You are on page 1of 5

2/13/2018 Marcelo H.

del Pilar - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Marcelo H. del Pilar


Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (30 Agosto 1850 - 4
Hulyo 1896), kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay
Marcelo H. del Pilar
isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang
pangalan sa dyaryo ay Plaridel.[1] Pinalitan niya si Graciano
López Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad.[2]

Mga nilalaman
Talambuhay
Kabataan at pamilya
Pamilya
Kabataan
Edukasyon
Kampanya laban sa mga prayle: 1880-1888
Pagtakas: 1888
Kilusang Propaganda sa Espanya
Huling taon at kamatayan Kapanganakan 30 Agosto 1850
Kupang, Bulakan,
Mga isinulat
Bulakan, Pilipinas
Mga sanggunihan
Kamatayan 4 Hulyo 1896 (edad 45)
Bibliograpiya
Barcelona, Espanya
Maaring bisitahin
Iba pang pangalan Plaridel
Hanapbuhay Abogado
Talambuhay Manunulat
Asawa Marciana del Pilar
(Tsanay)
Kabataan at pamilya

Pamilya
Mayaman ang mga magulang ni Marcelo. Marami silang palaisdaan at sakahan.[3] Si Julian Hilario del Pilar, ang kanyang
ama, ay tatlong beses na naging gobernadorcillo.[4] Naglingkod din si Julian bilang oficial de mesa ng alkalde mayor.
Ang ina ni Marcelo ay si Blasa Gatmaitan. Kilala si Blasa sa bansag na Blasica.[4]

Pang-siyam sa sampung magkakapatid, ang mga kapatid ni Marcelo ay sina: Toribio (paring ipinatapon sa Guam noong
1872),[5] Fernando (ama ni heneral Gregorio del Pilar), Andrea, Dorotea, Estanislao, Juan, Hilaria (maybahay ni Deodato
Arellano), Valentin at Maria.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Marcelo_H._del_Pilar 1/5
2/13/2018 Marcelo H. del Pilar - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang tunay na apelyido ng pamilya ay "Hilario". Ginamit nila ang apelyidong "del Pilar" alinsunod sa kautusan ni
Gobernador Heneral Narciso Claveria noong 1849.

Noong Pebrero 1878, pinakasalan ni Marcelo ang pinsang niyang si Marciana (kilala sa bansag na Tsanay/Chanay).[6] Sila
ay may pitong anak, isang lalaki at anim na babae: Sofía, José, María, Rosario, María Consolación, María Concepcion, and
Aníta. Si Sofia at Anita lamang ang lumaki (ang lima ay namatay noong kabataan nila).

Kabataan
Sa murang edad ay natuto si del Pilar mag biyulin, mag piyano, at mag plawta.[7] Magaling din siya sa larong arnis. Kapag
panahon ng Flores de Mayo ay tumutugtog siya ng biyulin. Kumakanta din siya sa mga harana (serenata).[8]

Edukasyon
Ang tiyuhing si Alejo ang nanging unang guro ni Marcelo. Kumuha siya ng kursong Latin sa kolehiyong paaralan ni
Ginoong Hermenigildo Flores. Lumipat siya sa Colegio de San Jose at doon ay tinamo ang Bachiller en Artes (Bachelor of
Arts).[9]

Ipinagpatuloy ni Marcelo ang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kumuha siya ng kursong abogasya. Nasuspinde
siya sa paaralan nang makipagtalo siya sa kura ng San Miguel ukol sa bayad sa binyag.[5] Ipinagpatuloy niya ang kanyang
pag-aaral noong 1878.[6] Natapos niya ang kurso noong 1880.[10]

Kampanya laban sa mga prayle: 1880-1888


Noong 1 Hulyo 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao Retana, isang
Kastilang manunulat, ang unang labas ay inilathala noong 1 Hunyo 1882) kung saan
binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan.[5]

Noong 1885, hinimok ni del Pilar ang mga cabeza de barangay (kapitan ng barangay) ng
Malolos na tutulan ang kautusan ng pamahalaan na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga
prayle na baguhin ang talaan ng mga nagbabayad ng buwis.

Sa talaan ng mga prayle ay lumalabas na mayroong tatlong libo katao ang dapat magbayad ng
buwis. Kasama sa talaan ang mga taong namatay na, lampas na sa edad o lumipat na ng
ibang lugar. Ang mga cabeza de barangay ay napilitang magpaluwal ng dapat ibayad sa mga Si Benigno Quiroga y
taong patay na o wala na doon. López Ballesteros

Noong 1887, sa hikayat ni del Pilar, ay isinumbong ni Manuel Crisóstomo, ang


gobernadorcillo ng Malolos, ang dalawang prayleng lumabag sa batas kontra sa paglantad ng mga patay sa loob ng
simbahan. Ito ay isinabatas ni Benigno Quiroga y López Ballesteros, ang patnugot ng pangasiwaang sibil. Dahil sa
sumbong na ito ay inaresto ni gobernador Manuel Gómez Florio ng Malolos ang nasabing mga prayle.

Tinuligsa ni del Pilar noong taong din yon ang kura paroko ng Binondo dahil sa paglalaan ng piling upuan sa loob ng
simbahan. Ang prayle ay naglaan ng pangit na upuan sa mga Pilipino at magandang upuan sa mga mestisong Kastila.

Nagkaroon ng demonstrasyon laban sa mga prayle noong 1 Marso 1888.[7] Ang demonstrasyon ay isinagawa nila Doroteo
Cortés at José A. Ramos. Sumulat si del Pilar ng isang manipesto na pinamagatang Viva España! Viva el Rey! Viva el
Ejército! Fuera los Frailes! (Mabuhay ang Espanya! Mabuhay ang Hari! Mabuhay ang mga Hukbo! Palayasin ang mga
Prayle!). Ang pahayag na ito ay iniharap sa gobernador ng Maynila na si José Centeno. Ito ay nilagdaan ng 810 na katao.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Marcelo_H._del_Pilar 2/5
2/13/2018 Marcelo H. del Pilar - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Noong taong din yon ay binatikos ng Agustinong si José Rodriguez ang Noli Me Tángere ni Rizal. Sumulat siya ng polyeto
na pinamagatang ¡Caiñgat Cayo!: Sa mañga masasamang libro,t, casulatan. Binalaan ng prayle ang mga Pilipino na
huwag basahin ang Noli. Noong 3 Agosto 1888 ay sumulat si del Pilar ng polyeto na pinamagatang Caiigat Cayo. Ito ay
sagot sa polyeto ni Padre Rodriguez.[11]

Pagtakas: 1888
Dahil sa talas ng mga pagbatikos sa naghaharing uri at relihiyon, inatas na hulihin siya. Nakatakas si del Pilar, pumuntang
Espanya at sumali sa mga Pilipinong propagandista na lumalaban para sa reporma sa Pilipinas.[12] Bago siya umalis ay
itinatag niya ang Caja de Jesús, María y José.

Kilusang Propaganda sa Espanya


Noong 12 Enero 1889, pinanguluhan ni del Pilar ang pangkat pampolitika ng Asociación
Hispano-Filipina (Ang Samahang Kastila-Pilipino), isang samahang pambayan na
binubuo ng mga Pilipinong propagandista at mga kaibigang Kastila sa Madrid upang
manawagan sa pagkakaroon ng pagbabago sa Pilipinas. Noong 15 Disyembre 1889,
pinalitan niya si Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad, isang pahayagang
pampolitika na inilathala minsan tuwing ikalawang linggo na siyang nagsilbi bilang tinig
ng Kilusang Propaganda.[2] Naglathala siya ng mga liberal at progresibong artikulo na
nagbunyag sa kalagayan ng Pilipinas.

Huling taon at kamatayan


Labis na naghirap si del Pilar sa pagpapalimbag ng La Solidaridad. May panahong hindi Mga kasapi sa Kilusang
Propaganda. Mula kaliwa
siya kumakain at may panahong hindi narin natutulog ang manunulat. Upang
hanggang kanan: Rizal,
makalimutan ang gutom, may panahong namumulot siya ng upos na sigarilyo sa mga
del Pilar, Ponce.
daan.[13] Ang pondo para sa pag-papalimbag ng pahayagan ay paubos na. Malaking
suliranin sa kanya ang walang tulong pinansiyal na dumarating mula sa Pilipinas dahilan
kung bakit huminto ang paglalathala ng pahayagan noong 15 Nobyembre 1895 sanhi ng kakulangan sa pondo.[2] Kahit
gaano ang hirap na dinadanas niya, nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat para sa ikalalaya ng Pilipinas.

Katulad ni Andrés Bonifacio, naniwala siya sa paghihimagsik. Dahil dito, nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas upang
tumulong kay Bonifacio. Sa Barcelona ay nagkasakit siya ng tuberkulosis. Malubha man ang kalagayan ay tinangka pa rin
niya na magtungo sa Hong Kong upang doon man lang ay mapakilos niya ang kanyang mga kababayan. Ito ay hindi na
niya naisagawa sapagkat namatay siya sa isang maliit na ospital sa Barcelona, Espanya noong 4 Hulyo 1896 sa gulang na
45.[14]

Mga isinulat
Caiigat Cayó (1888)
Dasalan at Tocsohan (1888)
Ang Cadaquilaan nang Dios (1888)
La Soberanía Monacal en Filipinas (1888)
Pasióng Dapat Ipag-alab nang Puso nang Tauong Babasa (1888)
La Frailocracía Filipina (1889)
Sagót ng España sa Hibíc ng Filipinas (1889)
Dupluhan... Dalit... Mga Bugtong (1907)
https://tl.wikipedia.org/wiki/Marcelo_H._del_Pilar 3/5
2/13/2018 Marcelo H. del Pilar - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa Bumabasang Kababayan

Mga sanggunihan
1. Kahayon 1989, p. 52.
2. Keat 2004, p. 756 (http://books.google.com/books?id=QKgraWbb7yoC&pg=PA756)
3. Reyes 2008, p. 261.
4. Villarroel 1997, p. 9.
5. Schumacher 1997, p. 106.
6. Villarroel 1997, p. 11.
7. Reyes 2008, p. 130.
8. Reyes 2008, p. 131.
9. Schumacher 1997, p. 105.
10. Nepomuceno-Van Heugten, Maria Lina. "Edukasyon ng Bayani: Mga Impluwensiya ng Edukasyong Natamo sa
Kaisipang Rebolusyonaryo" (http://journals.upd.edu.ph/index.php/kasarinlan/article/download/1399/1354) (PDF).
University of the Philippines Diliman Journals Online. Nakuha noong 28 Mayo 2013.
11. Schumacher 1997, p. 121.
12. Schumacher 1997, p. 122.
13. Mojares 1983, p. 133.
14. Schumacher 1997, p. 293.

Bibliograpiya
Kahayon, Alicia H. (1989). Philippine Literature: Choice Selections from a Historical Perspective (http://books.goo
gle.com.ph/books?id=uIZkAAAAMAAJ&q). Manila: National Book Store. ISBN 971-084-378-8.
http://books.google.com.ph/books?id=uIZkAAAAMAAJ&q.
Keat, Gin Ooi (2004). Southeast Asia: A Historical Encyclopedia, from Angkor Wat to East Timor (http://books.goo
gle.com/?id=QKgraWbb7yoC). Santa Barbara, Calif: ABC-CLIO. ISBN 1-57607-770-5. http://books.google.com/?
id=QKgraWbb7yoC.
Mojares, Resil B. (1983). Origins and Rise of the Filipino Novel: A Generic Study of the Novel Until 1940 (http://bo
oks.google.com.ph/books?id=tK9kAAAAMAAJ&q). Quezon City: University of the Philippines Press. ISBN 971-
105-001-3. http://books.google.com.ph/books?id=tK9kAAAAMAAJ&q.
Reyes, Raquel A. G. (2008). Love, Passion, and Patriotism: Sexuality and the Philippine Propaganda Movement,
1882 - 1892 (http://books.google.com.ph/books?id=W3tjWD-ngC4C&dq). Singapore: NUS Press. ISBN 978-
9971-69-356-5. http://books.google.com.ph/books?id=W3tjWD-ngC4C&dq.
Schumacher, John N. (1997). The Propaganda Movement, 1880-1895: The Creation of a Filipino Consciousness,
the Making of the Revolution (http://books.google.com.ph/books?id=6GU_Tzxu5qoC&dq). Quezon City: Ateneo
de Manila University Press. ISBN 971-550-209-1. http://books.google.com.ph/books?id=6GU_Tzxu5qoC&dq.
Villarroel, Fidel (1997). Marcelo H. del Pilar at the University of Santo Tomas (http://books.google.com.ph/books?i
d=K_VwAAAAMAAJ&q). Manila: University of Santo Tomas Publishing House. ISBN 971-506-070-6.
http://books.google.com.ph/books?id=K_VwAAAAMAAJ&q.

Maaring bisitahin
Mga Dakilang Pilipino, ni Jose N. Sevilla sa Project Gutenberg (http://www. May kaugnay na midya
gutenberg.org/files/17786/17786-h/17786-h.htm#Page_83)
ang Wikimedia Commons
ukol sa artikulong:
Marcelo H. del Pilar

· Himagsikang Pilipino
· (https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Padron:Himagsikang_Pilipino&action=edit) [itago]
Mga pangyayari Pauna Gomburza · Katagalugan (Bonifacio) · Kumbensiyon sa Tejeros ·
Republika ng Biak-na-Bato · Mga halalan sa Biak-na-Bato ·
Kasundauan ng Biak-na-Bato · Digmaang Espanyol-Amerikano ·
Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas · Kongresong Malolos ·
https://tl.wikipedia.org/wiki/Marcelo_H._del_Pilar 4/5
2/13/2018 Marcelo H. del Pilar - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

República Filipina · Himagsikan sa Negros · Tratado ng Paris ·


Digmaang Pilipino-Amerikano · Katagalugan (Sacay) ·
Himagsikang Moro
Philippine Autonomy Act of 1916 · Philippine Independence Act ·
Katapusan Komonwelt ng Pilipinas · Tratado ng Maynila ·
Republika ng Pilipinas
Iglesia Filipina Independiente · Katipunan · La Liga Filipina · La solidaridad ·
Mga samahan Pangkat Magdalo · Pangkat Magdiwang · Hukbong Pamayapa ng Pilipinas ·
Hukbong Pilipinong Mapaghimagsik
El filibusterismo · Mga watawat ng Rebolusyong Pilipino ·
Mga bagay Kartilya ng Katipunan · Lupang Hinirang · Mi último adiós · Noli Me Tangere ·
Watawat ng Pilipinas · Spoliarium
Gregorio Aglipay · Baldomero Aguinaldo · Emilio Aguinaldo · Mariano Álvarez ·
Melchora Aquino · Juan Araneta · Andrés Bonifacio · Procopio Bonifacio ·
Josephine Bracken · Dios Buhawi · Francisco Carreón · Ladislao Diwa ·
Gregoria de Jesús · Gregorio del Pilar · Marcelo H. del Pilar · George Dewey ·
Natatanging mamamayan Papa Isio · Emilio Jacinto · León Kilat · Aniceto Lacson ·
Graciano López-Jaena · Vicente Lukban · Antonio Luna · Juan Luna ·
Apolinario Mabini · Miguel Malvar · William McKinley · Arcadio Maxilom ·
Patricio Montojo · Simeón Ola · José Palma · Mariano Ponce · Artemio Ricarte ·
José Rizal · Paciano Rizal · Macario Sakay · Manuel Tinio · Mariano Trías

Kinuha mula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Marcelo_H._del_Pilar&oldid=1624027"

Huling pagbabago: 02:26, 9 Pebrero 2018.

Magagamit ang teksto sa ilalim ng Lisensyang Creative Commons Attribution/Share-Alike; maaaring mailapat ang
karagdagang termino. Tingnan ang Takdang Gamit para sa mga detalye.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Marcelo_H._del_Pilar 5/5

You might also like