You are on page 1of 1

Habang nanonood kayo, isaisip ang mga sumusunod:

1. Ang “Gung Ho” ay kasbihang Ingles na ibig sabihin ay: “ganadong-ganado” o “paninging punung-
puno ng pag-asa.”
2. Ginawa ito noong 1986. Kaya walang cell phone, walang Internet, walang texting, walang laptop.
3. Gawa ng mga Amerikano itong sine. Kaya maaring binibigyang-diin ang mga pagkukulang ng mga
Hapon batay sa tingin ng mga Amerikano.
4. May mga ipinapikita tungkol sa mga Hapon, katulad ng pagtitipon ng mga executive na
pinarurusahan sa simula. Kung talagang nangyayari ang lahat ng ito, hindi natin masasabi nang tiyak.
5. Kung mayroon kayong karanasan ng pagtrabaho sa bansang Hapon, o sa kumpanyang may boss na
Hapon, ano ang inyong naaalala tungkol sa mga paraan ng pagtrabaho ng mga Hapon, lalo na ang
mga executive, o mga boss, o supervisor?

Mga Pangunahing Panauhin:

Michael Keaton as Hunt Stevenson


Gedde Watanabe as Takahara Kazuhiro
George Wendt as Buster, kaibigan ni Hunt
Mimi Rogers as Audrey, girlfriend ni Hunt

Mga Gabay na Tanong na Maaring Talakayin:

1. Anu-ano ang mga pagkakamali ni Hunt sa pagpunta niya sa Assan Motors at sa meeting ng mga
executive nito?
2. Bakit nagsisigawan ang mga lalaking Hapon sa simula ng sine?
3. Anu-ano ang reklamo o pagdududa na inilabas ng mga taga-Hadleyville sa town meeting?
4. Sa unang araw ng pamumuno ng mga Hapon sa pabrika ng Hadleyville, anu-ano ang mga
problemang lumitaw, halimbawa sa morning exercise?
5. Bakit nangyari ang mga probleang ito? Paano sana naiwasan ang mga problemang ito?
6. Sa paglaro ng mga Amerikano at Hapon ng baseball, ano sana ang magiging mabuting resulta nito?
Ano ang naging problema? Bakit hindi nagreklamo ang mga Hapon na dinaya sila sa laro?
7. Anu-anong mga pagbabago ang ginawa ng mga Hapon na hindi matanggap ng mga Amerikanong
empleyado?
8. Anu-anong mga pagkakaiba ng paningin ng mga Hapon at mga Amerikano sa halaga ng tarbaho?
9. Sino ba ang tama – mga hapon o mga Amerikano? Anong paraan ng pagtrabaho ang mas mabuti o
mas mabisa?
10. Ano ba ang estilo o paraan ng mga Pilipino sa pagtrabaho? Ano ang matututo natin sa mga Hapon at
mga Amerikano tungkol sa halaga ng trabaho?

You might also like