You are on page 1of 14

“Happy Valentines’ Day!” malakas na bati naming lahat sa aming guro.

Tuwang tuwa naman


sya dahil nasorpresa naming sya. Napagpalanuha narin naman kasi naming ito noong
nakaraang buwan pa. Nagready na kami ng mga bulaklak, chocolate at long sweet message
para kay Ma’am.

“Salamat sainyong lahat! Grabe wala kayong pasabi. Hindi ko man lang nahulaang may plano
pala kayong ganito” nakangiting sabi niya at yumakap sa ibang estudyante. “Kung mayroon
mang isang bagay na gusto ko sainyo, ayun ay ang pagiging sweet nyo!” dugtong pa ni Ma’am
na parang natatouch samin.

Nagbigay ng mensahe yung iba at nagbigay ng mga regalo. Yung mga sipsip naman, nagbigay
na ng regalo, nagbigay pa ng pera. Patapos na yung lahat ng ako naman ang nagsasalita ng
message para kay Ma’am. Wala namang lesson at lectures ngayon eh. Parang one on one lang
kami.

Natapos iyon ng ilang sandal lang. “O mga anakshie, salamat talaga ah. Sana, kayo rin,
makahanap ng taong magpapakita sainyo ng sweetness. Hihihi. Yung sweetness na sobrang
sobrang sweet.O sya, kainan na tayo” ani Ma’am at tumayo na. Mga second year college na
kami ngayon.

Lumapit na kami sa buffet table at una kong pinuntahan ang spaghetti. Sasandok na sana ako
dito ng biglang may pumasok na alaala sa utak ko.

FLASHBACK

“Itong spaghetting ‘to, you must try this! Try mo babe, dali na” sabi nya sakin at nagsandok ng
ilang hibla gamit ang tinidor. Nakangiti naman akong nagbuka ng bibig at saka nya ako
sinubuan nun. “Masarap?” tanong nya.

“Oo babe pero mas masarap ang pagmamahal mo” biro ko sakanya at yumakap pa ako sa
bewang nya. “Ayiiiie. Kinikilig yan!” sinundot ko pa ang tagiliran nya at natawa naman sya ng
bahagya.
“Ikaw talaga, Andine. Ano, gusto mo pa?” tanong nya at tumango naman ako. Pagkatapos,
kumuha ulit sya ng spaghetti at sinubuan ako. “Say ahhh” nginuya ko na ulit ang spaghetti na
binigay nya.

“Masarap talaga. Ang cheesy nya tapos yung sauce, matamis tamis na maasim na onti” sabi ko
pa at tumawa naman si babe ko. “Baka ipagpalit mo ko sa spaghetti na yan?” nakangusong
sabi nya pero niyakap ko sya ulit sa bewang.

“Hinding hindi kita ipagpapalit. Ang sweet sweet mo kaya, para kang spaghetti na ‘to. Tapos
ang cute cute cute cute mo!” pinisil ko sya sa pisngi. “Caring ka at understanding, kaya hinding
hindi kita ipagpapalit” hinalikan ko sya sa pisngi.

“I love you, babe. Happy monthsary sayo. I love you” nakangiting banggit nya at hinalikan din
ako, pero sa labi na. “I love you too babe. Happy monthsary. Kain pa tayo?” aya ko sakanya at
nagtuloy kami sa pagsusubuan ng spaghetti sa isa’t isa.

How sweet we are in our first monthsary.

END OF FLASHBACK

Sinubukan kong kumuha ng spaghetti ulit pero hindi ako makakuha. Parang, nasasaktan ako na
ewan. May bumabalik kasing alaala sakin kaya hindi ko na muna yon kinuha. Naglibot muna
ako at nakita ko naman ang lechon. Mukhang masarap yon ah! Lumapit ako doon at hinintay
muna na matapos ang iba sa pagkuha ng lechon.

“O Andine, ikaw naman na kumuha” ani ng isa kong kaklase at iniabot sakin ang pangkuha non.
Pero ng mahawakan ko na yon, may bumalik nanaman na alaala sa utak ko. Isa sa mga hindi
ko malilimutan na alaala.

FLASHBACK

“Andito na tayo babe!” sigaw ni babe at yinakap ako. Kakababa lang naming dalawa sa bus at
niyakap ko rin sya pabalik.
“Ang ganda ganda dito, babe. Parang ang sarap ng tanawin. Hehehe. Bakit nga pala dito pa
tayo pumunta?” tanong ko kay babe at lumingon naman sya sa akin.

“Piyesta ngayon dito at gusto kong ipatikim sayo ang specialty nila. Lechon!” sabi pa nya at
hinalikan ako sa pisngi. Yinakap ko naman sya ng mas mahigpit na parang natatouch.

“Ikaw talaga! Napakaeffort mo naman! I love you babe” sabi ko at hinawakan na sya sa
dalawang kamay. Tumango naman sya sakin at saka nagsalita. “I love you more babe. I love
you. Happy Monthsary!” sabi nya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko lalo.

“Happy Second Monthsary Babe! I love love love love you!” sabi ko at napatingala pa sakanya
dahil mas matangkad sya sakin. Naglakad lakad kami habang nagkekwentuhan. Magkawahak
ang mga kamay naming at parang proud pa si babe na ipakita ito sa lahat ng tao.

“O, ayan na. Gusto mong tikman?” sabi ni babe at iniharap sakin ang lechon na nakalagay sa
dahon ng saging. Tumango tango naman ako at tinikaman yon.

“Shems! Babe ang sarap nga! Tikman mo!” sabi ko at sinubuan din sya ng lechon. Nagkamay
kami pareho at naghaharutan pa. “Grabe! Ang sarap ng lechon nila dito babe! Salamat talaga”
sabi ko at yumakap sakanya. Hinalikan naman nya ako sa labi ng paulit ulit.

“Mas masarap ang halik mo, babe. Hehehe” natatawang sabi nya. Piningot ko naman ang ilong
nya at nagholding hands ulit kami. Naghugas na kami ng kamay namin kanina at malinis na ang
palad namin.

“Tara, babe. Gala pa tayo?” aya ko sakanya at naglakad lakad pa kami sa makulay na lugar na
ito. Maingay dahil nga piyesta at marami ring tao. Nagpunta kaming perya at nanalo pa kami ng
color pink at green na itik. Sakin yung pink at kay babe naman yung green

“I love you babe” sabi ko pa ulit at niyakap sya. Nasa gitna naming dalawa ngayon ang mga itik.
“I love you too babe. Alam mo na yan” sabi pa nya at hinalikan ako sa noo.
Hindi talaga sya napapagod sa pagpapakita sakin ng kasweetan.

END OF FLASHBACK

Napailing iling nalang ako sa alaalang dulot ng pagtingin at paghawak ko sa lechon na yon.
Hay, mukhang hahanap ako ng ibang pagkain. Pilit kong iniwasan ang isang pagkaing
pinakamasayang alaala ang dinulot sakin pero napatingin parin ako dun dahil sa bango nun.
Ang pansit na minsan na naming pinagsaluhang dalawa.

FLASHBACK

“Happy birthday po babe” sabi ko sa kabilang linya ng telepono. Tumawa naman ako ng kaunti
ng suminghot singhot sya.

“Babe, punta ka dito. Sige na” nagmamakaawang sabi nya. Napailing naman ako na kunwari’y
nakikita nya ako at nakikita ko sya. “Gusto ko rin namang pumunta dyan kaso baka m-makita
tayo ng a-asawa mo” nalulungkot kong tugon. Bumuntong hininga naman sya.

“Andine, wala namang alam si Jill dito eh. Walang malisya sakanya kung pupunta ka dito. Babe,
sige na. Atsaka, busy sya sa pageentertain ng mga tao. Hindi ka nya gaano mapapansin. Tsaka
kakain tayong dalawa sa kwarto” napangiti ako sa sinabi nya pero pilit kong kinalaban yon.

“Oo nga babe. Ikaw na mismo nagsasabing nageentertain ang asawa mo ng mga bisita at
magtataka yon kung bigla kang mawawala. Mapapansin at mapapansin ka rin nun na wala kasi
ikaw ‘tong may birthday at baka pumasok pa yon sa kwarto mo bigla para hanapin ka”
nanlulumong sabi ko. Bumuntong hininga nanaman sya.

“Babe sige na kasi. Ako na ang bahala basta, hindi tayo mahuhuli ni Jill. Sige na babe, birthday
ko naman kaya pagbigyan mo na ako. Nalulungkot tuloy ako”

“Wag ka ng malungkot. Happy Birthday nalang sayo. Atsaka nandyan naman ang asawa mo
eh”
“Kahit na. Ikaw naman yung gusto kong makasama. Sige na babe. Akon a ang bahala satin.
Sige na kasi”

“Babe…”

“Sige na Andine, please” nagmamakaawang sabi nya. Napailing iling nalang ako. “Sige na nga,
sige na nga” nakangiting sabi ko dahil gusto ko rin naman talagang pumunta don eh. Natatakot
lang ako.

“Yehey! Sige na babe! Dalian mo ah? Ingat, I love you” sabi pa nya sa kabilang linya. Kinikilig
nanaman ako at puro saya ang nasa sistema ko at matamis akong sumagot sakanya. “I love
you too babe. Bye. Baba mo na ang tawag” sabi ko.

“Ikaw na magbaba. Ikaw naman tumawag eh” makulit na sabi niya. “Psh. Ikaw na. Ikaw naman
tinawagan ko eh” angil ko.

“Ikaw na magbaba. Gusto ko ikaw magbaba eh” sabi nya. Tuloy, naiimagine ko sya na
nakanguso. Ang cute cute talaga niya! Pero pilit kong kinalaban ang lumalabas na kilig sa
katawan ko.

“Sige na babe. Ikaw na magbaba. Bahala ka dyan. Di ako aalis dito hanggat di mo pinapatay
ang tawag” nakanguso kunwaring sabi ko. Natawa naman ako ng parang magpanic sya.

“Ah sige na nga babe. Ako na papatay. Dalian mo na ah. Gustooong gusto na kitang makita ulit.
I love you, bye!” sabi nya at saktong namatay nga ang tawag. Nagtatatalon naman ako sa kilig
dahil sa sweetness nya.

Naligo na ako at nagbihis ng simpleng t-shirt na bigay sakin ni babe at pantalon na regalo din
nya sakin. Nagmamadali akong pumunta don sa bahay ni babe at rinig ko ang musika mula sa
taas.
Nakita ko agad si babe na nasa upuan sa may gutter nila at nakafrown na nakatingin sa kung
saan. Dahan dahan akong lumapit sakanya at hinawakan sya ng biglaan dahilan para
mapatayo pa sya sa gulat.

“Hahahaha” tawa ko at pinalo pa nya ako. “Nandyan ka na pala, babe” napapahiyang bulong
nya pero nakangiti parin.

“Ano namang iniisip mo at todong frown ka dyan kanina?” nakapamewang na sabi ko. Pabulong
lang kaming magsalita dahil baka may makarinig samin at makahalata ng kakaiba.

“Palusot”

“Ha?”

“Nagiisip ako ng palusot kay Jill. Na kunwari mawawala ako hehehe” sabi pa nya at niyakap
ako. Dali ko namang tinanggal ang kamay nya at pabulong na nagsalita.”Baka may makakita!”

“Hehe sorry. Di ko mapigilan eh. Sorry na” sabi nya at pasimple pa akong sinundot sa tagiliran.
Ngumuso naman ako. “Edi pigilan mo. Dyahe pa kapag may nakakita” sabi ko at naglakad na
kami sa loob ng bahay nila.

Nasa likod nya ako pero di ako kalayuan sa kanya. Nakita ko na ang napakaputing asawa ni
babe ko. Sobrang ngiti sya at nagulat ako ng ngitian din nya ako. Wala nga ata syang alam sa
mayroon samin at sa asawa nya.

“O, hija, tuloy ka. Kain ka” sabi nya at hinila pa ako papuntang upuan na may mga pagkain.
Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na hinalikan ni babe ang asawa nya kaya may kumirot sa
dibdib ko. Pero ayos lang, tiis pagibig.

“Hon, magiinuman lang kami ng mga tropa ko. Aalis lang ako pero balik din ako agad” sabi ni
babe sa asawa nya. Nagulat naman ako sa sinabi nya pero nagets ko agad kung bakit nya
sinabi yon ng tumingin sya sakin ng kakaiba.
“Ah eh ganon ba? Sige ako na muna b-bahala sa mga bisita mo. Sige, bye hon” sabi pa nung
asawa nya at hinalikan ulit sya. Nagkirot nanaman ang puso ko. Masakit talaga tignan, peste!

“Sige hon, salamat” sabi pa ni babe at yumakap sa asawa nya pero sakin na talaga sya
nakatingin kaya medyo kumportable ako. Lumapit sya sakin ng kaunti at nagtaas ng kilay.

“Sumunod ka sakin” bulong nya at napatango nalang ako. Nakalabas kami ng walang
nakakahalata pero nagtungo kami sa isang bakuran at dumaan don. Nakarating kami sa isang
kwarto at may mga pagkain na don.

“Halika babe” sabi nya at niyakap ako. Hinalikan nya ako pero wala akong kibo. “Oh bakit?”
tanong nya. Nakanguso naman akong humarap sakanya at malungkot na tumitig sa mga labi
nya.

“Gusto ko, ako lang ang hinahalikan mo. Wag mo nalang halikan ang asawa mo kasi
nagseselos ako at ayoko ng makita---- ehem ehem!” nabilaukan ako ng subuan ako ni babe ng
maraming pansit sa bibig.

“Madaldal ka babe. Baka may makarinig, babe. Opo babe, ikaw na lang hahalikan ko.
Hahahaha. Selosa mo!” sabi sakin ni babe at sinubuan pa ako ng pansit. Di ko sya kinibo at
tinignan ko lang sya ng masama.

“Babe, seryoso ako” sabi ko per tumawa lang sya. “Seryoso rin ako babe. Kain na tayo” sabi pa
nya at akmang susubuan pa ako ng pansit pero hinalikan ko sya. Natapon ang pansit na hawak
nya dahil tumugon narin sya sa halik ko. Pumusok yon ng pumusok hanggang sa wala na
kaming saplot at isang pagkakamali ko ay naibigay ko sakanya ang pagkabirhen ko.

Pagkatapos naming gawin yon ay nagbihis agad sya at binihisan nya ako. “Salamat babe” sabi
nya pero nagtaka ako kung saan sya nagpapasalamat. Eh sya nga tong nagbibihis sakin. “For
what?” tanong ko.
“ Sa sayang ibinigay mo sakin ngayon lang. Ang sarap eh” sabi nya at hinalikan nanaman ako
pero pinigilan ko na sya. “Tama na babe. Isa lang! Kumain nalang tayo” sabi ko pero ngumisi
sya.

“Sige na nga. Hehehe. Kain na tayo. Salamat talaga ah” sabi pa nya at hinila ako pakandong
sakanya at niyakap. Sinubuan nya ako ng pansit at makalat kaming kumain sa kwarto nya dahil
naghaharutan pa kami.

Nung birthday nya, lalong lumalim ang pagmamahal ko sakanya.

END OF FLASHBACK

Nalungkot naman ako sa biglang pumasok na alaala sa isipan ko. Masaya yon alalahanin pero
dapat nang tigilan. Matagal ng wala yon at wala ng kami. Naitigil ko na yon noon pa. Naglibot pa
ako saka ko nakita ang ice cream na sobra-sobrang alaala ang binigay sakin.

Nasaktan ako ng sobra pero yun ang pinaka nagturo sakin ng lesson sa buhay., Alaalang
nabuo naming dalawa, huling alaalang nabuo namin na bumabalik sa isipan ko kapag
nakakakita ako ng ice cream.

FLASHBACK

To: Babe

Compose Message

Tara, babe. Sabay na tayong maglunch ngayon dito sa canteen

Sent.

Nagintay pa ako ng ilang minute pero ang tagal nyang magreply. Napagpasyahan kong magtext
ulit sakanya pero bago yon ay bumili muna ako ng ice cream sa manong na nagbebenta sa
harap ng school.
“Manong pabili ho. Pampawala lang ng stress at init ng ulo” sabi ko at nagabot ng bayad.
Tumingin naman sya sakin ng masaya at nagsandok ng ice cream. Iniabot nya sakin yon pati
ang sukli. Naupo na ako ulit sa bench at nagtext gamit ang isang kamay lang.

To: Babe

Compose Message

Babe, silence means yes diba?

Sent

To: Babe

Compose Message

Babe, iniintay na kita dito ng canteen. Reply poooo

Sent

To: Babe

Compose Message

Gutom na ako babe :< Nasaan ka na ba?

Sent

Nagintay pa ako ng ilang minute pero wala man lang akong natatanggap na reply. Dahil sa
gutom at inis ay tinawagan ko na yung number nya pero nakakafifteen miscalls na ako ay wala
parin syang reply.

Nagmisscall pa ulit ng tatlo pero sa wakas ay sinagot na nya. Naiinis akong niloud speaker yon
pero nilagay ang headset at sinalpak yon sa tenga ko. Galit akong nagsalita at tumikhim pa
pero wala manlang akong naririnig na nagsasalita sa kabilang linya.

“Babe, ano ba? Nagugutom na---“


“Kumain ka muna magisa dyan Andine. Kaya mo na yan. Kakain ka lang, kailangan kasama na
agad ako, Atsaka wag ka ngang makulit! Busy ako at dapat ka puro miscalls. Alam mo namang
kabit kita baka may makahuli pa sayo” sabi nya na halatang may halong iritasyon ang
pagkakasabi. Hindi na ako nagulat sa reaksyon nya dahil isang buwan na rin syang ganyan.
Pagkatapos nung birthday nya ay medyo lumamig sya sakin.

“Oo kakain na” sabi ko pero pumiyok pa yon dahilan para maluha na ako at unti unting lumabas
ang paghikbi ko. Sumigaw naman si babe ng malakas sa telepono. “Wag ka ngang umiyak,
Andine! Ano bang iniiyak mo?” tanong nya. Napahagulgol naman ako. Parang hindi na sya
yung babe ko.

“Umiiyak ako kasi ang cold cold mo na sakin!” sigaw ko at napayakap nalang ako sa sarili ko
habang kumakain ng ice cream. Mukha nga akong tanga dito eh, pero buti nalang nasa
bandang gilid ako ng canteen kaya wala gaanong makakakita sakin dito.

“Ano bang sinasabi mo? Hindi ako cold, Andine! Tumigil ka nga dahil ikaw lang nakakaramdam
sakin nyan!” parang nagsasawang sabi nya. Natawa naman ako ng sarkastiko at napailing iling
nalang.

“Wow. Just great.O sige ha. Mag enumeration tayo dito. Ang cold cold mo na sakin! Dati rati
ikaw ang laging nag aaya sakin kumain, nagsusubo sakin ng pagkain, nagbibigay ng pagkain,
hinihintay kumain pero ngayon ano? Ako na mismo gumagawa lahat non. Tapos ngayon sabi
mo pa kaya kong kumain mag isa at kaya ko na ‘to at di na kita kailangang kasama pa kumain?
Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko? Naninibago ako and at the same time nasasaktan
ako! Kasi yung ganyang ipinapakita mo, cold na yan. Lumalamig na ang pakikitungo mo sakin”
hagulgol na sabi ko pero pinipigilan kong sumigaw para di makagawa ng eskandalo sa loob ng
canteen.

“Tumigil ka na nga, Andine---“

“Tapos ayan pa! Ano ‘to babe, lokohan? Gaguhan? Ikaw tinatawag tawag kong babe tapos ikaw
tawag mo sakin pangalan lang? Anong klase ‘to ha? Sa simpleng call sign na yan masaya na
ako pero binawi mo pa. Andine pa ang tinatawag mo sakin putang ina eh ang pangit ng
pangalan ko eh! Sa tingin mo hindi mo ko nasasaktan? Sa tingin mo wala lang sakin yon? Para
ka kasing bula eh. Bigla kang nawala kaya naninibago ako” sabi ko at napapadyak pa sa sahig.
“Andine, tumigil ka na! Shut up. May makahuli pa sayo dyan sa canteen” mariing sabi nya pero
lalo akong nagpapadyak ng mahina sa sahig.

“Sige lang, ayan pa! Isa pa yang dahilan. Dati rati mas wala kang pake kaysa sakin kung may
makahuli man sating dalawa. Ginalaw mo pa nga ako sa mismong bahay nyo diba? Hahaha.
Tang ina. Tapos ngayon, takot na takot ka na? Dati rati ayaw mong ipinaparadam saking kabit
mo ako pero ngayon tinatawag mo na akong kabit? Sige ngayon mo sabihin saking hindi ka
cold” sarkastikong sabi ko. Bumuntong hininga nanaman sya at galit na bumuga ng hangin.

“Ang kulit mo! Sinabi ng busy ako eh! Marami akong ginagawa dapat iniintindi mo yun Andine.
At wag mo saking isumbat ang pag galaw ko sayo sa bahay namin dahil ikaw pa nga ang
naunang humalik! Ikaw ang nagsimula kaya wag mo saking isumbat sumbat yan. Ginusto mo
yon. Atsaka Andine, dapat di ka na nasasaktan na tawagin kang kabit kasi totoo naman----“

“Putang ina mo ka Clark! Kung nandyan lang ako malapit sayo, sinampal na kitang hayop ka!
Wala akong sinusumbat sayong ginalaw mo ko, sinabi ko lang yon grabe ka na makareact?
Atsaka halik lang binigay ko hayop ka tapos ikaw tong sumukli ng mapusok na halik. Wag na
akong masasaktan kasi totoo namang kabit mo nga ako… pucha saan galing ang ideyang yan?
Sa Mars ba? O sa Neptune? Pucha di makatao ang sinasabi mo ah. Oo kabit ako. Pero wala
akong puso? Wala akong damdamin? Wala akong feelings? Lecheng yan. At tandaan mo rin na
ikaw ang nagbigay sakin ng motibo na maging kabit mo ah. Ikaw ‘tong may paangkas angkas
pa sakin sa motor at palibre libre ng kwek kwek at paghatid sundo sa school. Ikaw ang gumawa
non kaya naging kabit ako at third party kahit may asawa ka na” todo hagulgol na ako at
nakaharap na ako sa kawalan. Parang ang bigat bigat na ng dibdib ko at hindi ako makahinga.
Mahapdi ang mga mata ko at gusto ko lang umiyak ng umiyak.

“Andine, let’s end this. Tapos na tayo”

Gumuho ang mundo ko sa sinabi nyang yon sakin! Grabe ang binigay sakin na sakit non.
Sobrang hapdi non sa puso. Bakit ganon lang nya nasabi yon? Ganun lang ba kadali
sakanyang iwan ako? Ganun lang ba ang halaga ko kaya madali lang nya akong nasabihan ng
ganyan?

“B-bakit babe?” nagmamakaawa sa sagot na tanong ko.


“Andine tumigil ka na. Huwag mo na akong tawaging babe. Professor mo ako at malaki ang
agwat natin sa edad. Kabit pa kita at napakakulit mo! Pagod na ako sayo, pagod na pagod na
ako sayo, Andine. Tumigil ka na. Wala ng tayo” sabi pa nya sakin kaya mas lalo akong
humagulgol.

“Dati wala kang pakielam sa age gap, dati wala lang sayo kung makulit ako at hindi mo nga
ipinaparamdam na kabit mo lang ako. Pagod ka na? Paano naman ako? Pagod narin naman
ako kakaintay sayo palagi at sawang sawa narin ako sa sakit na naibibigay ng pagiging cold
mo.Dapat nga ako yung unang bumitaw diba? Pero bakit mas nauna ka pang bumitaw? Hindi
manlang ba ako karapatdapat na ipaglaban? Diba ako ang lakas mo, paanong napagod ka sa
sarili mong lakas? Hahaha” natatawa ako ng sarkastiko.

“Andine ano pa bang kailangan kong sabihin para tumigil ka na?”

“Sagot! Sagot kung bakit ganon mo nalang ako iwan. Bakit bigla kang naging cold? Bakit
biglang nagbago ang pakikitungo mo sakin? Bakit parang pagod na pagod ka na sakin? Bakit
bigla kang nagsawa? Bakit ganon ang kinahantungan? Kung hindi man ako karapatdapat
ipaglaban sana naman karapatdapat akong paliwanagan” nakangiti ng mapait na sabi ko.
Bumuga nanaman sya ng malakas na hangin.

“Andine, nahuli ako ni Jill. N-nahuli na nya ako, tayo. At ayoko ng saktan ka pati sya” sabi nya
pero parang hindi ako nakokontento sa sagot nya. Parang hindi yon totoo. Parang gusto kong
mag alsa. Parang hindi talaga yun eh.

“Clark, may iba ka na ba?” tanong ko sa kabilang linya at namuo nanaman ang luha sa mata ko.
Nagiintay na ako ng sagot sa tanong ko ng biglang tumunog ang phone ko at namatay ang
tawag. Pinatay nya ang tawag. Ibig sabihin, tama ako. May iba na nga sya kaya niya ako
iniwan.

Nang oras narin yon, ubos na ang ice cream na iniyakan ko ng iniyakan.

END OF FLASHBACK

Namuo nanaman ang mga luha sa mata ko pero pinunasan ko agad yon.
“Andine, ayos ka lang?” napalingon ako sa nagsalita at si Ma’am yon. Napatingin ako sa mga
mata nya at nagaalala sya sakin. Yumakap ako sakanya at napapaiyak nanaman ako pero
itiningala nya ako sakanya.

“Ma’am Jill, sorry po talaga” sabi ko sakanya at naiyak na talaga ako. Kinagat ko ang
pangibabang labi ko at tinapik tapik naman ni Ma’am Jill ang likod ko. Sya ang asawa ni sir
Clark, ang kauna unahang lalaking minahal ko ng sobra sobra.

“Hija, ilang beses ko ba dapat sabihin sayo? Pinatawad na kita. Yung asawa ko lang na yon ang
hindi. Alam ko ang lahat kahit walang nagsasabi sakin diba? Nakita ko ang pag angkas sayo ng
asawa ko at ang pagbibigay nya sayo ng motibo. Alam ko rin na may namagitan sainyo nung
birthday nya dahil nakita ko mismo. Alam ko yon kahit di sakin sinabi ng asawa ko. At alam
kong mas malaki ang ginawa nyang kasalanan kaysa sayo” sabi ni Ma’am Jill at hinimas ang
likod ko.

“Pero Ma’am kung hindi dahil sakin, baka po maayos kayo ngayon. Sinalot ko po ang relasyon
nyo. Bakit po ang bait nyo parin sakin? At nung kinausap ko po kayo tungkol dito, parang hindi
man lang kayo naghisterical” nagtatakang sabi ko. Umiling iling naman sya kaya mas lalo akong
nagtaka.

“Dahil parehas lang tayong nasaktan. Kaya ako niloloko ni Clark dahil hindi na ako mabubuntis.
Marami pa yong naging babae bago ikaw. At nung pagkauwi mo nung birthday nya, nag away
kami. Hindi dahil nagalit ako sayo, sakanya talaga ako nagalit. Sinabi kong hindi mo pa naman
kayang magbuntis. Kinse anyos ka palang nun, Andine kaya nagalit ako dahil maaga kang
mabubuntis kung sakali. Mabuti nalang at di ka nabuntis. Alam din daw nya yon, hindi lang nya
napigilan dahil matagal na syang walang babae. Gusto nya ng anak., Gusto nya non at hindi ko
sya mabigyan non pero maling ikaw ang magbigay non sakanya. Hindi dahil galit ako sayo
kundi dahil alam kong hindi mo kakayanin at baka… mamatay ka pa sa panganganak lalo na’t
wala ka ng nanay. Kaya simula non, tinigilan ka na nya. Pero alam mo dapat ka pa ngang
magpasalamat sakanya dahil iniwan ka niya, dahil don mo nalaman kung ano nga ba ang habol
nya sayo. At magandang bagay dahil unti unti mo na ring pinagsisisihan ang pagiging kabit mo
noon. At pareho nya tayong iniwan, meaning magkakampi tayo! At hindi ikaw ang dahilan kung
bakit nya ako iniwan, bakit ako magagalit? Kaya tama na ang paghingi mo ng sorry ha” hinimas
nya pa ang buhok ko pagkasabi nya non.

Para akong nahimasmasan sa sinabi ni Ma’am Jill. Napakabuti nyang tao. Naliwanagan ako sa
mga sinabi nya at naisip kong, ang kawalan ay isang simula ng bago. Kaya nga nauuna ang
zero kaysa one dahil kailangan mo munang dumaan sa wala bago magkaroon ng isa. Ngumiti
ako kay Ma’am Jill at kumain nalang kami ng leche flan. Nagkwentuhan kami pero iniwasan na
naming pagusapan si sir Clark. Pero may nalaman ako sakanya, nakapangasawa sya ng
foreigner na babae at may apat na anak.

Muli akong napatingin sa mga pagkaing iyon. Mga simpleng pagkaing nagbabalik sakin ng mga
alaala. Mga alaala ng pagkakamali ko. Pero dahil sa mga pagkakamali ko sa buhay, naging
successful akong tao. Nakapagtapos ako bilang isang civil engineer at nakilala ko si Adrian, ang
lalaking sweetest sa lahat!

You might also like