You are on page 1of 3

SUFFRAGE AND ITS SCOPE

Suffrage – right and obligation of the citizens to vote in the election of government officials and
in deciding on public questions submitted to them.
(Ang karapatan sa halal ay karapatang politikal at katungkulang ibibinigay ng saligang batas
upang mapalakas ang mga mamamayan na makibahagi sa proseso ng pamahalaan. Ito ay
nagpapatunay na ang estado ay demokratiko at isang republika. Ang pagboto ay maaaring
gawin ngunit hindi ito sapilitan. Ang di pagboto ay hindi naparurusahan ng batas ngunit maari
itong mangahulugan ng pagkairresponsable sa isang mamamayan. )
- It includes
a. election – principal by means by which the citizens vote and select certain officials to
represent them in the administration of the government. May be local or
national
(Ang halalan ang pangunahing paraan upang makabooto ang mga mamamayan at pumili
ng ilang opisyal na kakatawan sa kanila sa pamahalaan. Maaari itong sa
local – panlalawigan at pambayan o pambansa.)
b. Plebiscite – election where the people render decision to accept and reject certain
amendments to the constitution.
(Ang plebisito ay halalan kung saan ang mga tao ay nagbibigay ng desisyon na tanggapin
o tanggihan ang ilang mga susog sa konstitusyon.)
- also used in determining the will of the residents in a barangay or a local
government unit on certain issues of concern
(ginamit sa pagtukoy ng kalooban ng mga residente sa isang barangay o
isang lokal na yunit ng pamahalaan sa ilang mga isyu tulad ng pagtatatag ng
bagong barangay, munisipyo, siyudad, probinsya o autonomous regions.
Ang huling provincial level Plebiscite ay noong 2013 noong itinatag ang
bagong probinsya ng Davao Occidental, at ang huling national plebiscite ay
noong 1987 upang pahintulutan ang konstitusyong inendorso ng 1986
Constitutional Commision)
C. Referendum – process wherein a law or part of a law passed by the legislature or local
legislature body is submitted to the people for their approval or rejection
(Referendum ay proseso kung saan ang isang batas o bahagi ng isang batas na ipinasa ng
lehislatura o lokal na lehislatura ay isinumite sa mga tao para sa kanilang
pag-apruba o pagtanggi. Para makapgsimula ng referendum, kailangan ang
kabuuan ng 10% ng lahat ng rehistradong botante kasama pa ang 3% sa
bawat apektadong legislative district ay dapat pumirma sa petisyon.
Nagkaroon na ng dalawang ‘wave’ ng referendum sa Pilipinas. Ang una ay
noong Commonwealth Period at ang sumunod ay noong Martial Law.
d. Initiative – process where the people are given the opportunity to directly propose or
enact law. (aka People’s Initiative)
(Ito ay proseso kung saan ang mga tao ay binibigyan ng pagkakataon na direktang
imungkahi o magpatibay ng batas.Ang petisyon ay dapat umabot man lang
ng 12% ng mga rehistradong botante ng bansa na may 3% ng bawat
legislative district. Kung maabot ang nasabing bilang, magpapatag nang
plebiscite.
e. Recall – means by which local officials may be removed from office even before the
expiration of their term of office by a vote of the residents
(Ang recall ay paraan kung saan maaaring alisin ang mga lokal na opisyal mula sa opisina
bago pa matapos ang kanilang termino ng katungkulan sa pamamagitan ng
isang boto ng mga residente. Dumadaan pa ang ‘initiative’ sa pagberipika
ng mga lagda)

Who may exercise suffrage?


Filipino citizens can exercise this right as long as they comply with the following requirements:
1. at least 18 years of age
(Ginawang 18 years old ang edad ng pagboto upang mapalaki ang electoral base, mas
maraming makabahagi sa pagboto at ang edad na ito kasi ang pinaniniwalaang edad ng
‘political maturity’. Ngunit maaring magparehistro ang mamamayan kahit hindi pa siya 18
basta’t siya ay magiging 18 sa araw ng eleksyon.
2. not disqualified by law (o hindi inalisan ng karapatan ng batas)
- Congress determines who are disqualified to vote.
(Ang kongreso lamang ang maaring magtanggal ng karapatang magboto).
- Under existing law the following are prohibited to vote
a. Any person who has been sentenced for a prison term of not less than one year,
except 5 years from completion of his sentence.
(nakulong ng hindi bababa sa isang taon maliban kung 5 taon mula ng makumpleto
ang kanyang hatol)
b. Any person who has been found guilty of committing a crime involving disloyalty to
the state (rebellion and treason), except after 5 years from completion of his
sentence and
(Sinumang tao na napatunayang nagkasala ng paggawa ng isang krimen na
kinasasangkutan ng pagtataksil sa estado (paghihimagsik at pagtataksil), maliban
pagkatapos ng 5 taon mula sa pagkumpleto ng kanyang pangungusap)
c. any person found to be not in normal mental condition
(ang sinumang tao na natagpuan na wala sa normal na kondisyon ng kaisipan)
3. a resident of the country for at least one year
4. a resident of the place where they intend to vote for at least 6 months immediately
preceding the election
(Ang isang mamamayan ay dapat nakapanirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon
man lamang, at anim na buwan man lamang sa lugar na kanilang bobotohan
kagyat bago maghalalan. Ang ‘one residency requirement”ay nangangahulugan
ng ‘permanent residence’ habang ang six-month residency requirement ay
maaring ‘permanent o temporary residence’)

 Literacy requirement prohibited.


Ang sinomang mamamayan ay maaring bumoto kahit siya ay walang pinag-aralan o hindi
marunong bumasa o sumulat. Kahit hindi nakapag-aral ang isang tao, hindi naman ito
nangangahulugan na siya ay ignorante. Ang bawat isa ay may paraan upang malaman ang mga
nangyayari sa paligid. Gayundin, hindi dahil nakapag-aral ang isang tao ay mas magiging
matalino na ang kanyang pagboto kumpara sa taong di nakapag-aral.

 Property prohibiton requirement.


Hindi itinatakda ng saligang batas na ang mga may pag-aari lamang ang maaring bumoto. Ang
‘property ownership ay hindi sukatan upang maging handa ang tao na makagawa ng desisyon.
Isa pa, ayon sa article 12 section 1 “Social justice implies equal chances for all, rich and poor
alike. Walang sinuman na pipigilang makaboto dahil lamng siya ay mahirap.

 Other substantive requirements


Hindi rin pinapayagan ng Konstitusyon ang mga sumusunod na ‘requirements’sa pagboto:
1. Education – totoong ang taong may mataas na pinag-aralan ay yaman ng bayan ngunit hindi
ito nangangahulugan na mas magiging matalino ang kanyang pagboto kumpara sa hindi o
kulang ang pinag-aralan. Magiging taliwas sa ‘social justice’ ang hindi pabotohin ang mga hindi
nakapag-aral dahil sa kahirapan.
2. Sex – Ang lalaki at babae ay magkapantay. Ang paniniwala na ang mga babae ay pambahay
lamang ay hindi na tinatanggap n gating lipunan sa ngayon. Gayundin, tayo ay bukas na sa mga
bahagi ng LGBT (lesbian, gay, bisexual at transgender), lahat ay mamamayan ng Pilipinas kaya
lahat ay may karapatan na bumoto.

You might also like