You are on page 1of 9

Pagpapahalaga (Isang kwentong May Aral)

BATA ang aplikanteng manager sa


malaking kumpanya. Pasado agad siya sa
interviews, pero ang chairman ang huling
magpapasya. Napansin nito na matataas
ang grado ng aplikante mula high school
hanggang post-graduate. Pero wala itong
scholarship grant noon. Pumanaw ang
tatay niya nang siya’y sanggol pa; si
Nanay ang nagpaaral sa kanya. “Ano’ng
trabaho ng nanay mo?” usisa ng
chairman. Kuwento ng aplikante,
“Naglabada si Nanay kung saan-saan.”
Kinilatis ng chairman ang mga palad ng
aplikante, at napansing makinis at
malambot ito. “Tinulungan mo ba ang
nanay mo sa paglalaba?” tanong muli.
Umamin ang aplikante: “Hindi po. Gusto ni
Nanay palagi ako nag-aaral at nagbabasa ng aklat; tsaka, mas mabilis siya maglaba kaysa akin.”
Tumayo ang chairman: “May pakiusap ako. Pag-uwi mo mamaya, hugasan mo ang kamay ng nanay
mo, tapos bumalik ka sa akin bukas.” Pakiramdam ng aplikante na malamang ay matanggap siya sa
puwesto. Sa bahay, masaya niyang sinabi na lilinisin niya ang kamay ni Nanay. Nagtatakang iniabot
ng matanda ang kanyang mga kamay. Marahan itong hinugasan ng anak. Pumatak ang luha niya.
Noon lang niya napansin na kulubot, ma-kalyo at galus-galos ang mga palad ni Nanay. Ilang sugat
ay malalim; napapapikit sa kirot si Nanay kapag nadidiinan ito. Ito ang mga kamay na nagbayad ng
kanyang pag-aaral. Matapos linisin ang kamay ni Nanay, tinuloy ng anak ang iba pang labahin.
Mahaba ang kuwentuhan ng dalawa nu’ng gabing iyon. Kinabukasan napansin ng chairman ang
mugtong mga mata ng aplikante. Tinanong niya kung ano ang natutunan nito kahapon. Anang
aplikante: “Una, alam ko na ngayon ang pagpapa-halaga: kung hindi kay Nanay, wala akong
tagumpay ngayon. Ikalawa, sa pagtulong ko sa labada, nabatid ko ang hirap ng pagsisikap niya.
Ikatlo, natutunan ko ang kahalagahan ng relasyong pamilya.” “’Yan ang hinahanap ko sa isang
manager. Gusto ko ang nagpapa-halaga sa tulong ng iba, nakikiisa sa paghihirap ng kapwa, at hindi
inuuna ang pera bilang pakay sa buhay. Tanggap ka na bilang manager.”
Nalungkot ako na namatay ang Tatay nila sa kwento. Ngunit sa kabilang banda, nawala man ang
kanilang Tatay, nag-iwan naman ito ng napakagandang regalo para kay Susie. Hindi man ito
maisuot ni Susie, magsisilbi naman itong paalala sa dakilang pagmamahal ng Tatay kay Susie.
Ang daming aral na makukuha mula sa kwentong ito, mula sa pagmamahal sa pamilya hanggang
sa pagiging positibo sa buhay sa kabila ng kapansanan; na hindi hadlang ang kapansanan para
tayo ay magmahal; na hindi dahil may kulang tayong parte ng katawan ay hindi na tayo buo.
Naipakita nga rito sa kwento na buong-buo si Susie. Buo ang kanyang pagkatao, dahil hindi
nagkulang ang mga mahal niya sa buhay sa pag-aaruga at pagmamahal.

Maraming tao ang buo ang katawan, walang kapansanan o kakulangan na pisikal. Sagana sa mga
materyal na bagay. Sa mata ng mundo, perpekto sila. Ang sarap ng kanilang mga buhay. Pero
kadalasan, sila pa nga ang may kulang. Maaaring kulang sa atensyon o pagmamahal. Mukha
silang buo sa labas, parang cake na pang-display lang sa mga cake shop: "So great with all its
icing and toppings on the outside, but inside was nothing buthard cardboard." May mga tao na
kahit buo sa pisikal ay may kakulangan na emosyonal o ispiritwal. Mainam na siyasatin natin
ang ating mga sarili kung mayroon ba tayong mga pagkukulang o problema. Humingi ng tulong
kung kinakailangan. Minsan kasi nauuwi ito sa depresyon na maaaring humantong sa
pagpapatiwakal.

Ang Sandosenang Sapatos ay kwento ng pagmamahal, pag-asa, at kagalakan sa kabila ng mga


hamon ng buhay. Palagi sana nating tingnan ang mga bagay sa positibong paraan: Na anuman
ang mangyari ay mayroong kadahilanan at marahil hindi natin makita ang dahilan ngayon pero
sa hinaharap malalaman natin kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay na ito sa ating mga
buhay. Naaalala ko ang verse sa Bible na Romans 8:28, "And we know that for those who love
God all things work together for good, for those who are called according to his purpose," at
Isaiah 55:9, "As the heavens are higher than the earth, so are my ways higher than your ways
and my thoughts than your thoughts." Maraming mga bagay na nangyayari sa ating mga buhay
ang hindi natin naiintidihan pero hindi nagkakamali ang Panginoon. May dahilan ang lahat ng
mga bagay. Magtiwala lang tayo sa Kanya. Alam Niya ang Kanyang ginagawa.

Walang kayang humadlang sa pag-ibig ng isang pamilya, kahit anong mangyari sa ating buhay o kung
ano mang mga problema ang ating haharapin, hindi tayo mag-iisa dahil nariyan ang ating pamilya.

Sandosenang Sapatos
Luis P. Gatmaitan, M.D.

Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming
bayan. Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-
sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-
Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga
sapatos.

“Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!”

“Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas.”

“Parang may madyik ang iyong kamay!”

Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay.


Bihirang magsalita.

Lumaki akong kapiling ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas ay


kinaiinggitan ako ng mga kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay
ko. Lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag pasukan, kapag pasko, kapag bertdey
ko, o kung nakatanggap ako ng honors sa klase. Ginagawan pa niya ako ng
ekstrang sapatos kapag may mga tira-tirang balat at tela.

“Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng
ate ko. Sa ‘kin napupunta lahat ng pinagkaliitan n’ya,” himutok ng isang
kaklase.

Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naming
hinintay na magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na raw ang
matagal nilang dasal na masundan ako.

“Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale,


dalawa na kaming igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon.”

Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay.

“Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anak
natin!”
“Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet . Gusto kong magkaanak
ngballet dancer ! Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga
sapatos na pang- ballet .”

Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang
makita ang bago kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol ang
dalawang paa!

Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko.


Siguro raw ay binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang
ang parte ng katawan. Nilusaw raw ng mga mapinsalang gamot ang kanyang
mga paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos si Tatay dahil mahal na itong
sumingil sa mga pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi si Susie sa manika.

“Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?”

“Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng German


measleshabang ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At.iyon ang naging
epekto,” malungkot na kuwento ni Nanay.

Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-
araw, ganu’n ang naiisip ko kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kaya pinilit
ko si Nanay na muling pag-aralin ako sa isang ballet school (dati kasi, ayaw
kong mag-ballet). Pero.

“Misis, bakit hindi n’yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa painting, o


sa banduria class? Hindi yata talagang para sa kanya ang pagsasayaw,” sabi ng
titser ko sa Nanay ko.

Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa
mga pangarap na masyadong mailap.
Saksi ako kung paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng
manloko kay Bunso. Minsan, habang kami ay nagpipiknik sa parke, may isang
mama na nakakita kay Susie.

“Tingnan n’yo o, puwedeng pang-karnabal ‘yung bata!” turo nito kay Susie.

Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang
nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito.
“Ano’ng problema mo, ha?”

Mabuti’t napigilan siya ni Nanay.

Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama , narinig kong kinakausap ni Tatay
si Susie.

“Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay
mo na lumaki kang mabuting tao.at buo ang tiwala sa sarili.” Masuyo niya itong
hinalikan.

Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko,
kapag sinusukatan niya ang paa ko, napapabuntung-hininga siya. Pagkatapos
ay titingin sa kuna.

“Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa


ni Tatay.” bulong ko sa kanya.

Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isa’t isa. Hindi naging hadlang ang
kawalan niya ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na di
nangangailangan ng paa. Lagi nga niya akong tinatalo sa
sungka, jackstone ,scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag
may nanghaharot sa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate
na alalay!

Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong magaling ang


aming kamay kaysa aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng
mga kuwento. At oo nga pala, si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya!

Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang
sapatos. Napakaganda raw nito sa kanyang mga paa.

“May paa siya sa panaginip?” gulat na tanong ko sa sarili.

“Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol
na may dekorasyong sunflower sa harap!”

Magbebertdey siya noon . At napansin ko, tuwing nalalapit na ang kanyang


kaarawan, nananaginip siya ng mga sapatos.

“Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may
malakingbuckle sa tagiliran.”

Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw
ang mga daliri niya. Ang sapatos na puti na may kaunting takong at may ribbon
na pula. Ang sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin.
Ang sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang sapatos na may nakadikit na
bilog na kristal sa harap.

Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski ang


pinakamaliliit na detalye ng mga sapatos – ang disenyong bulaklak, ribbon,
butones, sequins ,beads , o buckle . Inaangkin niya ang mga sapatos na ‘yon.
“Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos na
napapanaginipan ko. Ikaw ang magdodrowing, ha?”

Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mga sapatos.


Gumagawa na lamang siya ng sapatos para sa mga suking di matanggihan.
Noong nagdaos siya ng kaarawan, niregaluhan ko siya ng isa kong painting na
may nakapintang isang pares ng maugat na kamay na lumilikha ng sapatos.
Binigyan naman siya ni Susie ng isang music box na may sumasayaw na ballet
dancer .

“Pinasaya n’yo ang Tatay n’yo,” sabi ni Nanay.

Pagkatapos noon , naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si Susie


nang pumanaw si Tatay.

Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng


mga lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan
Sa paghahalughog, nabuksan ko ang isang kahong mukhang matagal nang
hindi nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na
maingat na nakasalansan!

” Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver?” tanong
ko sa sarili.

Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na ‘yon, nagulat ako. Taglay
ng mga sapatos ang pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat
nito. May sapatos na pang-baby. May sapatos na pambinyag. May pang- first
communion . May pangpasyal. May pamasok sa eskuwelahan. May pangsimba.
May sapatos na pang-dalagita.
Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na
papel:

Para sa pinakamamahal kong si Susie,

Alay sa kanyang unang kaarawan

Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie.
Diyata’t iginagawa ni Tatay si Susie ng mga sapatos?

Para kay Susie, lugod ng aking buhay

Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan

Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing magdaraos


ng kaarawan si Susie! Sandosenang sapatos lahat-lahat.

Handog sa mahal kong bunso

Sa kanyang ika-12 kaarawan

Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganu’n pala
kalalim magmahal si Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko
kina Nanay at Susie.

“H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa ‘yo, Susie.” Namuo ang
luha sa mga mata ni Nanay. “Inilihim niya sa akin ang mga sapatos.”

“A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko.” Hindi makapaniwalang sabi
ni Susie habang isa-isang hinahaplos ang mga sapatos.

“Ha?”
Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie.

Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvet na


may malaking buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw
ang mga daliri. Kulay puti na may kaunting takong at may ribbon na pula.
Sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Sandalyas na
parang lambat. Kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa
harap.

Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para
maipasuot sa kanya ang mga sapatos?

Hindi ko tiyak.

Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang
pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga
sandaling nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.

You might also like