You are on page 1of 4

Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera

1. Establishing / Long Shot – Sa ibang termino ay tinatawag na


“scene- setting”. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong
senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging
takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.

2. Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula


baywang paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong
may diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap.
Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong detalye.

3.
Close-
Up
Shot –
Ang
pokus
ay
nasa
isang
partikular na bagay
lamang, hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay
ang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang
papel.

4. Extreme-Close Up
– Ang pinakamataas
na lebel ng “close-up
shot”. Ang
pinakapokus ay isang
detalye lamang mula
sa close-up
. Halimbawa, ang
pokus ng kamera ay
nasa mata lamang sa halip
na sa buong mukha.

5. High Angle Shot –


Ang kamera ay nasa
bahaging itaas, kaya ang
anggulo o pokus ay
nagmumula sa mataas
na bahagi tungo sa
ilalim.
6. Low
Angle Shot
– Ang
kamera ay
nasa
bahaging
ibaba, kaya
ang
anggulo o
pokus ay
nagmumula
sa ibabang
bahagi
tungo sa
itaas.
7. Birds Eye-View – Maaari ring maging isang “aerial shot” na
anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay
nasa ibabang bahagi.

You might also like