You are on page 1of 2

MGA MATAGUMPAY NA FILIPINO

MANNY PACQUIAO
Si Emmanuel "Manny" Pacquiao, (isinilang noong 17 Disyembre 1978), ay isang Filipino
propesyunal na boksingero at politiko. Siya ang kauna-unahang kampeon ng walong
dibisyon at nanalo ng sampung titulo, unang nakakamit ng panalo sa Lineal
Championship sa limang magkakaibang dibisyon.

Binansagan si Pacquiao ng "Fighter of the Decade" noong dekada 2000 ng Boxing


Writers Association of America (BWAA), World Boxing Council (WBC) at World
Boxing Organization (WBO). Siya rin ay tatlong beses naging "Fighter of the Year" sa
mga taong 2006, 2008 at 2009 ng The Ring at BWAAA. Best Fighter ESPY Award rin sya
noong 2009 at 2011.

Si Pacquiao ngayon ay isang Senador matapos manalo sa eleksyon noong 2016 sa


ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) sa pamumuno ni dating Bise-Presidente Jejomar Binay.

LEA SALONGA
Si Lea Salonga-Chien (ipinanganak Pebrero 22, 1971) ay isang Pilipinang mang-
aawit at aktres na naging bantog dahil sa kanyang pagganap sa musikal na Miss
Saigon, kung saan siya ay nagwagi ng Olivier, Tony, Drama Desk, Outer Critics at
Theatre World Awards, ang kauna-unahang nanalo sa iba't ibang international
awards para sa iisang pagganap. Gumanap din siya bilang Eponine sa 10th
Anniversary performance ng Les Miserables. Si Salonga ngayon ay isa sa mga bida
ng Broadway revival ng musical na Once in an Island.

RACHELLE ANN GO
Si Rachelle Ann Go ay isang Pilipinang mang-aawit, modelo at artista sa Pilipinas.
Ipinanganak noong Agosto 31, 1986 sa Maynila. Maraming patimpalak ang
kanyang sinalihan at ang kanyang pinaka-unang palabas sa telebisyon ay sa Eat
Bulaga! sa edad na 11. Noong 2013, Si Go ay napabilang sa revival ng Broadway
musical na Miss Saigon at ginampanan niya ang papel na Gigi Van Tranh, na unang
ginampanan ni Isay Alvarez na isa ring Filipino. Si Rachelle Ann Go ay gumanap din
bilang Fantine sa Les Miserables sa West End sa London noong 2015, at ngayon
bilang si Eliza Schuyler sa West End adaptation ng Broadway musical na Hamilton
sa London.
KATANGIAN NG MATAGUMPAY NA FILIPINO

1. Kakayahang makipagsapalaran

Bago pumasok sa larangan, nararapat na magsagawa ng malalim na pag-aaral at pagsusuri tungkol sa


mga oportunidad at panganib na maaaring mangyari.

2. Pagnanais na makipagkompetensya

Ito ay pagkakaroon ng hangarin na lumahok sa isang kompetetibong larangan upang mailapat ang mga
bago at malikhaing ideya.

3. Pagiging malikhain

Ang pagiging malikhain sa mga produkto at serbisyo ay bentahe ng isang indibidwal laban sa iba.

4. Kakayahang makatayo sa sariling paa

Dapat magnais na makapagsulong ng pagbabago. Ito ang siyang nagtutulak sa isang tao upang linangin
ang kanilang pagiging malaya sa mga bagay.

5. Kakayahang maka-angkop sa stress

Bahagi ng kanilang gawain ang stress, kaya nararapat na wasto at tama na harapin ang mga ito.

6. Kakayahang gawing kasiya-siya ang trabaho

Nararapat na ipakita ang kasiglahan gaano man kahirap ang gawain.

7. Masidhing pagsusumikap

Ang pagpupunyagi ay nakabatay sa dignidad ng kanyang gawain at husay na ipinamamalas; ang mga
tamad ay walang kahihinatnan at mararating.

8. May kababaan ng loob

Ang pagpapakumbaba ay dapat ipamalas anuman ang kalagayan sa buhay at anuman ang uri ng gawain
ay dapat naisasagawa ng buong–puso.

9. Kakayahang magtiwala sa sarili

Ang pagigiing optimistiko at may positibong pananaw ay isang magandang katangian sa kabila ng mga
kabiguan. Dapat maniwala na makakabangon mula sa pagkabigo at ang lahat ay maaayos din.

10. Pagiging matulungin

Ang pagiging matulungin sa ibang tao ay nagpapakita ng malasakit sa mga tao sa paligid, lalo na sa mga
manggagawa.