You are on page 1of 4

PAMANTASAN NG BOHOL

Lunsod ng Tagbilaran

FILIPINO 201

PAGTUTURO NG FILIPINO BILANG PANGALAWANG WIKA

Liezl J. Jasmin Bilang ng Ulat: _____


Tagapag-ulat

Ma. Luisa A. Clet, Ph.D Petsa ng Pag-uulat:


Propesor Pebrero 9, 2012

ANG PAGHAHANDA NG MODYUL

Ang Kahulugan ng Modyul

Ang modyul ay sariling linanging kit na naglalaman ng maraming gawain sa


pagkatuto, kalimitan ay mga papel na sinasagutan ng mga mag-aaral. Ito’y maaring
magamit bilang bahagi ng kurso o disenyong pang kurikulum (Lardizabal, 1991:99).

Sinasang-ayunang isahang pamaraan ng pagtuturo ang paghahanda ng modyul.

Ang mga Katangian ng Modyul

1. Naglalaman ng sariling pagpapasya, sariling direksyon at sariling pagtataya (Burns,


1972:63).
2. Nagbibigay ng iba’t ibang paraan ng pagkatuto at malawak na pagpili ng media at
mga estilo para sa masistemang paglinang ng mga nilalaman at mga pamamaraan
(Russel, 1974:99).
3. Nanghihikayat ng demokratikong pamamaraan, mapanuring pag-iisip, sariling
pagsisikap / pagkukusa; nakalilinang ng tiyak na kaalaman at mga kasanayang
hinahangad ng mga facilitator / guro; nagbibigay-kasiyahan sa mga mag-aaral
(Keusher, 1970:8-14).
4. Nagagawang makabago ang pagtuturo sa pamamagitan ng paghubog ng mga
gurong may kakayahang gumawa ng mga kagamitang panturo na makatutugon sa
mga pangangailangan ng bawat mag-aaral (Cruz, 1980:180-181), kagyat nakalilinang
ng kaalaman, kasanayan at halagang pangkatauhan / gawain ng mga mag-aaral.

Ang mga Kabutihang Naidudulot ng Modyul sa mga Guro at Mag-aaral

1. Para sa mga guro, nabibigyan nila ng pagkakataong matuklasan at mabigyang-lunas


ang mga suliranin sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Malaya silang nakapagsasalita at
nakatutugon sa mga tanong at nakatutulong sa mga mag-aaral na nangangailangan
ng tulong at higit sa lahat, nagtutulungan sila ng kanyang mga mag-aaral.

2. Para sa mga mag-aaral, nakagagawa sila ng paraan sa kanilang sariling kapakanan,


nagagampanan nila ang kanilang pananagutan upang matuto, natutuklasan nila ang
dapat nilang matutuhan, nahihikayat silang matutuhan ang pagsagot sa modyul at
higit sa lahat, nababawasan ang kompetisyon sa pagmamarka.

Sina Blake at A.M. McPherson (1973, 13-15) ay nagbigay ng ilang magagandang


bungang matatamo ng mga guro at mag-aaral sa paggamit ng modyul:

Sa mga Guro Sa mga Mag-aaral


1. Nagiging malaya sa pagtuturo sa 1. Nagagawang umunlad batay sa sariling
maraming pangunahing kasanayan sa kakayahan
asignatura
2. Natutuklasan ang higit na tamang 2. Nagkakaroon ng tuwirang pakikipag-
pangangailangan sa pagkatuto ang mga ugnayan sa asignaturang pinag-aaralan
mag-aaral

3. Nagkakaroon ng mga kagamitang 3. Nabibigyang katugunan ang mga


pampagsusulit katanungan sa mabilis na paraan

4. Nabibigyan ng pagkakataong 4. Nauunawaan nang lubusan ang mga


makasama nang matagal ang mga araling itinuturo ng guro
mag-aaral na higit na nangangailangan
ng tulong

5. Naipagkakaloob sa mga mag-aaral ang 5. Napag-aaralan ang aralin nang buong


maayos na palatuntunan ng pagkatuto. lalim lalo na sa araling nangangailangan
ng atensyon.

6. Nakapagdudulot ng higit na mataas na 6. Naipagkakaloob ang indibidwalidad,


antas ng kasiyahan hilig, estilo ng pagkatuto,
pangangailangan ng atensyon
7. Nakatutulong na maging tagapanayam
at gabay; nakadaragdag sa mga
kagamitang panturo

Mga Bahagi ng Modyul

1. Pamagat – ang pamagat ng modyul ay kinakailangang maging malinaw, masaklaw


at maikli.
2. Target Population – tumutukoy ito sa antas at uri ng mga mag-aaral na gagamit ng
modyul.
3. Rasyunal o Panimula – nabibigyan nito ang mga mag-aaral na magsalita na makita
ang kabuuan ng paksang saklaw ng modyul.
4. Tunguhin o Layunin – ipinahahayag ito sa paraang pangkagawian upang malinaw
at masaklaw na matuklasan ang inaasahang matatamo ng mga mag-aaral.
5. Panuto – dahil ang modyul ay pansariling direksyon at kondisyon, ang mga mag-
aaral ay binibigyang-layang masagot ang mga mungkahing gawain, takdang-aralin,
pagpapayamang-gawain sa pamamagitan ng pagsunod sa mga panutong ipinahayag
sa mga pangungusap na higit na malinaw at payak.
6. Panimulang Saloobin at Pangangailangang Kasanayan – ang modyul ay
lumilinang sa mga kasanayan at kaalamang makatutulong sa mga mag-aaral na
magamit ang kanilang sariling pananaw sa nilalaman nito.
7. Panimulang Pagsusulit – ibinibigay ito upang matiyak kung gaano na nauunawaan
ng mga mag-aaral ang mga paksa o ang nilalaman ng araling pag-aaralan Kung
alam na ng mga mag-aaral, maari na silang bigyan ng susunod na modyul.
8. Panimulang Pagsusulit sa Feedback at Pagtataya – ang mga ito ang susi sa
pagwawasto o pagtataya o panukat sa panimulang pagsusulit upang matiyak kung
pumasa o di-pumasa ang mag-aaral.
9. Mga Gawain sa Pagkatuto / Pagpapayamang Gawain – itinuturing na puso ng
modyul, ito’y naglalaman ng iba’t ibang gawaing dapat isagawa ng mga mag-aaral
upang matamo ang tiyak na mga layunin sa pagkatuto o mapayaman pa ang
pagkaunawa sa paksa sa pamamagitan ng pagsagawa ng iba pang mga mungkahing
gawain katulad ng mga gawaing nangangailangan ng sariling mapanuring
konseptwalisasyon at pagpapalawak ng mga tulong-pampamayanan batay sa
itinakda / iminumungkahi ng modyul.
Samantala, ipinakita nina Wittich at Schuller (1981) ang mga hakbang na dapat
sundin sa paglinang ng modyul:

Unang Hakbang – Ang Antas sa Pagbibigay – Kahulugan


1. Kilalanin ang mga suliranin
2. Suriin ang tagpuan
3. Bumuo ng management

Pangalawang Hakbang – Ang Antas ng Paglinang


1. Kilalanin ang mga layunin
2. Tiyakin ang mga paraan
3. Bumuo ng prototypes

Pangatlong Hakbang – Ang Antas ng Pagtataya


1. Ipasulit ang prototypes
2. Suriin ang resulta
3. Ipatupad / Wastuhin

Ang Portfolio Assessment

Ang portfolio assessment, bilang proseso at produkto ay maituturing na


alternatibong pagdulog. Ang material na naglalarawan ng mga programa tungo sa
takdang layunin ng pagkatuto ay binabalak-tanaw at minamarkahan kaugnay ng
pamantayang angkop sa pagtuturo.

Ang kahulugan ng Portfolio

Ang portfolio ay tala ng proseso ng pagkatuto ng mag-aaral


1. Ang bagay na kanyang natutuhan at proseso ng kanyang pagkatuto
2. Ang paraan ng kanyang pag-iisip, paglikha at paggawa
3. Ang paraan ng kanyang pakikisalamuhang intelektwal, emosyunal, sosyal at iba
pa.

Para kina Artel at Spantel (1991), ang portfolio ay koleksyon ng mga artifacts na
gawa ng mga mag-aaral na nagpalakita ng kanilang mga karanasan sa pagkatuto.

Isang makabuluhang koleksyon ng mga nagawa ng mag-aaral para sa kanyang


pag-unlad. Ito naman ang pagpapakahulugan nina Fogarty at Belgard (1994).

Ayon kina Foster at Masters (1996), ang portfolio ay makabuluhang koleksyon na


nagawa ng mga mag-aaral na kinakitaan ng pagsisikap, pag-unlad at kahanga-hangang
gawa sa iba’t ibang larangan.

Ang mga Uri ng Portfolio

May apat na uri ng portfolio ayon kina Valencia at Calfee (1991):

1. Ang Showcase Portfolio. Ng koleksyon ng mga mag-aaral ay piling-pili dahil


para sa kanila ito ang pinakamahusay. Ipinakikita ito sa kanilang mga magulang.
2. Ang Documentation Portfolio. Ito’y isang sistematikong tala ng pag-unlad ng
mga mag-aaral. Kabilang dito ang mga obserbasyon, tseklis, anecdotal record,
pagsusulit at iba pa.
3. Ang Evaluation Portfolio. Ito’y koleksyon ng mga gawa ng mga mag-aaral na
karamihan ay mga itinakdang entri at panuto ng guro.
4. Ang Close Portfolio. Ito ay isang binder na binubuo ng tatlong bahagi: 1) ang
lagumang papel ng mga mag-aaral, 2) ang mga tala at obserbasyon at 3) ang
kurikulum at plano sa pagtuturo.
Ang mga Gamit ng Portfolio

May apat na gamit ang portfolio:


1. Pagpapakita ng pinakamaganda at pinakamahusay na gawa ng mg mag-aaral.
2. Paglinang ng malaya at makapagsasariling replektib na pag-aaral.
3. Pagdodokumento ng pag-unlad ng mga mag-aaral ayon sa layunin ng klase.
4. Pag-uulat sa malawakan at istandardisadong paraan tungkol sa mga nagawa ng
mga mag-aaral.

Ang mga Dahilan kung Bakit Ginagamit ang Portfolio

1. Maipamalas ang kaalaman at kahusayan ng mga mag-aaral.


2. Mahikayat ang mga mag-aaral na magkaroon ng kamalayan sa sariling
pagkatuto.
3. Matulungan ng mga mag-aaral na magkaroon ng kamalayan sa pinagmulan ng
kanilang natutuhan.
4. Magkaroon ng pananaw ng mga guro sa pag-unlad ng pagkatuto ng mga mag-
aaral.
5. Maganyak ang guro at mga mag-aaral na magsama sa pagpoproseso ng
pagtataya.
6. Maipakita ang pagbabago at pag-unlad sa takdang panahon.
7. Mailantad ang antas ng kasanayan sa pag-unawa at pagpapahalaga.
8. Makabuo ng interaksyon sa pagtuturo at pagtataya.

Ang mga Sangkap ng Portfolio

Pa-iisip at hindi ang taglay na impormasyon ang tinataya ng portfolio. Dahil dito,
ito’y nagiging batayan ng paghatol kung lubusang nauunawaan ng mga mag-aaral ang
kanilang natutuhan sa aralin.

Mat tatlong pangunahing bahagi ang portfolio ayon kay Ivolf (1991):
1. Talambuhay ng mga gawa. Ito’y dokumentasyon ng mga paglinang o
produksyon ng mahahalagang proyeko. Sa sangkap na ito nababasa ang iba’t
ibang ideya ng mga bata.
2. Lawak ng mga gawa. Kabilang sa sangkap na ito ang dyornal, sanaysay, tape
recording at iba pa.
3. Repleksyon ng mga estudyante. Inilalarawan dito ang mga katangiang nagawa
ng mga estudyante, mga pagbabagong naganap o mga gawaing dapat mong
gawin.

Sanggunian:

Villafuerte, Patricio V. at Rolando A. Bernales Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya


at Praktika. Valenzuela City: Mutya Publishing House Inc.,2008

You might also like