You are on page 1of 4

ALS Review Part 3

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong.Piliin ang tamang sagot at isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang pinakamainan na naglalarawan ng disiplina sa sarili?
A. Ang pasyente na may sakit ay palihim na kumakain ng ipinagbabawal na pagkain ng kanyang doctor.
B. B. Ang isang mag-aaral na sumusunod sa mga patakaran ng kanilang paaralan kahit walang nakakakita
sa kanyang ginagawa.
C. Isang anak na sumusunod sa kanyang mga magulang ngunit walang pagkukusa sa mga gawaing bahay
D. Isang lalaki na nageehersisyo araw-araw at kumakain ng di masusustansiyang pagkain
2. Napinsala ng bagyo ang iyong lugar kung saan ang mga bahay at agrikulturang ari-arian ay napinsala. Ayon
sa kapitan ng barangay lahat ng biktima ng bagyo ay makakatanggap ng relief goods sa paraang ang unang
makarating ang unang paglilingkuran , Paano mo maipapakita ang disiplina sa sarili sa ganitong senaryo?
A. Hulin a akong pupunta upang hindi ako makita ng mga tao
B. Susunod ako sa patakaran at hihintayin na ako’y mabigyan
C. Magbobolontaryo ako sa pamamahagi ng mga relief goods upang makakuha ako ng higit pa para sa
aking pamilya.
D. Sisingit ako sa pila para maunang mabigyan ng relief goods.
3. Nagtatrabaho si Marisa bilang isang kasambahay ,maaga siyang bumabangon upang makapagluto,
maglaba at maglinis ng bahay. Sa dami ng kanyang ginagawa,inaabot siya ng gabi upang matapos ang
kanyang tungkulin. Pinapayagan siya ng kanyang amo na magkaroon ng day off tuwing Linggo. Ang mga
sumusunod ay wastong paraan upang mabawasan ang kanyang pagod at stress.
A. Matulog at magpahinga
B. Kumain ng masustansiyang pagkain
C. Magsimba tuwing Linggo, manood ng sine making ng paboritong awitin at pumunta sa park
D. Pumunta sa bahay ng kanyang kasama hanggang umaga
4. Natanggap mo ang iyong Christmas bonus, at plano mong bigyan ng regalo ang iyong apat na kapatid.
Ngunit hindi sapat ang pera na hawak mo upang mabilhan sila ng regalo. Ano ang maaari mong gawin
upang maipakita mo ang patas na pagbibigay sa iyong mga kapatid?
A. Pagkakasiyahin ko ang pera ang hawak ko para makabili ng regalo para sa aking mga kapatid.
B. Isa na lang ang bibilhan ko ng regalo at ibibigay ko sa aking paboritong kapatid
C. Mangungutang ako ng pambili ng regalo para sa aking mga kapatid
D. Hindi ako magbibigay ng regalo dahil kulang ang pera na hawak ko.
5. Mayroong palaro na gaganapin sa inyong barangay barangay . Gusto ng grupo ninyo na manalo dahil sa
malaking pabuya na nakalaan para sa mananalo. Ang isa sa inyong grupo ay nagmumungkahi ng paraan na
labag sa patakaran ng laro at alam mong hindi ito tama. Ano ang maaari mong gawin upang maipakita
ang maganda at patas na kompetisyon?
A. Sumang-ayon sa mungkahi ng iyong kagrupo dahil gusto ring manalo.
B. Magmungkahi ng paraan ng hindi lalabag sa patakaran ng laro at ipaliwanag sa iyong kagrupo na ang
totoong pagkapanalo ay di nadadaan sa paglabag ng patakaran.
C. Umisip ng mas magandang paraan at ipagmalaki sa grupo at ikaw ang nakaisip ng mas magandang
paraan
D. Sasabihin sa ibang kagrupo ang plano ng iyong grupo upang bigyan sila ng babala.
6. Kumuha ng iyong anak ng pera sa iyong pitaka ng hindi humihingi ng pahintulot. Ito daw ay ipambibili niya
ng proyekto sa paaralan .Ano ang maaari mong gawin bilang magulang?
A. Hahayaan lang siya
B. Kakausapin at ipapaunawa sa kanya na mali ang kanyang ginawa
C. Papaluin at pagagalitan siya
D. Pagsasabihan siya sa harap ng maraming tao para hindi na niya ulitin
7. Ikaw ay estudyante na nag-aaral sa malayong paaralan kaya nangungupahan ka sa isang maliit na
dormitoryo malapit aa iyong paaralan . Magkaiba kayo ng relihiyon at paniniwala ng kasama mo sa
kwarto. Inalok mo siya ng pagkain na hindi nila kinakain. Paano mo maipapakita ang respeto at
pagtanggap sa kanyang paniniwala?
A. Hindi ko siya pipiliting kainin ang pagkain na hindi nila kinakain
B. Pipilitin ko siyang kainin ito at sasabihing walang makakaalam na kumain siya
C. Hihikayatin ko siyang ibahin ang kanyang paniniwala dahil sa tingin ko ay mali ang kanyang
paniniwala.
D. Hindi ko sya papansinin dahil hindi niya kinain ang binigay ko.
8. Ang mga tao na magkakaiba ang kulturta ay makapamumuhay ng may pagkakasundo kung sila
ay______________.
A. Iiwas sa isat’isa para maging mapayapa ang komunidad
B. Pakikipagkompitensiya sa isa’t isa
C. Hihimok sa diskriminasyon ng lahi
D. Mag-uunawaan at tatanggapin kung anuman ang kultura ng isat’t isa
9. Ang pagsagot ng po at opo ay isang paraan na nagpapakita ng ________
A. Kasiyahan
B. Pagtitiwala sa Panginoon
C. Katapatan
D. Pag-galang
10. Pinaghihirapang gawin ni Reynaldo ang lahat ng tungkulin na ipinagkakatiwala sa kanya.Pinagsisikapan
niya itong matapos bago ang takdang oras na palugit.Siya ay isang taong _________
A. Maalalahanin
B. Responsible
C. Matulungin
D. Matapat
11. Ang pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas ay naganap noong ________sa Kawit Cavite
A. June 12, 1898
B. July 4 1898
C. June 14,1897
D. June 12,1896
12. Bakit tinaguriang na unang bayaning Pilipino si Lapu-Lapu?
A. Tinuruan niya ng magagandang asal ang mga Espanyol
B. Inangkin niya ang titulong Haring Mandirigma ng Mactan
C. Siya ang nagpapalaganap ng Kristiyanismo sa buong bansa.
D. Nagtagumpay siya na paatrasin ang mga Espanyol matapos mapatay ang kanilang pinuno na si Ferdinand
Magellan
13. Ano ang dalawang tanyag na nobela na isinulat ni Dr. Jose Rizal?
A. Noli Me Tangere at El Filibusterismo
B. Pride and Prejudice and Manila Noir
C. Timawa: Isang Nobela at Ilustrado
D. Sa aking mga kabata at sa mga Kababaihan ng Malolos.
14. Ang pagtatapon ng basura sa ilog o sa iba pang –uri ng katubigan ay isang halimbawa ng ______
A. Kapabayaan ng kapaligiran
B. Pagiging mabuting mamamayan
C. Pangangalaga ng likas na yaman
D. Kapabayaan sa kasapi ng pamilya
15. Aling batas ang nagb ibigay ng proteksiyon sa mga bata laban sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso?
A. Republic Act 9165
B. Republic Act 7394
C. Republic Act 7610
D. Republic Act 9502
16. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagmamaltrato sa mga bata sa pamamagitan ng sikolohikal ,
pisikal, sekswal na pagmamalupit?
A. Diskriminasyon ng Lahi
B. Child Labor
C. Child Abuse
D. Human Traficking
17. Ang bawat batang Pilipino ay dapat may pamilyang nagmamahal ,nagaalaga, at gumagabay sa kanyang
pagkamit ng pangarap. Anong karapatan ng batang Pilipino ang tinutukoy nito?
A. Karapatang maging malakas at malusog
B. Karapatang maisilang at mabigyan ng pangalan
C. Karapatang magkaroon ng pamilyag mag-aaruga
D. Karapatang matuto ng mabuting ugali at magandang asal
18. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit mainam na panatilihin at pamahalaan ang pagkakaiba ng
ating kultura?
A. Upang maging mataas ang tingin sa sarili kaysa iba
B. Upang makiayon sa mas kilalang kultura
C. Upang masiguro ang pagkapantay-pantay at pagkakaiba ng bawat kultura.
D. Upang malaman na may higit na kultura kaysa iba
19. Ang sayaw ay mahalaga sa kulturang Asyano dahil ito ay paraan ng pagpapahayag ng mga bagay na
mahalaga sa kanila .Piliin ang hindi kadahilanan ng pagtatanghal ng mga Asyano?
A. Magpasalamat sa mgandang ani
B. Malugod na pagtanggap sa mga bisita
C. Pagtaboy sa kamalasan
D. Pagpapatawa ng manonood
20. Aling pahayag ang nagpapakita ng pagpapahalaga ng pagkakaiba ng kultura?
A. Dapat ipilit ng mag-asawang magkaiba ang kultura ang kanilang paniniwala at pagpapahalaga sa
isat’isa
B. Magulong komunidad ang kinabibilangan ng mga taong may naiibang kultura sa iyo
C. Hindi dapat na pantay ang oportunidad ng mga miyembro mula sa ibang grupong etnolingwistiko
D. Maaaring magtulungan ang mga taong magkaka-iba ang kultura upang mas umunlad ang kanilang
pamumuhay.
21. Sa isang komunidad ang mga taong magkakaiba ang kultura ay dapat
A. Magtutulungan sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad
B. Mag-iwasan para maging mapayapa ang komunidad
C. Makipaglaban sa isa’t isa upang magkaroon lamang ng isang dominanteng kultura
D. Magkaroon ng botohan kung anong kultura ang dapat sa komunidad
22. Bilang isang mabuting mamamayan, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa pagkakaiba ng ating
kultura?
A. Kilalanin na may higit na mataas na kultura kaysa iba
B. Tanggapin, respetuhin at pahalagahan ang kultura ng iba
C. Makiayon sa kulturang nais mo
D. Ituon ang pansin sa pagkakaparehas ng kultura
23. Alin sa mga paniniwala ang kadalasang naririnig tuwing may namamatayan?
A. Dapat na putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa
B. Bawal magpagupit ng kuko sa gabi
C. Hindi dapat na makabasag ng pinggan sa araw ng lamay
D. Dapat unahan ng babae ang lalaki sa simbahan
24. Makikita sa ngayon sa kupunan ng basketball sa PBA ang mga manlalaro mula sa iba’t ibang lahi. Ang
sitwasyong ito ay nagpapakita ng _______
A. Pagpapahalaga sa kapwa anumang lahi mayroon
B. Paghanga sa talento ng ibang lahi
C. Pagbibigay respeto sa kahalagahan ng iba
D. Pagbibigay pugay sa kakayahan ng kapwa manlalaro anuman ang lahi nito.
25. Maaaring _________kapag nakikipaghalubilo sa mga taong iba ang kultura
A. Makaramdam ng diskriminasyon ng lahi
B. Manirahan sa ibang bansa ang isang tao
C. Mag-iba ang pamumuhay ng isang tao
D. Lumawak ang kaalaman at pag-unawa ng isang tao
26. Bakit mahalaga ang pagtanggap , pagrespeto at pagpapahalaga ng kultura ng ibang bansa?
A. Upang magkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa
B. Upang malaman kung anong kultura ang bukod tangi sa lahat
C. Upang malaman ang modernong kultura
D. Upang magkaroon ng maraming organisasyong internasyonal
27. Hindi magiging mapayapa ang pagsasama ng dalawang grupo na mag-kaiba ang kultura kung hindi nila
tinatanggap, nirerespeto at pinahahalagahan ang bawat isa . Ito ay posibleng maging sanhi ng _____
A. Malaks na ugnayan sa mga taong iba ang kultura
B. Maayos nap ag-unawa sa bawat isa
C. Hidwaan at pagbubuklod sa lipunan
D. Pag-unlad ng ating komunidad
28. Napansin ni Tina na madalas atakihin ng hika ang kanyang anak simula ng nagsusunog ng basura ang
kapitbahay nilang si Juan. Ano ang nararapat gawin ni Tina?
A. Magsawalang kibo na lamang upang maiwasan ang hindi pagkakasundo
B. Kausapin si Juan na doon na lamang sa malayo magsunog ng basura
C. Kausapin si Juan ng mahinahon at sasabihing hinihika ang anak niya dahil sa usok
D. Awayin si Juan dahil sa epekto ng usok sa kaniyang anak.
29. Itinatag ang Kilusang Propaganda nina Jose Rizal at Graciano Lopez Jaena sa Europa para magbigay
inspirasiyon sa mga Pilipino sa Pilipinas . Alin sa mga sumusunod ang itinatag ni Andres Bonifacio?
A. Hukbalahap
B. La Solidaridad
C. Noli Me Tangere
D. Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan
30. Si Gregorion Del Pilar ay namatay habang nakikipaglaban sa mga Amerikano
Alin ang naging taguri kay Hen. Del Pilar?
A. Ama ng Katipunan
B. Utak ng Rebolusyon
C. Bayani ng Pasong Tirad
D. Bayani ng Ilokos

You might also like