You are on page 1of 9

MGA EPEKTO NG SOCIAL NETWORKING SITES SA MGA MAG-AARAL

REPUBLIKA NG PILIPINAS PARTIDO STATE UNIVERSITY KOLEHIYO NG EDUKASYON GOA,


CAMARINES SUR SOCIAL NETWORKING SITES: ANG EPEKTO NITO SA PAKIKIPAGKAPWA
AT PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE SA KOLEHIYO NG EDUKASTON IPINASA BILANG
PARSYAL NA FULFILMENT SA ASIGNATURANG FIL. 2 (PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA
PANANALIKSIK IPINASA NINA: MICHAEL P. VALE BSED 1-B SHARMAGNE VALENCIA BSED 1-
B MAG-AARAL IPINASA KAY: BB. JOAN ALARCON MONFORTE GURO ABSTRAK SOCIAL
NETWORKING SITES: ANG EPEKTO NITO SA PAKIKIPAGKAPWA AT PAG-AARAL NG MGA
ESTUDYANTE SA KOLEHIYO NG EDUKASTON MGA MANANALIKSIK: Micheal P. Vale BSed 1-B
Sharmagne I. Valencia BSed 1-Irr. Guro/Tagapayo:Bb. Joan Alarcon Monforte Ang pag-aaral na ito
ay tumatalakay sa mga epekto ng ibat-ibang Social Networking Sites sa pakikipagkapwa at pag-
aaral ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng edukasyon ng Parido State University Goa Campus sa
akadimikong taon 2012-2013. Ang pananaliksik ay isinagawa mula Enero hanggang Marso sa mga
piling estudyante ng Koleheyo na siyang nagging respondent sa pag-aaral. Ang mga datus ay
nakalap sa pamamagitan ng talatanungang gawa ng mgamananaliksik at inanalisa sa pararang
poresyento/bahagdan, at diskriptiv. Ayon sa resulta ng masusing pag-iinterpreta sa mga datus na
nakalap mula sa mga respondent, lumalabas na ang Facebook at Yahoo ay ang pinkapatok na
Social Networking Site sa mga mag-aaral. Lumalabas naman na positibo ang epekto ng
pagkakaroon ng account sa nasbing site kung pakikipagkapwa ng mga mag-aaral ang isasa-alang
alang.Ayon sa resulta, dahil sa mga Social Networking Site, ang mga mag-aaaral ay maraming
nakikilala,nakakakuha ng bagong kibigan at nakakapagpahayag ng malayang saloobin. Sa pag-
aaral naman, lumalabas na ang mga Networking Site ay nakakatulongupang ang mag-aaralay
magkaroon ng madaling kumunikasyon sa kapwa sa kapwa mag-aaral, makakakuha ng
mahahalagang impormasyon at mapadali ang palitan ng mga dokumeto ng mga dukumento, hal.e-
mails.” Mula sa mga nakuhang resulta at nalutas na suliranin naipakita ang kabutihang dulot ng mga
social networking site sa pakikipagkapwa at pag-aaral ng mga estudyante ng koleheyo ng
Edukasyon kayat inenerikumenda ng mga mananaliksik na mapagtuunan ng pansin ang pagtutro sa
Unibersidad na maaaring magbigay kamalayan sa mga mag-aaaralsa mas responsable at tamang
paggamit ng makabagong teknolohiya. PASASALAMAT Ngunit kung kulang ng karunungan ang
sinuman sa inyo, humingi siya sa Diyos at siya’y bibigyan ; sapagkat ang Diyos ay saganang
mapagbigay at di nanunumbat. Santiago 1:5 Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat
unag-una sa panginoong Diyos na nagbigay gabay, karunungan at pagpapala sa paggawa ng
pananaliksik na ito. Kay Bb. Joan Alarcon Monforte na nagbigay oportunidad na matuto ang mga
mananaliksik sa pamamagitan ng hamong ito. Sa mga magulang ng mga mananaliksik na walang
sawng suporta sa pangangailangang moral at pinansyal. Sa BSEd 1-B na patuloy na nagpapatawa
at nagbibigay ng ibat-ibang ediya. Sa mga tao sa COED Resource Center. Kina kuya Ched at kuya
Reymart na nagbigay determinasyon upang ipagpatuloy ang pananaliksik na ito. Sa lahat ng hindi
nabanggit ngunit nakatulong sa reyalidad ng proyektong ito. Maraming salamat po!!! MIKE SHAR
TALAAN NG NILALAMAN KABANATA
I……………………………………………………………………………………………………..10 ANG
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO……………………………………………………….…………10
PANIMULA/RASYUNALE………………………………………………………………………………………
10 PAGLALAHAD NG
SULIRANIN……………………………………………………………………………….12 KAHALAGAHAN
NG PAG-AARAL……………………………………………………………………………13 SA MGA
MAG-AARAL…………………………………………………………………………………………..13 SA
MGA MAGULANG……………………………………………………………………………………………14
SA MGA
GURO……………………………………………………………………………………………………14 SA
MGA SUSUNOD NA MANANALIKSIK………………………………………………………………….14
SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-
AARAL………………………………………………………….15 LOKASYON NG
PAGAARAL……………………………………………………………………………………16
KATUTURAN NG MGA
KATAWAGAN………………………………………………………………………17
TALASANGGUNIAN……………………………………………………………………………………………
…18
KABANATAII……………………………………………………………………………………………………
….19 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-
AARAL……………………………………………………19 MGA KAUGNAY NA
LITERATURA………………………………………………………………………….19 MGA KAUGNAY
NA PAG-AARAL…………………………………………………………………………….22 SA
PAKIKIPAGKAPWA………………………………………………………………………………………….22
SA PAG-
AARAL…………………………………………………………………………………………………..23
THEORETICAL
FRAMEWORK…………………………………………………………………………………24 BANDURA
(SOCIAL LEARNING THEORY) ………………………………………………………………25 CARL
ROGER (THEORY OF INTERPERSONAL RELATIONS) ………………………………..……26 R.
STEILBERG (TRIARCHICH THEORY) …………………………………………………………………27
KONSEPTWAL NA
BALANGKAS……………………………………………………………………………..28
TALASANGGUNIAN……………………………………………………………………………………………
…29 KABANATA
III…………………………………………………………………………………………………….32
DISENYO AT PAMAMARAAAN NG PANANALIKSIK…………………….…………………………….32
DISENYO…………………………………………………………………………………………..……………
….32 RESPONDENT SA PAG-
AARAL……………………………………………………………………………….32 PARAAN NG PAG-
IIMBESTIGA………………………………………………………………………………33 PAGHAHANDA
NG TALATANUNGAN………………………………………………………………………33
VALIDESYON NG
TALATANUNGAN………………………………………………..………………………34
ISTATISTIKONG
GINAMIT……………………………………………………………………………………35 KABANATA
IV……………………………………………………………………………………………………..36
PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG
DATOS……………………………………………………….36 PORMULANG GINAMIT SA
PAGPOPORSYENTO…………………………………………………………………………………………
…..36 KABANATA
V………………………………………………………………………………..…………………….45
LAGOM, KONKLUSYON AT
REKOMENDASYON……………………………………………………….45
BUOD……………………………………………………………………………………………………………
……45 SULIRANIN 1.
…………………………………………………………………………………………………….46
LAGOM…………………………………………………………………………………………………………
…….46
KONKLUSYON………….………………………………………………………………………………………
….46
REKOMENDASYON……………………………………………………………………………………………
…47 SULIRANIN
2………………………………………………………………………………………………………47
LAGOM…………………………………………………………………………………………………………
…….47
KONKLUSYON…………………………………………………………………………………………………
…..48
REKOMENDASYON……………………………………………………………………………………………
…48 SULIRANIN
3………………………………………………………………………………………………………49
LAGOM…………………………………………………………………………………………………………
…….49
KONKLUSYON…………………………………………………………………………………………………
…..49
REKOMENDASYON……………………………………………………………………………………………
…50
APENDIKS………………………………………………………………………………………..…………..….
..53 KORIKULUM
VITAE……………………………………………………………………………………………..54
KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO PANIMULA/RASYUNALE Ang pagkakaroon
ng kaibigan ay isa sa mga magagandang bagay na maaring magkaroon ang isang idibidwal. Ang
pagkakaroon nito ay sumasalamin sa kanyang kakayanang makipagkapwa at matanggap sa lugar
na kanyang ginagalawan.1 Ito ay sumasalamin sa kanyang pagkataoat ng kayang kakayahang
makipagpalitan ng kaalaman at impormasyon. Ito rin ay mabuting daan ng aspetong
interkomunikasyon upang maihambing niya ang kanyang kalakasan at kahinaan sa iba.2 Ayon sa
social learning theory ni Bandura,”Madaming proseso ng pagkatuto ang maaring magamit ng isang
tao. Ang dalawa sa mga ito ay ang Vicarious Conditioning o ang pagkatuto mula sa kinalabasan ng
gawain ng iba o ng observational learning o pakatuto batay sa panunuod lamang sa iba.”3 Sa
pagbago ng panahon at pagbukas ng globalisasyon, ang pagdating ng makabagong teknolohiyang
pangkomunikasyon ay nagbukas nang pintuan upang makapili ang isang indibidwal sa mga taong
maari niyang maging kasama,kaibigan at kabiyak.4 Ito rin ay mahalagang salik sa pagkatuto.
Marami ring pagbabago sa ating kapaligiran. Sa paglabas ng kompyuter at pgkonekta nito sa
internet, nabuksan din ang ibat-ibang tsanel na maari nating magamit sa pakikipagkapwa at
pakikipagpalitan ng impormasyon upang mapanatili an gating mga gawain at mapabilis ang proseso
ng pagkatuto at pagaaral.5 PAGLALAHAD NG PROBLEMA Ang pananaliksik na ito ay naglalayong
maipakita ang lumalaking bilang ng mga nahuhumaling sa iba’t-ibang networking site na magaaral
ng koleheyo ng edukasyon sa Partido State University Goa Campus sa ikalawang semester ng
akademikong taong 2012-2013. Ninanais ng pananaliksik na ito na masagutan ang mga sumusunod
na katanungan: Nakakaapekto ba ang mga networking sites sa pakikipagkapwa ng mga magaaral?
Anu-ano ang epekto nito? Nakakaapekto ba ang mga networking sites sa pag-aaral ng mga
magaaral? Anu-ano ang mga epekto nito? KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Gaya ng inaasahan
ang pagbibinata – pagdadalaga ng isang tao ay panahon ng matinding emosyon. Sa panahong ito,
sadyang napakalaking bahagdan ng kanyang buhay ang nagugugul sa paraang kasama ang mga
kaibigan niya na lubos na nakakaapekto sa kanyang pag iisip, at pagkatuto.6 Sa pagkakataong ito
kasabay ng globalisasyon na nagpapadali sa ugnayan ng iba’t-ibang tao , organisasyon,
korporasyon, pangkat, bansa gamit ang makabagong teknolohiya.7nararapat na mamonitor ang
paggamit nito upang ito ay hindi maabuso. Ang pananaliksik na ito ay may kahalagahan sa mga
sumusunod: SA MGA MAG-AARAL: Malalaman nila ang epekto ng social networking site na
kanilang pakikipagkapwa at pag-aaral. SA MGA MAGULANG: Magagabayan nila ang kanilang mga
anak sa tamang paggamit ng makabagong teknolohiya bilang pagkukunan ng impormasyon at
tsanel ng komunikasyon. SA MGA GURO: Mababatid nila ang epektong naibibigay ng networking
sites sa pagkatuto ng magaaral. Sa gayon makagagawa sila sa ibat ibang istratehiya na mag bibigay
daan sa pagpapadali ng pagpapalitan ng kaalaman at ideya sa silid paaralan na hindi kinokopya sa
iba upang makaiwas sa plagerism at upang mapagtibay ang ugnayang sosyal ng mga
magaaral/magkaklase sa bawat isa. SA MGA SUSUNOD NA MANANALIKSIK: Ang pananaliksik na
ito ay magiging batayan ng kakailanganing impormasyonng ibang mananaliksik ukol sa
pakikipagkapwa at pag-aaral ng mga mag-aaral na gumagamit ng mga social networking sites. Sila
rin ay magsisilbing tagapagtibay at tagapagpapaatotoo sa mga datos na nakalap dito gamit ang
karagdagang inpormasyon na makukuha nila sa kanilang sariling pananaliksik. Sa gayon mas
magiging kapaki-pakinabang ang mga impormasyong nakalap upang maging batayan ng mag
susunod pang mananaliksik na gumagamit din ng ganitong paksa. SAKLAW AT DELIMITASYON
NG PAG-AARAL Ang pananaliksik na ito ay sasaklaw sa mga piling mag-aaral ng kolehiyo ng
edukasyon ng Partido State University main campus. Gamit ang talatanungan, tutukuyin nito ang
mga epekto ng pagkahumaling ng mga mag-aaral sa ibat-ibang social networking site.Aalamin ang
mabubuti at masamang epekto nito sa pakikipagkapwa at pag aaral ng mga magaaral. Magbibigay
din ang mga mananaliksik ng kaukulang payo upang maiwasan ang masamang epekto nito at kung
paano mas mapagyayaman ang mabubuting epekto nito. LOKASYON NG PAGAARAL IMG. 1. Ang
PARTIDO STATE UNIVERSITY at ang mga kalapit na lugar.8 KATUTURAN NG MGA
KATAWAGAN Upang lubos na maintindihan ang pananaliksik na ito, ang mga konseptong ginamit
ay binigyan ng pakahulugan sa mga sumusunod: GLOBALISASYON- Kaparaanan kung paano
nagging global o pang buog mundo angmga local o pambansang gawi o paraan. Ginawa nitong isa
ang daigdigsa pamamagitan ng kultura, politika, kalakalan, ekonomiya at makabagong teknolohiya.9
INTERNET- malawak na kompyuter network o magkakakabit na kompyuter network na pinagkabit
sa pamamagitan ng internetworking na maaaring gamitin ng publiko sa buong mundo na may akses
dito.10 SOCIAL NETWORKING SITE- ay patiralang pang-ukol sa isang web site na maaaring
pasukin ng isang tao upang gumawa ng pampublikong profayl upang makonekta sa iba pang tao na
may profayl din sa web site iyon. Hal: Facebook, twitter, yahoo.11 TALASANGGUNIAN Abelos, Alex
V., et. Al. “Compairing Expe riences & Reducing Uncertainty”, General Psychology. 1st Edition ;
Baguio City, Philippines Valencia Education Supply 2005, 350-351 Ibid Dixon, Priscila: Rex Book
Store 2003, 252 Abelos, Alex V. et. al. “choosing friends” General Psychology 1st Edition ; Baguio
City, Philippines; Valencia Educational Supply 2005, 350 Ibid Mckenzie, Michael D. et. al. “Social
Development” The new Book of Knowledge: Grolier Incorporated, LISA: 1985, 230 Weiner Rebecca,
“Globalization” The new book of knowledge: scholastic Library Publishing Inc. Connecticut 2006, 238
http://www.bicolshop.com/villa-pena-resort-goa/vicinity_map_450.jpg Croucher, Shiela L.
Globalization and Belonging: The Politics of Identity and Changing World. Rowman and Littlefield
(2004). pg.10 http://tl.m.wikipedia.org/wiki/internet http://www.webespedia.com/TERMS/SOCIAL-
NETWORKING-SITE.html KABANATA II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Ang
kabanaataang ito ay tumatalakay sa ibat-ibang pagaaral at literature na nalalapit sa kasalukuyang
pag-aaral. Ang kabanatang ito rin ay naglalaman ng konsaptual at ng theoretical framework ng
pananaliksik. MGA KAUGNAY NA LITERATURA: Sa pakikipagkapwa ayon sa artikulong “Human
Relation” lahat ng tao at ang buhay nila ay magkakaugnay. Tayo ay naaapektuhan ng iba at natural
na naaapektuhan din natin ang iba. “No Man Is an Island” ika nga. Ang hangarin natin sa buhay ay
maging masaya. Pananiniwalaan na tayo ay magiging masaya lamang kung tayo ay marunong
makisama sa iba. Ang pakikipagkapwa ay nagbibigay kahulugan sa ating buhay. Bagamat
dedepende ito sa ating mga natutunan at kaisipan. Ang pamumuhay ng may kahulugan ay ang
pagkakaroon ng kakayahang maipahayag na may mabuting naidulot ang iba sayo at ikaw naman sa
iba.1 Sa psychosocial stages of life ni Erikson, Ang isang taong magreretiro na ay nararapat na may
masabing siya ay may nagawa para sa ikabubuti ng buhay ng iba. Ang katangiang personal na ito
ay bunga ng pakikipagkapwa niya na malalaman niya lamang kapag naabot na niya ang maturity.2
Isa ring paniniwala na ang pag-uugali ng isang taong naaapektohan ay nakalaagak sa teoryang
attribution. Ang attribution ay tumutukoy sa mga kadahilanan ng pag uugali ng isang indibidwal.Ayon
kay Heider, tayo ay makakakuha ng mabuting pakikipagkapw kapag tiniyak natin ang bawat kilos at
salitang bibitawan natin.3 Kung nakakaapekto ang panlabas na daigdig sa ating pakikipagkapwa
mas nararapat na pagtuunan natin ng pansin an gating intrapersonal na kakayanan. Gardnes theory
of multiple intelligence upang maayos nating maipahayag ang ating saloobin. Sa kaugaliang Pilipino
ang mga Pilipino ay tinitingala sa kanilang kakayanan sa pakikipagkapwa. Ang salitang “kapwa” ay
nagbibigay sa kanila ng mapagkukunan ng kaalaman at kasayahang pansarili. Ito ay
mapapatunayan sa pakikisama, pakikipagbayanihan at ang minsan pang pagtatago ng kaisipan na
hindi maganda o paglilihim upang hindi makasakit sa damdamin ng iba.4 Sa komunikasyon, paano
tayo nakikilala ng ibang tao? Ito ay sa pamamagitan ng komunikasyon. Ang komunikasyon ay
proseso na kung saan ang isang tao o grupo ay naglalahad ng mensahe sa isang receiver na
nagiinterpreta at nagaayos ng datus upang makalahad ng fidbak. Ang pagbabalik ng fidbak ay
inilalahad lamang kung hindi maayos ang paghahatid ng mensahe ng receiver .5 Sa madaling salita,
tayo ay makakakuha ng maraming kakilala kung makakakuha ng maraming kakilala kung tama ang
paglalahad natin ng mensahe. Ayon kay Crow at Croco ang mga kabataan ay may mga katangian
kaiba sa iba. Ngunit kung meron man silang pagkakapareha, ito ay ang pagnanais na matanggap ng
iba sa pakikipag kaibigan. Ninanais nyang maging ganap na malaya, maging aprobado man o hindi
ng kanyang guro o magulang ang ugaling ipinapakita nya.Ginagaya nila ang mga makabagong
pananalita. Ginagaya nila ang mga nakikita nilang ginamit ng mga personalidad sa television o ng
media na lubos na nakakaapekto sa kanilang o pakikisalamuha sa iba at pati na rin sa kanilang
saloobin ukol sa pagaaral. Ang ibang kabataan ay pumupunta sa pangkat-pangkat ng kaibigan dahil
nais nilang matanggap ngunit ang iba naman ay tila yaong mapag-isa na mas nangangailangn ng
attensyon lalo na sa pagkatutu. Dahil ditto ang guro ay nararapat na may kakayahang matulungan
ang ganitong individwal upang mapagisa ang pakikipagkapwa at pagaaral tungo sa mas mabuting
pagkatutu sa paaralan.6 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL SA PAKIKIPAGKAPWA: Ayon sa tesis
na ginawa ni Suarz Asper tungkol sa Social Networking Sites, sinabi niya na lubos na nakakaapekto
sa ating pakikipagkapwa ang mga social networking sites dahil ito ay nagbukas ng makabagong
paraan sa pakikipagkomunikasyon. Ayon sa pananaliksik niya , lubos na nakatulong ang mga
networking sites upang pagbuklurin ang iba’t-ibang klaseng tao na may iab’t –ibang pananaw dahil
sa: una, ginawang posible nito ang pakikipag-usap nito sa iba sa tamang oras gaano man ito kalayo.
Pangalawa, ito ay nagbukas ng pagkakataong makonektaang isang tao sa libo-libong tao sa buong
mundo na gumagamit din nito na nagging mabuting daan upang makipagpalitan ng interaksyong
sosyal ang isang lahi sa ibang lahi. Pangatlo, ito ay nagbukas ng pagkakataong maihayag ng isang
tao ang kanyang sarili ng may kalayaan sa pamamagitan ng pagshare, paglike at pagcomment sa
mga litratong nakalagayo inilagay dito.7 SA PAG-AARAL: Ayon kay Wasta Fari (2010), ang
facebook ay isa sa pinaka sikat na Website dahil sa patuloy na gumagamit nito. Hindi matatawaran
ang kabutihang naidudulot nito upang pagbukludin ang ibat ibang uri ng indibidwal , kasama sa ibat-
ibang nakakaengganyong abilidad na maaring gawin ditto ay ang katotohanang maari kang gumawa
g isang birtwal na pagkatao upang makakilala ng bagong mga kaibigan . subalit kug pagbabasehan
ang katotohanan na ang isang tao ay maaaring gumawa ng pekeng account upang manira ng ibang
tao, ito ay lubhang nakakapagkuha ng atensyon ng lahat para sa seguridad. Sa mga inobserbahang
estudyante , nalaman ni Fari na ang mga mag-aaral na lubus na nahuhumaling sa facebook ay
nawawalan ng ganang gumawa ng takdang aralin dahil sa malaking oras na nagugugol nila sa pag
fefacebook. Ayon pa sa kanya ang oras na ginagamit ng mag-aaral sa facebook ay sapat na upang
maubus ang dapat nang nakalaan sa mga extra-curricular na aktibidad sa paaralan. Gayon pa man
ang perspectiv ng paglalahad ng mga epektong ito ay upang maging responsible ang isang mag-
aaral sa tamang paggamit ng kanyang oras sa pakikipagkaibigan , paglahok sa mga extra-curricular
activities , pagfefacebook at paggawa ng takdang aralin.8 THEORETICAL FRAMEWORK Ang pag-
aaral na ito ay nakabase sa mga teorya nina; Bandura(Social Learning Theory), Carl Roger (Theory
of interpersonal relations) at ni R. Steinberg (Triarchich) Theory. BANDURA (SOCIAL LEARNING
THEORY) Ang teoryang nagsabi na ang isang tao ay natututo sa iba saa pamamagitan ng
obserbasyon, paggagaya,(imitation) at pagmomodelo (modeling) ay ang Social Learning Theory ni
Badura. Ang isang tao ay natututo sa pag obserba sa ginagawa ng iba. Ipinapaliwanag ng teoryang
ito ang pag-uugali ng isang tao sa pamamagitan ng walang-hanggang pakikipag inter-ak sa iba. Sa
pamamagitan ng pakikipagpalitan ng kaalaman, nagkakaroon ng malaking impluwensya ang
kapaligiran o ang mga taong nakapaligid sa isang indibidwal as kanyang pag-uugali ng isa’t-isa. Ang
Reciprocal determinalism o palitan (bigay-kuha) ng impormasyon ay isang salik sa nakakaapekto sa
kaalaman/ pakikipagkapwa ng isang indibidwal sa kapaligirang kanyang ginagalawan.9 CARL
ROGER (THEORY OF INTERPERSONAL RELATIONS) Ang CONGRUENCE ay terminong
ginagamit upang maaayos na maipakita ang pagkakapantay-pantay ng karanasan, kamalayan at
pakikipagtalastasan ng isang indibidwal. Ang karanasan ng isang tao ay naipapakita sa proseso ng
kanyang pag-iisip at pakikipagtalastasan. Lahat tayo ay nangangailangang maging kapantay ng
pag-iisip ng iba upang lubusan nating maunawaan ang kanilang kalagayan.10 Habang lumalaki ang
antas n gating karanasan at kamalayan, lumalaki rin an gating kakayanang makipagkapwa at
makipagtalastasan. Ang reciprocal communication o pakikipagtalastasang pantay sa paglalahad at
pagtanggap ng mga impormasyon ay nagdudulat ng iteraktibong pakikipagkomunikasyon na
nagigigbunga ng mas malawak na pagkakaintindi. Sa gayon, ang persepsyon ng receiver ng
komunikasyon ay mahalaga sa interpersonal na relasyon. Ang give and take na pamamaraan ng
komunikasyon ay lubos na mahalaga sa pakikipagkapwa. R. STEILBERG (TRIARCHICH THEORY)
Ayon sa triarchich theory ni Steinberg, ang kaalaman ay nababatay sa kung paano aayon ang isang
indibidwal sa pagbabago ng kapaligiran sa kanyang buong buhay. Ang paggalaw ng utak ay ibinase
niya sa tatlong components.Ang una ay ang metacomponents na kung saan an gating utak ay
nagpoproseso sa paglutas sa suliranin at paggawa ng mahahalagang desisyon. Ang pangalawa ay
ang performance components na kung saan ang proseso ng utak ay gumagalaw sa ating memorya.
Ang paggawa ay nababatay sa kung ano ang dati nating alam at pag-uugnay nito paggamit nito sa
isang bagong Gawain. Ang pangatlo ay ang knowledge-acquistion components na kung saan ang
utak ay pumipili sa mga bagong kaalamang ating nakukuha. Kung alin ang tama at mahalaga o alin
ang mali o hindi gaanong mahalaga. Kasabay ng tatlong ito ay ang kakayahang makaadap ng isang
indibidwal sakanyang mundong ginagalawan (adaptation)upang siya ay makaadjusto makasabay sa
mga pagbabagong ito.11 KONSEPTWAL NA BALANGKAS INPUT PROSESO AWTPUT Gamit ang
Random na pamamaraan ng paghanap ng respondent, ang piling bilang ng mga mag-aaral sa
koleheyo ng edukasyon ay ginawang sample sa pagkuha ng datos ukol sa epekto ng mga social
networking sitessa kanila. Ito ay iloloob sa input. Ang proseso naman ay ang pagpapasagot ng mga
talatanungan sa mag-aaral at pagsuri nito sa paraang tabular, porsyento, at descriptive. Ang awtput
ay ang magiging basehan ng mga magulang at guro ng mga mag-aaral upang mas maging
responsabli sila sa paggamit ng mga social networking sites. TALASANGGUNIAN Dizon, Priscila B.
General Psychology . Rex Books Store (2005) p.367 Castillo, Roberto. Human Relations, Manila
Taft Avenue September-october, 1996 Philippine Journal of Child-youth Development, Vol. 1, No. 1
January-June 1967(NCCSDFCY), Quezon City http://www.infed.org/thinkers/gardner.html
http://tl.m.wikipedia.org/wiki/komunikasyon Crow, L. & A. Crow, Adolescent Development And
Adjustment, New York: McGraw-Hill Book co., 1958 http://www.studymode.com/essay/social
networking-499239.html http://www.studymode.com/essay/social networking-497420.html
http://www.learning-theories.com/social-learning-theory-BANDURA.html Dizon, Priscila B. General
Psychology . Rex Books Store (2005) p.367 www.wilderdom.com/personality/L2-
2SteinbergTriarchichtheory.html KABANATA III DISENYO AT PAMAMARAAAN NG PANANALIKSIK
Sa kabanatang ito, maipapakita ang proseso ng pananaliksik at kung ano ang ginamit na
pamamaraan ng mga mananaliksik upang malutas ang suliranin. DISENYO Ang mga mananaliksik
ay gumagamit ng tabyular, grapikal at diskriptiv na pamamaraan.Sa mga pamamaraang ito, ang
mga nakolektang datos at impormasyon ang masusing inanalisa ginamitan ng mabuting
interpretasyon, pagsususri, konklusyon at rekomendasyon. RESPONDENT SA PAG-AARAL Ang
mga respondante sa ginawang pananaliksik ay binubuo ng apatnaput apat na estudyante. Sila ay
mga piling mag-aaral ng Kolehiyo ng Edukasyon na mayroong account sa iba’t-ibang social
networking sites. PAGHAHANDA NG TALATANUNGAN Ang talatanungang inaprobahan ng guro ng
mga mananaliksik na nakalakip sa konseptong papel ng pananaliksik ay siyang ding ginamit na
talatanungang pinasagutan sa mga respondent. Ito ay magsisilbing pamamaraan upang makalap
ang mga datos na kinakailangan upang masagutan ang mga suliranin na inihayag. Narito ang kopya
ng talatanungan: REPUBLIKA NG PILIPINAS PARTIDO STATE UNIVERSITY KOLEHIYO NG
EDUKASYON GOA, CAMARINES SUR Mga minamahal na kamag-aral; Kami, sina Michael P. Vale
at Sharmagne I. Valencia ng BSED 1-B ay nagsasagawa ng isang pananaliksik upang malaman ang
epekto ng social networking site sa pag-aaral at pakikipagkapwa ng mga estudyante ng Kolehiyo ng
Edukasyon. Dahil dito, nais naming hingin ang tulong ninyo para sagutan ang talatanungang ito
upang makumpleto ang mga datos na kailangan sa pananaliksik na ito. Maraming salamat po!
Lubos na sumasainyo, MICHAEL P. VALE SHARMAGNE VALENCIA MGA MANANALIKSIK
PANGALAN:_____________________________ TAON/KURSO/SEKSYON:____________ Panuto:
Bilugan lamang ang letra ng iyong kasagutan.Maaring pumili ng isa o higit pa sa mga nakalagay na
opsyon. Ano ang networking site na kinabibilangan mo? A. Facebook B. Linkedin C. Twitter D.
Yahoo E. Instagram Ano sa tingin mo ang naging epekto nito sa iyong pakikipagkapwa? A. Marami
akong nakikilala. B. Nakakakuha ako ng mga bagong kaibigan. C. Naihahayag ko ng malaya ang
aking mga saloobin. D. Pagsisinungaling sa tunay na katauhan. E. Napagkukunan ng hindi kaaya-
ayang mga saloobin. Ano sa tingin mo ang mga nagiging epekto nito sa iyong pag-aaral? A.
Nagkakaroon ng medaling komunikasyon sa kapwa kamag-aral. B. Napagkukunan ng
mahahalagang impormasyon. C. Nakakatulong upang mapadali ang palitan ng mg adokumento (e-
mails) D. Natatanggal ang pokus sa pagrerevyu. E. Nagiging daan sa pangongopya ng
impormasyon. VALIDESYON NG TALATANUNGAN Gamit ang kopya ng talatanungan at ayon din
sa pag-sang ayon ng guro ng mga mananaliksik sa Fil.2 na si Bb. Joan Alarcon Monforte,
ipinamahagi sa apatnaput apat na piling mag-aaral ng Kolehiyo ng Edukasyon. Ito ay pinasasagutan
sa bawat isa at inorganisa ang mga porsyento ng nakalap na datos gamit ang tabyular na
pagpapahayag pakatapos ng deskriptib at masusing pagsasalin at pag-aanalisa sa mga
impormasyong nakalagay dito. ISTATISTIKONG GINAMIT Ang mga mananaliksik ay gumamit ng
tabyular na porsyento at deskriptib na pamamaraan upang maipaliwanag ang mga nalikom na datos
base sa kasagutan ng mga respondent sa pinasasagutang talatanungan. PORMULANG GINAMIT:
P=n/N x 100 Kung saan: P= porsyento n = sagot N= Respondente KABANATA IV PAGSUSURI AT
INTERPRETASYON NG DATOS: Ang kabanatang ito ay magpapakita ng kasagutan sa mga
suliranin ng pananaliksik, kasama dito ang pag-aanalisa at interpretasyon ng mga datos na nakalap.
Ang mga datos ay iprinisinta sa tabyular, grapikal at tekstwal na pamamaraan. PORMULANG
GINAMIT SA PAGPOPORSYENTO P=n/N x 100 Kung saan: P= porsyento n = sagot N=
Respondent Talahanayan 1 MGA NETWORKING SITES NA KINABIBILANGAN NG MGA MAG-
AARAL PANGALAN NG NETWORKING SITES BILANG NG RESPONDENT NA GUMAGAMIT
BAHAGDAN Facebook 44 100 Linked in 0 0 Twitter 8 18 Yahoo 37 84 Instagram 1 2 GRAP 1.A
Base sa talahanayan, makikita ang bilang ng mga respondent na gumagamit ng iba’t –ibang
networking sites . Patok sa kanila ang Facebook na nakakuha ng 44 na bilang o isang daang
(100%) bahagdan ng respondent ay hindi nalalayo sa 24 na bilang o walumpo’t apat (84%)
bahagdan ng yahoo. Ito ay sinundan ng twitter na may walong (8) bilang o labing walong (18%)
bahagdan, na sinundan naman ng instagram na may 1 bilang o dalawang-pong (20%) bahagdan.
Samantalang hindi naman popular sa mga respondent ang Linked in na walang nakuha ni anumang
puntos. EPEKTO NG NETWORKING SITES SA PAKIKIPAGKAPWA: MGA OPSYON:
POSITIBONG EPEKTO Marami akong nakikilala Nakakuha ng bagong kaibigan Naihahayag ng
malaya ng saloobin NEGATIBONG EPEKTO: Pagsisinungaling sa katauhan Napagkukunan ng hindi
kanya-kanyang mga saloobin Talahanayan 2. Opsyon Bilang ng Respondent na pumili Bahagdan A
37 84 B 32 73 C 15 34 D 1 2 E 5 11 GRAP 2.A Sa resulta ng talatanungan na nainterpreta sa
talahanayan 2 at sa Grap 2.A na makikita na ang opsyon A, B, C na nabibilang sa mga positibong
epekto ng networking sites. Ang mga opsyong itoang nakakuha ng mataas na bilang ng respans ng
mga respondent. Ang opsyon A ay nakakuha ng 37 bilang o walumpu’t apat (84%) bahagdan, ang
opsyon B naman ay nakakuha ng 32 bilang o pitumpu’t tatlong (73%) bahagdan samantalang ang
opsyon C ay umabot sa 15 bilang o tatlumpu’t apat (34%) na bahagdan. Ayon pa rin sa talahanayan
2 at sa Grap 2.A, makikita na mababa ang negatibong epekto ng mga social networking sites sa
pakikipagkapwa ng mga mag-aaral. Ang opsyon D ay nakakuha lamamg ng 1 bilang o dalawang
(2%) bahagdan at ang opsyon E naman ay nakakuha ng 5 bilang o labing-isang bahagdan (11%).
EPEKTO NGSOCIAL NETWORKING SITES SA PAG-AARAL: MGA OPSYON: POSITIBONG
EPEKTO: Pagkakaroon ng madaling komunikasyon sa kapwa mag-aaral Napagkukunan ng
mahahalagang impormasyon Napapadali ang palitan ng dokumento (e-mails) NEGATIBONG
EPEKTO: Natatanggal ang pokus sa pagrerevyu Nagiging daan sa pangongopya ng impormasyon
Talahanayan 3 OPSYON (MGA EPEKTO) BILANG NG RESPONDENT NA PUMILI BAHAGDAN A
37 84 B 34 77 C 34 77 D 7 16 E 13 26 GRAP 3.A Ayon sa resultang naihayag sa talahanayan 3 at
grap 3A, makikita na positibo ang epektong mga social networking site sa pag-aaral ng mga
estudyante. Anf opsyon A ay nakakuha ng 37 na bilang o 84% na bahgdan, ang opsyon B y
nakakuha ng 34 bilang o pitumpu’t pitong (77%) bahagdan at gsyundin ang osyonC na nakakuha ng
34 bilang o 77% bahagdan na respans.Ang opsyon B at c ay may pantay na bilang at bahagdan n
respans mula sa mga respondent. Mababa naman ang negatibong epekto ng mga social networking
site sa pag-aaral ng mga respondent na estudyante .ayon sa datos na nakalagay sa talahanayan 2
at grap 2. A, makikita na ang opsyon D ay nakakuha ng 7 bilang o 16% na bahagdan lamang at ang
opsyon E naman ay mababa rin na nakakuha ng 13 bilang o 26% dalawampu’t anim na bahagdan
ng respans. KABANATA V LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON Sa kabanatang ito
makikita ang pagbubuod na mula sa mga napatunayan ng pag-aaral. Kabilang din dito ang mga
lagom na mula sa layunin at resulta ng pag-aaral na isang basehan ng konklusyon at
rekomendasyon ng mga mananaliksik ukol sa suliranin. BUOD Ang pananaliksik na ito ay
tumatalakay sa mg epekto ng Social Networking sites sa mga pakikipagkapwa at pag-aaral ng mga
estudyante sa kolehiyo. Ang respondent ng pag-aaral ay ang mga piling estudyante ng Kolehiyo ng
Edukasyon sa Partido State University Main Campus, San Juan Bautista St. Goa, Camarines Sur.
Ito ay isinagawa mula Enero hanggang Marso ng ikalawang semester ng akademikong taon 2012-
2013. Ang mga datos na nakuha gamit ang talatanungang ginawa ng mga mananaliksik. Gumamit
ng pagpoporsyento o pagbabahagdan na paraan ng istatistiko ang mga mananaliksik upang
maanalisa ang mga datos. Ang mga sumusunod na katanungan ay nasagutan; Suliranin 1. Anu-ano
ang mga Social Networking Sites ang patok sa mga mag-aaral? Facebook Linked in Twitter Yahoo
Instagram LAGOM: Karamihan sa mga mag-aaral ay ang may account sa Facebook at yahoo.
KONKLUSYON: Karaniwan nang may account sa Facebook at Yahoo ang mag-aaral ng Partido
State University dahil sa mga features nito gaya ng e-mail at file uploading. Ito rin ang ginagamit na
midyum ng ibang guro sa pagpapasa ng proyekto at sa kanilang mga estudyante.
REKOMENDASYON: Maaari din gayahin ng ibang guro ang ganitong uri ng pagpapasa ng proyekto
o takdang aralin dahil maaaring makatipid sap ape ang mga mag-aaral at sa gastos na gugugulin sa
pagpaprint ng kanilang nagawang mga awtput. Suliranin 2. Ano ang epekto ng mga social
networking sites sa pakikipagkapwa ng mga mag-aaral? Maraming nakikilala Nakakakuha ng
bagong kaibigan Naihahayag ng malaya ang saloobin Pagsisinungaling sa tunay na katauhan
Napagkukunan ng di kaaya-ayang saloobin LAGOM: Dahil sa pagkakaroon ng account sa mga
networking sites, ang mga mag-aaral ay madaming nakikilala, nakukuhang bagong kaibigan at
naihahayag ng malaya ang kanilang saloobin. KONKLUSYON: Positibo ang epekto sa
pakikipagkapwa ng mga mag-aaral ang pagkakaroon ng account sa iba’t-ibang social networking
sites. REKOMENDASYON: Ang Unibersidad ay maaaring magbukas ng sarili nitong Page sa
Facebook o sa Yahoo na kung saan maaari makapag-post ang mga mag-aaral ng kanilang saloobin
ukol sa ika-uunlad pa nito. Ang inter-aktibong proseso ng pagpaplitan ng mga kuro-kuro sa site na
ito ay maaari ding maging daan sa pagkakaisa ng pananaw ng mga mag-aaral at makilala rin nila
ang iba pang estudyante ng unibersidad na mahirap magawa sa personal na paraan sa dami ng
bilang ng mga mag-aaral. Suliranin 3 Ano ang epekto ng mg Social networking site sa pag-aaral ng
mga estudyante? Pagkakaroon ng madaling komunikasyon sa kapwa mag-aaral. Napagkukunan ng
mahalagang impormasyon. Napapadali ang palitan ng mga dokumento (e-mails) Natatanggal ang
pokus sa pagrerevyu. Nagiging daan sa pangongopya ng impormasyon. LAGOM: Nakakatulong ang
mga social networking sites sa pa g-aaral n mga estudyante; dahil ito ay nagpapadali n
komunikasyon sa kapwa mag-aaral, napagkukunan ito n mahahalagang impormasyon at napapadali
ang pagpasa ng mga dokumento. KONKLUSYON: Dahil sa pagkakaroon nag pagkakataong
makausap ang iba pang kamag-aralukol sa mga gawain gaya ng proyekto o takdang-aralin kahit
malayo sa ist-isa, ang tsansa ng pag brebrainstorm ng mge ediya ay malaki. Nakakatulong ang
ganitong uri ng pakikpag-usap upang makabuo ng mas kapaki-pakinabang ng ideya ang mga mag-
aaral upang mapabuti pa o mas mapadali ang kanilang mga gawain. REKOMENDASYON: Mas
magiging magandang mapagkunan ng impormasyon ang laybrari kong may mga kompyuter ito na
nakakonekta sa internet na maaaring gamitin ng mga mag-aaral. Kailangang din pagtuunan ng
pansin ng paaralan ang asignaturang may kinalaman sa kompyuter at komunikasyon kagaya ng ITC
(Information on Communicatin for Technology) upang mammulat ang mga mag-aaral sa mga
kabutihang dulot ng teknolohiya sa pagpapadali ng Gawain at upang makasabay rin ang mga
estudyante sa mabilisang pagbabago ng daigdig. Ito ay ralisasyon ng misyon ng Unibersidad na
gumagawa ng ng mga kompetitib at world class na uri ng gradweyt na may alam sa makabagong
teknolohiya. BIBLOGRAFI Abelos, Alex V., et. Al. “Compairing Expe riences & Reducing
Uncertainty”, General Psychology. 1st Edition ; Baguio City, Philippines Valencia Education Supply
2005, 350-351 Ibid Dixon, Priscila: Rex Book Store 2003, 252 Abelos, Alex V. et. al. “choosing
friends” General Psychology 1st Edition ; Baguio City, Philippines; Valencia Educational Supply
2005, 350 Ibid Mckenzie, Michael D. et. al. “Social Development” The new Book of Knowledge:
Grolier Incorporated, LISA: 1985, 230 Weiner Rebecca, “Globalization” The new book of knowledge:
scholastic Library Publishing Inc. Connecticut 2006, 238 http://www.bicolshop.com/villa-pena-resort-
goa/vicinity_map_450.jpg Croucher, Shiela L. Globalization and Belonging: The Politics of Identity
and Changing World. Rowman and Littlefield (2004). pg.10 http://tl.m.wikipedia.org/wiki/internet
http://www.webespedia.com/TERMS/SOCIAL-NETWORKING-SITE.html Dizon, Priscila B. General
Psychology . Rex Books Store (2005) p.367 Castillo, Roberto. Human Relations, Manila Taft Avenue
September-october,1996 Philippine Journal of Child-youth Development, Vol. 1, No. 1 January-June
1967(NCCSDFCY), Quezon City http://www.infed.org/thinkers/gardner.html
http://tl.m.wikipedia.org/wiki/komunikasyon Crow, L. & A. Crow, Adolescent Development And
Adjustment, New York: McGraw-Hill Book co., 1958 http://www.studymode.com/essay/social
networking-499239.html http://www.studymode.com/essay/social networking-497420.html
http://www.learning-theories.com/social-learning-theory-BANDURA.html Dizon, Priscila B. General
Psychology . Rex Books Store (2005) p.367 APENDIKS TALATANUNGANG GINAMIT: REPUBLIKA
NG PILIPINAS PARTIDO STATE UNIVERSITY KOLEHIYO NG EDUKASYON GOA, CAMARINES
SUR Mga minamahal na kamag-aral; Kami, sina Michael P. Vale at Sharmagne I. Valencia ng BSED
1-B ay nagsasagawa ng isang pananaliksik upang malaman ang epekto ng social networking site sa
pag-aaral at pakikipagkapwa ng mga estudyante ng Kolehiyo ng Edukasyon. Dahil dito, nais naming
hingin ang tulong ninyo para sagutan ang talatanungang ito upang makumpleto ang mga datos na
kailangan sa pananaliksik na ito. Maraming salamat po! Lubos na sumasainyo, MICHAEL P. VALE
SHARMAGNE VALENCIA MGA MANANALIKSIK PANGALAN:_____________________________
TAON/KURSO/SEKSYON:____________ Panuto: Bilugan lamang ang letra ng iyong
kasagutan.Maaring pumili ng isa o higit pa sa mga nakalagay na opsyon. Ano ang networking site
na kinabibilangan mo? A. Facebook B. Linkedin C. Twitter D. Yahoo E. Instagram Ano sa tingin mo
ang naging epekto nito sa iyong pakikipagkapwa? A. Marami akong nakikilala. B. Nakakakuha ako
ng mga bagong kaibigan. C. Naihahayag ko ng malaya ang aking mga saloobin. D.
Pagsisinungaling sa tunay na katauhan. E. Napagkukunan ng hindi kaaya-ayang mga saloobin. Ano
sa tingin mo ang mga nagiging epekto nito sa iyong pag-aaral? A. Nagkakaroon ng medaling
komunikasyon sa kapwa kamag-aral. B. Napagkukunan ng mahahalagang impormasyon. C.
Nakakatulong upang mapadali ang palitan ng mg adokumento (e-mails) D. Natatanggal ang pokus
sa pagrerevyu. E. Nagiging daan sa pangongopya ng impormasyon. KORIKULUM VITAE:
MICHAEL P. VALE BSED 1-B PERSONAL NA DATOS: EDAD: 20 KAPANGANAKAN: 02 / 17 /
1993 TIRAHAN: 040, Himagtocon, Lagonoy, Camarines Sur EDUKASYON: KOLEHIYO: PARTIDO
STATE UNIVERSITY 2012-2013 SEKUNDARYA: Dahat National Vocational High School 2005-
2009 ELEMENTARYA: Himagtocon, elementary school 1999-2005 KORIKULUM VITAE:
SHARMAGNE VALENCIA BSED 1-B PERSONAL NA DATOS: EDAD: 20 KAPANGANAKAN: 03 /
07 / 1993 TIRAHAN: Zone 2, Agpo, Lagonoy, Camarines Sur EDUKASYON: KOLEHIYO: PARTIDO
STATE UNIVERSITY 2012-2013 SEKUNDARYA: Lagonoy High School 2006-2010
ELEMENTARYA: Lagonoy Cantral School 2000-2006

You might also like