Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang madiskubrehan ang kaalaman,
persepsyon, at impormasyon na taglay ng mga teenagers ukol sa mga contraceptives. Naglalayon itong magbigay ng dagdag kaalaman na maaring magamit ng mga teenagers para madagdagan ang kanilang kaalaman ukol sa paggamit ng contraceptives. Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa contraceptives at nagbibigay-diin sa kung paano nagiging pagsubok ang sex education para sa karamihan ng mga kabataan. Ang mga resultang nabuo ay maaaring makabuo ng platform na maaaring itayo para magbigay ng dagdag na kaalaman ukol sa paggamit ng contraceptives sa mga teenagers. Abstract 2 (A study on knowledge, attitude and practice of contraception among college students in Sikkim, India) Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang tukuyin ang kaalaman, gawi, at ang kasanayan ng mga respondente sa paggamit ng contraceptives. Napag-alaman ng mga mananaliksik na kailangang maganyak ang kabataan sa epektibo at tamang paggamit ng contraceptives kung kinakailangan at nang mabawasan ang kaso ng unwanted pregnancy. Abstract 3 (Knowledge of contraceptive methods among adolescent students) Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang paghambingin ang iba’t ibang kaalaman sa paggamit ng contraceptives at ang tukuyin ang iba’t ibang salik na nakaukol sa kaalaman ng public at private adolescents ukol sa tamang paggamit ng contraceptives. Napag-alaman ng mga mananaliksik na hindi sapat ang kaalaman ng mga respondent sa paggamit ng contraceptives. Bukod dito, kinakailangang pantay at sapat ang nakakalap na kaalaman ng mga adolescents patungkol sa family planning para payabungin ang kanilang kaalaman at mabago ang kanilang gawi. Abstract 4 Kinikilala ang adolescent pregnancy bilang isa sa mga pangunahing problema ng mundo sa kasalukuyan. Naglalayon ang pananaliksik na ito na ilarawan at galugarin ang kaalaman ng adolescents. Ang resultang nakalap ay nagpapakitang mababa ang kaalaman ng mga adolescents sa kanilang reproductive health development, lalo na sa tamang paggamit ng contraceptives. Ang nakalap na resulta ay maaring maging gabay ng health care providers para mas mapalawig ang kanilang programang pampaaralan para sa mga kabataan. Abstract 5 (Contraceptive Knowledge, Perceptions and Use among Adolescents in Selected Senior High Schools in the Central Region of Ghana) Teenage pregnancies, human immune deficiency virus at iba pang sexually- transmitted diseases infection, ay ilan sa mga mahahalagang isyung kinakailangang bigyang pansin sapagkat ito ay nauugnay sa maternal, fetal, neonatal at iba pa. Layunin ng pananaliksik na ito ang tumukoy sa kaalaman ng mga estudyante ukol sa contraceptives. Napag-alamang ang mga female adolescents na nabuntis ay may malaking posibilidad na tumigil ng pag-aaral. Abstract 6 (A study of the attitude and knowledge of teenagers in the Pietermaritzburg area towards contraception) Ang pag-iwas sa teenage pregnancy ay isang importanteng salik na kinakailangang isaalang-alang para mapayabong ang adolescent health at mabawasan ang kaso ng perinatal mortality. Layunin ng pananaliksik na ito ang mapayabong ang kaalaman ng mga adolescents ukol sa contraception. Abstract 7 (A study on knowledge attitude and practice of contraception in school going children in Wardha district in central India) Ang adolescent sexuality ay kadalasang nagreresulta sa adolescent pregacy, unsafe abortion, reproductive tract infections, sexually transmitted infections. Gayunpaman, ang pag-aaral ukol sa kaalaman, gawi at pagsasanay ukol sa problemangito ay isang mahalagang isyung kinakailangang pagtuunan ng pansin. Ang mga adolescent ay kinakailangang mabigyan ng sapat at tamang kaalaman para matapos ang kanilang masamang gawi at upang maitaguyod ang kanilang malusog na pamumuhay.