Professional Documents
Culture Documents
Isa ang computer programming instructor ng Department of Social Welfare and Development
(DSWD) na si Agusto Hernandez sa mga sumali sa kilos-protesta.
"['Pag nagkaroon ng problema], agad-agad puwede nila akong tanggalin, kaya talagang ingat na ingat
ako sa performance ko," sabi ni Hernandez.
Ayon kay COURAGE national president Ferdinand Gaite, ipinakita ng kilos protesta ang kanilang
pagkadismaya kung paano tingnan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga taga-gobyerno.
Aniya, nasa 720,000 na government workers ang contractual. Marami rin umano sa 2.3 milyon na
empleyado ng gobyerno ang walang benepisyo.
"Ang mga unang pronouncements ni Pangulong Duterte ay nakatuon sa pribadong sektor, ang
problema, mismong sa loob ng kaniyang bakuran ay pinagsasamantalahan niya 'yung kaniyang mga
mangagawa," sabi ni Gaite.
Aminado si Senate labor committee chair Joel Villanueva na naiiwan sa usapin ng endo ang mga
kawani ng gobyerno.
Dahil dito, nakiusap siya sa kapwa mambabatas na suportahan ang Security of Tenure for
Government Employees Bill.
"'Yung mga casuals talagang I will agree na mabigat na 'yung pinagdadaanan nila. It's really about
time na we do something about it," ani Villanueva.
Samantala, sinabi ni Dr. Peter U ng University of Asia and the Pacific na kayang gawing regular ang
mga kawani sa gobyerno dahil hindi naman "profit driven" ang pamahalaan at hindi ganoon katindi
ang obligasyon sa mga taxpayer.
Pero posible umanong masakripisyo ang ilang proyekto ng gobyerno kung gagawin ang
regularisasyon.