You are on page 1of 2

2/13/2018 Graciano López Jaena - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Graciano López Jaena


Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Si Graciano López Jaena (18 Disyembre 1856 – 20 Enero 1896)
ay isang Pilipinong manunulat, rebolusyonaryo, at pambansang
Graciano López Jaena
bayani mula sa lalawigan ng Iloilo, na nakilala sa kanyang
pahayagang, "La Solidaridad". Nakilala rin siya sa kaniyang akdang
Fray Butod. ‘Butod’ ang salitang Hiligaynon para sa “kabag” at
katumbas din ito ng balbal na “tabatsoy”.

Dukha ang mga magulang nang isilang si Graciano Lopez Jaena sa


Jaro, Lungsod ng Iloilo, noong 18 Disyembre 1856. Ang ina niya, si
María Jacoba Jaena, ay isang mananahi lamang habang ang ama,
si Plácido López, ay hamak na tagakumpuni ng kahit ano na
lamang. Subalit nagkapag-aral nang kaunti si Placido samantalang
lubhang matimtiman si Jacoba kaya tatag sa pag-aaral at sa
pagsamba ang tinubuan ni Graciano.

Sa gulang na anim na taon, nang ipadala ng mga magulang kay


Kapanganakan 18 Disyembre 1856
Fray Francisco Jayme, na noon ay nagtuturo sa Colegio Provincial
Jaro, Iloilo, Iloilo, Pilipinas
de Jaro, upang maturuan. Personal na tinuruan ni Padre Francisco
Jayme si Graciano. Agad napansin ng frayle ang dunong ni
Kamatayan 20 Enero 1896 (edad 39)
Graciano at ang galing niyang magsalita.
Barcelona, Espanya
Hanapbuhay Manunulat, mamamahayag,
Noong 1870, nag-aral siya ng Teyolohiya at Pilosopya sa seminaryo orator, propagandista
ng San Vicente. Labag sa nais ng ina, hangad ni Graciano na
Kilala dahil sa Prinsipe ng mga Pilipinong
maging manggagamot (medico, physician). Nang sa wakas ay
Orator
pumayag ang mga magulang, tinangka niyang pumasok sa
Universidad de Santo Tomas sa Manila subalit tinanggihan siya.
Hindi kasi siya nakatapos ng Bachiller en Artes na hindi itinuro sa seminario sa Jaro. Sa halip, ayon sa payo sa kanya, sa
ospital ng San Juan de Dios siya nagsilbi bilang turuan (apprentice) ng mga manggagamot duon. Hindi pa tapos ang pag-
aaral ni Graciano nang naubos ang tustos ng dukhang mga magulang, at napilitan siyang bumalik sa Iloilo. Ginamit niya
kung ano na lamang ang natutunan, nanggamot sa mga barrio at baranggay sa pali-paligid.

Sa kanyang mga namasdan, lalong sumidhi ang puot niya sa lupit ng pag-api ng mga frayle sa mga tao. Noong 1874, nang
18 taon gulang lamang, nakainitan na siya ng mga frayle dahil sa sinulat niyang “Fray Botod,” prayleng bundat na
matakaw at mahilig sa babae. Sabi niya na "Lagi nang banggit ang Dios at Mahal na Birhen samantalang panay ang
daya at pagsamantala sa mga tao.”

Hindi ito nalathala kailanman subalit maraming sipi (copias, copies) ang umikot-ikot sa Visayas. Lalong napuot ang mga
frayle kay Graciano nang patuloy siyang kumalampag (campaña, campaign) ng katarungan para sa mga tao. Talagang
nagpahamak siya nang patayin ng Espanyol na alcalde ng Pototan ang ilang bilanggong katutubo. Pinilit, tumanggi si

https://tl.wikipedia.org/wiki/Graciano_L%C3%B3pez_Jaena 1/3
2/13/2018 Graciano López Jaena - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Graciano na ipahayag na “natural” ang pagkamatay ng mga bilanggo. Nagsimula siyang tumanggap ng babala na
papatayin siya ng mga frayle. Noon siya tumakas sa España.

Noong 15 Pebrero 1889, inilunsad nila sa Barcelona ang pahayagang "La Solidaridad". Ang pahayagan niyang ito ay
sumikat nang husto. Marami sa kanyang mga artikulo ay nailathala sa iba't ibang pahayagan. Ginamit na sandata ni
Lopez-Jaena ang kanyang panulat upang ipaglaban ang makatao at makatarungang karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng
pamahalaang Kastila.

Namatay si Lopez-Jaena sa sakit na tuberculosis sa edad na 39 sa Barcelona, Espanya.

Maaring bisitahin
Mga Dakilang Pilipino, ni Jose N. Sevilla sa Project Gutenberg (http://www.gutenberg.org/files/17786/17786-h/17786-
h.htm#Page_35)

· Himagsikang Pilipino
· (https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Padron:Himagsikang_Pilipino&action=edit) [itago]
Gomburza · Katagalugan (Bonifacio) · Kumbensiyon sa Tejeros ·
Republika ng Biak-na-Bato · Mga halalan sa Biak-na-Bato ·
Kasundauan ng Biak-na-Bato · Digmaang Espanyol-Amerikano ·
Pauna Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas · Kongresong Malolos ·
República Filipina · Himagsikan sa Negros · Tratado ng Paris ·
Mga pangyayari Digmaang Pilipino-Amerikano · Katagalugan (Sacay) ·
Himagsikang Moro
Philippine Autonomy Act of 1916 · Philippine Independence Act ·
Katapusan Komonwelt ng Pilipinas · Tratado ng Maynila ·
Republika ng Pilipinas
Iglesia Filipina Independiente · Katipunan · La Liga Filipina · La solidaridad ·
Mga samahan Pangkat Magdalo · Pangkat Magdiwang · Hukbong Pamayapa ng Pilipinas ·
Hukbong Pilipinong Mapaghimagsik
El filibusterismo · Mga watawat ng Rebolusyong Pilipino ·
Mga bagay Kartilya ng Katipunan · Lupang Hinirang · Mi último adiós · Noli Me Tangere ·
Watawat ng Pilipinas · Spoliarium
Gregorio Aglipay · Baldomero Aguinaldo · Emilio Aguinaldo · Mariano Álvarez ·
Melchora Aquino · Juan Araneta · Andrés Bonifacio · Procopio Bonifacio ·
Josephine Bracken · Dios Buhawi · Francisco Carreón · Ladislao Diwa ·
Gregoria de Jesús · Gregorio del Pilar · Marcelo H. del Pilar · George Dewey ·
Natatanging mamamayan Papa Isio · Emilio Jacinto · León Kilat · Aniceto Lacson ·
Graciano López-Jaena · Vicente Lukban · Antonio Luna · Juan Luna ·
Apolinario Mabini · Miguel Malvar · William McKinley · Arcadio Maxilom ·
Patricio Montojo · Simeón Ola · José Palma · Mariano Ponce · Artemio Ricarte ·
José Rizal · Paciano Rizal · Macario Sakay · Manuel Tinio · Mariano Trías
WorldCat (https://www.worldcat.org/identities/lccn-n93-097393) ·
VIAF: 50904234 (https://viaf.org/viaf/50904234) ·
Authority control
LCCN: n93097393 (http://id.loc.gov/authorities/names/n93097393) ·
ISNI: 0000 0001 1762 8230 (http://isni.org/0000000117628230)

Kinuha mula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Graciano_López_Jaena&oldid=1624072"

Huling pagbabago: 02:26, 9 Pebrero 2018.

Magagamit ang teksto sa ilalim ng Lisensyang Creative Commons Attribution/Share-Alike; maaaring mailapat ang
karagdagang termino. Tingnan ang Takdang Gamit para sa mga detalye.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Graciano_L%C3%B3pez_Jaena 2/3

You might also like