15, 2016 from
http://www.academicjournals.org/journal/IJEAPS/article-full- textpdf/A18769055459

Cabautan, R,. (2016). UC graduates top mechanical engineer licensure examination.


Retrieved July 27, 2016 from http://cebudailynews.inquirer.net/90719/uc-grad-
tops-mechanical- engineer-licensure-exam

Cambria, J., (2010). motivating ang engaging students in reading. Retrieved July
5, 2016 from http://www.literacyconnects.org/img/2013/03/Motivating- and-
engaging- students-in-reading-Cambria-Guthrie.pdf

You might also like