You are on page 1of 6

Banghay Aralin

Filipino 7

Pebrero 13, 2018


1:00-2:00
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang obra
maestra sa Panitikang Pilipino.
Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong
naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino.

I. LAYUNIN:
 Natutukoy ang mga mahahalagang impormasyong nakapaloob sa saknong limang daan
animnapu”t siyam hanggang anim na daan limampu’t pito.
 Nabibigyang halaga ang mensaheng hatid ng mga saknong na binasa.
 Nakabubuo ng isang sanaysay tungkol sa pagiging totoo o tapat ng isang tao.
II. PAKSANG ARALIN:
Paksa: "Ang prinsesang higit na kaibig-ibig at ang serpyenteng may pitong ulo”.
Kagamitang pagtuturo: tape, manila paper, pentel pen, chalk
Sanggunian: Internet, Curriculum Guide, Ibong Adarna ibinuod ni Victoria Burgos.
III. PAMAMARAAN:
Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pagdarasal
_________, Maaari mo bang pangunahan Sa ngalan ng Ama…..Amen
ang panalangin.
2. Pagbati
Magandang umaga! Magandang umaga din po, Ma’am Delen.
3. Pag-aayos ng silid-aralan
Bago kayo umupo sa inyong mga upuan, (pupulutin ng mga mag-aaral ang mga kalat sa
pakilimot ng mga piraso ng kalat na sahig at aayusin ang hanay ng kanilang upuan.)
inyong makikita sa sahig at ihanay ng ayos
ang mga upuan.
4. Pagtiyak sa liban
Sino-sino ang liban ngayon? Wala po Ma’am.
5. Pagpapahalaga sa kasunduan
Lahat ba ay may takdang aralin? Opo.
Magaling! Ngayon ay maaari nyo ng (ipapasa ang takdang aralin)
ipasa ang inyong takdang aralin.

B. Pagbabalik- Aral
Ano ang inyong natutunan sa ating Ang natutunan ko po sa ating tinalakay
paksang tinalakay kahapon? kahapon ay tungkol sa pangangalaga at pag-
Ikaw___________ ingat sa yamang pinagkaloob sa atin ng Diyos.
Magaling!

C. PAGGANYAK
“Galaw ko, hulaan mo”. May limang
pariralang inihanda ang guro, pipili ng
limang mag-aaral na bubunot ng parirala at
pahuhulaan ito sa pamamagitan ng
paggalaw ng anumang bahagi ng katawan.
1. maningning ang ganda
2. nabihag ang puso
3. nangako ng pag-ibig
4. yumanig ang paligid
5. umakyat sa palasyo
D. PAGTALAKAY SA ARALIN
 Paghahawan ng sagabal
1. Nalilito
1. Nagulumihanan
2. Nagdilim
2. Namanaag
3. Lituhin
3. Pagkadusta
4. Kalinga
4. Lingap
5. May Kaya
5. Masaliwa
6. Pag-alaga
6. Kandili
7. Mapapatay
7. Makikitil
8. Pagod
8. Pagal
9. Pagmasdan
9. Malasin
10. Nagdurugtong
10. Nasusugpong

Pagbabasa ng saknong limang daan


animnapu”t siyam hanggang anim na daan
limampu’t pito., bibigyan lamang ng anim
na minuto.

Gabay na tanong:
Sagot:
1. Bakit iniligtas ni Don Juan si Donya
1. Iniligtas ni Don Juan si Donya Leonora
Leonora?
dahil sa hiling ni Donya Juana.
2. Sa paanong paraan hinimok ng
2. Sa pamamagitan ng pagsusumamo nito
prinsipe ang prinsesa para siya ay
at pagpapahayag ng damdamin para sa
papasukin sa palasyo?
prinsesa.
3. Nararapat bang mangako ng pag-
3. Para po sa akin nararapat po kung
ibig si Don Juan kay Donya
tunay at wagas ang pag-ibig na kanyang
Leonora? Ipaliwanag.
nararamdaman.
4. Sa paanong paraan pinatay ni Don
4. Sa pamamagitan ng pagputol ng bawat
Juan ang serpyente?
ulo nito at pagbubuhos ng balsamo
pinagputulan upang hindi na muling
tumubo ang ulo nito.
5. Bakit muling nakaramdam si Don 5. Dahil nailigtas ni Don Juan ang
Pedro ng inggit sa kapatid? dalawang prinsesa at natalo niya ang
dalawang mapanganib na nilalang.
E. PAGLALAPAT
Pagbuo ng isang sanaysay tungkol sa
pagiging totoo o tapat ng isang tao.

Pagpapabasa ng pamantayan
Kayo ay mamarkahan ko sa pamamagitan
ng ating pamantayan, kaya dapat isalang-
alang ninyo ang mga ito.

F. PAGLALAHAT
 Bakit mahalagang magsabi ng - Mahalagang magsabi ng katotohanan
katotohanan? para hindi na masaktan at hindi na
maniwala pa sa kasinungalingan ang
isang tao.
 Ano ang kahalagahan ng pagiging - Maraming magtitiwala sayo sa
totoo? kakayahan mo bilang isang tao.
 Ano ang mensaheng hatid ng mga - Pagtulong sa kapwa ay mahalaga,
saknong na binasa? walang hinihinging kapalit, bukal sa
kalooban ang paggawa ng kabutihan sa
IV. PAGTATAYA iba.
Panuto: Tukuyin ang hinihinging
kasagutan sa bawat bilang.

1. Ano ang nagbabantay kay Donya 1. Serpyenteng may pitong ulo.


Leonora? 2. Si Don Juan
2. Sino ang nagligtas kay Donya 3. Pag-ibig
Leonora? 4. Nanghina at napagod
3. Ano ang ipinangako ng prinsipe 5. Inggit
kay Donya Leonora?
4. Ano ang naramdaman ng prinsipe 6-7. Malakas, Matalino, Matapang
habang nakikipaglaban sa
8-10. Pagtulong sa kapwa ay mahalaga,
serpyente?
walang hinihinging kapalit, bukal sa
5. Ano ang muling nanaig kay Don kalooban ang paggawa ng kabutihan sa iba.
Pedro?
6-7. Magbigay ng tatlong katangiang
taglay ni Don Juan sa pakikipaglaban.

8-10. Ano ang mensaheng hatid ng


mga saknong na binasa? Ipaliwanag.

IV. Takdang Aralin/ Kasunduan


Magsaliksik ng sipi ng "Ang Panibagong Panlilinlang". Basahin at unawaing mabuti,
sagutan ang mga sumusunod na tanong:

1. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa binasang saknong?


2. Saan ang tagpuan ng binasang mga saknong?
3. Ibuod ang binasang mga saknong sa pamamagitan ng story Ladder.

Sanggunian: Internet, Ibong Adarna ibinuod ni Victoria Burgos.

Inihanda ni:
Delen, Keren Grace F.
Gurong Nagsasanay

Iwinasto ni:
Mrs. Divina Sangoyo
Gurong Tagapagsanay
Banghay Aralin
Filipino 10

Pebrero 12, 2018


10:45-11:45

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El
Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video documentary na
magmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan.

I. LAYUNIN:
 Natutukoy ang mga mahahalagang impormasyong nakapaloob sa kabanata labing apat
hanggang labing lima.
 Nakikilala ang mga tauhan batay sa ginagampanan sa kabanatang binasa.
 Napahahalagahan ang mensaheng hatid ng kabanatang binasa.
 Nakapagsasagawa ng iba't ibang gawain batay sa kabanatang binasa.
II. PAKSANG ARALIN:
Paksa: "Sa bahay ng mga mag-aaral at si Ginoong Pasta".
Kagamitang pagtuturo: sipi ng teksto, manila paper, tape at pentel pen.
Sanggunian: Internet, Curriculum Guide

III. PAMAMARAAN:
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pag-aayos ng silid-aralan
4. Pagtiyak sa liban
5. Pagpapahalaga sa kasunduan

B. Balik-aral

C. Pagganyak
Lahat ng tao ay may mga pangarap na gustong makamit, lahat din tayo ay may kanya-
kanyang nais gawin para sa ikauunlad ng ating sarili, ng ating buhay maging ng ating bansa.

 Sino sa inyo ang may nais gawin na hanggang ngayon ay hindi parin natutupad?
 Bakit iyon ang nais mong gawin o isakatuparan? Anong kahalagahan nito sa buhay mo?
 Sa iyong palagay, anong katangian ang dapat taglayin upang matupad ang iyong
ninanais?
D. Pagtalakay
 Paghahawan ng sagabal
 Pagbabasa ng kabanata labing apat hanggang labing lima, bibigyan lamang ng walong
minuto.
Gabay na tanong:
1. Sino si Sandoval?
2. Anong uri ng tauhan ang inilarawan ni Rizal sa tauhang si Juanito Pelaez?
3. Sino si Ginoong Pasta?
4. Anong klaseng mamamayan ang inilarawan ni Rizal sa pagkatao ni G. Pasta?
5. Anong katauhan ang ipinahiwatig sa papel ni Isagani?
6. Sino-sino ang inimbitahan ni Makaraig sa kanyang bahay?
7. Tungkol saan ang kanilang pag-uusapan?
8. Saan nagtungo si Isagani? Ano ang pakay niya roon?
9. Bakit hindi pumayag si G. Pasta sa hinihiling ni Isagani?
10. Sa inyong palagay, bakit pinagpipilitan ng mga kabataan na ipatayo ang paaralan para sa
wikang kastila?

E. Paglalapat
Hahatiin sa tatlong pangkat ang klase. Bawat pangkat ay may nakalaang gawain.
Pangkat 1- Magsadula ng isang eksenang nagpapakita ng pagiging pursigido sa mga bagay-
bagay.
Pangkat 2- Sa pamamagitan ng pagmomodel, ipakilala ang mga tauhan sa akdang binasa.
Pangkat 3- Ilahad ang mga katangiang dapat taglayin para sa pagkamit ng mga pangarap o
mithiin, gamitin ito sa pangungusap habang binibigyan ng kilos o galaw.

F. Paglalahat
 Bakit mahalagang taglayin ng bawat isa ang pagiging pursigido?
 Sa paanong paraan mo pahahalagahan ang mga bagay na nais mong matupad o makamit?
 Ano ang mensaheng hatid ng kabanata labing dalawa hanggang labing tatlo?

IV. PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin kung ano ang hinihinging kasagutan ng bawat bilang.
1. Sino ang nag-aaral ng abogasya at pinuno ng kilusan ukol sa isyu sa Akademya ng wikang
kastila?
2. Anong katangian ni Isagani ang ipinakita sa kabanatang binasa?
3. Sino ang magaling na manananggol?
4. Saan nagpunta si Isagani?
5. Batay sa akda, sino ang paring tagapagtanggol ng wikang kastila?
6-8. Magbigay ng tatlong tauhan batay sa binasang kabanata at tukuyin ang ginagampanan ng
bawat isa.
9-10. Ano ang mensaheng nakapaloob sa akdang binasa? Ipaliwanag.

IV. Takdang Aralin/ Kasunduan:

Magsaliksik ng sipi ng kabanata labing anim hanggang labing pito. Basahin at unawaing
mabuti, sagutan ang mga sumusunod na tanong:
1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan?
2. Saan ang tagpuan ng binasang kabanata?
3. Ano ang mensaheng hatid ng dalawang kabanata?
Sanggunian: Internet

Inihanda ni:
Delen, Keren Grace F.
Gurong Nagsasanay
Iwinasto ni:
Mrs. Divina Sangoyo
Gurong Tagapagsanay

You might also like