You are on page 1of 4

Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito… Oh, pag-ibig,

hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Kayang isuko ang lahat, madama ka lamang.
Kapag tumibok ang puso, lagot ka na, siguradong huli ka… Ang istoryang ito ay hango
sa karanasan ng isang diwata na pinangalanang Piganun, ang diwata na binabalot ng
kakaibang alindog. Istoryang puno ng pag-iibigan, kataksilan, at karupukan.

“Salamin, salamin, sino ang pinakamaganda sa buong lupain? Ako. Si Piganun na


ang kulay ng buhok ay mas madilim pa sa gabi, mga matang makinang pa sa araw at
bituin, kutis na mala-porselana, at pigurang kayang paluhurin ang lahat, ito’y masilayan
lamang. Ngunit, bakit walang may nakakakita sa ganda ko? Lagi na lang akong
naiiwanan.”

Bagamat puno ng ganda, si Piganun ay bigo pa rin sa pag-ibig. Gayunpaman,


palaban ang ating diwata. Hinding hindi susuko sa paghahanap ng kaniyang
makakatuluyan. Hanggang isang araw…

“Oh, napakaganda naman ng gising ko. Ang araw na dumurungaw sa aking bintana
ay pinaiinit ang aking perpektong katawan. Ahhh-ng sarap. Teka, teka. Sino yung
matipuno at makisig na lalaking iyon na aking nakikita? Isang mortal? Di na bale! Basta
pwede na maging daddy ko.”

Alam niyang bawal ang magkaroon ng relasyon sa isang mortal ngunit wala tayong
magagawa kapag ang isang tao, este diwata, ay gutom, uhaw, at nangangati ang puso.

“Hey, what you ‘doin? Ako nga pala si Alyanna. Single, not just ready to mingle,
pero pwede na rin mag-intermingle.”

“Hello, ako si Cardo Martin. Isang probinsyano, pero tatlong taon na ako dito sa
City. Dati akong macho dancer, ngayon isang construction worker na.”

“Uhmm, Sakto lang, Cardo, I don’t want a boy, I need a man. Grrr.”

At ganun ganun lang, naging si Cardo at Piganun na nagpapanggap bilang Alyanna


na. Sa kanilang first date, tumikim sila ng iba’t ibang pagkain sa kanilang lugar.
Tinikman nila ang batchoy, biscocho, at isa’t isang tinikman ang pancit molo. Tumagal
naman sila ng tatlong buwan.

Ngunit habang namamasyal ang dalawa sa Esplanade may nalamang sikreto si


Piganun tungkol sa mahal niyang si Cardo.

“Babe, CR muna ako ah, diyan muna sayo cellpun at wallet ko ah” Habang sinagot ni
Cardo ang tawag ng kalikasan…
“Tagal naman ni Bebe luvs, selfie nalang muna ako. Ahh, ganda ko talaga… teka,
sino ang babaeng to?”uu
*ting*
“Chalk mi dadi. Miss you.”

“Uy, Alyanna.”

“Babe, ano to? Ha? Sino ang babaeng ito? Hm? Hoy, sagutin mo ako Ricardo
Martin!”

“Ah, eh. Di ko yan cellphone. Akin na nga at itatapon ko.” Sabay tapon ng cellphone
sa ilog.

“Ayan na babe, wala na ha. Wala kang cellphone na nakita. Bati na tayo di ba?”

“Ay wala ba? Oh, baka ilusyon ko lang yun. Hehe, malakas ka kasi sa ‘kin Bebe
Luvs.”

Talaga namang matalino at hindi nagpapaloko ang ating bida, noh? Hay, pag-ibig,
bakit mo binubulag ang mga kawawang nilalang na ito? Pero buti nalang at dumating ang
araw na siya’y naliwanagan na.

“Oh! Excited na ako sa surprise ko kay Cardo para sa birthday niya.” Bubuksan na
sana ni Piganun ang pintuan hanggang sa,.

“Hahaha. Huwag diyan may kiliti ako diyan.” Mahinang bulong ni Cardo sa loob ng
kwarto. Nagtaka si Piganun kung sino ang sinasabihan ng Cardo ng ganoon.

“Ayos lang yan. Birthday mo naman.” Laking gulat ni Piganun na may sumagot na
boses ng isa pang lalaki! Hindi na nakapagpigil si Piganun at sinira niya ang pinto.

“Mga taksil, ang bababoy niyo. Pinagkatiwalaan kita Cardo tapos ito lang ang
igaganti mo sa akin? Hindi pa ba sapat yung nagmaang-maangan ako na hindi ko nakita
na may iba kang babae, tapos ngayon lalaki naman? Ano to buffet? Tikman lahat ng
putahe. Unli rice. Cardo, Mang Inasal lang yan, ako, Vikings!

Umuwi nang nasasaktan at punong-puno ng galit, poot, at suklam si Piganun sa lahat


ng mga tao. Hindi siya lumabas ng kaniyang kwarto ng isang buwan para maghilom ang
kaniyang sugat. Ang tanong naghilom nga ba?

“Ngayon ko lang nalaman, na ang kailangan ko lamang ay ang aking sarili.


Kailangan kong mahalin muna kung sino ako at sa paraang iyon ay malalaman ko kung
hanggang saan ang aking potensiyal. Ngunit para sa mga taksil na mortal, isinusumpa ko
na kayong lahat ay magiging marupok.”

At doon nagsimula ang karupukan ng mga tao. At ang pagkilala ng pinakaunang


marupok na Diyosa sa kaniyang sarili. O siya, iiwan ko na riyan ang kwento dahil
makikipagtagpo pa ako sa aking ex-boyfriend. Mwah.

You might also like