You are on page 1of 14

ABSTRAK

Ang dayabitis ay isang sakit na nakapagdudulot ng iba’t-ibang komplikasyon sa katawan

katulad ng pinsala sa mata, bato at mga ugat kapag hindi naagapan. Marami sa mga Pilipino ang

may kulang sa kaalaman pagdating sa sakit na ito. Ang mga narses na madalas mag-alaga sa mga

pasyente ang may mga tamang kaalaman kung paano ito maagapan at maiiwasan. Ang tamang

pangangalaga sa pasyente ay kinakailangan upang mapabuti ang kalagayan ng mga ito. Ang

pamanahunang papel na ito ay makapagbibigay ng mga datos tungkol sa mga impormasyon

kinakailangan upang mapigilan ang sakit na dayabitis. Makapagbibigay ito ng mga bagong

kaalaman patungkol sa tamang pangangalaga sa mga taong may sakit na Dayabitis.

INTRODUKSYON

Ayon sa World Trade Organization (2008), and diabetes daw ay maituturing na isang

“Major Global Epidemic”. Sa paglipas ng panahon ay padami ng padami ang mga taong

nagkakaroon ng sakit na ito. Sa Estados Unidos, isa o higit pang tao ang nagkakaroon ng diabetes

kada isang minuto at higit pa sa 14 million ang meron nang sakit. Sa iba pang umuunlad na

bansa, maaaring maapektuhan ang 30-40 porsento ng populasyon nito.Ang nakatatakot pa nito

ay tila walang pag-asang umunti o mawala ang sakit na ito sa paglipas ng panahon.

Marami sa mga Pilipino ang hindi nakauunawa sa tunay na dahilan kung bakit ang isang tao ay

nagkakaroon ng sakit na diabetes. Kakulangan sa kaalaman ang nagbubunsod sa kanila upang

mabalewala ang mga sintomas at epekto ng sakit na ito. Resulta nito ang paglala at pagdami ng

mga taong nagkakaroon ng diabetes. Ayon kay Dr. Marie Yvette Rosales-Amarte, 50% ng mga

may sakit na diabetes sa Pilipnas ang hindi man lamang nakapagpapasuri sa isang doktor o

espesyalista hinggil sa kanilang kondisyon. Libo-libong mga tao ang nakararanas ng malalang

komplikasyon ng diabetes ng hindi man lamang nalalaman na sila ay nagtataglay ng sakit na ito
Malaki ang epekto ng diabetes sa kalusugan ng isang tao. Sa buong mundo ang diabetes

ay isang pangunahing dahilan ng mataas na presyon ng dugo, pagkabulag, sakit sa buto,

pagkaputol ng paa at marami pang mga komplikasyon. Napili ng mga mananaliksik ang paksang

ito sapagkat ito ay nangangailangan ng pag aaral upang makatulong sa pagbibigay kaalaman ng

tamang impormasyon sa mga mamamayan. Dahil nga sa karamihan ng mga pilipino na hindi

nakaaalam sa sakit na ito, dapat lamang na magkaroon ng tamang desiminasyon ng

impormasyon

Layunin ng mga mananaliksik na (a) matukoy ang karaniwang edad ng mga taong may

diabetes na nakapagasuri sa Mary Mediatrix Medical Hospital, Lipa Medix Medical Center at

Ospital ng Metro Lipa (b) malaman ang kaalaman sa tamang pagaalaga ng mga narses sa

nasabing sakit (c) malaman ang relasyon ng kahirapan sa pagkakaroon ng sakit na Dayabitis (d)

makapagbigay karagdagang kaalaman para sa mga taong may sakit na Dayabitis.

Ang resulta ng pagaaral na ito ay makatutulong sa mga pasyenteng may diabetes upang

malaman nila ang mga nararapat gawin sa paglaban sa kanilang sakit. Dagdag pa rito, ang mga

mga taong may sakit na diabetes na walang kakayahang magpagamot ay makakukuha ng mga

impormasyon upang makapagpagomot o mapigilan ang paglubha ng kanilang ng sakit ng hindi

gagastos ng malaki. Ang pagaaral rin na ito ay makatutulong at makapagsisilbing gabay sa mga

hinaharap na mananaliksik.

Ang pagaaral na ito ay nakapokus sa kaalaman ng mga narses sa tamang pagaalaga ng

may sakit na Dayabitis sa Ospital ng Metro Lipa, Mary Mediatrix Medical Center at Lipa Medix

Medical Hospital .
Ang ginamit na kalahok sa pagaaral na ito ay nalimitahan lamang sa mga piling narses sa

Ospital ng Metro Lipa, Mary Mediatrix Medical Center at Lipa Medix Medical Hospital na

tumugon sa mga katanungan sa panayam. Ang paraan ng presentasyon ng mga datos at

impormasyon ay sa paraang deskriptiv sa paraang paglalahad o ekspositori upang higit na

maunawaan ang mga paksang tinatalakay.

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

A.Depenisyon ng Diabetes

Ang sakit na diabtes ay isang kundisyon kung saan bumababa ang abilidad o kaya ay

kumpletong nababawasan ang abilidad ng body tissues na pangalagaan at gamitin ang

sustansiyang nagdudulot ng lakas at enerhiya sa katawan. Ang dayabitis ay isang sakit na

ginagawang mahirap para sa katawan na gawing lakas ang pagkain. Ang katawan ay hindi

nakagagawa ng sapat na insulin o hindi nakakagamit ng insulin nang maayos. Bianabago ng

diabitis ang paraan ng paggamit ng katawan sa pagkain. Ang pagkain ay nagiging asukal sa loob

ng katawan. Dinadala ng dugo ang asukal na ito sa buong katawan. Ang insulin ay tumutulong na

kunin ang asukal sa dugo para maging enerhiya ng katawan. Ito ang nagmumula mula sa

maraming sanhi na maaring ilagay sa grupo ng dalawang kadahilanan. Ang katawan ay hindi

nakagagaw ng insulin. An mga taong may Type 1 diabetes ay nangangailangan ng insulin araw-

araw upang mabuhay. Pangkaraniwang nada-diagnose ito sa mga bata at sa mga kabataan.

Karamihan sa mga taong may diabetes ay may Type 2. Sa type 2 diabetes naman ay sapat ang

insulin mula sa lapayngunit hindi nito nagagampanan ang trabahong pababain ang asukal sa

dugo. Mas pangkarinwan ang Type 2 diabetes sa mga African American, Latinos, Native

Americans, Asian Americans, Native Hawaiians at Pacific Islanders. ( Health Media, 1998)

B. Sanhi ng pagkakaroon ng Diabetes


Ang pagkakaroon ng sakit na diabetes ay may iba-t-ibang dahilan. Kapag ang katawan ng

isang tao ay nagkukulang sa enerhiya, ang kanilang blood sugar ay nananatiling mataas na

nagdudulot ng sakit na diabetes. Hinihinalang ang dahilan ng pagtaas ng diabetes sa mga Pilipino

ay ang “unhealthy lifestyle” na karaniwan ngayon: sedentary lifestyle o ang hindi pagkilos o

pagehersisyo at ang pagkawalang bahala sa timbang o weight gain. Ang mga kadahilanan naman

na maaring magkaroon ng Type 1 diabetes ay ang labis na katabaan o nawawala ng kontrol sa

pagkain. Ikalawa, impeksyon dulot na rin ng mga masasamang pagkain na ating ipinasok sa ating

katawan. Ikatlo, ang stress ay isa rin sa mga kadahilanan dahil narin ito sa kakulangan sa

pahinga, pagod na isp o pagkabahala na mas higit na nararanasan ng mga taong nasa edad ng 40

pataas. Ang mga kadahilanan naman ng Type 2 diabetes ay ang pagbabago sa hormones.

Ikalawa, ang pagkakasakit sa lapay (impeksyon na galling sa mikrobyo na nagdadala ng sakit na

pancreatitis, malignanteng tumor sa lapay at TB sa lapay). Ikatlo, maari kang magkaroon ng Type

2 diabetes kung mayroon kang sakit sa apdo, thyroid, pituitary at sakit sa atay. Ikaapat, ang

pagkakaroon ng hindi matukoy na pinagmulan ng insulin inhibitor ay nagdudulot din ng

diabetes. Maari rin namang magkaroon ng Type 2 Diabetes ang taong aktibo na naging mataba

dahil sa huminto sa pageehersiyo at lumakas sa pagkain. (Panelo, 2008)

C.Epekto ng Diabetes

Maraming magiging epekto ang pagkakaroon nf diabetes. Ang mataas na blood sugar ay

maaring maging sanhi ng komplikasyon sa puso at kidney, pagkabulag, atake sa puso o

amputasyon ng paa o hita o maari ring maging sanhi ng kamatayan. Ang mga sakit na Type 1

Diabetes ay maaring makaranas ng iba’t-bang karamdaman tulad ng pagihi ng madalas at

palaging pagkauhaw at pagkagutom. Sila ay papaya at madalas makaramdam ng pagkapagod. Sa

type 2 diabetes naman ay maaring magkaroon ng Type 2 diabetes ay ang mga sumusunod:
madalas ng pagkakaroon ng impeksyon, panlalabo sa paningin, pagkakaroon ng mga sugat at

pasa na matagal maghilom, pagkakaroon ng pagmamanhid opakiramdam na tinutusok sa paa at

kamay. (Pamamahala ng diyabetis, 2002)

D. Pagpapamahala sa Sakit na Diabetes

Maaaring makapagbigay ang doktor o ang pangkat ng tagapag-alagang pangkalusugan ng

tamang impormasyon para sa pasyente at sa pamilya ng pasyente upang matuto sa

pamamahala ng diabetes. Ayon sa U.S Department of Health and Human Services' National

Diabetes Eduction Program (NDEP), narito ang mga dapat gawin sa pagpapamahala ng sakit na

diabets: Una, dapat kumain ng mga wastong pagkain tulad ng mga prutas at mga gulay,isda,

mga karneng kaunti ang taba, manok o pabo na walang balat, pinatuyong guisantes o beans,

whole grains at low-fat o skim milk at keso. Ikalawa, mag ehersisyo ng tatlumpo hanggang

aninmnapung minuto sa karamihan ng mga araw bawat linggo. Ikatlo, manatili sa timbang na

nakabubuti sa kalusugan. Ikaapat, humingi ng tulong kung ikaw ay namimighati. Ikaapat,

matutong kayanin ang mga problema o "stress". Ikalima, huminto sa paninigarilyo. Ikaanim,

uminom ng iyong mga gamot kahit na mabuti ang iyong pakiramdam. Ikapito, suriin ang iyong

mga paa araw-araw. Ikawalo, magsepilyo at mag-dental floss araw-araw. Ikasiyam, magpasuri

nang blood glucose. Huli sa lahat,magpasuri ng presyon ng dugo.

E. Mga Hakbang Upang Maiwasan Ang Pagkakaroon ng Diabetes

Ayon sa Association of Asian Pacific Community Health Organization, tuwing magpapaeksamin

ay ipagawa ang mga sumusunod: pag-iksamin sa presyon ng dugo, pag-iksamin sa cholesterol,


iba pang pag-iiksamin para sa taba, pag-iksamin sa mga paa, pag-iksamin sa mga mata, pag-

iksamin sa bato at pag-iksamin sa ngipin at gilagid.

METODOLOHIYA

Sa pamanahong papel na ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng descriptive – analitik

na pananaliksik upang mailarawan ang konkretong paksa na ginawan ng pag-aaral. Napili ng mga

mananaliksik ang pananaw ng mga narses sa sakit na diabetes partikular sa mga matatandang

pasyente sa mga ospital upang malaman ang pananaw at lawak ng kaalama nila ukol sa sakit na

ito. Kalakip din dito ang teoryang may kinalaman sa paksa. Mahalaga ang isinasagawa ng

pananaliksik sa pagkat nag silbing gabay ito sa mananaliksik upang magkaroon ng kaalaman sa

lahat ng bagay na tungkol sa ginawan ng pag-aaral.

Ang mananaliksik ay nagpunta sa silid aklatan upang maghanap ng mga literature na

may kaugnayan sa pag-aaral tungkol sa sakit na Diabetes at mga dahilan at epekto nito sa isang

tao upang makadagdag impormasyon at makatulong sa pagsuporta ng pananaliksik na ito. Ang

hulwaraan ng pagsulat ay panunuri gamit ang isang teorya at tumatalakay sa kabuuan ng paksa.

Nagsagawa rin ng mga mananaliksik ng panayam sa tatlong partisipant na naglalaman ng iba’t-

ibang katanungan batay sa layunin na may kaugnayan sa sakit na Diabetes.

Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay mga piling narses sa Ospital ng Metro Lipa,

Mary Mediatrix Medical Center at Lipa Medix Medical Hospital. Ang mga mananaliksik ay

gumamit ng purposive sampling sa pakikipanayam sa mga partisipant na ito. Napili nila ang mga

ito sapagkat sila ang may malalim ng karanasan at naniniwala sila sa kanilang kakayahan na

nakatulong sa mga katanungan tungkol sa paksa. Nasagot at naipaliwanag nila ng maayos ang

bawat anggulo sa panayam ng mananaliksik.


Ang lugar ng pananaliksik ay sa Ospital ng Metro Lipa, Mary Mediatrix Medical Center at

Lipa Medix Medical Hospital kung saan ginawa ng mananaliksik ang panayam. Malaki ang

naitulong ng geyograpikal at pisikal na katangian ng lugar sa ginagawang pananaliksik. Ang

lokasyon at lugar ay angkop sa mga pamantayan ng paksa sapagkat naroon ang mga ispesifik na

kalahok na kailangan sa pananaliksik. Nakatulong ang lugar na ito sa panayam at nakalap na

datos.

Ang instrumentong ginamit sa isinagawang pananaliksik ay panayam. Guamit ng voice

recorder upang mairekord ang mga kasagutan ng mga partisipant na kinapanayam tungkol sa

mga hinihinging katanungan na naglalaman ng mga layunin ng isinasagawang pag-aaral.

Mayroong pitong katanungan na siyang bibigyan ng interpretasyon sa pag-aaral.

Sa pangangalap at interpretasyon ng mga datos ang mga mananaliksik ay nagsaliksik ng

mga datos mula sa mga libro, magazine, at mga onlayn na babasahing makatutulong sa

isinasagawang pananaliksik. Ikalawa ay ang pagbabasa ng mga kaugnay na literature sa pag-

aaral. Ikatlo ay ang pagagawa ng mga katanungan na kaugnay sa layunin ng pag-aaral. Ikaapat

ay ang paghahanap ng mga parisipant na kakapanayamin. Ikalima ay nagsagawa ng panayam sa

tamang oras at oras na isinaad ng participant. Ikaanim ay paggawa ng transkripsyon batay sa

mga mga isinagot ng mga partisipante. Ikapito ay ang pagiinterpreta ng mga datos sa mga

naging kasagutan ng participant at ang kahalagahan nito.

MGA RESULTA AT DISKUSYON


Sa tanong ukol sa payong maibibigay ng mga narses sa mga pasyenteng may sakit na

Diabetes, ang pagkonsulta ng doktor, pagsunod sa medikasyon, kontrol sa pagkain, disiplina sa

sarili at pageehersisyo ang kanilang naging tugon sa panayam. Makikita sa talahanayan 1 ang

buod ng mga tugon mula sa mga mag-aaral.

1. Payo sa mga pasyeneng may sakit na Diabetes

Mga tugon ng partispant Paliwanag

1. Konsultasyon sa doctor Upang malaman ang kalagayan ng dayabitis ng

pasyente

2. Pagsunod sa medikasyon Pagsunod sa mga iniresetang gamot ng doctor

3. Kontrol sa pagkain
Pagkain ng tama at pagiwas sa mga ipinagbabawal

tulad ng matatamis
4. Disiplina sa sarli
Pagpapanatili sa isip ng mga dapat at hindi dapat

upang mapiglan ang paglala ng sakit


5. Pag-eehersisyo

Upang mapanatili ang magandang kondisyon ng

katawan

Sa tanong ukol sa pamamaraan ng pangagalaga ng narse sa pasyenteng may Diabetes, ang

pagmomonitor ng asukal sa dugo, pagbibigay ng mga kaalaman sa pasyente, meyntenans sa

gamot, insulin injection at foot care ay ilan sa mga ginagawa ng narse na nabanggit sa

nangyaring panayam. Makikita sa talahanayan 2 ang buod ng mga tugon mula sa pag-aaral.

2. Pangangalaga sa mga pasyente


Mga tugon ng partispant Paliwanag

1. Pagmomonitor ng asukal sa dugo Upang malaman kung ano ang lagay ng

pasyente at mabigyan ng tamang gamot.

2. Pagbibigay ng mga kaalaman sa


Pagpapaliwanag sa mga pasyente ng mga
pasyente
nararapat kainin at iwasan , pagbibigay payo

na mag-ehersisyo at pagbibigay kaalaman

tungkol sa kanilang sakit

Pagpapaalala sa pasyente ng mga dapat


3. Meyntenans sa gamot
inumin at pagbibigay kaalaman kung ano ang

magagawa nito sa katawan

Para sa may mga diabetic foot upang


4. Foot Care
maiwasan ang pagputol

Para sa mga kaso ng pasyenteng


5. Insulin Injection
nangangailangan ng pagbbigay ng isulin sa

katawan upang maiwasan ang paglala

Sa tanong na kung may kinalaman ang kahirapan sa paglala ng Diabetes, may ilang narses na

nagsabing walang kinalaman ang kahirapan at meron ring nagsabing may kinalaman ito
pagdating sa pagkakaroon ng nasabing sakit. Makikita sa talahanayan 3 ang buod ng mga tugon

mula sa mga mag-aaral.

3. Relasyon ng Kahirapan sa pagkakaroon ng sakit na Diabetes

Pangalan ng Nars Tugon

Nars Johsa Grace De Torres Walang kinalaman

( Metro Lipa Hospital )

“kasi disiplina sa sarili lang naman talaga ang

kailangan.”

Nars Ryan R. Olan May kinalaman

( Mary Mediatrix Medical Hospital )

“kasi hindi nila maafford bumili ng mga gamot

na kinakalangan.”

Nars Dennis Frank Kevin Jimenez May kinalaman

( Medix Medical Hospital )

“wala kasing pamamahala pagdating sa gamot

dahil walang pambili.”

Sa tanong ukol sa payong maibibigay ng mga narses sa mga taong mahihirap na may sakit na
Diabetes, ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili, pag-dedyeta at pageehersisyo ang mga bagay na

naging tugon sa panayam. Makikita sa talahanayan 4 ang buod ng mga tugon mula sa mag-aaral.

4. Payo sa mga taong mahihirap na may Diabetes

Tugon ng mga partsipant Paliwanag

1. Disiplina sa sarili Dapat magkaroon ng wastong pamumuhay

upang maiwasan ang paglala ng sakit

2. Mag-dyeta Mahalaga ito sapagkat makokontrol ang

asukal sa dugo ng pasyente

3. Mag-ehersisyo Makadadagdag ang pageehersisyo sa

pagpapabuti ng kondisyon ng katawan

Sa tanong ukol sa edad ng mga kalimitang nagkakaroon ng Diabetes, 30-40 na taon ang

nabanggit batay sa kanilang mga naging tugon sa panayam. Makikita sa talahanayan 5 ang buod

ng mga tugon mula sa mga mag-aaral.

5. Edad ng mga pasyenteng may Diabetes sa iba’t ibang Ospital

Pangalan ng Ospital Edad ng mga Pasyente

Mary Mediatrix Medical Hospital 30-40 taong gulang

Medix Medical Hospital 40-80 taong gulang

Metro Lipa Hospital 40-70 taong gulang


Sa tanong ukol sa sanhi ng pagkakaroon Diabetes, ang hindi wasong pagkain at Genetic ang

karaniwang naging sanhi na nabanggit batay sa kanilang mga naging tugon sa panayam.

Makikita sa talahanayan 6 ang buod ng mga tugon mula sa mga mag-aaral.

6. Sanhi ng Dayabits

Mga tugon ng partisipant Paliwanag

1. Genetic Namamana at hindi mapipigilan

2. Hindi wastong pagkain walang control sa pagkain at nagreresulta ng

dayabitis sa pagtanda

KONGKLUSYON

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na

kongklusyon:

A. Madalas sa mga pasyenteng may dayabitis ay matatanda. Karaniwang umaabot ang kanilang

edad sa apatnapu at pataas.

B. Ang mga narses ay sumusunod lamang sa mga utos ng mga doktor. Malimit sa mga oras ay

sila ang tumutulong sa pagbibigay kaalaman sa mga pasyente na may dayabitis kung ano ang

mga nararapat gawin at iwasan ang mapabuti ang kalagayan ng mga nasabing pasyente.

C. May kinalaman ang kahirapan sa paglala ng mga pasyenteng may dayabitis dahil may

kamahalan ang iba sa mga gamot na kinakailangan. Madalas sa mahihirap na pasyente ang hindi

makayanang makabili ng mga gamot na pangmeytenans sa kanilang sakit.


D. Ang mga pasyente ang may hawak ng kanilang kalagayan sa pagpapabuti ng kanilang sarili.

Wala sa mga narses at doktor dahil nangunguna ang disiplina sa sarili pagdating sa pangangalaga

ng sarili ng mga pasyenteng may sakit na dayabitis.

TALASANGGUNIAN

 Amante, M. (September 2006). Health matters. Am cham, 3(1), p.23

 Blackwell, A. (2004). Sickeningly Sweet. New York: McGraw-Hill Education.

 Facts on diabetes. (n.d.). Mula sa http://www.medicalnewstoday.com/info/diabetes/-23

 Four steps to control your diabetes for life. (May 2007). Mula sa

http://ndep.nih.gov/publications/publicationdetail.aspx?pubid=4

 Mga hakbang sa pamamahala ng diyabitis upang magkaroon ng mahaba at masiglang buhay.

(n.d.). Mula sa http://www.associationofasiancommunity.org/pamamahala/sa/diyabetis/view

 Panelo, M. (July 2008). Health matters.Medmedia, 4(12), p32-34

 What is diabetes. (1998). Mula sa http://kidshealth.org/parent/medical/endocrine/type2.html


Kaalaman ng mga narses sa Ospital ng
Metro Lipa, Mary Mediatrix Medical
Center at Lipa Medix Medical Hospital
hinggil sa tamang pagaalaga ng mga
pasyenteng may sakit na Dayabitis sa
mga nasabing Ospital

Ipinasa nina:
Bianda Cathleen Marco
Mar Donna Dei B. Cabrera
G1A

You might also like