You are on page 1of 16

PANITIKAN

Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat


ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang
maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas
lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo,
pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana.
Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes
ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.[1] Nagsasalaysay ng buhay,
pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang
kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at
pangamba.[2] Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng
literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga
mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil.[1]

Uri Ng Panitikan
Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang anyo ng panitikan: ang
mga Piksiyon (Ingles: fiction) at ang mga Di-piksiyon (Ingles: non-fiction) na mga
sulatin at babasahin. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon
para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. Nag-iimbento sila ng
mga kathang-isip na mga tauhan, pangyayari,sabunutan, sakuna, at pook na
pinangyarihan ng kuwento para sa kanilang mga prosang katulad ng
mga maikling kuwento.[1]
Para sa pangalawang anyo ng panitikan, bumabatay ang may-akda sa mga
tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman
hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng manunulat na maging tumpak sa mga detalye
ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang nakaka-engganiyong
kuwento. Kabilang sa mga hindi-bunganga-isip na mga sulatin at babasahin
ang mga talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay, at mga
akdang pang-kasaysayan.[1]
Kahalagahan ng Panitikan

1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang
atingpinagyaman ng isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi.
2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y may dakila
at marangal natradisyonng siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo
ng ibang kulturang nakarating saating bansa
.3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan
atmakapagsanay na ito'y matuwid at maayos.
4. Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at
magsikap naito'y malinang at mapaunlad.
5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay
kailangangmaipamalas ang pamamalasakit sa ating sariling panitikan
ng pag!aaral ng ating sariling panitikan ay napakahalaga. "a pamamagitan
nito ay malalaman,madarama at masusumpungan natin kung paano nag!ugat
at namuhay ang ating mga ninuno. ng panitikan ay nagsisilbing tulay para
makita at mabatid natin ang kaugnayan ng kasalukuyan sanakaraan upang sa
ganoon maharap natin ang darating ng may lakas at talino."a pag!aaral natin
ng ating panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong pumanday ng
atingmatatayog at mararangal na simulain na naging puhuinan sa pagbuo
ng isang lipunan. #mula sa aklatna "alamin ng mga tao noong unang panahon
ay lumikha ng mga kagamitan para sa pagbilang at pagsulatupang
matulungan sila sa pagkalkula at makapagpros*so ng datos. "ubalit, ang
mga kgamitamg itoay hindi sapat upang makatulong sa kanila na makabilang
at makasulat ng tamang!tama. +aya't silaay patuloy na naghanap ng lalong
mabuti, mabilis at higit na wastong paraan sa paggawa ngkompyutasyon. sa sa
pinakamalaking likha ng tao ay kompyut*r. ng kompyut*r ang nagpakita ng katibayan
atimpluw*nsya sa lahat ng asp*to sa makabagong lipunan. Hindi maikakaila
na ang kompyut*r angnakapagpabago ng pag!iisip ng bawat tao. ng
kompyut*r ay napakahalaga sa larangan ng kalakalanat ito ay may
pangunahing ginagampanan sa ating kasalukuyang lipunan. ng mga
mananaliksik ay binigyang pansin ang kanilang pag!aaral ng panitikang
ilipino."a panimula ng *dukasyon sa Pilipinas, ang Panitikan ay laging
nakasama sa kurikulum ng paaralan.-agamat ang *mpasis sa pampanitikan
karanasan ng mga kabataan sa paaralan ay nagbabago sabawat panahon,
ang pangunahing gawain sa panitikan ay mahalagang sangkap sa *dukasyon
namananatili.

Kaugalian

Ang kaugalian o tradisyon ay mga paniniwala, opinyon, kostumbre o mga kuwentong naisalin
mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila. Sa Pilipinas, isang halimbawa ng kaugalian
ang paghalik sa kamay ng mga matatanda. Kaugnay ito ng mga
salitang tradisyunal, pinagkaugalian o kinaugalian, simula, at pinamulihanan.[1][2] Katumbas din
ito ng diwang "pagsasalin ng ari-arian sa ibang tao".[2] Ayon kay Jose Abriol, katumbas
ang tradisyon ng pariralang sali't saling aral.[3]

MGA KATANGIAN NG PILIPINO


Maraming katangian ang Pilipino na maipagmamalaki at ito'y dapat panatilihin
upang maisalin sa ibang generasyon. Ang sumusunod ay nagpapakita ng mga
katangian ng pilipino:

1.) Paggalang sa matatanda


Simula pagkabata ay tinuturuan na tayo ng ating mga magulang na magsalita
ng "po" at "opo" kapag tayo ay nakikipagusap sa mga nakakatanda. Ang
pagmamano ay dapat ding panatalihin dahil nagpapakita din ito ng respeto at
pagpapahalaga sa matatanda. Kailangan din nating gumamit ng mga
magagalang na pantawag katulad ng "ate", "kuya", "tito", "tita' iba pa. Kapag
dadaan ka sa isang daan na may naguusap ay matutong magsabi ng
"makikiraan lang po" at sabay yuko. Matuto ring gumamit ng "paki" at "maki".
Sumunod rin tayo sa mga utos ng ating mga magulang at sa iba ring mga
nakakatanda.
"Pagpapahalaga sa nakakatanda"

Pasasalamat sa Diyos na kayo ay ibinigay,


Pagkat sila ay laging umaagapay,
Pagmamahal sa kanila ay dapat ialay,
Simula pagbata sila na ang umagapay.

Sila ay mahalaga,
Bigyan sila ng importansya,
Sa hirap man o sa ginahawa,
Dapat sila ay kasama.

Sumunod sa kanilang utusin,


Kanilang mga atubilin ay dapat sundin,
Huwag silang suwayin,
Sila'y dapat respetuhin.

Gumamit ng po at opo,
Sa bawat araw na pagtatagpo
Sila ay naghirap,
Ibigay sa kanila ang nararapat. *

2.) Masayahin
Kahit saang lupalop kapang pumunta ay marami kang makikita na nakatawa
at tumatawa. Likas na masayahin ang pilipino dahil kahit na may pagsubok pa
na dumating sa atin ay tinatawanan na lang natin na nagpapakita naman ng
pagiging positibo at ng pagiging matatag. Kahit ano pa mang bagyo ang
dumating, katulad na lang sa ondoy at yolanda ay makikita mo pa ring
nakangiti sila. Sa internet din, makikita mo rin yung "hehehehehe" at
"hahahahaha". Masarap sa feeling na lagi kang tumatawa, nakakawala ng
pagod. Kahit na maraming naiinis sayo o kaya mga panglalait na sinasabi sayo
ay nakangiti ka lang.

3.) Pagiging makadiyos


Ang pagiging madasalin ng Pilipino ay nagpapakita ng malakas na
pananampalataya sa Diyos. Nagsisimba tayo sa araw ng linggo upang makinig
sa mensahe ng Diyos. Nagbabasa rin tayo ng bibliya upang gabay natin sa
ating buhay. Nagdadasal rin tayo tuwing umaga gamit ang ating rosaryo.
Kapag may problema, sa Diyos tayo lumalapit sa pamamagitan ng matimtim
na pagdarasal.

"PAGPAPAHALAGA SA DIYOS"
Tayo ay magpasalamat sa maykapal
Dahil siya ang nagbigay sa atin ng lakas
Kaya kailangan nating tulungan ang walang lakas,
at tulungan ang mahirap at maykapal.

Magdasal ng mabuti upang mabiyayaan,


at purihin siya sa bawat oras na lumilipas
at pakitaan siya ng lakas na loob,
tulungan siya sa pagbigay ng mabuting balita.

Magsimba parati at magbigay papuri


Makinig sa kanyang mensahe lagi lagi
tuwing linggo ay makinig sa pari
upang ito'y maitanim sa sarili. *
4.) Magiliw na tumatanggap ng bisita.
KILALA ANG PILIPINO SA MABUTING PAGTANGGAP SA MGA BISITA. TAYO AY
NAGHAHANDA UPANG MASIYAHAN ANG MGA BISITA. NAGBIBIGAY RIN TAYO
NG REGALO LALO NA KUNG KAMAGANAK MO O KAIBIGAN MONG MATALIK
YUNG BUMISITA SA IYO. MINSAN INAALOK PA NATIN YAN NG MGA TINAPAY,
SOFTDRINKS, BISCUITS AT IBA PA. KAPAG NAMAN ALAM NATIN NA MALAYO ANG
KANILANG UWIAN AY PINAPATULOG MUNA NATIN SILA SA ATING BAHAY.
MINSAN PINAPAHIRAM PA SILA NG MGA ATING SARILING BAGAY DAHIL
KAILANGAN NILA.

6.) Pagkakabuklod ng pamilya

Mahalaga na sama sama lagi ang pamilya. Mahalaga din na nagbibigayan ng


oras ang bawat miyemro sa bawat isa. Dapat nagtutulungan ang bawat
kasapi ng pamilya. Isa sa mga halimbawa nito ay yung sama samang kumain
ang bawat miyembro ng pamilya upang magkaroon ng magandang relasyon
at usapin. May tinatawag ding "reunion" na kung saan lahat ay nagtatagpo
dahil hindi na nila nakikita ang bawat isa, katulad ng may okasyon.

Ang tradisyon ay mga kagawian at mga paniniwalang patuloy na isinasagawa


at sinusunod nga bawat henerasyon. Ang mga tradisyon ay nagkakaiba sa uri
ng paniniwala, lahi at maaari ring sa pagkakaiba ng relihiyon. Kadalasan ito'y
kinikilala bilang isang positibong ritwal o tradisyon, ngunit meron ding ibang
naniniwala na ang ilan sa mga tradisyong ito ay negatibo. May mga
kailangang isinusunod na proseso sa bawat tradisyon. Halimbawa na lamang
ng tradisyon ng ilang mga muslim na magkaroon at sumunod sa "arranged
marriage" kung saan ay ang dalawang taong muslim ay ipinakakasal ayon sa
kagustuhan ng parehong pamilya. Ito man ay hindi sinasang-ayonan ng ibang
lahi o tao, sa kultura ng Muslim ito ay isang tradisyon na sinusunod. Isang
tradisyon ding maituturing ang pagpapahalaga sa mahal na araw o Senakulo.
May mga nagbubulontaryong makiisa sa pamamagitan ng pagbibigay
partisipasyon tulad ng pagpapapako sa krus. Ito ay kanilang pagpapahayag
ng kanilang pagsuporta at pagmamahal sa panginoon. Bagama't itoy
sinusuportahan ng mga katoliko, kabaliktaran naman ito sa paniniwala ng
ibang relihiyon at ibang taong iba rin ang paniniwala. Hindi nila ito sinasang-
ayunan sapagkat naniniwala silang hindi ito kailangan gawin. Sa bawat
tradisyon ay may sinusunod na paniniwala, kaya't ang bawat paniniwala,
kaugalian at tradisyong patuloy na itinuturo at ipanapasa sa bawat henerasyon
ay mahalaga at kapwa nirerespeto
Ano nga ba ang “tradisyon o kaugalian”?

Ito ang mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang papunta
sa mga anak nila.

Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig sumunod sa mga nakagawian na at


samga tradisyon. Sila din ay mahilig maniwala sa mga pamahiin.

Kami ay magbibigay ng mga Halimbawa.

Mga Karaniwang Tradisyon ng mga Pilipino


 Piyesta

 Mahal na araw/ Senakulo

 Mamanhikan

 Harana

 Simbang gabi

 Flores De mayo
Madalas na Kaugalian

Pagmamano – ito’y madalas ginagawa ng mga nakababata sa kanilang mga


magulang o sa mga nakatatanda sa kanila.
Paggamit ng “po at opo” sa nakatatanda – ito’y simbolo ng pagrespeto sa
mga nakatatanda.
Mahilig makipagkapwa-tao -kapag madalas silang may nakakasalamuhang
tao.
Mapagkumbaba – nananatili pa rin ang kanilang mga paa na nakaapak sa
lupa.

Madalas na Paniniwala

Sa Kusina:

Bawal kumanta sa harap ng kalan - may masamang mangyayari.


Bawal kumanta sa hapag-kainan – simbolo ng hindi pagrespeto.
Bawal paglaruan ang apoy – maaaring lumabo ang mata.
Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon – ito ay simbolo ng
kamalasan.

Sa Kasal:

Bawal isukat ang damit pangkasal – Maaaring hindi matuloy ang kasal
Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal – maaaring
mamatay ang isa sa kanila.
Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan – upang hindi
siya maliitin.
Kapag umulan sa araw ng kasal – simbolo ng kaswertehan.

Kapag may sumakabilang-buhay

Bawal matulog sa tabi ng kabaong – maaaring hindi mo mapipigilan ang


paggalaw ng ulo mo.
Bawal magkamot ng ulo – maaaring magkaroon ng kuto.
Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong
– upang hindi sila guluhin ng namayapa.
Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa – upang hindi na siya
masundan.
Bawal magwalis sa araw ng burol – bilang respeto
Bawal matuluan ng luha ang kabaong – upang hindi siya mahirapan sa pag-
akyat sa langit.

You might also like