You are on page 1of 4

Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa.

Hinango mula sa
pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan
ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa
huli.

Unang nagsimula ang balagtasan sa Pilipinas noong Abril 6, 1924 na nilikha ng mga pangkat na
manunulat para alalahanin ang kapanganakan ni Francisco Balagtas. Ginawa nila ang unang balagtasan
na may tatlong hanay ng mga makata na ipinapahayag ng isang naka-iskrip na pagtatanggol. Binatay nila
ang anyo sa mas naunang mga uri ng pagtatalo na gumagamit din ng elemento ng tula katulad ng
karagatan, huwego de prenda at duplo.

Kadalasan itong binubuo ng tatlong magtatanghal na may dalawang magtatalo na magkasalungat ang
pananaw at isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae). Mayroon din
mga hurado na siyang maghuhusga kung sino ang mananalo. Inaasahan ang panitikang ito na
patalinuhan ng pagpapahayag ng mga patulang argumento ngunit maaari din itong magbigay libangan sa
pamamagitan ng katatawanan, anghang ng pang-aasar, pambihirang talas ng isip, at mala-
teatrikong at dramatikong pagpapahayag.

Kasaysayan
Noong Marso 28, 1924, limang araw bago ang kaarawan ni Balagtas, nagpulong ang ilang mga
nangungunang manunulat sa Instituto de Mujeres,(Women's Institution) kalye ng
Tayuman, Tondo, Maynila, Pilipinas para maghanda sa pagdiriwang ng Araw ni Balagtas sa Abril 2,
1925. Tanggapan ni Rosa Sevilla, isang kilalang manunulat, ang gusaling iyon. Dito nila nalikha ang
konsepto ng balagtasan nang may mga ilang nagmungkahi ng makabagong duplo.

Noong Abril 6, 1924, tatlong magkatambal ang lumahok sa unang balagtasan sa Instituto de Mujeres,ito
ay sina Rafael Olay laban kay Tomas de Jesus,Amado V. Hernandez laban kay Guillermo Holandez. Sa
mga lumahok, sina Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute), at Florentino Collantes (Kuntil Butil), isang rin
manunula sa Bulacan ang nakatanggap ng pinakasiglang tugon mula sa madla. "Bulalak ng Lahing Kalinis-
linisan" ang pamagat ng kanilang paksang kanilang pinagtalunan na sinulat nilang pareho.Ang dalawang
ito ang nanomina sa panglawang paghaharap.

Dahil sa matagumpay na pagtanggap ng publiko kina De Jesus at Collantes, naghanda ang nag-organisa
ng mga ilang pang mga balagtasan na kinakasangkutan ng dalawa. Dahil sa talino ng dalawa naghanda
sila ng balagtasan na walang iskrip noong Oktubre 18, 1925 sa Olimpikong Istadyum sa Maynila upang
lalo pa silang masubok. Ang naging paksa nila ay "Ang Dalagang Filipina: Noon at Ngayon." Kinuha ni De
Jesus ang panig ng kababaihan noon samantalang pinili ni Collantes naman ang kababaihan ngayon. Sa
katapusan ng balagtasan, nanalo si De Jesus at tinanghal na Unang Hari ng Balagtasan.

Pagkatapos ng pagtatanghal nila De Jesus at Collantes noong 1925 hanggang lumipas ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, naging sikat ang balagtasan sa Pilipinas at ninanais ng mga manunula ang titulong
Hari ng Balagtasan. Dahil sa kasikatan ng ganitong anyo ng panitikan, nagkaroon ng ibang kahintulad na
patulang pagtatalo sa ibang wika mula sa Pilipinas katulad ng Ilokano at Kampampangan maging wikang
Ingles o Kastila. Naimbento ng mga Ilokano ang bukanegan bilang pagkilala kay Pedro Bukaneg, isang
Ilokanong makata. Samantalan, nagkaroon naman ng crisotan ang mga Pampango na hinango nila mula
sa manunula at dramatistang si Juan Crisostomo Soto.

Tungkulin
Maliban sa tagisan ng talino at pagbibigay ng aliw sa mga manonood, nagkaroon ang balagtasan ng isang
mas mataas na pampolitika at panlipunang tungkulin. Binibigay ng mga sumasali sa balagtasan ang
kanilang saloobin tungkol sa kasalukuyang pangyayari at suliranin katulad ng ginagawa ng mga
kolumnista at patnugot ng isang pahayagan. Ilan sa mga balagtasan nina De Jesus at Collantes ang
mga pampolitikang paksa katulad ng "Koalisyon at Kontra Koalisyon" na tumutukoy sa masiglang
kampanya ng noong Pangulong Manuel Quezon upang pag-isahin ang lahat ng partidong pampolitika sa
ilalim ng Partido Nacionalista na siyang partido na pamahalaan noon.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan


Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito noong panahon na ang
Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang tradisyon ng patulang pagtatalo gaya ng
Karagatan, Batutian at Duplo.

Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na sa tradisyong tulang sagutan sa
iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. May tinatawag na patulang Balitao ang Aklanon maging ang Cebuano,
isang biglaang debate ng lalake at babae. Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng dalawang pamilyang
nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at binata ang Siday ng mga Ilonggo at Pamalaye ng
mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay sa inuman isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi ng
ganitong gawain ay pagtikim ng alak kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa, ang
mga tuntunin at iba pang bagay na dapat isaalang-alang.

Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo ay gumaganap na nasa isang korte
na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na piskal
o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing tagisan ng katuwiran sa panig
ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na debate sa
pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay-aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan,
talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang Balagtasan ay ginamit ng mga manunulat
upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at napapanahong mga pangyayari at
usapan.

Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong. Ang nangungunang mga manunulat noong Marso 28,
1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila. Ito ay
naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o
Araw ni Balagtas sa darating na Abril 2. Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong Balagtas.
Hinunlapiang “an” ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag dito.
Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong pares ng makata ang nagtalo na
gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina José Corazón de Jesús at
Florentino Collantes, kaya naisipan ng mga bumuo na magkaroon ng isa pang Balagtasan para sa
dalawang kagalang-galang na makatang ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong Oktubre 18, 1925 sa
Olympic Stadium sa Maynila. Si Jose Corazon De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng
Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si "Huseng Batute" dahilan sa kaniyang angking
kahusayan sa Balagtasan noong 1920.

Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig, naging paboritong aliwan
ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga makata sa ibang mga wika sa Pilipinas ng sarili nilang bersyon,
gaya ng Bukanegan ng mga Ilokano (mula sa apelyido ng makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng
Crisostan ng mga Pampango (mula sa pangalan ng Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto).
Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga samahang pampanitikang nakabatay sa
paaralan kung hindi magkakaroon ng pagkakatong mapabilang sa mga samahang pampanitikan.
Ang Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-uusapan ng tatlo katao. Ang mga kalahok ay
inaasahang magaling sa pag-alala ng mga tulang mahahaba at pagbigkas nito ng may dating (con todo
forma) sa publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig ( Mambabalagtas).
May mga hurado na magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo o ang mas may makabuluhang
pangangatuwiran.

Ang Balagtasan

Sumilang ang Balagtasan noong Abril 2, 1925, kaugnay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Balagtas. Bago
sumapit ang naturang araw, ang Akademya ng Wikang Tagalog na kinasasapian ng mga kilalang makata
at mananagalog ay nagdaos ng isang pagpupulong sa gusali ng Instituto de Mujeres na nasa Tayuman,
Tundo, Maynila. Kabilang sa mga dumalong makata at manunulat ay sina Lope K. Santos, Iñigo Ed.
Regalado, Patricio a. Dionisio, Teodoro E. Gener, Jose N. Sevilla, Jose Corazon de Jesus, Florentino
Collantes, at iba pa. Pinag-usapan nila’t napagpasiyahan, sa mungkahi ni Atty. Patricio A. Dionisio na ang
larong ipapalit sa matandang duplo ay ang Balagtasan. Bilang huwaran, si Dionisio na rin ang sumulat
ng kauna-unahang Balagtasan at ito’y nalathala sa lingguhang pahayagang Telembang. Sa balagtasang
ito ibinatay ang unang Balagtasang itinanghal nina Corazon de Jesus at Florentino T. Collantes,
ang Bulaklak ng Kalinisan na ginanap sa Instituto de Mujeres. Sinundan na ito ng marami pang uri ng
ganitong balagtasan.

Nagkaroon noon ng tatlong grupo ng mambabalagtas: sina De Jesus at Collantes; sina Amado V.
Hernandez at Guillermo A. Holandez; at sina Rafael Olay at Tomas L. de Jesus.
Ang unang Balagtasan nina Collantes at Huseng Batute ay naging matagumpay at kinagiliwan ng
madla. Si Lope K. Santos ang naging Lakandiwa; si Sofia Enriquez ang nag-Kampupot; si De Jesus ang
nag-Paruparo; at si Collantes naman ang nag-Bubuyog.
Hindi nagtagal, ang Balagtasan ay ginanap sa dating Olympic Stadium na nasa Doroteo Jose, Sta. Cruz,
Maynila. Dito nagbalagtasan ang mga kilala’t pangunahing makata ng bansa, tulad nina Benigno Ramos,
Pedro Gatmaitan, Pedro Mendoza at iba pa na nag-aagawan sa pagiging Hari ng Balagtasan.
Ang naging unang Hari ay si Jose Corazon de Jesus at pagkatapos ay si Collantes. Ang isa sa mga naging
huling hari ay si Emilio Mar Antonio at si Domingo Raymundo ay naging prinsipe. Ang iba pang
naging Hari ng Balagtasan ay ang mga makatang sina Jose Gallardo, Nemesio Caravana, Aurelio Angeles,
Fernando Bautista Monleon at Cresciano C. Marquez, Jr.
Sa kabilang dako, kung sa Katagalugan ay naging popular ang Balagtasan, sa mga Ilokano naman ay
naging tanyag ang ganitong uri ng pagtatalo sa tawag na Bukanegan na hango sa makatang Ilokanong si
Pedro Bukaneg. Sa mga Kapampangan naman ay mayroon din silang Crissotan na hango sa makatang
Kapampangan na si Juan Crisostomo na ang ginagamit na sagisag ay Crissot.
Samantalang mayroon pa ring isang uri ng balagtasan sa kasalukuyan - ang Batutian – na hango kay
Huseng Batute na sagisag ni Jose Corazon de Jesus. Ang ikinaiiba nito sa Balagtasan, ito’y nagtataglay ng
pagpapaigting ng tudyuhan at pagmamayabang ng mga nagtatalong makata.
Mula sa entablado o tanghalan, ang Balagtasan ay narinig na rin sa radio o himpapawid at maging sa
tanghalan ng mga paaralan sa kasalukuyan. Ang unang naging tagatangkilik sa radio ay ang Elizalde &
Company, isang makawikang bahay-kalakal.
Makabuluhan ding banggitin dito na unang nagkaroon tayo ng aklat na katipunan ng
mga balagtasan noong 1937. Ito’y inilathala ni Jesus Balmori.

You might also like