You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

SEPTEMBER

I. Layunin
1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng awiting bayan.
2. Nauunawaan ang kahalagahan ng awiting bayan.
3. Nakagagawa ng sariling bersyon o akda ng awiting bayan.

II. Paksang Aralin


A. Paksa
 Mga Akdang Pampanitikan: Panitikang Bisaya
 Mga Bulong at Awiting Bayan
B. Kagamitang Panturo
 Sanggunian: Rex Supplemental Lesson pahina 21-26
 Gabay Pangkurikulum Mayo 2016
 Manila Paper, Laptop at Speaker

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Pambungad na Panalangin
 Pagbati
 Pagpuna sa kalinisan ng silid-aralan
 Pag-uulat/Pagtatala ng liban
 Pagbabalik-aral
B. Pagganyak
 Ipapaawit sa mga mag-aaral ang “Kung Ikaw ay Masaya” ng may aksyon at saliw ng
tugtog.
C. Paglalahad
 Pamilyar ba kayo sa mga awitin na katulad ng napakinggan?
 Pangkatin ang mag-aaral sa lima (5) at magpakita ng ng awiting alam ninyo kagaya ng
inawit. (Hal. Leron leron Sinta, Sitsiritsit, Bahay Kubo at Ang Maliit na gagamba)
D. Pagtatalakay
1. Alam ba ninyo kung anong panitikan ang inyong inawit?

Angmga Awiting Bayan ay mga awit ng mga pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay
kinakanta at inaawit pa rin.

Mga Uri ng Awiting Bayan:


 KUNDIMAN – awit ng pag-ibig
 KUMINTANG o TAGUMPAY – awit ng pandigma
 DALIT o IMNO- awit sa diyos-diyosan ng mga bisaya
 OYAYI o HELE – awit ng pagpapatulog ng bata
 DIONA – awit sa kasal
 SULIRANIN – awit ng mga manggagawa
 TALINDAW – awit sa pamamangka
 DUNGAW – awit sa patay
E. Paglalahat
 Bakit mahalagang pag-aralan o matutunan natin ang mga awiting bayan?
F. Paglalapat
 Sumulat ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng panitikan katulad ng
Awitiing Bayan.

IV. Takdang Aralin


Magsaliksik ng iba pang mga Awiting bayan. Ilagay ito sa Big Notebook.

You might also like