You are on page 1of 2

“TAYO NA”

Katagang hindi ko mapang hawak-hawakan,

Dahil sa isip kung puno ng pangamba

Na sa bawat salita ay walang katotohanan

Dahil sa ating relasyon nanaig ang kasinungalingan

Hindi na ako naniniwala sa mga matatamis na salita

Hindi na tayo mapupuno ng “MAHAL KITA” “HINDI KITA IIWAN” at “HINDI NA KITA SASAKTAN”

Nagkamali ako dahil imahinasyon lang pala ang lahat

Hindi totoo ang nangyayari

Nabulag ako sa pantasyang ako lang ang bumuo

Walang katotohanan!

Hindi totoo na masaya tayo

Alam ko na ang totoo!

Natauhan na ako sa pantasyang ako lang ang masaya

PANAKIP BUTAS LANG AKO!

Hindi totoo ang sinasabi nila na magtatagal tayo!

Ang totoo?

Nabuo lang ang lahat sa sakit at kasinungalingan

Wag na nating lokohin at pahirapan pa ang isat-isa

Ito ang pinaniniwalaan ko dati..Pero!

Biglang bumaliktad ang lahat

Biglang bumaliktad dahil nauunawaan ko na

Ang lahat ng iniisip ko ay kasinungalingan lang pala

Puno ng sakit! Hindi ito “PAGMAMAHAL”

“Pagmamahal”? Hindi ito puno ng sakit at kasinungalingan

Ang lahat ng iniisip ko ay biglang bumaliktad

Ng naunawaan ko na,

Ito ang pinaniniwalaan ko dati pero,

Wag na natin pang lokohin ang isat isa

Hindi nabuo ang lahat sa sakit at kasinungalingan

Ang totoo?

MAGTATAGAL TAYO!
Hindi totoo ang sinasabi nila

Na panakip butas lang ako

Alam ko na ang totoo

Masaya tayo noon pa!

Hindi totoo na walang katotohanan ng lahat ng mga sinasabi mo

Nabulag ako sa maling desisyon…MALI…MALI,mali

Nagpakabulag ako sa maling desisyon

Umalis man ako na walang iniwang salita

Nawala man ako na parang bula

Dahil nanaig nab aka ako ang talo sa dulo

Ngunit mahal bumalik ako dahil namutawi sa isip at puso ko

Ang mga nabuong ala-ala mo sa piling ko

Na hindi mabura kahit ano pa ang gawin ko

Nagkamali ako!!!

Mahal nagkamali ako!!!

Hindi na kita sasaktan

Hindi na magpapalamon sa haka haka ng iba

Dahil ang totoo tayo lang at ako

Ang bubuong muli at magtatatag nito

Hindi na kita sasaktan

Hindi na kita iiwan dahil “MAHAL KITA”

Hindi na tayo mapupuno

Sa mga matatamis na salita at kasinungalingan na yan

Hindi na ako maniniwala sa mga kasinungalingan

Dahil sa relasyon natin nanaig ang katotohanan

Na sa bawat salita ay walang pangamba

Sa isip ko na puno ng

Katagang hindi ko pinanghawakan dati dahil mahal

“TAYO NA”

Ikaw at ang ala-ala mo

Ang nagsilbing aral sa buhay ko

Dahil ditto!......

Nalaman ko na isa lang ang gusto ko

Ang gumising sa umaga na masulyapan ang mga ngiti mo

At tumanda sa piling mo!

“MAHAL TAYO NA!”

You might also like