You are on page 1of 2

Pamantasan ng Cabuyao

KOLEHIYO NG PAGTUTURO

ABSTRACT NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay binibigyang pansin ang “Kasanayang Nakapag-papaunawa

Sa Komprehensyon Ng Mga Mag-aaral Sa Asignaturang Filipino Ng Southville

Integrated National High School, Lungsod Ng Cabuyao Taong Panuruan 2017-2018”.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng paraang Deskriptiv. Ang metodong ito ay gumagamit

ng mga talatanungan ng naglalayong mapayabong ang pagkaunawa sa komprehensyon ng

mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Itinuon ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa

demograpikong profayl ng mga mag-aaral base sa edad at antas sa larangan ng Panitikan at

Wika. Ang mga estadistikang ginamit sa pag-aaral ay porsyento para sa mga naturang

respondente, weighted mean para masukat ang antas na pag-unawa ng mga mag-aaral.

Naisakatuparan ang pag-aaral na ito sa tulong ng mga mag-aaral simula ika-pito

hanggang ika-sampung baitang ng Southville Integrated National High School. Gumamit ang

mga mananaliksik ng mga talatanungan bilang instrument para sa pag-aaral at ang suliranin

na nakapaloob sa naturang pag-aaral katulad ng lamang sa demograpikong profayl ng

tatlong daan at limpu’t limang (355) na mag-aaral ang naturang respondente.

Ayon sa naging resulta ng pananaliksik, ang mga mag-aaral ay nauunawaan ang Pag-

unawang Literal, Interpretasyon, Mapanuri at Malikhaing Pagbasa sa Asignaturang Filipino.

Naunawaan din ng pag-aaral na ito na hindi malaking aspeto ang antas at edad ng isang mag-
Pamantasan ng Cabuyao
KOLEHIYO NG PAGTUTURO

aaral para sa kanyang komprehensyon. Sa kabuuan ng pananaliksik, inihahayag na ang

kasanayang nakauunawa sa komprehensyon sa Asignaturang Filipino ay ang ilan sa mga

nakakasagabal sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa Southville Integrated Natinal High School.

Base sa pananaliksik, hindi nakakaapekto ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral sa

pag-unawa ngunit may mga pagpapaunlad pang dapat isagawa nang sa gayon ay mas tumaas

pa ang lebel ng komprehensyon sa Asignaturang Filipino ng mga mag-aaral. Makakabuti rin

kung magkakaroon ng mga proyekto na dapat maitatag sa paaralan. Ayon sa hinandang

aksyon plan, iminumungkahi namin na sana maisatupad ito para sa mga mag-aaral sa

paaralan ng Southville Integrated National High School.

You might also like