You are on page 1of 2

MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA SINAUNANG PANAHON SA SILANGAN AT HILAGANG ASYA

SILANGAN AT HILAGANG ASYA

MGA DINASTIYA SA CHINA

1.Dinastiyang Zhou o Chou (1112-221 BCE )-Naipasa sa dinastiyang Zhou ang”Basbas ng Langit”(Mandate of Heaven) at
ang titulo na “Anak ng Langit” (Son of Heaven).Naimbento ang bakal na araro.Ipinagawa ang mga irigasyon at dike laban
sa pagbaha ng Huang Ho.Nagpagawa ng mga kalsada at sumulong ang kalakalan.Naimbento ang sandatang crossbow at
bumuo ng hukbong nakakabayo at gumamit ng chariot.Dahil malawak ang teritoryo ng Zhou, humina ang control nito sa
nasasakupang estadong lungsod.Nauwi ito sa panahon ng digmaan ng mga estado o warring states.lumitaw ang
pilosopiyang ConFucianism at Taoism.Si Confucius ang naghain ng solusyon sa kaguluhan ng lipunan.

2.Dinastiyang Qin o Ch”in (221-206 BCE)-Nagapi ng Qin ang mga kalabang estado sa ilalim ng pamumuno ni
Zheng.Napabagsak ni Zhen gang Zhou noong 221 BCE.Idiniklara ni Zhen ang sarili bilang si Shi Huangdi o Shi Huang Ti,na
nangangahulugang “Unang Emperador”.Naganap ang konsolidasyon sa China sa panahon ng Qin.Pinili ni Shih Huangdi
bilang tagapayo ang mga iskolar ng pilosopiyang legalism.Kailangang malulupit ang batas at mabibigat ang parusa upang
maabot ang kaayusan,ayon sa legalism,Si Li Xi ,makakasama sa agrikultura,medisina,at mahika.Inutos ni Shi Huangdi na
ipatayo ang Great Wall of China bilang proteksiyon sa pag-atake ang mga kalaban.Sa pagkamatay ni Shih Huangdi
bumagsak din ang dinastiyang Qin.

3.Dinastiyang Han (206 BCE-220 CE)-Kinikilala ang Han bilang isa sa mga dakilang dinastiya sa China.Itinatag ito ni Liu
Bang noong 206 BCE.Pinalitan niya ang mararahas na patakaran ng Qin.Ang Confucianism ang nagging opisyal na
pilosopiya.Natamo ng Han ang tagumpay sa panahon ni Wudi o Wuti.Pinalawak ni Wudi ang teritoryo sa pamamagitan
ng pagsakop ng iba pang teritoryo.Sa panahon din ito napatanyag ang silk road,isang ruta ng kalakalan.Sa tala ng
dinastiyang han, isang pangkat ng mga Tsinong juggler ay nakarating sa Rome.Nakarating sa Rome ang seda ng China na
tinatawag na seres.Sa dinastiyang ito naimbento ang papel,porselana,at water-powdered mill.Nabuhay sa panahong ito
si Simaqien,ang dakilang historyador ng China.

4.Dinastiyang Sui (589-618 CE)-Mabilis na pumalit ang dinastiyang Sui pagkatapos bumagsak ang Han.Napasok din sa
China ang mga nomadikong mandirigma.Watak-watak ang China.nang may 400 na taon.Umabot ang Buddhism sa
China.Bumalik ang konsolidasyon .Itinayo ang Grand canal.Itinatag ito ni yang Jian.

5.Dinastiyang Tang (618-907 BC)-Ang dinastiyang Tang ay itinuturing ding Gintong Panahon ng China.Dito nakaranas ang
mahabang panahong kapayapaan na tinatawag na Pax Sinica.Labis na nagdusa ang mga magsasaka dahil ginamit silang
manggagawa sa proyekto ng Sui.Nag-alsa ng mga ito na pinamunuan ni Li Yuan.Naitatag ang dinastiyang Tang dahil sa
pag-aalsang ito at doon na tinawag si Liu Yuan na Emperador Tai Cong.pangalawa ang Tang sa mga dakilang dinastiya ng
China.Naimbento sa panahong ito ang woodblock printing na siyang nakapagbilis ng paggawa ng mga kopya ng mga
sulatin.

6.Sung (960-1278)-Nagkawatak-watak muli ang China nang bumagsak ang dinastiyang Tang.Naitatag ang dinastiyang
Sung at itinuring na ikatlo sa mga dakilang dinastiya.Itinatag ito ni Heneral Zhao Kuangyin.Nagpatuloyang pagsalakay ng
pangkat-etniko sa Hilagang Asya.Kahit nasakop na sila ng mga nomadiko patuloy pa rin ang pamumulaklak ng kanilang
sining at panitikan.Sa dinastiyang ito naimbento ang gun.
7.Yuan (1278-1368))-Daidu ang nagging kapital ng Yuan.Ito ang unang banyagang dinastiya ng China.Si Kublai Khan ang
nagtatag ng dinastiyang Yuan.Ipinairal ng Mongol ang Confucianism bilang pilosopiya.Nasa mataas na posisyon ang
imperyo ng mga Mongol.Nagkaroon ng maraming manlalakbay sa Yuan at isa na doon si Marco Polo.

8.Ming (1368-1644 CE)-Pagkatapos ni Kublai Khan,mahihinang mga emperador na ang pumalit.Katunayan,noong 1368
napabagsak ng hukbo ni Zhu Yauanzhang ang Mongol sa Daidu at itinatag ang Ming.Ang Ming ang ikaapat sa mga
dakilang dinastiya sa China.Nanumbalik ang mga Tsino sa pamamahala ng kanilang bansa.

MGA DINASTIYA SA KOREA

1.GOJOSEON O Lumang Joseon (2333-108 BCE)-Noong Panahon ng Bronze 3000-300 BCE, nagkaroon ng hiwa-hiwalay na
estadong pamayanan sa Korea.Isa sa pinakamalakas ay ang Gojoseon na itinatag ni Dangun.Mula sa pagiging estadong
pamayanan,ito ay nagging kaharian.Nasakop ng Han ng China noong 109BCE ang Gojoseon.Nagpatuloy ang
pangingibabaw ng Tsino hanggang313 CE.

2.TATLONG KAHARIAN (313-668 CE)-Sa Timog na bahagi kung saan nanatiling Malaya ang mga pamayanan ay nabuo ang
tatlong kaharian:Ang GOGURYEO (37 BCE-668 CE), BAEKJE (18 BCE-663 CE) at SILLA (57-668 BC)Tinawag ito bilang
Panahon ng Tatlong Kaharian,Unang nabuo sa tatlo bang Goguryeo noong 37 DCE.Noong 313 BCE,tinalo ng Goguryeo
ang hukbong Tsino.Nabuo ang Baekje sa Timog- Silangan kaya nagging malapit ang pakikipag-ugnayannito sa China at
Japan.Ang lipunan ng tatlong kaharian ay pinamumunuan ng mga aristokratikongmandirigma.Hiniram nila ang sistema
ng pamahalaang Han sa China,Buddhism at tradisyon ng pagsusulatng kasaysayan.

3.PINAG-ISANG SILLA (668-935 CE)-Noong ika-anim na siglo ang Baekje at Goguryeo ay pinahinang mga sigalot ng
kaharian.Samantala, ang SILLA naman ay pinamunuan ng isang magalingna hari kayat nasakop nito ang mga katabing
kaharian.Unang bumagsak ang Baekje at sumunod ang Goguryeo.Napag-isa ng Silla ang halos kabuuan ng
Korea.Mataposang pitong taon ,napatalsik nila ang mga Tsino sa Korea.

4.BALHAE (698-926 CE)- Ang Balhae ay itinatag ni Dae Joeyong.Matatagpuan ito sa Hilaga ng Korea na umaabot
hanggang Manchuria.Ang kultura nito ay pinagsanib na Tang at Goguryeo.Noong ika-10 siglo nasakop ito ng mga
nomadikong Khitan.

5.GORYEO O KORYO (918-1392CE)-Ang Goryeo ay itinatag ni Wang Geon.Ang pangalang Korea ay nagmula sa kahariang
ito.Ang buong Korea ay napasailalim ng iisang kaharian.Sa laranganng sining,nakalikha ang Goryeo ng sariling istilo ng
porselanana tinatawag na celadon.

MGA DINASTIYA SA JAPAN

ANG LIPING YAMATO AT NARA-Ito ang paglaganap ng impluwensiyang Tsino at Japan.Naging tulay ang Korea sa
pagdating ng Buddhism at Confucianism.Itinayo ang lungsod ng Nara noong 710 CE.Itinayo ang bagong kapital ng Japan
sa Heian.Si Fujiwara Kamatari ang batang emperador ang nagging regent.Ang regent ang siyang namamahala sa ngalan
ng emperador.Namayagpag ang eleganteng pagsusulat ng tula,sining ng calligraphy,at pananamit.Naisulat sa panahong
ito ang dakilang nobela na “The Tale of Genji” ni Mura saki Shikibuo Lady Murasaki.Nagkaroon ng labanan ng mga
angkang aristokratiko sa huling bahagi ng Murasaki.

You might also like