Professional Documents
Culture Documents
Ipinasa ni:
Lindsay Kate C. Pizon
Ipinasa kay:
Prof. Fe M. Sarong
I. La yunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. natutukoy ang mga dinastiya na natatag sa Japan;
b. nailalahad ang mga pagkasunod-sunod ng mga
mahahalagang pangyayari sa bawat dinastiya sa
Japan;
c. nabibigyang-diin ang mga naiambag at impluwensya
nito; at
d. napapahalagahan ang mga kulturang umusbong sa
bawat dinastiya.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Mga Dinastiya sa Japan
Balangkas ng Aralin
a. mga dinastiya sa Japan
b. mga mahahalagang pangyayari sa bawat
dinastiya
c. mga naiambag at impluwensya sa Japan
d. mga kulturang umusbong sa bawat dinastiya
B. Sanggunian:
ASYA: Pag-usbong ng Kabihasnan,
pahina182-184
C. Kagamitan:
Manila paper, marker, factsheets, laptop, speaker
at projector
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagtsek ng Attendans
c. Balik Aral
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
B. Pagganyak
Bago tayo magsimula sa ating
talakayan sa hapong ito
magkakaroon muna tayo ng isang
laro na tatawagin nating
“SALITAO”. Mahahati ang klase
sa dalawang grupo na tatawaging
“GO at GA”. Bawat grupo ay pipili
ng limang representante. Ang mga
tao ay magiging salita. May
ibibigay akong tanong na ang
sagot ay may 5-letra bawat salita.
Kailangan buuin ang sagot gamit
ang mga katawan ng players.
Kapag nabuo na ang salita,
kinakailangang mag buzzer para
ipa-check ang sagot. 1 puntos
bawat tamang sagot. Kayo ay
maaaring sumagot kahit ilang
tanong sa loob ng 90 segundo
bawat pangkat. Kaya makinig ng
mabuti sa tanong para
maintindihan. Ang unang
maglalaro ay ang pangkat GO.
Maliwanag ba klas? Opo ma’am.
a. Pamantayan
Mga Alintuntunin:
Nakita niyo ba klas? Opo Ma’am!
Ngayon, basahin niyo isa-isa.
Mga Alintuntunin:
1. Ang bawat mag-aaral ay dapat
manahimik habang nagsasalita
ang guro
2. Bawal makipag usap sa katabi
kung hindi naman ito kasali sa
klase
3. Makilahok sa diskusyon
4. Makinig ng maigi
b. Pangkatang Gawain
Naintindihan ba klas?
Pamantayan
Nilalaman - 50%
Koordinasyon -20%
Pagkamalikhain -30%
Kabuuan 100%
PANGKAT I (Saber-Toothed)
Ang Mga Dinastiya sa Japan
Sine Mo To!
Guide Questions:
Ano ang mga dinastiya ang naitatag
sa Japan?
1.1 Kailan umusbong ang dinastiyang 4.1 Kailan umusbong ang dinastiyang
Liping Yamato at Nara? Ashikaga?
1.2 Paano naitatag ang dinastiyang 4.2 Paano naitatag ang dinastiyang
Liping Yamato at Nara? Ashikaga?
2.1 Kailan umusbong ang dinastiyang 5.1 Kailan umusbong ang dinastiyang
Fujiwara? Shogunato?
2.2 Paano naitatag ang dinastiyang 5.2 Paano naitatag ang dinastiyang
Fujiwara? Shogunato?
3.1 Kailan umusbong ang dinastiyang 6.1 Kailan umusbong ang dinastiyang
Miramoto? Tokugawa?
3.2 Paano naitatag and dinastiyang 6.2 Paano naitatag ang dinastiyang
Miramoto? Tokugawa?
PANGKAT II (Raven Claw Guild)
Ang mga pangyayari sa Dinastiyang Japan
Talahanayan
Guide Questions:
1 Ano ang mga pangyayari ang naganap sa Dinastiyang Japan?
2 Ano ang mga pangyayari ang naganap sa panahon ng Liping Yamato at Nara?
3 Ano ang mga pangyayari ang naganap sa panahon ng dinastiyang Fujiwara?
4 Ano ang mga pangyayari ang naganap sa panahon ng dinastiyang Miramoto?
5 Ano ang mga pangyayari ang naganap sa panahon ng dinastiyang Ashikaga?
6 Ano ang mga pangyayari ang naganap sa panahon ng dinastiyang Shogunato?
7 Ano ang mga pangyayari ang naganap sa panahon ng dinastiyang Tokugawa?
Pangyayari
PANGKAT III (Fairy Tail guild)
Mga naiambag at impluwensya ng Tsino sa panahon ng mga dinastiya sa Japan
AHA!
Guide Questions:
3.1 Ano ang impluwensyang Tsino and dumating sa Japan sa panahong Yamato?
3.2 Paano lumawak ang kapangyarihan ng emperador sa Japan?
3.3 Anong nobela ang naisulat ni Murasaki Shikibu?
3.4 Ano ang dalawang grupo mula sa aristokrasya na natanggol sa mga daimyo?
3.5 Ano-ano ang mga Shogunato na nabuo sa Japan?
PANGKAT IV ( Grim moiré guild)
Mga kulturang umusbong sa mga dinastiya sa Japan.
Panuto: Gumawa ng isang talkshow kung saan napapagusapan ang mga kulturang
umusbong sa mga dinastiya sa Japan. May isa magiging pangunahing host at
dalawang kasamang host at ang ibang myembro ay magiging historians o bisita. Ang
iba naman ay awdyens, cameraman at direktor. Gawin lamang ito sa loob ng limang
minuto
Guide Questions:
4.1 Ano-ano ang mga kultura ang umusbong sa dinastiyang Japan?
4.2 Ano ang kultura na nakuha ng Japan sa panahong Yamato?
4.3 Ano ang kultura sa panahong Fujiwara?
4.4 Ano ang kultura umusbong sa panahong Minamoto?
4.5 Ano ang kultura umusbong sa panahong Ashikaga?
4.6 Ano-ano ang mga kulturang lumitaw sa panahong Shogunato at Tokugawa?
4.7 Bakit mahalaga ang kultura ng isang bansa?
.
c. Pagpoprosesong Tanong
Sino ang makakapagtukoy sa mga Ako po, mam! Ang mga dinastiyang
dinastiyang natatag sa panahon ng naitatag sa kabihasnan ng Japan ay
kabihasnan ng Japan. ang liping yamato at nara, ang
fujiwara, ang minamoto, ang
ashikaga, at ang shogunato at
tokugawa.
Mahusay!
Ano pa?
d. Paglalahat
e. Pagpapahalaga
Sa inyong palagay, mahalaga bang Opo Titser. Dahil ito ang
igalang ang kultura ng ibang bansa? humuhubog sa kanilang pagkatao.
Bakit?
IV. PAGKIKILATIS
Hanay A Hanay B
JAPAN PILIPINAS
Mga Dinastiya ng Japan
Ayon sa alamat, ang unang emperador ng japan ay si Jimmu Tenno. Sinakop niya
ang mga kalabang angkan na nasa kapatagan ng Kyushu at Honsho noong 600
B.C.E. Banal si Jimmu Tenno dahil siya ay apo ni Amaterasu o ang diyosa ng araw.
Lumawak ang control ng Yamato na ang angkan ni Jimmu Tenno sa Japan. Kalaban
din ng Yamato ang mga Ainu na mas naunang nanirahan sa Japan kaysa mga
tinatawag na Hapones ngayon. Unti-unting itinaboy tungo sa hilagang isla ng
Hokkaido ang mga Ainu.
Ang Liping Yamato at Nara. Ang panahon ng Yamato noong circa 300-720 C.E. at
Nara noong 710-794 C.E. ay panahon ng paglaganap ng impluwensiyang Tsino sa
Japan. Naging tulay ang Korea sa pagdating Budhism at Confucianism. Kaakibat nito
ang pamahalaan, batas, pagkain, arkitektura, at Sistema ng pagsulat ng mga Tsino.
Nagsimulang lumawak ang kapangyarihan ng emperador sa pamamagitan ng
Repormang Taika at binuo ang isang sentralisadong pamahalaang halaw sa China.
Itinayo ang lungsod ng Nara noong 710 C.E. Ito ang pinakaunang permanenteng
lungsod sa Japan na kinopya sa lungsod ng Chang An sa China.
Ang Fujiwara (794-1185 C.E). Itinayo ang bagong kabisera ng Japan sa Heian
(Kyoto sa kasalukuyan) noong 794 at natapos noong 1185 C.E. Nagpatuloy ang
panghihiram ng kulturang Tsino at sentralisasyon ng estado sa panahong ito. Ngunit
maisasantabi ang emperador ng makapangyarihang angkan ng Fujiwara.
Nagsimula ito nang nagging regent si Fujiwara Kamatari ng batang emperador. Ang
regent ang siyang namamahala sa ngalan ng emperador. Namahagi ang Fujiwara ng
lupa sa mga angkang aristokratiko. Ngunit unti—unting nawala ang control ng
pamahalaaan sa mga pribadong lupain ng mga aristokratiko at mula rito, lumitaw ang
mga independenteng kan o lupain na kontrolado ng mga daimyo o pinunong piyudal.
Sa larangang kultural, namulaklak ang kulturang aristokratiko na nagbibigay-diin sa
representasyon ng kagandahan. Napatanyag ang eleeganteng pagsusulat ng tula,
sining ng calligraphy, at pananamit. Naisulat s panahong ito aang dakilang nobela na
The Tale of Genji ni Murasaki Shikibu o Lady Murasaki.
Nagkaroon ng laabanan ng mga angkang aristokratiiko sa huling bahagi ng panahon
ng Heian. Nabuo ang mga pribadong hukbo o puwersang military dahil sa pagtindi ng
labanan. Lumitaw ang grupong bushi (mandirigma) at Samurai (nangangahulugang
“ang mga naglilingkod”) mula sa aristokrasya. Sila ang mandirigma na nagtatanggol
sa mga daimyo. Kasabay nito ang pagbubuo ng tradisyong military na nakapaloob sa
Bushido o “Alituntunin ng Karangalaan.” Mahalaga sa tradisyong ito ang katapatan,
karangalaan at kaatapangan. Naging mahusay sa paggamit ng espada at pana, at
pagsakay sa kaabayo ang mga samurai. Kaugnay sa tradisyon ng Bushido ang ritwal
ng seppuku o hariki na nangangahulugang marangal na pagpapatiwakal.
Ang pagtatapos ng panahong Heian ay hudyat ng pagbubuo ng bakufu o
pamahalaaang military sa Japan. Sa pamahalaang military, iisang angkan ang
nagging dominananteng kapangyarihang politikal ayon sa dami ng kontroladong
samurai at malawak na lupain. Isang shogun o dakilang heneral ang namumuno sa
pamahalaan kung kaya kilala rin ito sa pangalang shogunato. May tatlong shogunato
na nabuo sa Japan. Ito ang shogunato ng Minamoto, Ashikaga, at Tokugawa. Sa
panahon ng shogunato, nawalan ng politikal na kapangyarihan sa pamahalaan ang
emperador bagamat nanatili siyang maging simbolo at para gampanan ang
mahahalagang ritwal ng Shinto.
Ang Minamoto (1185-1333 C.E.). Unang shogunato sa Japan ang Minamoto. Natalo
ng angkang Minamoto ang angkang Taira. Itinayo ang lungsod ng Kamakura bilang
sentro ng pamaahalaan. Sa panahong ito nangibabaw ang aristokratikong bushi at
samurai. Namayani ang sistemang piyudal kung saan ang mga daimyo ay kailangang
sumunid sa shogun. Ngunit ang mga daimyo ay nanatiling makapangyarihan sa
sariling sakop na teritoryo.
Sa panahong ito naganap ang dalawang beses na paglusob ng mga Mongol sa
Japan-noong 1274 at 1281. Ngunit sinalubong ng malalakas na bagyo ang
pagsalakay na ito ng Mongol kung kaya nasalanta ng malakas na ulan at alon ang
mga barko na sinasakyan ng sumasakay na Mongol. Tinatawag na kamikaze o banal
na hangin ang mga bagyong ito na simbolo ng proteksiyon ng mga kami o espiritu sa
mga Hapones.
Ang Ashikaga (1333-1568 C.E.). Napalitan ng angkang Ashikaga ang Minamoto
noong 1333. Inilipat din ang sentro ng pamahalaan sa Muromachi. Sa panahong ito,
hindi lubusang nakontrol ang mga hiwa-hiwalay na daimyo kung kaya nagpatuloy ang
labanan hanggang sa tuluyang sumiklab ang digmaang sibil noong 1573. Nagtapos
ang pamumuno ng Ashikaga noong 1568.
Ang Shogunato ng Tokugawa (1600-1868 C.E.). Ang pagkakaisa sa Japan ay
naibalik sa pamamagitan ng tatlong dakilang mandirigma-sina Oda Nobunga,
Toyotomi Hideyoshi, at Tokugawa Ieyasu.
Si Oda Nobungo (1534-1582) ay isang makapangyarihang daimyo. Sinimulan ni
Nobunaga ang paggapi sa iba pang daimyo at pagkontrol sa mga Buddhist. Pinatay
siya ng sarili nitong vassal noong 1582 at pinalitan naman ni Toyotomi Hideyoshi
(1536-1598.).
Upang lalong magging matatag ang kanyang pamamahala, ipinag-utoos ni Hediyoshi
ang deriktang pagbubuwis sa mga magsasaka at ipinagbawal ang Kristiyanismo ssa
Japan. Ipinag-utos din niya ang pagsalakay sa Korea na nabanggit na sa unang
bahagi ng aralin. Nang mamatay siya noong 1598, si Tokugawa Ieyasu (1542-1616)
ang pumalit matapos matalo ang iba pang karibal sa Digmaan ng Sekigahara.