You are on page 1of 1

Ang pilipinas ay binubuo nga ibat ibang etnolinggwistikong grupo.

bawat isa sa mga grupong ito ay may kanya-kayang


sariling wika. ayon kay Dr. Ernesto Constantino (Magracia at Santos, 1981:1) mahigit sa limandaang (500) mga wika at
wikain ang ginagamit ng mga Pilipino. Sa ganitong uri ng kaligiran, isang imperatibong pangangailangan para sa
Pilipinas ang pagkakaroon ng isang wikang pambansang magagamit bilang instrumento ng bumibigkis at simbolo ng
ating kabansaan o nasyonalidad.

Sa panahon ng Kastila, lalong nagkawatak-watak ang mga Piipino. Matagumpay na nahati at nasakop ng mga dayuhan
ang mga katutubo. Napanatili nila sa ilalim ng kanilang kapangyarihan ang mga Pilipino ng humigit-kumulang sa
tatlong daang taon. Hindi nila itinanimsa isipan ng mga Pilipino ang kahulugan ng isang wikang magbibigkis ng
kanilang mga isip at damdamin. Sa halip ang mga prayleng Kastila ang mga nag-aral ng katutubong wika ng ibat-ibang
etnikong grupo. Ang wika ng mga katutubo ang naging midyum ng komunikasyon sa panahong yaon; ang naturang
wika ang siyang ginagamit ng mga prayleng Kastila sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan sa mga katutubong
Pilipino.

Hindi rin itinuro nga mga Espanyol ang kanilang wika, ang wikang Kastila sa mga katutubo na takot na magkabuklud-
buklod ang mga isipan at damdamin ng mga mamamayan at mamulat sa tunay na mga pangyayaring nagaganap sa
kanilang lipunan at tuloy matutong maghimagsik laban sa kanilang pamamahala.

sa panahon ng Propaganda (1872), tagalog ang wikang ginamit sa mga pahayagan. Pinagtibay ng Konstitusyon ng
Biak-na-Bato noong 1899 ang wikang tagalog bilang wikang opisyal.

Sa panahon ng Amerikano,

You might also like