You are on page 1of 2

EJK: Tuldukan na, hindi ba kayo naaawa?

“Ang kabataan ang taniman ng mga binhing nagbubunga ng masasaganang prutas na dapat
pagyamanin para sa mga susunod nating lahi”, ang wika ni Dr. Jose Rizal. Tayong mga kabataan ang
pinakamahalagang yaman ng ating bayan kaya’t nararapat tayong pag-ingatan at akayin sa maliwanag
na landas.KABATAAN-kung tayo ay ituring at sa paniniwala panga ay tayo ang pag-asa ng bayan ngunit
bakit tila ay patungo tayo sa baluktot na daan.

Ilan na kaya sa atin ang dalagang ina’t ama, lulong sa mga social media at online games gaya ng
DOTA, COC at LOL, mga nagrerebelde, at higit sa lahat ay ang nagiging adik dahil sa illegal na droga?
Tsk.Tsk.Tsk. Paggamit ng Illegal na droga? Kung nagging magandang halimbawa sana ang mga
nakatatanda sa atin ay hindi na tayo aabot diyan. Hindi na ito tama! Bakit pati mga kabataang tulad
natin ay nadadamay sa ika nga’y bangungot ng lipunan-ang EJK o Extra Judicial Killing na nag-umpisa ng
maupo sa truno si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Kamakailan lang ay tumambad sa atin ang mapait na
balita ng mga napatay sa kampanya ng gobyerno sa illegal na droga-ang “war on drugs”. Ilang na nga
bang buhay ang nawala? ilang pamilya na kaya ang patuloy na nangungulila? Nakakapanghina hindi ba?

Bilang kabataan, napukaw ang ating pansin at mas pinag-alab ang ating galit ang pagkamatay
nina Kian Loyd delos Santos ng Caloocan City, Karl Arnaiz at si alyas “Kulot”na kapwa menor de edad
gaya natin.

Nanlaban? Iyan naman ang laging sinasabing dahilan ng pulisya kung namatay ang biktima. Ano
‘to meron silang batayan? Iisa lang ang rason ah. Eh paano naman iyong mga napagkamalan lang? At
sila’y mga menor de edad pa lamang, marami pa silang pwedeng gawin bakit naman nahantong sila sa
maagang kamatayan. At kung napatunayang walang kasalanan, maibabalik pa kaya nila ang buhay na
nawala, hindi na diba? Palibhasa hindi sila ang namatay o namatayan. Sana naman ang sapat na
ebidensya ang gawin nilang batayan hindi ‘yong basta-basta nalang pumapatay. Sa puntong
ito,kailangang maging maigting ang boses nating kabataan na igiit ang halaga at dignidad ng bawat
buhay, mapa-adik, pusher o kriminal man. Ano pa ang silbi ng kulungan at ang pagkakataong
makapagbagong buhay kung babawiin ng maaga ang kanilang buhay? Tayong mga KABATAAN ay hindi
na dapat magtago, magbingi-bingihan at magkunwaring walang pakialam. Kailanga na nating tumayo at
magpakatao dahil ito ang magiging sandalan natin upang ipaglaban an gating hinaing kontra EJK at nang
masabing TAMA NA.SOBRA NA.ITIGIL NA.ITIGIL NA ANG EJK.

Bakit hindi ba kayo marunong maawa? At sana’y gising ang gobyerno sa maaaring resulta nito sa
atin dahil ngayon palang ay iminumulat na tayo sa isang napakasamang bangungot imbis na sila’y
maging magandang halimbawa, Hindi ba’t tayo ang susunod na mamumuno sa bayan? Ngunit bakit ang
ilan sa mga kapwa natin ay pinatay ng wala man lang kalaban-laban? Wala na ba tayong karapatang
magbago? Tama na ang pagpatay! Hustisya ang nais nating makamit dahil ang pagpatay ay hindi
magandang biro. Kung kailangang hamunin natin ang gobyerno na hulihin ang mas malalaking isda na
siyang pinagmumulan ng suplay ng droga, habulin ang mga malalaking sindikato, drug lords at mga
pulitiko at pulis na sangkot at nagpo-protekta sa kanila ay gagawin natin mabigyan lang ng kasagutan
ang bawat takot, panghihinala at katanungan sa nangyayaring EJK sa bansa. Dagdag pa rito ay upang
mapanatag ang aming kalooban. Dahil paano namin magagawa ang naming tungkulin kung ang aming
puso’t damdamin ay nababagabag. Paano na ang hinaharap natin at ng ating bansa kung unti-unti
tayong mauubos dahil sa mga krimen gaya na lamang nitong EJK, kahit pa sabihing milyon ang
populasyon natin. Ayon nga sa ating pambansang bayani, tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan.
At bilang parte nito, hindi dapat natin siya biguin. Bakit mayroon ba sa atin ang gustong sumunod kina
Kian?

You might also like