You are on page 1of 3

Mga Estratehiya sa Pagbasa

glory ann molina Filipino 2

Batay sa interaktibong pananaw ng pagbasa, ito ay nagbibigay ng pangunahing diin sa


paggamit ng dating kaalaman (iskema) at konsepto sa paligid. Ang bawat yugto ng gawaing
pagbasa ay kakikitaan ng aktibong partisipasyon ng mambabasa. Narito ang mga
estratehiya na nagpapakita ng interaktibong pananaw sa pagbasa.

Ang Pinatnubayang Pagbasa – Pag-iisip

Ang Pinatnubayang Pagbasa – Pag-iisip o Direct Reading – Thinking Activity (DRTA) ay


isang estratehiya sa pagbasa na binuo ni Russell Stauffer (1969) kung saan ang
mambabasa ay nagbibigay ng kanilang sariling hula o palagay tungkol sa teksto. Dito
makikita ang tuwirang interaksyon sa pagitan ng mambabasa at ng teksto.

Ang paraang DRTA ay binubuo ng tatlong pangunahing hakbang na inaasahang


magagawa ng mambabasa: (1) pagbibigay-hula, (2) pagbabasa, at (3) pagpapatunay ayon
sa impormasyong nasa teksto.

Ang SQ3R na Estratehiya sa Pagbasa

Ang SQ3Rna estratehiya sa pagbasa ay binuo ni Francis Robinson (1970) na


nangangahulugang Survey, Question, Read, Recite at Review. Ang estratehiyang ito ay
napatunayan nang epektibo upang malinang ang kasanayan sa pagbasa at pag-aaral ng
estudyante. Ito’y angkop gamitin sa mga tekstong ttuluyan o prosa sa panitikan, agham
panlipunan at agham.

Survey (Pagsusuri)

- Ito ang paraan upang masanay ang kaalaman ng estudyane sa mga malalawak na
balangkas, pamagat ng kabanata, simula, paksa, at buod.
- Kailangang malaman ng estudyante kung anong uri ng teksto ang binabasa bago makapili
ng estratehiyang gagamitin.
Mga Hakbang

- Pagtingin muna sa pamagat


- Pagbasa sa Paunang Salita (Introduksyon) ng may-akda sa aklat
- Pagbasa sa simula at lagom ng kabanata
- Pahapyaw na pagbasa

Question (Pagtatanong)

- Ang mga tanong ay nagiging batayan sa pagkuha at paglilinaw ng dahilan ng pagbasa.


- Ang mga tanong na nabubuo ay nagiging batayan sa pagbabalik-aral.
- Ang mga tanong bago bumasa ay makakahikayat upang hanapin ng mga estudyante ang
mga sagot habang sila’y nagbabasa

Mga Hakbang

- Pagsulat sa mga tanong na nalinang bago bumasa, habang bumabasa o pagkatapos


bumasa

Read (Pagbasa)

- Ito’y masusing pagbabasa upang magkaroon ng tiyak na layunin sa pagbasa at malinaw


na bigyan ng kahulugan ang suliraning lulutasin.
- Ito’y maingat ngunit mabagal na pagbasa na binibigyang-diin ang mga alalahaning detalye.

Mga Hakbang

- Pagtuon ng pansin sa mga pangunahing ideya o kaisipan ng teksto.


- Pagsama sa mga pansuportang detalye sa pangunahing kaisipan
- Pagbigay pansin sa mga uri ng ilustrasyon, mapa, tsart, at iba pa
- Pagbalangkas sa binasa

Recite (Pagsagot)

- Ito ay pagsubok saa sarili upang sagutin ang mga tanong na hindi ibinatay sa mga
naisulat. Kapag hindi makasagot ay saka na titingin sa teksto o aklat.
- Ang sariling sagot sa mga tanong ay nakatutulong sa konsentrasyon ng estudyante.
- Iminumungkahi na ang pagsagot ay gawin pagkatapos ng pagbasa.
- Ang pagpapahayag sa sariling salita ay mas epektibo kaysa sa pagsasaulo dahilan sa ang
mga bagong kaalamang galing sa sariling salita’y hindi madaling malimutan.

Mga Hakbang

- Pagbuo ng sariling sagot


- Pagsagot sa sariling salita sa mga bagong kaalaman

Review (Pagbabalik – aral)

- Ito ay isang kritikal na reeksaminasyon tungo sa pag-uugnay ng nilalaman at sa


paglalahad.
- Ang pag-aaral ay hindi kumpleto hanggang hindi nailalagay sa isipan at kailangang
matandaan ng mga estudyante ang mga natutuhan. Ito’y nagagawa sa pamamagitan ng
pagbabalik-aral.

Mga Hakbang

- Sariling pagsulat
- Pagsagot sa mga tanong
- Pagtatalakay
- Paglalagom
- Paulit na pagbasa

You might also like