You are on page 1of 10

ASYA

Ang Asya ay ang isa sa mga lupalop ng mundo. Ang Asya ang may pinakamalaking bahagdan
ng populasyon at sa lawak, sapagkat sakop nito ang 1/3 ng mundo. Sa kanluran ng Asya
matatagpuan ang lupalop ng Europa; sa timog-silangan at silangan ang Awstralya at Osyansa; sa
timog-kanluran naman banda ang Aprika.
Ang kontinenteng ito ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa sa
pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng
mga tao sa daigdig nating ito.Ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay ang
kabihasnang Tsina, India, Mesopotamia, Persia at kabihasnang Armaiko na may dalawang sangay-
ang Israel at arabo. Sa Asya rin matatagpuan ang Karagatang Indian, Dagat Timog Tsina (ang
pinakamalaking dagat sa mundo), Karagatang pasipiko at Karagatang Artiko. Ang Europa ang
kadikit nitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan ng URAL, Dagat
ng caspian,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus. Ang Suez Canal naman ang siyang
hangganan nito bago dumating sa bansang Ehipto ng kontinenteng Aprika. Sa dami ng mga pangkat
ng lahi ng mga tao, ang Asya pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong sa paglabas nito
patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito ng mga ibang lahi ng tao mula sa kontinente
ng Europa, Amerika at Afrika.
Kasaysayan ng Asya

Ang kasaysayan ng Asya ay makikita bilang kolektibong kasaysayan ng ilang mga natatanging
mga paligid pandalampasigan mga rehiyon tulad ng Silangang Asya, Timog Asya, at ang Gitnang
Silangan Naka-ugnay ito sa pamamagitan ng panloob na tumpok ng mga taong hating Asyano at
Europeo sa kapatagan.

Ang dalampasigan ay ang tahanan sa ilan sa mga maagang sibilisasyon sa daigdig. Ang bawat isa
sa tatlong rehiyon ay bumubuo ng mga sibilisasyon sa paligid ng mga lambak at ilog. Sagana ang
mga lambak dahil ang lupa ay may mayamang lupa at maaaring tamnan ng maraming halamang-
ugat. Ang mga sibilisasyon sa Mesopotamya, sa Lambak ng Indus, at sa Tsina ay nagbahagi ng
maraming mga pagkakatulad at palaging nagpapalitan ng teknolohiya at mga ideya tulad
ng matematika at ang mga gulong. Iba pang mga paniniwala tulad ng pagsulat ay maaaring binuo
paisa-isa sa bawat lugar. Nabuo ang mga lungsod, estado, at imperyo sa mga mabababang lugar.

Ang mga patag ng rehiyon ay matagal na pinaninirahan ng mga pagala-gala, at mula sa central
steppes ay maaaring sila umabot sa lahat ng mga lugar ng Asya. Ang hilagang bahagi ng
kontinente, na sinasakop ng Siberia ay hindi rin mararating ng mga pagala-gala sa kapatagan dahil
sa mga makakapal na kagubatan at tundra. Ang mga lugar sa Siberia ay bihira panirahan ng tao.

Ang mga sentro at paligid ay inihiwalay ng mga bundok at disyerto.


Ang Caucasus, Himalayas, Disyerto ng Karakum, at Disyerto ng Gobi ay bumuo ng mga hadlang
para mahirapang makatawid ang mga mangangabayo sa kapatagan. Habang sa larangan ng
teknolohiya at kultura, ang mga naninirahan sa lungsod ay mas masulong na, kaunti lamang ang
magagawa nila na protektahan ang sarili nila laban sa mga pagala-gala. Gayunman, ang mga
mabababang lugar ay hindi magkakaroon ng sapat na bukas na damuhan upang suportahan ang
isang malaking pwersa ng mga nakakabayo. Kaya ang pagala-gala na sumakop sa Tsina, India, at
Gitnang Silangan ay napilitang umangkop sa lokal na lipunan.

Rehiyonal na Pagkakahati sa Asya


Hilagang Asya Timog Asya
Armenia Afghanistan
Azerbaijan Bangladesh
Gorgia Bhutan
Kazakhstan India
Mongolia Maldives
Tajikistan Nepal
Turkmenistan Pakistan
Uzbekistan Sri Lanka

Kanlurang Asya Timog-Silangang Asya


Bahrain Brunei
Cyprus Cambodia
Iran East Timor
Iraq Indonesia
Israel Laos
Jordan Malaysia
Kuwait Myanmar
Lebanon Philippines
Oman Singapore
Qatar Thailand
Saudi Arabia Vietnam
Syria
Turkey Silangang Asya
United Arab Emirates China
Yemen Japan
North Korea
South Korea
Taiwan
Mga Anyong Lupa sa Asya
Ang mga anyong lupa na matagtagpuan sa asya ay ang mga mataas at malaking hanay ng
kabundukan, talampas, bulkan, malapad na kapatagan, lambak at disyerto . Binubuo ng malaking
kalupaan ang mga tagaway, arkipelago at maraming pulo ang asya.
 Bulubundukin - ang bundok ay ang anyong-lupa na nakaangat mula sa lebel ng
dagat ( sea level ) at may taas na umaabot sa mahigit 2 000 talampakan. Ang
mahabang hanay ng mga bundok ay tinatawag na bulubundukin. Matatagpuan sa Asya
ang naglalakihang bulubundukin. Pinakatanyag sa mga ito ang Himalayas na
bumabagtas mula Pakistan hanggang Myanmar. Sa bulubunduking ito matatagpuan ang
Bundok Everest, ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa mundo. Katabi ng
Himalayas ang bulubunduking Karakoram. Sa daawang bulubunduking ito matatagpuan
ang halos lahat ng pinakamataas na bundok sa daigdig. Ang iba pang mahalagang
bulubundukin sa Asya ay ang Altai, Kunlun, Tien Shan, Hindu Kush, Zagros, Caucasus, at
Ural.

 Bundok - mont [katawagang pang-heograpiya], at mount [isa pang katawagang pang-


heograpiya] ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang
limitadong lawak. Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa isang burol, ngunit walang mga
pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa kahulugan ng taas ng isang bundok o isang burol
bagaman may kinikilalang tuktok ang isang bundok.

Tinatakpan ng mga bundok ang 54% ng Asya, 36% ng Hilagang Amerika, 25% ng Europa, 22%
ng Timog Amerika, 17% ng Australia, at 3% ng Aprika. Sa kabuuan, Bulubundukin ang 24% ng
lupain sa daigdig. Nakatira ang 10% ng tao sa mga rehiyong bulubundukin. Nagmula sa mga
bundok ang karamihan sa mga tubig sa ilog, at mahigit sa kalahati ng sangkatauhan ang umaasa sa
mga bundok bilang pinagkukunan ng tubig.
 Bulkan - isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring
lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na
tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan
sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog
anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng
kumukulong putik at abo.

 Talampas - ito ay may lawak na kapatagan sa tuktok ng isang mataas na anyong-lupa.


Ang mahalagang talampas ng gitnang Siberia (Russia), Mongolia, Tibet, Deccan (India), at
Turkey.

 Disyerto - ay isang bahagi ng lupa kung saan ito ay mabuhangin at meron ding mabato.
Kadalasang matatagpuan ang disyerto sa mga bansang may maiinit na klima tulad ng mga bansa sa
Gitnang silangan. Walang permanenteng mga bahagi ng tubig, hindi dinadalaw ng ulan at hindi
karaniwang tinataniman.

 Kapuluan o Arkipelago - ay isang pangkat ng mga isla o pulo. Ang kapuluan o arkipelago ay
isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na pulo. Panay tubig ang nakapaligid sa isang
pulo.

 Pulo - ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na
napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles.
Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago.

 Tangway o Peninsula - ay isang lupa na napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring


maging tangway ang mga punong lupain (headland), tangos (cape), pulong promontoryo, lupaing
palabas ng dagat, punto o spit. ito ay kalupaang nakausli sa dagat at halos napalilibutan ng
tubig. Ang mahalagang tangway ng Asya ay ang mga
tangway ng Arabia, India, Malay, Indochina,
at Kamchatka.

 Kapatagan - sa Heograpiya ay mahaba, patag at malawak na anyong lupa. Madaling


linangin at paunlarin ang mga pook na kapatagan. Mainam ito sa pagsasaka, Pagtatayo ng mga
kabahayan at paaralan at sa pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga bundok
Ito rin ang pinakamataong uri ng anyong lupa. Dahil sa patag na lupain, mas madaling
magpagawa ng mga lugar na maaaring gamitin ng mga tao. Sa Pilipinas, malalawak ang mga
kapatagan sa Gitnang Luzon gaya ng Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan. Maraming
produkto ang nakukuha rito tulad ng palay, mais, tubo, kamote at iba pang mga gulay. Sa kapatagan
naman ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon ay may malalawak na taniman ng niyog,
kape, pinya, dalandan, mais at palay. Sagana naman sa abaka, papaya, mangga, tubo at mga gulay
sa mga kapatagan ng Negros, Davao, Cebu at Iloilo.

"Vegetation Cover" o Behatasyon ng Asya


 Steppe -
sa heograpiyang pisikal ay isang ekorehiyon na matatagpuan sa mga lugar na may temperaturang
katamtaman at subtropikal sa hilaga at timog ng hemispero. Tampok na katangian ng steppe ay ang
malawak na madamong kapatagan at kapansin-pansin ang kawalan ng mga puno rito, maliban na
lamang sa mga lugar na malapit sa mga katawang-tubig, gaya ng mga ilog at lawa. Maaaring may
katuyuan ang steppe at depende sa latitud at panahon ang uri ng damong tumutubo rito.
Masasabing ang steppe ay medyo tuyot upang magkaroon ng kagubatan, ngunit di-naman gaanong
tuyot upang maging disyerto ito. Ang steppe ay tinutukoy

namang prairie sa hilagang amerika.


 Prairie - Isang malawak na lugar ng relatibong patag na pastulan.

 Savanna - Isang malawak na sukat o lagay ng antas ng lupa na sakop ang paglago ng
halaman na karaniwang matatagpuan sa isang mamasa-masa lupa at mainit-init na klima, - bilang
damo o mga damo, - ngunit salat ng mga puno.

 Taiga - matatagpuan ang klimang ito sa gawing timog ng tundra . Ito ay galing sa salitang
Ruso na nangangahulugang "kagubatan" . Mahaba ang taglamig dito, samantalang maikli lamang ang
tag araw
 Tundra - lugar na hindi katatagpuan ng mga puno kundi ng mga lichen, moss,damo at woody
plant.

 Rainforest - ay mga gubat na mayroong mataas na antas ng pag-ulan. Ang


pinakamababang taas ng pag-ulan kada taon ay tinataya sa 1750–2000 mm (68-78 pulgada).
Ang monsoon trough, mas kilala bilang intertropicalconvergence zone, ay may malaking papel na
ginagampanan sa paglikha ng mga tropikal na maulang gubat ng Mundo.

Mula 40 hanggang 75% ng lahat ng uri sa mundo ay katutubo sa mga maulang gubat.
[1]
Tinatayang milyon-milyong mga uri ng halaman, kulisap at mikroorganismo ang hindi pa
natutuklasan. Ang mga tropikal na maulang gubat at tinatawag na "Hiyas ng Mundo" at "ang
pinakamalaking parmasya", dahil sa dami ng mga likas nagamot na natuklasan dito.[2] Ang mga
mauulang mga gubat ay naglalabas ng 28% ng lahat ng oksiheno ng mundo,[3] sa pamamamagitan
ng potosintesis mula sa karbong dioksido.
Likas na Yaman
Ang ating bansa ay pinagkalooban ng mga likas na yaman. Gaano nga ba kahalaga ang mga ito?
Magmula sa lupa hanggang sa katubigan ay marami tayong mapapakinabangan. Ang mga matataas na
puno sa kagubatan ay tunay na mahalaga. Marami itong mapaggagamitan. Pati na rin ang iba’t ibang
mga nilalang niya dito lang matatagpuan. Ang ating karagatan naman ay biniyayaan ng maraming laman.
Hindi lamang matatabang mga isda ang matutunghayan kundi mga kabibeng nagsisipagkislapan.

Masakit isipin na sa ngayon ay unti- unti na itong naglalaho, kunti na ang dati’y matatayog at
malalagong puno, pati na rin ang iba’t ibang klase ng mga hayop. Maging sa ito’y lumilipad o naglalakad.
Bihira na rin ang mga lamang –dagat na nahuhuli. Ang mas masahol pa ay tayo ring mga tao ang siyang
dahilan ng unti- unting pagkaubos nito. Marami sa atin ngayon ang hindi man lang marunong
magpahalaga sa mga biyayang kaloob sa kanila. Marunong lamang magputol subalit hindi alam
magtanim. Bihasa lang sa panghuhuli pero hindi alam kung paano magpunla. Totoong masakit itong
pakinggan, subalit ito ang katotohanan.

Hindi pa huli ang lahat. Bilang isang kapakipakinabang na mamamayan, marami pa tayong magagawa
para maisalba ang ating kalikasan. Ang pagkilos ay ngayon na, habang may panahon pa. Panahon na
kung saan may mga puno, iba’t- ibang uri ng hayop at isda pang natitira. Hintayin mo pa bang maubos
na talaga ang mga ito?

Halinang magtanim ng maraming puno. Atin ng linangin ang mga lupang tiwangwang at nang ating
mapakinabangan. Iwasan ang paggamit ng dinamita at iba pa na nakakasira sa mga buhay sa ilalim ng
karagatan. Iwanan na din ang pagmimina na oo nga’t may kasaganaang dala, katumbas nama’y
kahindik- hindik na pagbaha. Hindi lamang matinding pagbaha ang maaaring idulot nito, dahil maaari ring
mawala ang buhay ng nakararaming tao. Ang panawagan ko sanang ito ay tumatak sa puso’t isipan
ninyo, lalong- lalo na sa ating mga pinuno. Gawin niyo sana ang inyong tungkulin na ang kalikasa’y
pangalagaan, upang hindi tuluyang malugmok ang pinakaiingat- ingatang yaman na ipinagkaloob at
ipinagkatiwala sa iyo, sa akin at sa ating lahat ng ating mapagpalang Maykapal.

Heograpiya ng Asya
 Ang heograpiya ay ang aral tungkol sa mundo.
 Ang tawag sa agham ng mga lokasyon ng mundo. Nakapokus ita sa distribusyon ng likas na
yaman mga tao sa ibawbaw ng lupa.
 Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa mundo at lahat ng mga nangyayari dito.
 ang heograpiya ay binubuo ng 1/4 na anyong lupa at 3/4 na anyong tubig ng mundo.
 ang heograpiya ay ang pag-aaral tungkol sa mga katangiang pisikal ng daigdig
 Heograpiya ay ang pangunahing pag-aaral ng ang lokasyon, lawak,
pamamahagi, dalas at pakikipag-ugnayan ng lahat ng mga makabuluhang mga
elemento ng tao at pisikal na kapaligiran sao malapit ng ibabaw ng Earth, lalo na
sa mga tampok nito at ng pamamahagi ng mga buhay sa earth, kabilang ang mga
tao buhay at ang mga epekto ng mga tao na aktibidad.

 Klima sa Asya
Tag-lamig
Tag-ulan
Tag-araw
Tag-lagas
Tag-sibol
Ang klima ay pangkaraniwang at pangmatagalang kalagayan at katangian ng panahon sa isang
takdang lugar o rehiyon.

 Dalawang (2) Uri ng Monsoon


Hanging Habagat - Ang hanging habagat ay tinatawag ding southwest moonsoon. Ito
ay nanggagaling sa timog kanluran.

Hanging Amihan - malamig na hangin mula sa timog-kanluran na nagdadala nga


bagyo.

You might also like