You are on page 1of 1

Teorya ng pinagmulan ng Pilipinas

Teorya ng Tulay na Lupa

Ang teoryang ito ay inihayag ni Fritj of Voss. Isinasaad ng teoryang ito na kabit-kabit dati ang
mga lupain ng mundo at nagmukha lamang hiwa-hiwalay dahil natunaw ang mga bundok ng
yelo. Ito ang naging dahilan ang paglalakbay ng mga tao sa iba’t ibang kontinente.

Teorya ng Bulkanismo
Ito ay inilahad ni Bailey Willis. Sinasabi ng teoryang ito na ang Pilipinas ay sumulpot dahil sa
malakas na puwersa at pag-galaw na naganap sa kailaliman ng dagat may 200 milyong taon
ang nakalipas.

Teorya ng Diyastropismo
Ang diyastropismo ay ang ang pag-galaw ng ibabaw na lupa na nagsanhi ng pagkawala ng
hugis ng mga bato. Napaibabaw sa tubig ang mga magagang bato at ibang materyal na tumaas
kaysa sa dagat.

Teorya ng Pagkaanod ng Kontinente (Continental Drift)


Inalahad ito ni Alfred Wegener noong 1912. Isinasaad dito na noong 200 milyong taong
nakakalipas, iisa lamang ang kontinente sa mundo, ang Pangea. Malipas ang ilang daang taon,
Ito ay nahati sa sa dalawang kontinente, ang Laurasia at Gondwanaland, at nahati pa ang mga
ito sa iba't ibang lupa na katulad ng sa kasalukuyan.

You might also like