You are on page 1of 3

Mga Salik na Nagdudulot ng Pagtaas ng Lebel ng Anxiety o

Pagkabalisa sa Pag aaral ng Matematika ng mga Mag-aaral sa STEM


Fidelis Senior Highschool
I. Rasyunale

Sa kasalukuyan pag-aaral, isinaad ni Daniel Willingham, isang kognitibong siyentipiko,


sa kanyang akda na “Why is math so hard for many”, na ang marami sa mga mag-aaral ay
inaayawan ang asignaturang matematika dahil sa pagka komplikado at pagka abstrak ng mga
pinag aaralan ditto, kinakailangan ng lohikal na pag iisip at mataas na antas ng intelektwal
upang maging madali ang pag unawa sa asignaturang ito. Samantalang, ayon naman sa
National Numeracy, sanggunian ng buong bansa, ayon sa kanilang survey noong 2012, mula
sa 2000 na respondente na kanilang nagamit, nasa 50 porsyento na katao ang may mahinang
pag iisip pagdating sa larang ng mga numero.

Matematika, ay ang asignaturang sumasaklaw sa pag-aaral ng mga numero, hugis, sukat,


at iba pa, binubuo ito ng mga komplikadong ekwasyon na kinatatakutan ng karamihan sa mga
mag-aaral. Marami sa mga estudyante ngayon, sa oras na makakita lamang ng numero o
ekwasyon ay labis na kaba na ang nadarama, na nagiging dahilan upang hindi na masagutan
ang mga inihaing problema. Sa oras na sila ay tanungin na may relasyon sa Matematika, labis
na takot ang bumabalot sakanila, lalong lalo na kapag guro ang kaharap nila. At ang mga
kaba, takot, at pagkamuhi na kanilang nadarama ay tumutukoy sa “anxiety” o pagkabalisa.
Sa artikulong, “Overcoming Math Anxiety” na isinulat ni Tobias, S. noong 1993, ang
pagkabalisa na ito ang labis na nakakaapekto sa kanilang pag iisip at abilidad nilang
magsagot ng mga ekwasyon sa Matematika ay tinatawag na “Math Anxiety”.

Isa sa mga datos at impormasyong aming nakalap, inilahad sa isang arituko ni Dr. Ken
Shore, na pinamagatang “Classrom Problem Solver: Math Anxiety”, ang mga estudyante na
labis na nababalisa sa larang ng matematika ay sanhi ng kanyang nagsisilakbong damdamin,
na nagdudulot ng pagkaparalisa sa mentalidad ng isang tao, ang kanilang utak ay hindi
makatakbo o makapag isip ng ayos sa tuwing nakikipagtuos sa Matematika.

Ang pag-aaral na ito maaaring maging sandigan ng mga mag-aaral na matinding


nahihirapan sa Matematika, bilang lipon ng mga impormasyon patungkol sa mga sanhi ng
pagkabalisang nadarama sa oras ng pagsasagot ng mga ekwasyon at numero. Ang mga
makakalap sa papel na ito ay magsisilbing gabay upang mapag planuhan kung paano
mapapawi ang nadaramang takot, kaba, at hinanakit ng mga mag aaral sa Matematika.

II. Layunin

A. Pangkalahatang layunin
Malaman ang mga salik na nagdudulot ng pagtaas ng lebel ng pagkabalisa ng mga
mag-aaral sa STEM Fidelis Senior Highschool sa tuwing nag aaral ng asignaturang
Matematika.

B. Mga tiyak na layunin

1. Matukoy ang mga paraan sa pagharap ng mga problema sa Matematika ng mga mag-
aaral sa STEM Fidelis Senior Highschool
2. Mailahad ang mga perspektibo, opinyon, at pati na rin ang hinaing ng bawat mag-
aaral pagdating sa larang ng Matematika
3. Matuklasan ang mga dahilan kung bakit nahihirapan at nababalisa sa pag aaral ng
Matematika ang mga mag-aaral sa STEM Fidelis Senior Highschool

III. Metodolohiya

Ang isasagawang konseptong papel ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng


pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mga
mananaliksik na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng
talatanugan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mga
mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali
ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.Ang disenyo ng pag aaral ay
deskriptibo na naglalayon na ilarawan ang mga salik na nagdudulot ng pagkabalisa ng
mga mag aaral pagdating sa asignatura ng Matematika, Ilalarawan rin dito ang mga sanhi
na nagdudulot sa mga mag-aaral upang mahirapan at mabalisa sa pag-aaral ng
Matematika, at magbigay linaw sa kaisipan ng mga mambabasa sa mga perspektibo ng
bawat mag-aaral sa nasabing asignatura, mula samga STEM Fidelis Senior highschool.

Ang mga napiling kalahok sa konseptong papel na ito ay ang mga mag-aaral sa
pangkat ng STEM (Science, Technology, Engineering, and Mathematics) sa FIDELIS
Senior Highschool taong panuruan 2016-2017 sa institusyon ng First Asia Institute of
Technology and Humanities sapagkat sila ay may dalawang pangunahing asignatura na
sangay ng Matematika kumpara sa ibang mga pangkat. Ito ay kabibilangan ng 50
respondente, at ang bawat isa ay pipiliin base sa kanilang grado sa Matematika.

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng mga survey at kwestyoneyr upang


makapangalap ang mga mananaliksik ng mga datos at impormasyon patungkol sa
kalagayan ng mga mag-aaral sa STEM Fidelis Senior Highschool pagdating sa kanilang
pag aaral sa Matematika. Gamit rin ang mga instrumento na ito ay aalamin ang mga
perspektibo, mga pamamaraan na ginagamit sa pagharap ng problema sa pag-aaral ng
Matematika, at mga sanhi na nag uudyok na mabalisa sa pagharap sa Matematika ang
mga mag aaral ng STEM Fidelis Senior Highschool.
VI. Inaasahang Bunga

Inaasahan sa konseptong papel na ito na malaman ang mga salik na nagdudulot ng


pagtaas ng lebel ng pagkabalisa ng mga mag-aaral. Matukoy rin ang mga paraan sa
pagharap ng mga problema sa Matematika ng mga estudyantel at mailahad ang mga
perspektibo, opinyon, at pati na rin ang hinaing ng bawat mag-aaral pagdating sa
nasabing asignatura. At panghuli, matuklasan ang mga dahilan kung bakit nahihirapan at
nababalisa sa pag aaral ng Matematika ang mga mag aaral sa STEM Fidelis Senior
Highschool.

You might also like