You are on page 1of 1

YANNI R.

BASILIO 12-APHRODITE

Minsan sa Isang Taon

Sa Probinsya ng Sarangani, Barangay Sitio Banli, “abaca harvesting” ang kilalang

pinagkukunan na hanapbuhay ng mga tao rito, na kadalasa’y nagiging sanhi ng pagkawala ng mga

puno at nagiging problema ng mga tao. Sa abaca gawa ang pera, at ang mga tao naman dito, sa

abaca gumagawa ng pera. Kabilang na si Mang Tusan sa nag-aani rin ng abaca na tangi lamang

inaasahan nito sa paghahanap-buhay, at sya ring nag-iisang inaasahan ng kanyang pamilya. Kaya

naman kayod kung kayod para may maihain ang pamilya. Minsan lang sa isang taon na makabenta

ng abaca si Mang Tusan, kaya habang wala pang nailalako, “kamote o kamoteng kahoy” nalang

muna ang naihahandang pagkain sa hapag kainan na pinaghihirapan at binubungkal ni Mang

Tusan, mapunan lamang ang kumakalam na sikmura, na nagiging dahilan din ng pagkakulang sa

timbang o “malnutrition” ng kanyang mga anak. Makakakain sila ng sapat, makakakain ng kanin,

at makakatikim ng masarap na pagkain… iyon ay kung makakabenta lamang si Mang Tusan ng

abaca… na kung iisipin, isa sa isang taon lamang sya nakakabenta nito. Sa paglalako nya ng abaca,

kinakailangan nya pang magtungo sa paanan ng bundok na maaaring pagbentahan ng naipong

abaca na kung saan kinakailangang gumugol ng halos anim (6) na oras bago makarating sa

destinasyon. Kapalit ng halagang isang libo ang halos isang taong inipong abaca, at iginugol na

napakaraming dugo’t pawis ang pagbenta ni Mang Tusan sa Ale. At ang naging sukli naman nito

ay ang ‘di matawarang ngiti at saya ni Mang Tusan at ng kanyang pamilya sa kaalamang may

iuuwi syang grasya sa kanilang tahanan at ngayo’y makakakain na ng kanin at masarap na pagkain

na halos isang taong hinintay at hiniling ng kanilang sikmura. Sambit nya, ang lahat ng sakripisyo

at paghihirap na ibinubuhos ni Mang Tusan sa bawat araw, ay walang iba kundi para lahat sa

kanyang pamilyang umaasa sakanya.

You might also like