You are on page 1of 16

AGENDA

Ang agenda ay layunin o gabay ng isang pagpaplano na dapat ay matupad ngunit ang planong ito ay
pinananatiling sikreto. Ang paggawa ng agenda ay maaaring sinasabi lamang sa bawat miyembro ng
grupo o pwede rin namang gumawa ng balangkas.

Ang mga halimbawa ng agenda ay:

*Pagpaplano ng isang kompanya na mapaunlad ang kanilang negosyo. *Pagpaplano ng isang eskwelahan
kung paano dadami ang estudyante. *pagpaplano ng isang grupo ng estudyante kung paano tatapusin
ang kanilang pananaliksik.

*Pagpaplano ng isang pamilya kung paano uunlad ang kanilang buhay. *Pagpaplano ng isang grupo ng
kabataan kung paano ang mangyayari sa gaganaping pagkikita.

Iba-iba ang mga dahilan upang magsagawa at magtipon para sa isang pagpupulong. Maaaring
magpulong para magplano (planning), magbigay impormasyon (information dissemination), kumonsulta
(ask for advice), maglutas ng problema (solve problems) o magtasa (evaluate).

Agenda ng Pagpupulong

Lokasyon: Mababang Paaralan ng Malabon

Petsa: Ika-27 ng Oktubre taong 2017

Oras: 3:00 n.h.

Tagapangasiwa: Punong Guro Letty Pascual

I. Introduksyon

II. Pagtala ng Bilang ng dumalo

III. Pagpresenta at pagtalakay sa adyenda

1. Pagpaplano para sa pagdiriwang ng Halloween

a. Skedyul ng klase

b. Balangkas ng programa

c. Listahan ng mga magpeperform

2. Pagpaplano sa pagdiriwang ng Pasko

a. Palamuti sa eskwelahan
b. Petsa ng Christmas Party

IV. Karagdagang impormasyon

V. Pangwakas na salita

SOURCE:
https://www.google.com.ph/search?dcr=0&source=hp&ei=bVloWrnZNcSI8wWr7K5g&q=halim
bawa+ng+agenda&oq=

Replektibong Sanaysay

Isa itong uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o


prosa

- Ito ay nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa.

- Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang


partikular na pangyayari.

- Iparating ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik

- Naglalayon din ito na maipabatid ang mga nakalap na mga impormasyon at mailahad ang mga
pilosopiya at karanasan ukol dito at kung maaari ay ilalagay ang mga batayan o talasanggunian

Replektibong Sanaysay Patungkol Sa Isang Natatanging Karanasan Bilang Mag-aaral

“Ang Pag-ibig ng Edukasyon”

Sa panulat ni: Dian Joe Jurilla Mantiles

Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang walang
katapusang paglalakbay sa mundong sinasaklawan ng aspektong ‘pagbabago’. Ito ang pinaka-
makapangyarihang sandata na kahit sinuman ay walang kakayahang baguhin at angkinin
sapagkat ito ay permanenteng nakaukit na sa diwa at kamalayang pantao ng isang nabubuhay. Sa
bawat umaga ng ating buhay, tayo ay binabasbasan ng Poong Lumikha ng kalayaan upang
makaanib at makasabay sa kung ano mang kakatwa ang sumasaklaw sa ating lipunang
kinabibilangan. Hindi man lingid sa ating kamalayan subalit buhat nang tayo ay nasa
sinapupunan pa lamang ay batid na natin ang espiritu ng ‘pagkatuto’. Maging sa kauna-unahang
pagsambit natin ng salitang “mama” hanggang sa tayo ay unti-unting nabihasa sa ating
“abakada” tayo ay nabibilang na pundasyon ng edukasyon. Karaniwang pamantayan sa
edukasyon na kung ang tao ay nasa gulang tatlo na ay maari na itong magsimulang pumasok sa
isang paaralan. Sa makatuwid, mahabang panahon ang iginugugol ng isang tao para sa kanyang
edukasyon.

Sa aking labindalawang taon na pananatili sa loob ng paaralan, masasabi kong ako ay parang
nasa isang paraiso. Bagamat hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ako, maraming
pagkakataon naman sa aking buhay ang nagpapaunawa sa akin na ang edukasyon ay patuloy na
umaangkla sa aking pagkatao at maging sa aking kalapit na hinaharap. Ito rin ay patuloy na nag-
iiwan ng hindi mga matatawarang implikasyon ng pagbabago sa aking pagkatao na siyang
dahilan kung bakit ganito ako katatag ngayon. Bukod sa mga karaniwang talakayin, prinsipyo at
pang-akademikong layunin na siyang ipinapabatid ng edukasyon, ito rin ang nagsilbing
balangkas upang mabuksan ko pa ang lagusan sa kabilang ibayo. Mula dito ay binigyan din ako
ng pagkakataon upang makakilala ng iba’t ibang deskripsyon ng aking kapwa tao at mga
karanasang aking daldalhin habambuhay. Ito ay ang aking karanasan noong ako ay nasa ika-4 na
baitang. Ang karanasan na marahil para sa akin ay mapanglaw at natatangi lamang.

Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa mo. Wala akong ibang inisip
noon kundi ang makawala sa paaralan na kapara ng isang bartolina sa akin ay nagbibigay lamang
ng pasakit at matinding paghihirap. Ang tanging namumutawi na lamang sa aking isipan noon ay
ang pagpasok buhat sa kagustuhan ng aking mga magulang. Naaalala ko pa noon na sa tuwing
darating ang katapusan ng Marso ay wala akong ibang ginawa kung hindi ay panoorin na lamang
ang aking mga kaklaseng maglakad sa harapan ng entablado kasama ng kanilang mga magulang
upang tanggapin ang kanilang mga parangal. Gustuhin ko mang itago ang aking nararamdaman,
subalit ito ay pilit na kumakawala at ako ay tila isang ibon na sa piitan ay nananahanan. Hindi
man hayag sa aking mga magulang ang kanilang pangingimbulo subalit nararamdaman ko ito.
Pinipilit ko itong labanan subalit wala akong magawa. Napakalakas ng enerhiyang ito at siya
ring enerhiya ang unti-unting sumisipsip sa aking pag-asang makapagbagong buhay. “Bakit kahit
na anong gawin ko ay wala pa ring nangyayari?” ito ang katanungan na patuloy na sumisilab sa
aking mura at gahasang isipan.

Sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Sinubukan kong magsipag at umayon sa kung
ano ang pamantayan sa aming klase. Lahat ng ito ay hindi naging madali sa akin. Sapagkat noo’y
wala pa akong kabatiran patungkol sa mahalagang papel ng edukasyon sa aking magiging
kinabukasan. Wala pa akong alam sa edukasyon maliban sa ito ay “mahirap at walang kwenta”.
Nagdaan ang maikling panahon at dito ay nakilala ko si Ginang Adora Madayag. Ang aming
guro sa asignaturang Filipino. Siya ay may edad na sa panahong iyon subalit napakalakas ng
kanyang impresyong iniwan sa akin. Hindi ko maipaliwanag subalit dahil sa kanyang mga
pangaral ay tila unti-unting nagbago ang pagtingin ko sa aking sarili na noo’y walang pakialam
sa halaga ng edukasyon. Sa kanya ko rin natutuhan na hindi lamang pala akademikong kaalaman
ang batid na ipamalita ng mga talakayin sa paaralan bagkus ay naglalayon din itong bigyan ang
lahat ng pagkakataong makabuo ng pagkakaibigan at pamilya sa lahat ng aspektong
sinasaklawan nito. Hindi lang dapat kaalaman ang ating panghawakan mula sa ating mga guro
nararapat ding maunawaan natin ang tunay na karunungan mula dito. Sa markang “90” ako
nagsimulang yumabong at nagpatuloy sa pagkamit ng aking mga adhikain sa paaralan.
Hanggang ngayon sa kasalukuyan, patuloy pa rin akong naglalakbay papalapit sa aking mga
pangarap sa buhay.

Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa aking mga
markang nais matamo subalit nakaanib na rin dito ang mga prinsipyo at impresyong hindi na
maiaalis sa aking puso’t isipan sa kalagitnaan ng aking paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y
lubusan nating mabatid na sa ibayo ng mga pamantayang sumasaklaw sa kultura ng edukasyon,
ang layon nitong magbigay ng magaganda at makabuluhang karanasan ang magsisilbing
proteksyon at sandata natin sa pakikidigma sa ating mga sarili at sa kung ano mang pagbabagong
nakaukit na sa ating panahon.

SOURCE:
https://www.google.com.ph/search?dcr=0&ei=elloWqP1NIn58gWT1K_4DQ&q=r
eplektibong+sanaysay
LAKBAY SANAYSAY

Ang mga lakbay sanaysay ay mga uri ng sulatin kung saan ang may akda ay nagbibigay ng
paglalarawan ng kaniyang mga naranasan, gabay, o damdamin sa paglalakbay.

Maaring maging replektibo o impormatibo ang pagsulat ng isang lakbay sanaysay. Kadalasang
ginagamit ang mga lakbay sanaysay sa mga travel blogs upang manghikayat sa mga taong
maglakbay sa isang partikular na lugar.

Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

1. Travel blogs

2. Travel shows

3. Travel guide
A Day in a Life of Being an Oponganon: Paano Naging Historic Resort City ang Lapu-
Lapu City

Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t- ibang lugar na may magagandang tanawin at
kwento na maituturo sa akin. Saan ko pa ba makikita ang isa sa mga pinakamagandang lugar sa
Cebu? Hindi na ako lalayo pa, ang Lapu- Lapu City na kinilala rin bilang The Historic Resort
City sa nakalipas na tatlong taon. Ipinagmamalaki ko na ako ay lumaki at nagka- isip sa lugar na
ito. Ngunit sa labing- walong taon na paninirahan ko dito, hindi ko pa nalibot ang buong lugar
kung kaya’t sa isang araw na paglalakbay, marami akong natuklasan na kapupulutan ng aral
tungkol sa lugar at sa aking sarili.

Noong ika- tatlo ng Setyembre, taong kasalukuyan, nilibot ko kasama ng aking pangkat ang ilang
bahagi ng Lapu- Lapu City. Mula Marigondon, Crossing kung saan kami nagkita- kita hanggang
sa Mactan, Newtown kung saan nagsimula ang paglalakbay. Habang kami ay naglalakad ay
makikita sa mga kalsada ang apat na tropikal na kulay sa mga pader at banderitas, kabilang na
dito ang asul, dilaw, berde at kahel na sa aking pagkakaalam ay kumakatawan sa malakas na
pagkakakilanlan ng mga Oponganons. Nang kami ay nakarating sa Mactan Shrine kung saan
ginanap ang makasaysayang pakikipaglaban ni Lapu- Lapu kay Magellan, nahinuha ko kung
paano naapektuhan ng makasaysayang pangyayari ang turismo ng lungsod sa kasalukuyan. Dahil
dito, napagdesisyunan namin na bisitahin ang Engano, Mactan kung saan makikita ang sobrang
habang linya ng mga hotels and resorts na maaring isa sa maraming dahilan kung bakit tinawag
na Historic Resort City ang mismong lungsod. Ayon kay City Mayor, Paz Radaza, sa
pamamagitan ng pagtataguyod ng sarili bilang “The Historic Resort City,” inaasahan ng lungsod
na akitin ang mga bisita na interesado hindi lamang sa dagat, kundi pati na rin sa pamana ng
ating mga ninuno sa atin. Ito raw ay sumasalamin sa isang kontemporaryong ngunit buhay na
buhay na lungsod na puno ng kasaysayan.

SOURCE:
https://www.google.com.ph/search?dcr=0&ei=T1xoWvTICsGs0gT32Z9A&q=lakbay+sanaysay

PICTORIAL ESSAY

Ito ay isang sulatin na masmaraming mga larawan kaysa sa salita.


Nakatutok ito sa isang tema, maging ito man ay isang paksa tulad ng digmaan, o isang pictorial
essay tungkol sa isang partikular na estado.
Ang pictorial essay ay madalas personal at maaaring maging isang epektibong paraan upang
lumikha ng isang personal na mensahe upang ibahagi sa pamilya, mga kaibigan o kahit na para
sa publikasyon.
Ang isang deskripsyon ng larawan ng pictorial essay ay hindi dapat lalagpas ng 60 na salita.

“SUSI SA KALAYAAN”
Sa panahon ngayon ang buhay ng isang mamayang Pilipino ay maihahantulad sa ibong
nakahawla. Masikip, madilim, walanv muwang sa mga pangyayari, bulag sa katotohanan, at
walang layang lumipad. Ang ibong ito ay tila nakalimutan na at napag-iwanan na ng
panahon.
Ngunit sa oras ng kanyang mga paghihirap at kasarinlan ay hindi mawawala ang mga
kababayan nating bukas ang puso upang matulungan ka’t makabangon sa paghihirap na
iyong dinaranas.
Sila ang tutulong sa iyo upang mahanap mo ang susi sa kalayaan sa iyong paghihirap at ng
makamtan mo ang iyong mga pangarap na nakubli sa loob ng matagal na panahon. Dahil sa
mga problemang kinaharap mo sa loob ng masikip at madilim na hawla.
Kapag nakuha mo na ang susi, ang pintong matagal mo ng hinihintay na magbukas ay
magbubukas na dahil sa sipag at tiyaga na iyong ginugol makalaya ka lamang dito. Ito na ang
magiging daan mo tungo sa pangarap na matagal mo ng inaasam. Simula na din ito ng
pagbabago sa iyong buhay.
Ngayon nakalaya ka na sa hawla, ay may laya ka ng makalilipad para abutin ang iyong mga
pangarap. Ngunit sa iyong paglaya kahaharapin mo na naman ay may bagong pagsubok ang
uusbong para ibaba kang muli, pero sa pagiging matatag ang mga pagsubok na ito’y
malalagpasan mo din.

SOURCE: https://www.google.com.ph/search?dcr=0&ei=j1xoWsWABsOu0ATrkI-
ADw&q=HALIMBAWA+NG+PICTORIAL+ESSAY
Sa panahon ngayon ang buhay ng isang mamayang Pilipino ay maihahantulad sa ibong
nakahawla. Masikip, madilim, walanv muwang sa mga pangyayari, bulag sa katotohanan, at
walang layang lumipad. Ang ibong ito ay tila nakalimutan na at napag-iwanan na ng
panahon.
Ngunit sa oras ng kanyang mga paghihirap at kasarinlan ay hindi mawawala ang mga
kababayan nating bukas ang puso upang matulungan ka’t makabangon sa paghihirap na
iyong dinaranas.
Sila ang tutulong sa iyo upang mahanap mo ang susi sa kalayaan sa iyong paghihirap at ng
makamtan mo ang iyong mga pangarap na nakubli sa loob ng matagal na panahon. Dahil sa
mga problemang kinaharap mo sa loob ng masikip at madilim na hawla.
Kapag nakuha mo na ang susi, ang pintong matagal mo ng hinihintay na magbukas ay
magbubukas na dahil sa sipag at tiyaga na iyong ginugol makalaya ka lamang dito. Ito na ang
magiging daan mo tungo sa pangarap na matagal mo ng inaasam. Simula na din ito ng
pagbabago sa iyong buhay.
Ngayon nakalaya ka na sa hawla, ay may laya ka ng makalilipad para abutin ang iyong mga
pangarap. Ngunit sa iyong paglaya kahaharapin mo na naman ay may bagong pagsubok ang
uusbong para ibaba kang muli, pero sa pagiging matatag ang mga pagsubok na ito’y
malalagpasan mo din.

You might also like