You are on page 1of 4

FRANCISCO, Ma. Melody B.

AUGUST 11, 2018


BS Architecture 5-2 HIST 1023 / Prof. Ailyn M. Tagle

Reaksyon ukol sa:


2018 State of the Nation Address ni Pangulong Duterte

Noong eleksyon pa lamang ay hindi ako sang-ayon sa pagtakbo ni Duterte, ngunit ngayong siya
ay naging Presidente na ng ating bansa ay sinusubukan kong mas maging bukas ang akin isipan sa mga
plano niya para sa Pilipinas. Gusto kong suportahan ang kayang mga gustong marating para sa ating bansa
ngunit di ko masasabing sang-ayon ako sa mga paraang pinili niya para makamit ang mga ito.

Una sa lahat ay gusto ko munang ipahayag na ako bagama’t may kaunting kaalaman lamang
ako ukol sa mga isyung natalakay sa State of the Nation Address ni Pangulong Duterte ay sinusubukan kong
maging mas mainam at maging parte ng mga usapang pambamsa. Inaamin ko na ako’y di naging ganoon
kaaktibo pagdating sa pakikibaka tungkol sa kalagayan ng Pilipinas pero sa tingin ko ang asignaturang ito ay
isa sa mga magiging dahilan para ako’y mas mamulat pa sa mga importanteng bagay na dapat ipaglaban ko
bilang isang Pilipino.

Noong binasa at pinanuod ko muli ang State of the Nation Address ni Pangulong Duterto noong
2017 ay tila pagkabigo lamang ang aking nasa isip dahil sa ikinahiya ko lamang ang ating presidente dahil sa
kanyang pagsasalita. Ilang mura ang naisingit sa isang pormal na talumpati at hindi ko to matanggap dahil
ang isang taong may maduming bokabularyo pa ang narerepresenta sa ating bansa. Bukod sa pagpresenta
ni Pangulong Duterte ay tila may halaga naman ang kanyang mga ibinanggit sa kanyang SONA na
sinangayunan ko tulad ng pag-aalis ng korapsyon sa gobyerno; pagpapahalaga sa natural resources natin;
pagpsasakatupad ng isang departamento para sa disaster risk management; paghahangad sa isang
mapayanag bansa; pagbibigay halaga sa pagrepresenta ng mga OFWs, Muslim, indigenous people, mga
kababaihan, mga bata, at ang mga mahihirap sa ating bansa; pagtatayo ng mga imprastraktura para sa
ikabubuti ng bansa; at iba pang mga proyekto at pangako sa tungkol sa edukasyon, health, traffic laws. Sa
lahat ng kanyang inilahad na plano ay nanguguna pa din sa lahat ang kanyang “Battle against illegal drugs”
na kanyang ipaglalaban pa mula noong eleksyon pa lamang. Sang-ayon naman ako sa ibang inilahad niya
dito ngunit ako’y may pagdududa kung magagawa ba niya ang mga ipinangako niya sa tamang paraan.

Kung ikukumpara ang pag-presenta ni Pangulong Duterte ng kanyang State of the Nation
Address noong 2017 at 2018 ay mas pormal at mas maganda ang kinalabasan ng kanyang talumpati
ngayong taon. Ang makokomento ko lamang sa pag-presenta niya ngayon taon ay sana ito ay ginawa sa
Filipino imbis na purong Ingles lamang. Mas nadinig at naintindihan ng mga mamayang Pilipino ang SONA
niya noong 2017 dahil kahit papaano ay may Filipino na naisama sa kanyang talumpati. Sana ay sa susunod
ay maging purong Filipino na ito para lahat ng mamamayan, marunong man mag-Ingles o hindi, ay
makakaintindi sa kanyang mga inilalahathala dahil kung tutuusin ang State of the Nation Address ay mas
para sa ating mga Pilipino at hindi sa mga bisitang dayuhan.

Halos lahat ng ibinanggit ni Pangulong Duterte sa SONA niya noong 2017 ay katulad din ng
laman ng SONA niya ngayong taon. Tulad na lamang sa kayang laban sa droga na patuloy niyang
sinasakatupad at giniit pa lalo sa panahon ngayon. Nakakatakot isipin na ang presidente natin mismo ay
may lakas ng loob na magsakripisyo ng buhay ng kanyang mga tao dahil lamang sa mga gusto niya at
pinaniniwalaan ng buong puso. Nakaka-alarma din ang pagbigay niya ng kahulugan sa “human rights” at
“human lives” na tila parang baluktot at wala sa hulog sa aking opinyon dahil sa tingin ko ay hindi dapat
ganito magsalita at mag-isip ang pangulo ng isang bansa. Sang-ayon naman ako na dapat itigil ang mga drug
pushers sa pagkakalat ng mga illegal na droga pero hindi naman sa paraan na may libo-libong inosente at
mga taong may pag-asa pang ma-rehabilitate na ang mamamatay para lang sa vision ng pangulo natin para
sa ating bansa. Kailan ba magiging katanggap-tanggap ang pagkamatay ng 4,520 drug suspects sa kanyang
anti-drug operations? Hindi ba basic human right ng mga tao ang mabuhay? Nakakalungkot lang isipin na
ang mga ganitong tanong ay tila hindi tumakbo man lng sa isipan ng ating pangulo.

Sa ibang aspeto ay may pag-usad naman ang gobyerno sa pagsasakatupad ng mga iniutos at
ipinangako niya noong nakaraang taon ngunit ang nagkukulang para sa akin ay ang mga datos bilang
proweba kung totoo nga ba ang iba sa mga inilahad niya. Ang iba naman sa kanyang ipinangako noon ay
tila baluktot naman ang kinalabasan ngayon tulad ng pagtanggal daw ng pangulo ng mga corrupt na opisyal
sa gobyerno pero ang ibang opisyal na may isyu ay andun pa din, yung iba ay napromote pa at ang pinaka-
kontrabersyal din ngayon ay ang pag-takda kay Gloria Arroyo bilang isang house spekar. Isa pang ehemplo
nito ay ang nabubuong relasyon ng bansa natin sa bansang China na nagdudulot daw sa atin ng economic
benefits pero tila nawala na sa usapang pambasa ang isyu tungkol sa West Philippine Sea. Ang
pagsasakatupad din ng TRAIN law at tila naging malaking isyu dahil sa hindi pagiging impormado ng mga
tao sa senado tungkol sa totoong karanasan ng mamamayang Pilipino sa mga pang-araw araw na gastusin.
Marami pang isyu na pinoproblema ng ating bansa ngayon at sa nakikita ko ay nalimita lamang ang
natalakay ni Pangulong Duterte sa kanyang ikatlong SONA sa mga nauna niyang ipinangako noong
nakaraang taon.
Hindi naman lahat ng naisagawa at naisakatuparan ng administrasyong Durete ay negatibo
para sa ating bansa at masasabi ko namang hindi naman ganun kasarado ang aking isipan para hindi bigyang
halaga ang mga mabuting naidulot ni Pangulong Duterte. Naniniwala naman ako na ginagawa ni Pangulong
Duterte ang lahat ng makakaya niya para sa mga pinaniniwalaan niyang ikakabuti ng bansa, ipagdarasal ko
lang na sana ay maging magkatugma ang pangarap ni Duterter at ang pangarap ng mga Filipino para sa
ating bansa.

Hindi ko man natalakay ang lahat ng sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA dahil sa
kulang sa aking kaalaman sa ibang isyu ay mananatili akong makikibaka sa mga ganap sa ating bansa simula
ngayon. Minsa’y naiinggit na lamang ako sa kalagayan ng mga ibang mauunlad na bansa imbis na makisali
pa sa mga problema ng aking bayan dahil tila nakakalungkot na lamang ang kinahinatnan ng bansa natin.
Pero kahit na nakakalungkot na minsan ang estado ng ating bansa ay mananatili pa din akong mangangarap
na may pag-asa pa din tayo. Pare-pareho naman tayong mga Filipino na gustong lumaganap pa lalo ang
bansa natin, ipinagdarasal ko na lang na sana ay hindi lang magiging tama ang tatahaking landas ng Pilipinas
kundi “morally right”. Sana ay marinig din ang mga boses ng mga tao upang maitaguyod pa ang kinabukasan
ng ating bansa.
References
Inquirer.net. (2017, July 24). FULL VIDEO: Rodrigo Duterte's State of the Nation Address 2017. Retrieved
August 10, 2018, from Youtube.com: https://www.youtube.com/watch?v=35g4eujoPX4

Inquirer.net. (2018, July 23). FULL VIDEO: Rodrigo Duterte's State of the Nation Address (SONA) 2018.
Retrieved August 10, 2018, from Youtube.com:
https://www.youtube.com/watch?v=BGkRWHwT2JE&t=4s

Rappler. (2017, July 25). FULL TEXT: President Duterte's State of the Nation Address 2017. Retrieved
August 10, 2018, from Rappler.com: https://www.rappler.com/nation/176566-full-text-
president-rodrigo-duterte-sona-2017-philippines

Rappler. (2018, July 24). FULL TEXT: President Duterte's 2018 State of the Nation Address. Retrieved
August 10, 2018, from Rappler.com: https://www.rappler.com/nation/207989-rodrigo-duterte-
sona-2018-philippines-speech

Rappler Research Team. (2018, July 25). What you need to know about what Duterte said in 2018 SONA.
Retrieved August 10, 2018, from Rappler.com: https://www.rappler.com/newsbreak/fact-
check/208021-2018-sona-duterte-fact-check-context

You might also like