You are on page 1of 2

BUWAN NG WIKA

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at


malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang
sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa
ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay
kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Ang wika ng
isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay
buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa
mga kumunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa
pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang
bawat tao. Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating
pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t ibang
impluwensya sa bansa na siyang nakapagbago at humulma
sa pagkatao ng mga mamamayan. Samakatuwid, ang wika
ay batayan ng natatanging kultura ng isang bansa. Ang
Pangulong Manuel L. Quezon ang tinaguriang “AMA NG
WIKANG PAMBANSA”.

You might also like