You are on page 1of 5

Isang pag aaral hinggil sa pag gamit ng Wikang Filipino sa iba’t ibang larangan

ABSTRAK

Ang wika ang nagbubuklod sa bawat mamayan na syang sumasalamin sa pagkatao ng

isang tao maging sa bansa. Mayaman ang bansang Pilipinas sa mga lenggwahe sapagkat sa

bawat pulo ay may natatanging lenggawahe na syang kailang pinagkakakilanlan. Filipino ang

pangunahing ginagamit na wika ng mga Pilipino sapagkat ito ang wika na tumugon sa

pamantayan ng wikang gagamitin sa buong kalipunan.

Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron

sila. Napakahalaga na pagsanayang magamit natin ang ating wika, ayon sa ikapananatili nito at

kalinangan ng pag-iisip. Sapagka’t ang sariling wika ng isang bansa ay ang susi sa kaunlaran. Ang

pagkakaroon ng sariling wika ng isang bayan ang larawan ng pagkakaroon ng mabuting

pakikipagtalastasan, kaisahang pag-iisip at magkakaroon lamang ng pagkakaisang may

pagmamalasakit nang bawa’t pamayanan. Ang wikang Filipino ay ginagamit sa piling larangan na

nakakatulong upang mapalawig ang kaalaman ng isang tao sa iba’t- ibang pag-aaral.

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang gamit ng Filipino as iba’t- ibang larangan.

Nais ng mga mananaliksik na pag-ibayuhin ang kaalaman sa paggamit ng Filipino sa iba’t- ibang

larangan upang makatulong ng malaki sa mga mag-aaral, mga taong nahihirapan sa paggamit ng

tama sa wika at maintindihan ang gamit nito. Malaman ang gamit ng wikang Filipino sa iba’t-

ibang larangan.
Introduksyon

Bilang mga tao, nagbiyaya ang Panginoon ng isipan upang gamitin at ipalaganap.

Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at

desisyon ng sarili. Sa paaralan, tinuturo ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng

wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malayang bansa.

Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakainindihan ang lahat ng tao.

Iba't-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad

ng Wikang Filipino.

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kasangkapang ginagamit ng lahat

ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Ang pagsilang ng wika ay nagibibigay buhay sa

sibilisasyon. Sa pamamagitan nito, malinaw na nailalarawan ang bawat karanasan at damdamin ng

bawat tao. At sa pagkakaroon ng sariling wika ay lubusang naipapahayag ng nakararaming

mamamayan ang kanilang kaisipan.

Si Manuel L. Quezon ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Siya ang nangunang

maghubog ng Wikang Pammbansa na Wikang Filipino. Marami tayong wika dito sa bansa katulad

ng Cebuano, Boholano, Ilocano, Tagalog, at iba pa. Marami tayong iba’t-ibang wika dahl sa

archepilagong hugis ng ating bansa. Layu-layo ang mga lugar at isla na bumubuo nito .

Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito. Ang wika ay isang

paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao. Iba’t-ibang wika sa

bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino.

Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila.

Napakahalaga na pagsanayang magamit natin ang ating wika, ayon sa ikapananatili nito at
kalinangan ng ating pag-iisip. Sapagka’t ang sariling wika ng isang bansa ay ang susi sa

kaunlaran. Ang pagkakaroon ng sariling wika ng isang bayan ang larawan ng pagkakaroon ng

mabuting pakikipagtalastasan, kaisahang pag-iisip at magkakaroon lamang ng pagkakaisang may

pagmamalasakit nang bawa’t pamayanan.

Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang paraan

para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga

ng kanyang mga katangian ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang

komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng

panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga

damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan.

Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating

ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng

pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at

maibahagi ang iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay,

sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at higit

lalo na sa bansa.
Mga Kaugnay na Pag aaral

Ang wikang Filipino ay pambansang wika at opisyal na wika ng Pilipinas.Mayroon na

itong mahabang kasaysayan sa bansa. Simula nang ituro ito sa sistema ng edukasyon noong dekada

1940, hanggang sa maging midyum ito ng pagtuturo sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal noong

dekada 1970, yumabong na ang Filipino bilang isang ganap na disiplina at pananaw sa pakikipag-

ugnayang pandaigdig. Isa rin itong maunlad na larangan, maunlad dahil sa pagkakaroon nito ng

iba’t ibang sub-erya at dahil sa interdisiplinal at transdisiplinal na ugnayan nito sa ibang larangan

gaya ng panitikan, pilosopiya, antropolohiya, kasaysayan, sikolohiya, at politika.

Isang arkipelago ang Pilipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika.

Ang maganda sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat

etnolingguwistikong grupo. Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang

pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay

gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na

batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3)

http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/171158/kasaysayan-ng-wikang-filipino/story/

Sa sarbey ng SWS 2 sa bawat 3 Pilipino ang nagsasabing mahalagang-mahalaga ang pagsasalita

ng Filipino. Lumabas din na 71 porsyento ng nasa Luzon, 55 porsyento ng nasa Bisaya at 50

porsyento ng nasa Mindanao ang sumagot na mahalagang–mahalaga ang pagsasalita ng Filipino.

Sapat itong batayan na mahalagang-mahalaga ang wikang Filipino saanmang panig ng Pilipinas.

http://panulatnirom.blogspot.com/2012/10/wikang-filipino-hininga-kapangyarihan.html

You might also like