You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

University of Rizal System

Pililla, Rizal

College of Education

MASUSING BANGHAY ARALIN

SA ARALING PANLIPUNAN

______________________________________________________________________

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaaasahang,

Nailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya AP9MAK-IIIa-1


a. Naipapaliwanag ang paikot na daloy ng ekonomiya
b. Nakabubuo ng paliwanag tungkol sa paikot na daloy ng ekonomiya
c. Nabibigyang pansin ang paikot na daloy ng ekonomiya.

II. Paksang Aralin


Kwarter/Unit : Ikatlong Kwarter
Paksa : Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Sanggunian : Batayang aklat sa Araling Panlipunan Ekonomiks
para sa mag-aaral, p.228-241
Kagamitan : Powerpoint at Kagamitang Biswal.

Pamamaran
Lapit : Patuklas
Pamamaraan : Deductive
Teknik : Talakayan at pangkatan

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

Pagbati
Magandang Umaga/Hapon sa inyo Magandang Umaga/Hapon din po Bb.
mga mag-aaral! Mahilum

Panalangin
Jane, maaari mo bang pangunahan Panginoon maraming salamat po sa
ang ating panalangin panibagong araw na ito, nawa po sa
gagawin naming talakayan ay
pagkalooban mo po kami ng katalinuhan
na aming kailangan. ikaw nap o ang
mag-ingat sa amin. sa pangalan po ng
aming panginoong jesucristo
Amen.

Pagtala ng Lumiban
Sino ang kalihim ng klase? maari bang Ikinagagalak ko pong iulat na walang
tumayo at iulat kung sino ang mga liban sa lumiban sa klase ngayong araw.
araw na ito?

Pagwawasto ng Takdang-Aralin
Kahapon ay nagbigay ako sa inyo ng Naipasa na po namin sa unahan ang
Takdang-Aralin, tama ba? paki-pasa aming kwaderno.
nalang ito sa unahan at ako na ang
bahalang magwasto niyan.

1. Balik-Aral
a. Ano ang tinalakay natin Tinalakay po natin kahapon ang tungkol
kahapon? sa ugnayan ng pamilihan at
pamahalaan.

b. Magbigay ng ilang patakaran Price ceiling, price freeze, minimum


ng pamahalaan sa wage, at price floor.
pagsasaayos ng gawaing
pangkabuhayan?

c. Bakit kailangan makialam Upang maiwasan ang pagabuso ng mga


ang pamahalaan sa gawaing pribadong nagbibili.
pangkabuhay sa pamilihan?

2. Pagganyak
Jumbled letter:
Ang mga magaaral ay hahatiin sa
dalawang pangkat. (pangkat 1 at
pangkat 2) ang bawat pangkat ay
magpapaunahan sa pagbuo ng
gulo-gulong letra. Ang salitang
mabubuo sa gulo-gulong letra ay
Paikot na Daloy ng Ekonomiya.

A. Paglalahad

PAMBANSANG EKONOMIYA
Ang pagsusuri sa buong gawi ng
lipunan ay isang napakalawak na
gawain. At upang mailarawan ang
galaw ng buong ekonomya sa isang
payak na kalagayan na maipakikita sa
pamamagitan ng paikot na daloy ng
produkto at serbisyo.

MGA MODELO NG PAMBANSANG


EKONOMIYA

Pakibasa, ang unang modelo


yes carla

UNANG MODELO
Ang unang modelo ng pambansang
ekonomiya ay naglalarawan ng
simpleng ekonomiya. Ang
sambahayan at bahay-kalakal ay iisa.
Ang lumilikha ng produkto ay siya
ring konsyumer. Ang supply ng
bahay kalakal ay demand nito kapag
kabilang na ito sa sambahayan

Ito ang unang modelo sa pambansang


ekonomiya.
Ito ay simpleng ekonomiya lamang.

Yes, Carlo!
Magaling "Gagawa po ako ng paraan para
Sino pa ang may kasagutan? mabuhay"
Yes, Ana! "Gagagawa po ako ng paraan para
mahusay matugunan po ang aking mga
pangangailangan. gagawa po ako ng
damit at bahay, at hahanap po ako ng
pagkain.

Kung mapupunta ka sa isang isla na


walang tao at sakaling walang
pagkakataon na ikaw ay makaalis doon,
ang marapat mong gawin ay gumawa ng
paraan upang matugunan mo ang iyong
mga sariling pangangailangan dahil wala
namang ibang gagawa nito para sa iyo.
ikaw ay maghahanap ng pagkain, gagawa
ng bahay at ikaw din ang bubuo o gagawa
ng iyong damit na susuotin.

Ang ikalawang modelo,


pakibasa, james
IKALAWANG MODELO
Ang pag-iral ng Sistema ng pamilihan sa
pambansang ekonomiya ang tuon ng
ikalawang modelo. Ang sambahayan at
bahay-kalakal ang mga pangunahing
sektor dito. Sila ay binubuo ng iba’t-
ibang aktor.

Bakit ang paglago ng ekonomiya ay Dahil pagmataas po ang produksyon


nakabatay sa pagtaas ng produksyon? nag kakaroon po ng pagunlad ang ating
Yes, max ekonomiya.

Sino pa ang may kasagutan? Yes, vienne Dahil po sa mga tax, diba po bawat
product na binibili natin ay may
binabawas na tax na napupunta sa
pamahalaan. Kaya po ang paglago ng
ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng
produkto.

DALAWANG URI NG PAMILIHAN SA


PAMBANSANG EKONOMIYA

1. Factor markets
-Pamilihan ng mga salik ng
produksyon, kabilang dito ang pamilihan
para sa capital na produkto, lupa, at
paggawa.

2. Commodity or Goods markets


-pamilihan ng mga tapos na
produkto.

ANG BAHAY-KALAKAL AT
SAMBAHAYAN SA PAMILIHAN NG
TAPOS NA PRODUKTO AT SALIK SA .
PRODUKSYON

Sumunod naman ay ang ikatlong modelo,


yes kim
IKATLONG MODELO
Ang ikatlong modelo ay nagpapakita ng
dalawang pangunahing sektor-ang
sambahayan at bahay kalakal.
Isinasaalang-alang ng sambahayan at
bahay-kalakal ang kanilang mga
desisiyon sa panghinaharap.

PAMILIHANG PINANSYAL:
PAGIIMPOK (SAVINGS) AT
PAMUMUHUNAN (INVESTMENT)
pakibasa ang ikaapat na modelo, kiel. IKAAPAT NA MODELO
Ito ang modelo ng ekonomiya na kung
saan ang pamahalaan ay lumalahok sa
sistema ng pamilihan. Maaaring maliit at
mabagal ang gampanin ng pamahalaan
dito.
Maaari namang malaki rin at aktibo ang
pamahalaan dito.

ANG PAMAHALAAN AT PAMILIHAN NG


PINANSYAL, SALIK NG PRODUKSYON,
KALAKAL, AT PAGLILINGKOD

At ang huli ay ang ika limang modelo


,maaari mo bang basahin shailene.
salamat IKALIMANG MODELO
Sa naunang apat na modelo, ang
pambansang ekonomiya ay sarado. Ang
saradong ekonomiya ay hindi nakikipag-
ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya.
Ang tuon lamang ng mga naunang
talakayan ay ang panloob na takbo ng
ekonomiya. Ang perspektiba sa
saradong ekonomiya ay domestik. Iba
pang usapin kapag ang pambansang
ekonomiya ay bukas. May kalakalang
panlabas ang bukas na ekonomiya.
ANG PAMBANSANG EKONOMIYA SA
KALAKALANG PANLABAS

B. Paglalahat
Kung lubos niyong naunawaan ang
ating pinag-aralan. Suriin ang
dayagram.
Tukuyin at ibigay ang gampanin ng
bawat sektor.

C. Paglalapat

Hahatiin ko kayo sa limang


pangkat;

Pangkat 1: Iguguhit ang ikalimang


modelo ng pambansang ekonomiya
at ipapaliwanag.

Pangkat 2: Nagsasagawa ng dula-


dulaan patungkol sa ikalawang
modelo ng pambansang
ekonomiya. Ipapakita kung paano
umiikot ang pambansang
ekonomiya.
Pangkat 3: Isulat sa cartolina kung
ano ang ganap ng bawat actor sa
pambansang ekonomiya.

PAMANTAYAN

PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS NAKUHANG


PUNTOS
May tamang
kasagutan sa tanung
NILALAMAN o gawain na ibinigay. 40

Naipaliwanag mabuti
PRESENTASYON ang ginawang 30
Gawain.

Ang bawat miyembro


ay nakilahok sa
PAKIKIISA isinagawang gawain 30

Kabuuang puntos 100


IV. Pagtataya

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.

________1. Nagpapakita ng dalawang pangunahing sector, ang sambahayan at bahay


kalakal.

________2. naglalarawan ng simpleng ekonomiya.

________3. Sa naunang mga modelo, ang pambansang ekonomiya ay sarado.

________4. Ang pag-iral ng Sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya.

________5. Ito ang modelo ng ekonomiya na kung saan ang pamahalaan ay lumalahok
sa sistema ng pamilihan.

________6. pamilihan ng mga tapos na produkto.

________7. Pamilihan ng mga salik ng produksyon, kabilang dito ang pamilihan para sa
capital na produkto, lupa, at paggawa.

________8. Sumisingil ng buwis.

________9. Pagluluwas ng produkto sa labas ng bansa.

________10. Pag-aangkat ng produkto mula sa ibang bansa.

Sagot:

1. Ikatlong modelo

2. Unang modelo

3. Ikalimang modelo

4. Ikalawang modelo

5. Ikaapat na modelo

6. Commodity o goods markets

7. Factor markets

8. Pamahalaan

9. Export

10. Import
F. Sipi

“Economy does not lie in sparing money, but in spending it wisely”.

Thomas Henry Huxley

V. Kasunduan

Saliksikin at pag-aralan.ang mga sumusunod.

1. Ano ang pambansang kita?

2. Bakit mahalagang malaman ang pambansang kita n gating bansa?

3. Ibigay ang dalawang uri ng kita.

KENDRA T. MAHILUM
BSE IIID SOCIALSTUDIES MAJOR

You might also like