You are on page 1of 2

MGA TAGUBILIN TUNGKOL SA PAGKOLEKTA NG PLEMA PARA SA PAGSUSURI NG TB

Ikaw ay hinihinging magbigay ng dalawang sampol ng plema. Para matulungan sa pagkuha


nito, ikaw ay may galapon na may nakasulat nang pangalan mo, petsa at numerong “1” at “2”.
Huwag hahawakan ang loob ng galapon. Importante na ang ibibigay ninyong plema ay mula sa
baga, HINDI dura o laway.

PROSESO:

Step 1. Magmumug muna ng tubig pagkatapos ay simulan na ang pagkolekta ng plema sa


galapong namarkahan ng “1”.

Step 2. Ang paghinga ng malalim tatlong beses kasunod ang pag-ubo ay maaring makatulong sa
pagpapalabas ng plema. Ulit-ulitin lamang ang prosesong ito hanggang makakolekta ng sapat na
dami na naaayon sa marka ng health worker.

Step 3. Isunod ang galapon na namarkahan ng “2” pagkaraan ng tatlumpong minuto (30 minutes).

Step 4. Higpitan ang pagkakasara ng galapon upang hindi ito tumulo.


Step 5. Ilagay ang galapon sa loob ng supot.

Step 6. Ilagay ang nakasupot na galapong may plema sa loob ng ref at sabihan ang inyong health
worker.

PAALALA: Maghintay ng tatlo (3) o limang (5) araw bago malaman ang resulta ng inyong pag-
susuri. Kayo ay makakatanggap ng text mula sa health worker.

CRMC – National TB Program

You might also like