You are on page 1of 2

Liham Pangkaibigan

54 Matatag St. Purok 6,


Malolos, Bulacan
Ika-20 ng Marso, 2010

Mahal kong Maria,

Kamusta na ang aking matalik na kaibigan. Matagal na rin tayong hindi


nagkitamula ng lumuwas ka sa Maynila para mag-aral. Madalas akong dumaan
sa inyong bahay para makibalita sa iyong ina kung ano na ang nagyayari sa
iyo.Salamat pala sa iyong pinadalang regalo noong nakalipas kong kaarawan.
Salamat athindi ka pa rin nakakalimot sa akin at maganda nating pagkakaibigan.

Sabi ng Nanay baka hindi pa rin daw ako makakapag-aral nitong darating na
pasukan.Wala kasing permanenteng trabaho si Itay. Kaya kailangan ko muna
silang tulungan parasa pang-araw-araw na gastusin dito sa bahay. Siya nga pala,
may trabaho na ako bilangisang kahera dito sa atin. Maliit lang ang sweldo pero
nakakasapat na rin kahiut papano atnakakatulong din sa aming pamilya.

Hanggang dito na lamang at sana lagi kang mag-iingat diyan. Ilibre mo naman ako
pagnakapagtapos ka na at sana maipasyal mo rin ako sa Maynila.

Nagmamahal,

Angelo

11
Sanggang-Dikit

Dalawang kaming magkapatid na parehong lalaki. Mula kami sa payak at masayang


pamilya. Jawe ang pangalan ng aking kuya. Halos sabay kaming lumaki ni Kuya dahil dalawang
taon lamang ang aming pagitan. Si Tatay ay isang drayber at si Nanay naman ay isang
maybahay. Nakatuon lamang ang oras at atensiyon ni Nanay sa aming magkakapatid. Sina Lolo
at Lola at katulong din nila sa pag-aalaga sa amin.

Kapuwa kami pinalaki ng aming mga magulang na mabubuti at matatapat na mga bata na may
paggalang at pagmamahal sa Diyos at sa kapuwa tao. Tuwing hapon pagkagaling sa paaralan,
nagkukuwentuhan kami ni Kuya habang ginagawa ang aming takdang-aralin. Laging sinasabi ni
Kuya na nais niyang maging isang doctor upang maalagaan ang aming mga magulang sa
kanilang pagtanda, gayundin sina Lolo at Lola. Kaya lgai ko naming sinasabing ang pangarap
niya ay pangarap ko rin. Kaya sa mga pagkakataon kami ay maglalaro sana, mas pinipili naming
ni Kuya na gawing laro ang pagbabasa ng mga aklat at magkunwaring mga doctor at minsan
naman ay pasyente. Naaalala ko pa ang mga salitang lagi kong sinasambit kay Kuya, “di ba
sanggang-dikit tayo, Kuya? Ang pangarap mo’y pangarap ko rin.”

Mga tanong:

1. Ano ang ibig sabihin ng sanggang dikit?


2. Sino ang magkasanggang-dikit?
3. Sa ano-anong bagay magkatulad ang magkasanggang-dikit?
4. Tungkol saan ang binasangteksto?
5. Paano pinalaki ng kanilang magulang ang magkasanggang-dikit? Ipaliwanag ang sagot.
Magbigay patunay.
6. Ganito rin ba kayo kalapit o magkasanggang-dikit ng iyong kapatid? Ibahagi ang iyong
kwento.
7. Sa iyong palagay, paano napatitibay ng pagiging magkasanggang-dikit ang magkapatid?
8. Sa iyong palagay, magiging matagumpay kaya ang magkapatid sa pag-abot ng kanilang
mga pangarap? Bakit?

12

You might also like