You are on page 1of 1

Azares, Ahleeyah Luan R.

ARALING PANLIPUNAN
Grade 2- Archdiocese of Davao

KILALANG BANTAYOG SA KOMUNIDAD

Isa sa mga kilalang bantayog ay ang estatwa ni Lapu-Lapu. Si Lapu-Lapu (nakilala noong 1521) ay isang Datu sa pulo
ng Mactan, isang pulo sa Cebu, Pilipinas, na nakilala bilang pinakaunang katutubo ng kapuluan na lumaban sa pananakop ng
mga Kastila. Siya rin ang dahilan ng pagkamatay ng manlalakbay na si Fernando Magallanes. Itinuturing siya bilang
pinakaunang bayaning Pilipino.

KASAYSAYAN

Ang Labanan sa Mactan (Sebwano: Gubat sa Mactan) ay naganap sa Pilipinas noong 27 Abril 1521. Natalo ng hukbo
ni Lapu-Lapu, datu ng Pulo ng Mactan, ang mga kawal na Kastila sa pamumuno ng Portuges na kapitan at eksplorer na
si Fernando Magallanes. Napatay ng mga tribung sundalo si Magellan, na nagkaroon ng alitang pampolitika at pagkakaribal
kasama si Lapu-Lapu. Noong 16 Marso 1521 (kalendaryong Kastila), natanaw ni Magellan ang mga kabundukan ng
ngayo'y Samar habang nasa isang misyon upang hanapin ang pakanlurang ruta sa mga kapuluang Maluku para sa Espanya.

You might also like