You are on page 1of 1

Christian M.

Cruz

STEM 12-7

Replektibong Sanaysay

Nang mapanood ko ang “A Taxi Driver”; sa una, akala ko’y isang tipikal lang na pelikulang
tungkol sa isang amang nagmamahal sa kanyang anak na babae dadaloy ang kwento ngunit may mas
matindi pa palang kaganapan nang sumunod.

Sa mga unang bahagi ng pelikula, ipinakita ng bida ang kabaitan at katapatan niya sa kanyang
mga nagiging pasahero. Na kahit lugi o kulang ang bayad sa itinakda ng metro ay wala siyang angal o ni
patagong inis na naramdaman kontra sa mga ito. Pagkauwi sa kanilang inuupahang bahay ay sinalubong
siya ng kanyang babaeng anak na sabik makita nito. Masasalamin na kahit ibang lahi ay may kultura
silang lubos ang pag-ibig kung pamilya na at pakikipagkapwa parin ay naisasabuhay.

Isa pa, sa una, nakitang ang mga tao’y tila may ipinaglalaban kontra sa kanilang gobyerno. Mga
magulang, estudyante at maging kung sino pa ay kaisa dito. Hindi na iba ‘to sa isang demokrasyang
bansa. Ang gobyerno na dapat ay nakikinig sa kanyang mamamayan. Ngayon ko lang nalamang dumanas
rin ang bansang South Korea ng ganitong kaguluhan na malayo sa itsura ngayon ng kanilang bansa ay di
mo akalaing nahirapan rin sila kumpara sa bansa nating mukhang ganun parin ang sitwasyon matapos
ang maraming taong nakalipas.

Halos umikot ang buong kwento sa paglaban at mga pagsubok ng isang banyagang reporter.
Maiuugnay natin ang "pinakamalagim na araw sa kasaysayan ng pamamahayag" o ang Masaker sa
Maguindanao, isang insidente ng pamamaslang na naganap sa bayan ng Ampatuan sa lalawigan ng
Maguindanao sa pulo ng Mindanao noong 23 Nobyembre 2009. Ang insidenteng ito ay isa sa mga
pinakamalubhang kaharasang pampolitika. Sa pelikula, dahil sa ipinatupad na batas military kaya’t
nagkaganun ang kanilang bansa. Maging rin ang bansa natin ay dumaan rin sa ganoon. Ibig sabihin nito,
‘di ligtas sinuman habang may umiiral na paghihigpit sa batas ang gobyerno. Pinipigilan ang lahat na
magsalita at magpahayag ng saloobin. Papatahimikin ang lahat ng kokontra sa gobyerno.

Madalas nating nakikita, napapansin na sa paligid natin espisipiko sa “P.U.P”, ang mga
kabataang may ipinaglalaban. Mga eskolar ng bayan na walang tigil kakasigaw upang marinig lamang ng
ating pamahalaan. Ako aaminin ko, sila ay nakakaabala sapagkat sa kanilang paglaban ay natatapat sa
oras ng klase na halos wala nang marinig sa binibigkas ng guro dahil sa ingay na kanilang idinudulot.

Sa palabas, sinabi ng bida sa isang estudyante na nag-aaral sa unibersidad na kung bakit ‘di na
lang siya mag-aral lamang? At huwag na ito lumaban para ‘di na madamay. Ang sagot ng estudyante
naman ay mahihinuha kong mas higit pa ang layunin ng estudyante kung tunay ngang edukasyon ang
pinaguusapan.

Sa pangkalahatan, ang tanging tumatak sa puso’t isipan ko mula sa bida ay tumulong sa kapwa
ng walang anumang kapalit, pagyabungin ang kaloobang Nasyonalismo at isabuhay ang kabutihan ng
pagiging isang tunay na tao na may awa at ninanais ay kabutihan lamang.

You might also like