You are on page 1of 2

Bangon, Pilipinas!

Isang Talumpati
Sa mga katas-taasang mga panauhin, mga kababayan, kapatid at sa aking inang bayan, isang magandang
araw sa lahat.
Ikinalulugod kong makita ang presensya ng bawat isa sa araw na ito. Nawa’y pagpalain tayo ng Diyos
sapagkat nagkatipon-tipon tayo ngayon sa isang napakagandang layunin.
Isang magandang layunin kung saan itinataguyod ang maayos na pamamalakad sa ating bansa.
Ako ang pinili ng taong bayan bilang lider na nagpapatupad sa layuning ito. Bilang Presidente, ako’y labis
na nasiyahan sa opurtunidad na ipinagkaloob at ikinatiwala ng mamamayan sa akin.
Bilang presidente, sisimulan ko ang unang hakbang sa pagbangon ng Pilipinas.
Ang mga natatanging pulo sa ating minamahal na bansa ay nagsisilbing sagisag sa ating walang tulad na
mga katangian. Ating mga natural na kayamanan at hindi pangkaraniwang mga kahayupan ay ang mga
nag-aakit sa milyun-milyung mga turista.
Kilala din tayo sa ating mainapoy at mapagmahal na damdamin. Tiyak na malilibang talaga ang mga
dayuhan sa paglalakbay nila sa ating inang bayan.
Subalit, ang kagandahan ng ating minamahal na Pilipinas ay unti-unting inaabuso. Ang kawalan ng
disiplina ang nagiging ugat sa namumuong mga suliranin sa ating kapaligiran.
Ang kawalan ng disiplina ang naging dahilan sa pagiging itim sa dating malilinaw na karagatan. Ito rin ang
naging dahilan sa pagkakakalbo ng ating mga luntiang bukirin at puno.
Nakasalalay sa ating mga kamay ang kapalaran ng buhay ng ating mga mamamayan. Tayo ang pag-asa
ng inang bayan.
Kaya’t simulan sa sarili at sa pag-alagad ng tulong sa isa’t isa. Pagyamanin ang hinahawakang papel
bilang isang mamamayan ng Pilipinas. At sabay sabay nating lakarin ang daan patungo sa pagbabago.
Bangon, mga Pilipino!
Oo, ikaw at ako.
Sa ngalan ng Diyos na ating ama, ating isulong ang pagbabago ng mga mamamayan at ng bayan.
Pasiklabin natin ang alab ng ating mga puso. Maghari nawa ang kapayapaan at pagmamahalan.
Bangon, Pilipinas!
Maraming Salamat.

Gaviola, Joselle

10-MBB

You might also like