You are on page 1of 5

Mga Suliraning Pangkapaligiran Dulot ng Malaking Populasyon

Hindi maitatatwa na ang pangunahing ugat ng iba't ibang suliraning pangkapaligiran sa mundo ay ang

patuloy na paglaki ng populasyon. Hindi naiiba ang karanasan sa Asya. Habang patuloy na tumataas and
bilang ng mga tao, lalong nagiging mataas ang pangangailangan para sa likas na yaman. Higit ding tumitindi
ang presyur sa lupa.

Pagkasira ng Lupa
Kadalasang nakaasa sa kapakinabangan o productivityng lupain ang mga produktong agrikultural na
tumutustos sa kabuhayan ng mga mamamayan. Gayunpaman, bunga narin ng labis na presyur at pag-abuso
sa lupa, nagbubunsod ito ng malalang suliranin gaya halimbawa ng salinization at alkalinization. Nagaganap
ang dalawang proseso na ito kapag mali ang isinasagawang proseso ng irigasyon at nakaaapekto sa lupa.

Mga Suliraning Pangkapaligiran Bunsod ng Urbanisasyon


Dahil sa mabilis na urbanisasyon sa Asya, labis ng naapektuhan ang kapaligiran nito. Ayon sa
pananaliksik ng mga eksperto, tinatayang 40% ng populasyon ng rehiyong Asia-Pacific ang namumuhay sa
mga lungsod. Sa katunayan, 13 sa 25 na pinakamalalang lungsod sa buong daigdig ay nasa Asia-Pacific.
Kung magpapatuloy pa ang kalakaran o trend sa kasalukuyan, marahil 903 milyong tao sa Asya ang
tinatayang nakatakdang mamuhay sa mga lungsod kapag sumapit ang taong 2025.

Problema sa Solid Waste


Ang pagtatapon ng solid waste o basura ay isang malaking suliranin sa halos lahat ng buong bansa sa
daigdig. May dalawang uri ng basura- basurang galing sa kabahayan at basurang galing sa industriyal na mula
sa mga ospital, pabrika, at industriya. Kapag sinusunog ang basura, dumudumi ang hangin. Kapag itinambak
lamang sa isang lugar, maaaring manuot sa lupa ang ilang maasido at organikong materyal na magiging sanhi
ng kontaminasyon ng tubig na iniinom at ng tubig na dumadaloy sa irigasyon.

Pagkawal ng Biodiversity
Ang kontinente ng Asya ang itinuturing na isa sa mga rehiyon na may pinakamayamang biodiversity sa buong
mundo. Ang China, India, Thailand, Indonesia, at Malaysia at katatagpuan ng maraming species ng mga isda,
amphibian, reptile, ibon, at mammal. Nangunguna ang Indonesia at China sa dami ng bilang ng amphibian,
ibon, at mammal. Nakalulungkot isipin na ang Asya rin mismo ang nagtala ng pinamabilis na pagkawala ng
iba't ibang faunal species.

Polusyon sa Hangin
Isa sa pinakamalalang problema ng polusyon sa kapaligiran ng mga bansang Asyano ay ang polusyon sa
hangin. Ito ay dahil sa malawakang paggamit ng petrolyo na nagreresulta sa sulfur dioxide. Nakadaragadag
din ang trapiko sa lumalalang problema sa kontaminasyon ng hangin. Hindi maikakaila na malala ang
problemang ito lalo na sa mga pangunahing lungsod gaya ng Beijing sa China, Tokyo sa Japan, Seoul sa
South Korea, Taipei sa Taiwan, Jakarta sa Indonesia, at Bangkok sa Thailand.

Polusyon sa Tubig.
Ang tubig sa karagatan na nakapaligid sa Asya ay nagdaranas din ng matinding kontaminasyon. Ang mag
basura at maruming tubig na galing sa mga industriya ay diretsong naitatapon sa dagat.
Ayon sa World Commission on Water, ang malalaking ilog sa Asya gaya ng Huang Ho sa China, Ganges sa
India, at Amu Darya at Syr Darya sa Hilagang Asya ang mga nangunguna sa talaan ng mga ilog sa buong
mundo na dumaranas ng matinding kontaminasyon. Ito ay dulot ng masalimuot na suliranin sa Urbanisasyon.

Pagkawasak ng Kagubatan
Isang napakakritikal na problemang pangkapaligiran ay ang deforestation o tahasang pagkawasak ng
kagubatan.
Ang pagkuha ng panggatong na kahoy ay masasabi ring nakaambag sa pagkasira ng kagubatan. Ang mataas
ng pangangailangan sa panggatong ay nagtutulak sa tao upang ilegal na pumutol ng mga puno sa kagubatan.

Solid Waste
Pagkasira ng Likas na Yaman

Solusyon ng Pamahalaan
Climate Change

You might also like