You are on page 1of 1

Kailangan nga ba ng ating bansa ang Federalismo?

Kumpara sa mga bansang nagpatupad ng Federalismo tulad ng lamang ng bansang USA at India ang
konstitusyon na mayroon tayo ngayon ayon sa mga eksperto ay higit na maganda, maayos at makatao.
Kaya naman bakit pa natin itong kailangan baguhin? Sa pagpapatupad nito ay magdudulot lamang ng
kalituhan sa nakakarami at maaring magbunga pa ng madaming suliranin.

Nangunguna nga diyan ang pagsasarili ng mga estado na magiging sanhi ng kawalan ng pagkakaisa at
magkakaroon ng kompetensya ng mga estado. Halimbawa na nga ang Makati na kilala sa
modernasisasyon habang ang Nueva Ecija naman ay sa larangan ng Agrikultura.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi ito dapat mapatupad, ang malaking posibilidad na paghiwalay ng
Mindanao sa bansa. Dulot ng federalismo magkakaroon ng sariling pamahalaan ang bawat estado na
gagawing daan ng mga Bangsamoro sa Mindanao upang mapahiwalat ang Mindanao sa bansa.

Sapagkat mayroon nang sariling pamahalaan ang bawat estado ay magkakaroon ng ibat ibang batas. Ito
hindi maganda dahil magiging sanhi ito ng mga alitan sa mga batas at paniniwala, at ng estado at
pamahalaan.

Pagnapasa ang federalismo sa ating bansa tinatayang magkakaroon ng labing isang estado, sa isang
estado napakadaming lungsod at lalawigan ang masasakop at isang isang gobernador lamang ang
mamumuno nito. Sa kasalukuyan ang mga lungsod ay pinamumunuan ng mayor ay hindi pa matutukan
ng maayos paano pa kaya ang gobernador na napakalaki ang masasakupan.

Sinasabi na ang federalismo ang susi sa pagunlad ng ating bansa. Ito ay isang hakbang tungo sa
pagbabago. Ngunit handa na ba angating bansa sa ganitong pagbabago? Kaysa pagtuunan ng pansin ang
pagbabago ng konstitusyon bakit hindi ituon sa paresolba ng korapsyon sa pamahalaan. Hindi natin
tunay na makakamit ang pagbabago kung ang ating pamahalaan mismo ay may nagaganap na
katiwalian. Kung gusto natin ng pagbabago kailangan muna nating baguhin ang sarili. Dahil ang
pagbabago ay nasisimula sayo. Hindi sa pamahalaan at hindi sa pagbabago ng konstitusyon.

You might also like