You are on page 1of 3

Lunes 18 June 2018

ESP V
Peace 6:00-6:20
Honesty 7:30-7:50

I. Layunin: Napapahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga balitang


napakinggan, patalastas na nabasa/narinig, napanood na programang pangtelebisyon at
nabasa sa internet. (EsP 5 PKP- Ia-27)
 balitang napakinggan
 patalastas na nabasa / narinig
 napanood na programang pangtelebisyon
 nabasa sa internet
II. Paksa/Pagpapahalaga:
Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)
III. Mga Kagamitan:
 sagutang papel
 kuwaderno, larawan ng dart board
 ginupit na hugis puso

IV. Integrasyon:
 Media Literacy

V. Pamamaraan:

Ang Balita ni Kuya Lito


Isang umaga, nakikinig ng balita sa radio si Kuya Lito. “Magandand umaga, mga kababayan! Ito
na naman po ang RACC Balita, Nagbabalita ngayon!”
“Naitala kahapon na dalawampu’t apat na bata na may gulang na walo hanggang sampu ang
nakagat ng aso sa bayan ng San Jose. Ito ay ayon kay Dr. Dhan R. Alejandro ng Veterinary office.”
Kung hindi ito maaagapan maaari itong ikamatay. “Pinag-iingat din ang mga may-ari ng aso na
maging responsible sa kanilang mga alagang hayop na pabakunahan ng anti-rabies at itali ang mga ito
upang hindi makadisgrasya.”
Nababahala si Kuya Lito sa napakinggang balita sa radio. Kinausap niya ang kanyang
nakababatang kapatid. Binigyan niya ang mga ito ng babala tungkol sa rabies na dala ng kagat ng aso.
“Ano ang dapat naming gawin kapag nakagat ng aso Kuya? “ tanong ni Gian sa Kuya.
“Dapat ay sabihin kaagad sa magulang o sinumang kasama sa bahay na kumunsulta na agad sa
doctor para malapatan ng paunang lunas.”
“Salamat po, Kuya Lito.” Sabi ni Gian.

VI. PAGTATAYA:

Isulat sa mga kahon ang mga balitang iyong napakinggan sa radio, nabasa sa pahayagan, o internet.
Ikategorya ito sa Magandang Balita o Mapanghamong Balita. Gawin ito sa kuwaderno.
Magandang Balita Mapaghamong Balita

Sagutin ang mga tanong sa ibaba at kumpletuhin ang pangungusap na nasa loob ng kahon. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.

1. Ano-ano ang mga balitang tumatak sa iyong isipan noong nagdaang araw na masasabi mong
Magandang Balita o Mapaghamong Balita?

2. Paano mo nasabi na ang mga ito ay magandang balita o kaya ay mapaghamong balita?
Kung ang mga balita ay tungkol sa mga negatibong bagay, ang gagawin ko
ay _____________________________________________________________
dahil naniniwala ako na _____________________________________________
VII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN

Ipakita ang napagkasunduang palabas o pagtatanghal at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa pagbabalitang isinagawa sa unahan ng unang pangkat.
2. Naipakita ba ng inyong mga kamag-aral ang lakas ng kanilang loob sa pagtatanghal. Patunayan.
3. Pansinin naman nating ang ikalawang pangkat na sumulat ng balita. Tama ba at nasa ayos ang
kanilang isinulat na balita? Patunayan.
4. Paano naman sinuri ng ikatlong pangkat bilang manonood na ang kanilang nasaksihang balita ay
may positibo o negatibong epekto sa mga manonood? Patunayan.

You might also like