Professional Documents
Culture Documents
Sa ating pang araw-araw na pamumuhay, normal na ang kumain ng tatlong beses sa isang araw. At para
maging malusog ang ating katawan, kumakain tayo ng sari-saring masusustansyang pagkain. Pero hindi lahat
ng pamilyang Pilipino, may kakayanang gumawa nito.
Sa isang malayong barangay sa probinsya ng Saranggani, kamote ang kinakain ng isang pamilya para
mabuhay. Mula umaga hanggang gabi, halos wala silang kinakain kundi ito. Pero kada taon, may espesyal na
araw kung saan nagiging iba ang putaheng hinahain sa kanilang hapag kainan. Ang inaabangang araw na ito
ay ang anihan at pagbebenta nila ng abaca.
Bago pa man makakain ng ibang ulam, mahigit anim na oras tinatahak ni Mang Tusan ang bundok ng
Saranggani para ibaba ang kanyang inaning abaca. 30 kilo ang bigat ng abaca na pinapatong niya sa kanyang
ulunan. Lahat ng paghihirap ay kanyang tinitiis dahil ito lang kasi ang nag-iisang panahon at pagkakataon na
maiiba ang ulam ng kanyang pamilya.
Samahan si Kara David at saksihan ang isang importanteng araw ng isang pamilya sa Saranggani. Abangan
ang "Minsan sa isang taon" sa I-Witness Lunes, pagkatapos ng Saksi. –
Kilala ang mga Pilipino sa kanilang “tibay ng loob”. Matiisin…Hindi bumibigay sa panahon ng pagsubok.
Higit dalawang dekada na ang tibay ng loob ng mag-asawang Fernando at Ma. Luna Man-Oblahan. Kailangan
nilang magtipid para sa anim na anak. Nakaugat ang kinabukasan ng mga ito sa kanilang bawat pagsisikap.
Si JR Man-Oblahan, ang bunso, ay saksi sa sipag ng kanilang mga magulang. Sumasama siya sa bukid para
magtanim… hanggang sa gubat, kung saan pinuputol ang mga puno ng falcata. Dahil sa falcata, patuloy na
nakakapag-aral sa bayan ang kanyang mga kapatid. May kita sa mabibigat na troso nito.
Sa kanilang liblib na baryo, hindi raw magbabago ang kapalaran ng mga lumad gaya ng mga Man-Oblahan.
Pero nandoon ang mga binhi at mga pagtitiis na siyang daan para sa kanilang mas mabuting kinabukasan. May
puno pa ba para sa pag-aaral ni JR?
Mapapanood ang dokumentaryo ni Kara David, “Isang Bote ng Binhi” ngayong Lunes (September 23) sa I-
Witness. Para sa mga komento, magtweet sa @karadavid at @IWitnessGMA, #chatwithkara. - See more at:
http://www.gmanetwork.com/news/story/327466/publicaffairs/iwitness/isang-bote-ng-binhi-the-new-
documentary-by-kara-david-airs-september-23#sthash.opRC4bNu.dpuf
“BATANG BALAU”
Dokumentaryo ni Kara David
June 13, 2015
Dalawang araw bago ang pasukan, abala pa rin sa paghahahapbuhay ang magkakapatid na sina Dizza, James,
at JR. Ito kasi ang nakikita nilang paraan para manatiling buo ang kanilang musmos na pamilya. Trese anyos
lang si Dizza, pero siya na ang tumatayong magulang para sa kanyang mga nakababatang mga kapatid. Nitong
Pebrero lang, namatay ang kanilang ama. Ang kanilang ina naman, matagal na silang iniwan; sanggol pa lang
ang bunsong si JR noon.
Marami nang nagtangkang umampon sa magkakapatid pero tinanggihan nila ang mga alok. Kabilin-bilinan
kasi ng ama nila bago ito mamatay na huwag silang maghihiwalay. Hanggang kailangan kaya ito
mapaninindigan ni Dizza? Kayanin pa kaya niyang pasanin ang responsibilidad ng pagtataguyod at
pagpapaaral sa sarili at sa mga kapatid?
Mapapanood ang “BATANG BALAU” sa I-Witness (GMA 7) ngayong Sabado, June 13, 2015, pagkatapos
ng Celebrity Bluff. Para sa mga komento, i-tweet si Kara David, @karadavid at I-Witness, @IWitnessGMA.