You are on page 1of 2

Minsan

Minsan.

Minsang magkaminsan ay di maipaliwanag


ang liwanag ng pagpatak ng ambon,
pagpatak ng ambon sa kabila ng katapatan ng araw
sa tanghalan ng tanghaling tapat.

Mangyari tuloy

Mangyari tuloy tutula yung agam-agam


sa pagtila ng ambon at pagkabigla ng tila
tulalang karpintero na nakipagpatintero
sa paglabas-masok upang imasok-labas
ang mga pag-asa, katarungan, at kalayaang
hinahanap-hanap, inaapuhap, at sa paglalakad
ay doon mahahagilap, doon lamang sa mga kalsada
at avenida. Doon hinahanap, doon inaapuhap, doon
hinahagilap.

Ano pa’t nang-uupat

Ano pa’t nang-uupat ang ngingibi’t ngingiti


lalambong at nagtutumbalentong sa kulimlim ng lilim
ng ulap na di mahagilap at sa tayog ay iindayog
ang hanging hinihingahan ng pag-inip ng sumisilip
sa pagkakaidlip na kaserang nag-que sera sera
sa kalikasang lumilipas sa gilid sa init ng sidhi, ng dáling, at galit
ng haring pumanaw sa kanluraning ibayo, binayo
sa lusóng, paglúsong ng mga lumusob na nag-aklas sa gútom
sa ibabaw ng mababaw na libangang libingan, mababaw na libangang libingan
ay mga duguang dinugtungang kaalangitang at kalawakan ang mga nakataring
karatig ang mga kabundukang

Ay tila impiyerno

Ay tila impiyerno sa imperyo, sa imperyo ng dumayong bagyo sa di niya maibabalik na halik ng sinag, ng
sinag na sana’y magbibigay liwanag sa pag-asa, katarungan, at kalayaan. Nagpa-sosyal, tuluyan nang
tahakin ang kalsada at Avenida ng mga pangalan at kumaliwa, at kumaliwa sa daang tuwid kung saan
ipinagbabawal ang paghahanap doon siya nagbakasali at nagmura:

[Putragis Amang]

Putragis Amang,
kami’y namamalimos lamang ng kapirasong lupa,
bakit pinaputok ang kanilang sandata?
Hayup nga ba kaming hayup sa turing?
Bakit kaming gutom bala ang pinakain?

Putragis Amang,
ang Palasyo pala ay hindi dulugan ng awa;
ang Kongreso pala’y Kongreso ng panginoong maylupa.
Saan naming hahanapin ang pangakong paglaya?

Putragis Amang,
huwag nila kaming itulak sa dingding;
mabangis sumalakay ang mga ginutom.
Sa tagisan ng bagang kapag wala nang madurog na kanin
huhulagpos ang galit na kimkim!

Sumpain ang US, si Cory, si Starke at mga katulad nila


Silang nagbibigay laya na busabusin ang paggawa
Silang nagpapahintulot sa mga Panginoong Maylupa

O, Hari ng gatilyo, hukbo ng mga hukbo –


bayani ng mga bukirin!
Idulot mong sa kamay naming
madurog ang mga salarin!

* The poem was read by Axel Pinpin, poet and peasant rights advocate, during the commemoration of
the 25th anniversary of the Mendiola Massacre. According to Mendiola Massacre survivor Mirriam
Aledia who recalled the poem from her memory, the poem was performed by an old man during an
indignation rally at Mendiola a few days after the massacre took place. The name of the author remains
unknown.

You might also like